"Megumi." "Megumi," inalalayan ni Kaito ang dalaga na bumangon. Sapo-sapo nito ang tenga habang nahihintatakutan na nilinga ang tunnelna nagliliyab. "Megum." "Megumi!" napatingin lang si Megumi sa sumigaw na tiyuhin. Wala siyang naririnig habang nakatitig dito. Tila nabingi siya sa malakas na pagsabog. Isang putok ng baril ang nagpatanaw sa malayo kay Kaito nang makita ang palapit na mga lalake ay agad siyang tumindig. Hinila ang tila nawala sa sarili na dalaga. Hila-hila niya ito tumakbo papasok ng gubat. Hanggang sa madapa si Megumi. "Megumi." Napatingin siya sa kanyang Uncle Kaito. "Naririnig mo ba 'ko?" Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at inalog. "Megumi?" "U-uncle," tanging sagot niya nang matauhan. "We need to go. Okay?" Nilahad nito ang palad sa kanya na agad

