Malakas ang ulan habang tumatakbo sila sa madilim na gubat. Sandali pang nadadapa si Megumi pero naroon agad si Kaito para hilahin siya patayo. Sa muling pagtakbo ay nadulas siya, napabitaw sa kamay nito at tuluyang dumausdos. "Megumi!" umalingawngaw ang boses ni Kaito at tiningan ang kamay na wala ng hawak. "Megumi?" Nagpalinga-linga siya sa madilim na paligid. Hindi niya ito dahil sa malakas na bagsak ng ulan. Si Megumi naman ay hirap na hirap na binuksan ang mga mata dahil sa patak ng ulan. Hawak ng kamay niya ang isang tanim na halaman pero ramdam niyang nabubunot na iyon dahil basa na ang lupa kung saan ito nakatanim. Nang bumaba naman ang tingin ay isang malalim na butas ang naroon, punong-puno ng tubig. Muli siyang tumingala at ubod ng lakas na sumigaw. "Tulong!" Luminga si

