Kabanata 1
NAKATINGIN lang ako sa labas ng bintana. Malakas ang bugso ng hangin at ulan. Ang punong nakikita ko sa di kalayuan ay sumasayaw sa ihip ng malakas na hangin at ang berdeng dahon nito ay naglalaglagan.
"FANEYA URIESE VENELO!"
Kumunot ang noo ko at nawala ang aking atensyon sa labas ng building. Bumuntong hininga ako ng makita ko ang namumulang mukha ng aming guro na kasalukuyang nagtuturo. Hindi alintana ang bagyo sa mga oras na ito.
"What do you want?" nakataas na kilay kong tanong sa matandang babae na ngayon ay umuusok na ang ilong sa galit.
"How dare you to talk like that! I am your teacher!" bulyaw nito sa akin at mahigpit na nakahawak sa libro.
Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko naman ang mga kaklase ko na tila nasisiyahan sa kanilang nasasaksihan. Hindi ko alam kung dahil ba ayaw nila sa akin o ayaw nila sa gurong nasa harapan.
"Bakit mo ako tinawag?" naiinip na tanong ko dito.
"You are not paying attention to my lesson. I called your name many times but you didn't even heard it"
Wrong. I heard you. I just don't care.
"Sorry for that" labas sa ilong kong paghingi ng pasensya. Hindi lang naman kasi ako ang hindi nakikinig sa kaniya. I am aware of the fact that half of my classmates are not listening. Hindi ko nga lang alam kung bakit ako ang napansin niya.
"I don't accept sorry Ms. Venelo. Come here and take this" wika niya at winagaywag ang papel.
Tumayo naman ako at hindi na pinansin pa ang bulungan ng mga kaklase ko. Alam ko at alam din nila kung para saan ang papel na iyon. Kinuha ko ito sa kamay niya at agad bumalik sa aking upuan.
'Detention Slip'
Walang sabi-sabi na pinunit ko ito at inilagay sa ilalim ng desk. Hindi ako pwedeng umuwi ng late dahil kay Lola. Kung pwede naman na takasan ko ang detention at gagawin ko. Hindi naman ako ganon kabait at lalong hindi ako masunurin.
Matapos ang huling klase ay agad kong inyos ang aking gamit. Kinuha ko ang coat na nakalagay sa aking likod ng upuan at sinuot iyon. Napasilip naman ako sa bintana at ganon pa rin ang lakas ng ulan. Hindi suspendido ang klase kahit na may bagyo dahil hindi naman bahain ang lugar namin.
Lumabas ako ng classroom at naramdaman ko agad ang mga matang nakatitig sa akin. Hindi na bago sa akin ang pakiramdam na tinititigan. Nasanay na rin siguro ako sa kanilang pagtrato sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako naging sikat pero isang araw nalaman ko nalang na kilala na pala ako ng buong estudyante sa paaralan.
'She's really a walking doll'
'Talaga bang walang pinaretoke ang babaeng yan?'
'Dude, lapitan mo na'
'May boyfriend na kaya siya'
'Bakit kaya hindi siya nangiti'
'She's really scary. Napakaseryoso niya lagi'
'Sshh. Baka marinig ka niya'
Bumuntong hininga ako at hindi nalang pinansin ang mga matang nakatutok sa akin. Maging ang mga bulungan nila ay iwinaksi ko na lamang sa aking isipan at umaktong walang kahit na ano mang naririnig.
Pumara ako ng taxi paglabas ko ng gate. May hawak akong payong sa kaliwang kamay at gamit ang aking kanang kamay ay walang tigil akong pumapara ng taxi.
Makalipas ang ilang minuto na wala pa rin tumitigil na taxi. Napatingala ako sa kulay abong kalangitan. Kumukulog at kumikidlat. Ilang minuto akong nakatayo sa gilid ng kalsada ng mapagpasyhan kong maglakad dahil wala ng sasakyan ang dumadaan at kanina pa dumilim.
Dali-dali akong naglakad kahit aabutin ako ng trenta minutos sa paglalakad pauwi. Malakas na humahampas sa akin ang hangin at ang payong na hawak ko ay muntik ng bumigay. Basang basa na din ang suot kong black shoes.
"s**t" mura ko ng tuluyan ng liparin ang bubong ng hawak kong payong at ang hawakan nalang ang tanging natira.
Halos tumakbo ako dahil pakiramdam ko ay mas lalo pang lalakas ang ulan. Buti at wala ng pasok bukas dahil sigurado akong aabutin pa ng ilang araw ang bagyo.
Napatigil ako sa pagtakbo ng mapadako ang tingin ko sa isang mapunong lugar. Walang mga bahay at sa tingin ko ay walang nagagawi dito. Nagshort cut ako kaya naman ay nadaanan ko ang mapunong lugar na aking nakikita.
