Sabay na napatingin si Megumi at Roxie sa tumunog na walkie talkie na nasa mesa. Kinuha at sinagot iyon ni Roxie. "Checkerd to crown?" Lumapit siya rito nang marinig ang boses ng tiyuhin sa medyo garalgal na tunog. "Checkered to crown?" naguguluhan niyang ulit. Inirapan lang siya ni Roxie at muling tinapat ang bibig sa hawak. "Checkered, this is Crown. Bumaba ka rito at isama ang pamangkin ko. Now." "Copy that, Crown." Ibinaba na ni Roxie ang walkie-talkie pagkatapos ay tumayo. "Halika na," naguguluhan din siyang tumindig. Bumaba sila muli sa hagdan at nagtungo sa gilid ng track. Nasulyapan ni Megumi ang hindi naalis na tingin sa kanya ni Primo. Nang makalapit sa mga ito ay tumabi siya sa kanyang Uncle Mason na agad siyang inakbayan. Ngumisi lang si Primo. "Primo, pamangkin ko si M

