Nagtaka ang mukhan ni Megumi nang lumiko ang sinasakyang motor. Patungo iyon sa ilog na noon ay pinuntahan ng kanyang Uncle Kaito. Huminto ang motorsiklo nito malayo sa ilog pagkatapos ay nilinga siya ng tiyuhin. "Bumaba ka na muna." Tumalima naman siya. Ang mga paperbags na binili nila ay nakasabit sa handlebar ng motor nito. Hinubad niya ang suot na helmet at iniwan sa motor. Naglakad siya palapit sa tabi ng ilog. Sinamyo niya ang hangin habang nakapikit. Namiss niya rin ang ganito. Sa lugar ng kanyang Uncle Mason. Kung di dumadagundong na rap song, tunog ng mga wrench o di kaya ang ugong ng mga kotse. "I have something for you." Nang marinig ang boses ng kanyang Uncle Kaito ay doon niya lang binuksan ang mga mata. Ilang espasyo ang layo nito sa kanya. Kaya pumihit siya at humar

