Nang makapasok sa loob ng bahay sina Megumi at Kaito ay basta na lang siya nito binitawan. Irita niya itong tiningan. "Ano bang problem mo, Uncle Kaito?" "Wala," kaswal na tugon nito. Kumunotnoo siya at nilinga ang pinto kung saan iniwan nila sa labas ang mga binugbog ng tiyuhin. Muli niyang binalikan ito ng tingin. "E, bakit-" hindi niya naituloy ang sasabihin nang matitigan ito. Umiling na lang siya. Sa nakikita naman niya ay parang sanay ito sa pananakit ng kapwa. "Di, bale na lang," bawi niya. Nagtungo si Megumi sa lababo pagkatapos ay ipinagpatuloy ang paghuhugas. Naging tahimik ang buong loft house. Lihim niyang nilingon ang kanyang Uncle Kaito na akala niya ay umalis. Pero kaswal itong nakaupo sa isang sofa na naroon. Nakataas pa ang mga braso sa silya. "One week. That’s al

