Kabanata 13 Faneya HINDI ko namalayan na nakatulog na pala ako sa malamig na semento. Umupo ako galing sa pagkakahiga kaya naman nakaramdam agad ako ng p*******t ng katawan. Damn. Tumayo na ako. Maglalakad na sana ako ngunit natigilan ako. Naalala ko na bumalik na nga pala sa orihinal ang aking mukha. Ibig sabihin walang nakakakilala sa akin dito bilang isang Seri Dalla. Anong gagawin ko? Binuksan ko ang pinto at nakita kong maliwanag na. Kung magteleport nalang kaya ako pabalik sa dorm? Ginulo-g**o ko ang aking buhok sa sobrang pagka-inis. Dahil wala na akong choice ay nagteleport na ako papuntang dorm kahit hindi ko alam kung nandon pa ba si Narnia o wala. Napahinga naman ako ng maluwag ng makita kong walang tao sa dorm. Ibig sabihin pumasok na si Narnia. Agad akong kumuha ng dam

