Entasia Akademia: The Absolute

304 Words
Entasia- Ang mundo kung saan namumuhay ang mga taong may kakayahan na kontrolin ang elemento ng apoy, tubig, hangin at lupa at may kakaibang abilidad. Ang mundo ng Entasia ay nahahati sa limang kontinente: Kontinente ng Pyros- lugar kung saan naninirahan ang mga taong may abilidad na magpalabas ng elemento ng apoy sa katawan. Kontinente ng Aeryos- lugar kung saan naninirahan ang mga taong kayang magpalabas ng elemento ng hangin sa katawan. Kontinente ng Akwaryos- lugar kung saan naninirahan ang mga taong kayang magpalabas ng elemento ng tubig sa katawan. Kontinente ng Landyos- lugar kung saan naninirahan ang mga taong kayang magpalabas ng elemento ng lupa sa katawan. Kontinente ng Entayos- lugar kung saan naninirahan ang taong namumuno sa buong Entasia kasama ang iba't ibang uri ng nilalang katulad ng dwende, cerberus, centaur at iba pa. Ang Antas ng pamumuhay sa mundo ng Entasia ay nahahati sa tatlo: Maharlika- Ang pinakamataas na antas ng pamumuhay. Dito nabibilang ang mga dugong-bughaw at pamilya ng mga ministro sa isang kontinente. Manhara- Ang nasa gitnang antas ng pamumuhay. Dito nabibilang ang mga mayayamang tao na hindi kabilang sa dugong bughaw o taong walang kahit na anong koneksyon sa mga ministro at iba pang nakakataas. Minhana- Ang pinakamababang antas ng pamumuhay. Dito kabilang ang mga alipin ng isang pamilya at taong mahihirap at walang kaya. Entasia Akademia- Ang pinakamalaking paaralan sa Entasia. Ito ay matatagpuan sa gitna ng limang Kontinent at kasing laki ng isang bayan. Maharlika at Manhara ang karamihan sa estduyanteng nabibilang sa akademia at iilan lang ang maswerteng Minhana ang nakakapasok. -- THIS IS A WORK OF FICTION. NAMES, CHARACTER, BUSINESSES, PLACES, EVENTS AND INCIDENTS ARE EITHER THE PRODUCTS OF THE AUTHOR'S IMAGINATION OR USED IN A FICTITIOUS MANNER. ANY RESEMBLAMCE TO ACTUAL PERSON, LIVING OR DEAD, ACTUAL EVENTS IS PURELY COINCIDENTAL. PLAGIARISM IS A CRIME READ AT YOUR OWN RISK
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD