"Ako na riyan, Roxie," kinuha ni Megumi ang hawak ni Roxie na patong-patong na babasaging plato kinaumagahan matapos nilang mag-almusal. "Nagpapakitang-gilas ka ba?" Sandali niya iyong nilingon nang magpunta sa lababo. "Daig ko pa ang maysakit kung hindi ako kikilos. Isa pa, nakikita ko na abala kayo sa garahe. Ano pa lang gusto niyong ulam mamayang tanghali?" Nagbaling siya sa lababo at nagumpisa sa paghuhugas ng pinagkainan nilang lahat. "Masarap ka bang magluto? Baka naman hindi makain ang lulutuin mo?" Napangiti siya. "Baka makalimutan mo kung sino ka kapag natikman mo ang niluto ko." Ngising-aso ang ginawa nito. "Sige, bago ka maghugas. Maglabas ka ng soda para sa boys ng MCT," bilin nito bago lumabas. Napangiti siya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Masasabi niyang mas komportab