Napapikit ako ng may lumabas na nakakabulag na liwanag sa kung saan. Nagmulat lang ako ng mata ng namalayan kong nawala ang nakakabulag na liwanag na iyon. Kumunot ang noo ko ng makita ko ang isang bagay na patuloy na kumikislap. Hindi ko ito mawari dahil malayo ako dito.
Luminga-linga ako sa paligid at tanging ako lang ang tao dito. Naglakad ako papasok sa mapunong lugar upang tingnan kung ano man ang bagay na walang tigil sa pagkislap.
Nang makalapit ako dito ay agad akong yumuko upang pulutin ito. Napatitig naman ako dito ng pamasakamay ko na ang bagay. Pinagmasdan kong mabuti ang bagay na kumikislap at nang mapagtanto ko ay isa pala itong dyamante at kasing laki lang ito ng maliit na bato.
Wala itong tigil sa pagkislap. Inilapit ko pa ito sa aking mukha dahil may nahagip akong letra na nakaukit sa dyamanteng hawak ko.
"What the hell is this?"
Kunot-noo kong tanong sa aking sarili dahil hindi ko mawari kung ano ba ang nakaukit na iyon dahil masyadong maliit. Hindi nga rin ako sigurado kung letra ba yon o hindi.
"I'll keep you" seryoso kong sabi habang nakatitig sa dyamante.
Ilalagay ko na sana ito sa bulsa ng aking coat na suot ng bigla itong lumiwanag sa aking mga kamay. Napapikit akong muli dahil sa nakakabulag na liwanag na nilalabas ng dyamanteng hawak ko.
"A Body without a Soul,
Live but shall Die,
Soul with a Heart,
You are the one"
Naimulat ko ng wala sa oras ang aking mga mata ng marinig ko ang kakaibang tinig na iyon. Halos magtaasan ang aking balahibo sa katawan ko ng marinig ang isang boses ng babae na tila may isinusumpa.
'Where the heck it came from?'
Nawala ako sa aking sariling pag-iisip ng lumutang bigla ang dyamante sa kamay ko. Nanlalaki pa ang aking mga mata dahil hindi ko ito inaasahan. Naniniwala ako na lahat ng bagay ay possibleng mangyari. Iyon ay dahil sa aking Lola. Hindi ko aakalain na makakakita ako ng napakaimposibleng bagay. I should never doubt my Lola.
Kasabay ng malakas na paghampas ng hangin sa aking katawan ang biglang paggalaw ng dyamante papalapit sa akin habang hindi nawawala ang liwanag na pumapalibot dito.
Natataranta ako ng bigla itong pumasok sa aking damit. Sa bandan taas at gitna ng aking dibdib. Pinagpagan ko ang aking suot na damit upang ito ay mahulog. Kumulog ng malakas kaya naman mabilis akong tumakbo upang makauwi na ako. Sa bahay ko nalang titingnan kung saan sumuot ang dyamante na iyon.
"I'm home" sigaw ko nang makapasok ako sa bahay namin ni Lola.
Nakita ko naman si Lola na nakaupo sa sofa at nanonood ng balita sa T.V. Agad siyang napalingon sa akin at agad na tumayo. Hirap na ito sa paglalakad dahil 82 years old na ito.
Nang makalapit sa akin si Lola ay walang sabi-sabi na hinampas ako nito sa may pwet kaya naman napakunot ang noo ko.
"Anong problema niyo Lola?" Takang tanong ko dito. Sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Bakit ngayon ka lang ha? Alam mo naman na may bagyo. Ikaw talagang bata ka" singhal nito at pinalo muli ako sa aking pwet kaya naman lumayo na ako kay Lola.
"Malaki na ako La, kaya ko na ang sarili ko. Ikaw ang mag-alala sa kalagayan mo La, matanda kana at uugod-ugod" sabi ko habang naglalakad papuntang banyo. Sinundan naman ako ni Lola.
"Hindi pa ako matanda Faneng, tingnan mo yang sarili mo. Basang-basa ka ng ulan. Pag ikaw nagkasakit sinasabi ko sayong bata ka. Malilintikan ka talaga sa akin" nakapameywang na sabi sa akin ni Lola.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ang aking Lola na mukhang nangangalay na sa pagtayo kahit ilang minuto palang itong nakatayo. Look who's talking that she's not old.
Ngumisi lang ako kay Lola at humalukipkip sa kaniyang harapan.
"Tanggapin mo na La na matanda kana. Umupo ka nalang don sa sofa dahil mukhang bibigay na yang tuhod mo sa anumang oras ngayon" sabi ko dito at kita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Lola na para bang may mali sa sinabi ko kaya naman napakunot ang noo ko.
"Faneng, alam mong may mga bagay na imposible pero posibleng mangyari"
Napairap naman ako sa ere dahil nagsisimula na naman siya sa bagay na posible at imposible. Hindi ko alam kung bakit ako naniniwala sa kaniya. Siguro ay dahil matanda na siya at siya ang aking Lola.
