Iniwas ni Megumi ang tingin. Napatingin siya sa kanyang Uncle Kaito nang hawakan nito ang palapulsuhan niya. "Tara, may pupuntahan tayo." Hila-hila siya nito palabas ng track. Sa garahe ay inabot nito ang helmet sa kanya. "Teka, saan tayo pupunta?" "Stop asking so many questions." Basta na lang sinuot nito sa kanya ang helmet. Nang hawakan nito ang handle bar matapos na sumakay ay nilinga siya. Tila tinatanong ng mukha nito kung sasakay siya o hindi. At hindi niya kayang tumanggi. Sumakay si Megumi sa likuran ni Kaito. Kinakabahan ang mga kamay niya na umikot sa tiyan nito. Sandaling bumaba ang tingin ni Kaito doon nang kumapit ang dalaga bago lang ito pinaandar ang motor. Habang nakakapit si Megumi sa kanyang Uncle Kaito ay napatitig siya sa likuran nito. Napahinga siya nang ma

