Dalawang linggo mula no'ng tanggapin ko ang alok ni Azellus na i-enjoy namin ang company ng isa't isa. Sabi nga niya, hindi ko kailangan mag-overthink kapag kasama ko siya.. dahil sabi nga niya ulit, mahal niya ako at ako, inlove na sa kaniya. Ayoko ng itanggi dahil nakakapagod tumanggi lalo't napaka-kuli ni Azellus. Kaya nga nitong mga nakaraang araw ay lagi akong may load-dahil sa kaniya. Lagi kaming magkatext o kaya ay magkausap sa phone. Nakausap ko na rin siya ng maayos na hindi na niya kailangang lumipat dito sa Manila para lamang sa akin at sumunod naman siya sa akin. Ayoko lang may masabi ang pamilya niya. Sayang din kasi, naroon naman sa Laguna ang mga kaibigan niya at handan niyang iwan para sa akin. Baliw talaga. "Louise, beastmode na naman ang boyfie mo. Nakakailang ring na a