Pumasok bigla sa aking isipan ang nangyari kani-kanilang. Tama nga ang aking Lola. Impossible things might be possible.
"Hindi pa ako matanda. Nililinlang ka lang ng mata mo. Matagal na kitang pinangangaralan tungkol sa mga bagay na kailangan mong malaman. Hindi ka pa rin natututo"
Hindi ko na pinansin pa si Lola at pumasok na sa banyo dahil nilalamig na ako. Agad kong hinubad ang aking basang coat at uniform. Nakangiwi ako habang sinusuklay gamit ang kamay ko ang aking hanggang bewang na buhok. Maganit iyon dahil sa ulan.
Napatingin naman ako sa salamin na hanggang halfbody. Agad nanlaki ang mata ko dahil sa aking nakikita. Paanong? Bakit?
Dali-dali akong naligo. Matapos kong maligo ay nagtatakbo ako papuntang kwarto habang nakatapis lang. I can't let Lola see what I have. Gusto ko man magtanong pero may pumupigil sa akin na hindi ko alam.
Bumaba ako upang kumain dahil tinawag na ako ng aking Lola. Habang kumakain ay napapatitig ako ng wala sa oras kay Lola.
"Faneng, matutunaw ako sa pagtitig na ginagawa mo" sabi ni Lola ng hindi ako tinatapunan ng tingin.
Bumuntong hininga naman ako. Simula pagkabata ay lagi akong sinasabihan ni Lola na totoo ang lugar kung saan mayroong kakaibang nilalang at mga taong may kakaibang kakayahan at abilidad.
"La, diba sabi mo galing sa ibang mundo ang magulang ko? Bakit tayo nandito?" pagbubukas ko ng usapan. Hindi naman nagulat si Lola sa tanong ko at tila ba normal lang sa kaniyang pag-usapan ang mga bagay na hindi ordinaryo.
"Iyon ba? Pinatapon kasi ang iyong ama at ina dito sa mundo ng mga mortal bilang kaparusahan. Nasabi ko na ito sa iyo nung bata ka pa" parang tamad na tamad na wika ni Lola. Hindi ko natatandaan dahil sa dami ng kaniyang kwento. Hindi naman ako makakalimutin para makalimutan yon.
"Bakit ikaw ang nag-aalaga sa akin" tanong ko pa dito. Bumuntong hininga naman si Lola na tila ba nagpipigil ng inis. Kumunot naman ang noo ko. Don't tell me nasabi niya na rin sa akin ang bagay na iyon.
"Hindi ka talaga nakikinig sa akin na bata ka. Lahat ng bagay ay nasabi at nakwento ko na sa iyo. Hindi ko alam na lampas tenga pala ang lahat ng sinabi kong mahahalagang bagay sa iyo" hindi makapaniwalang pahayag ni Lola. Napangiwi naman ako. Ganon ba? Hindi kasi ako interesado. Naniniwala lang ako sa isang bagay na sinabi niya at talagang tumatak sa isip ko. Ito ay lahat ng imposible ay pwedeng maging posible.
"Sorry na. Sagutin mo nalang ang tanong ko" naiinip kong sabi kay Lola dahil mukhang gusto pa niyang magdrama.
"Dahil nga namatay ang magulang mo at hindi kinaya ang lugar na ito"
Kumunot naman ang noo ko dahil sa tinuran ni Lola. Hindi kinaya ang lugar na ito? Anong ibig niyang sabihin?
"Para sa katulad ng mga magulang mo, ang mundo ng mga normal na tao ay delikado dahil sa kakaibang enerhiya at takbo ng mga bagay-bagay. Isang taon matapos nilang mapunta sa mundo ng normal ay namatay sila. Ilang buwan ka na non at hinabilin ka nila sa akin" pagkukwento ni Lola. Napaisip naman ako at agad nangunot ang aking noo.
"Bakit buhay pa tayong dalawa kung kauri natin sila?" nagtataka kong tanong. Si Lola ay ina ng aking ama ibig sabihin ay sumunod siya sa mga ito.
"Dahil dito ka pinanganak. Tungkol naman sa akin? Mabilis na katandaan ang katumbas ng pagtira ko dito"
Hindi man ako satisfied sa sagot ni Lola ay tumango nalamang ako. Kung nay makakarinig sa pinag-uusapan naman ni Lola ay nalamang napagkamalan na kaming mga baliw. Nasanay na rin naman ako sa mga lumalabas na kakaibang bagay sa bibig ni Lola.
Siguro ay upang hindi ko makalimutan ang pinanggalingan ko kaya simula pagkabata ay iyon na ang kaniyang bukambibig. Nagtagumpay naman siya dahil naniniwala talaga ako sa sinasabi ng aking Lola.
Itutuloy...