Napakunotnoo si Megumi habang nakapikit. Rinig niya ang ingay, dagundong at mga tila gulong na mabilis ang takbo. Nagmulat siya at bumangon. "Anong meron?" tanong niya sa sarili. Tumayo siya at binuksan ang pinto. Sinalubong siya ng usok ng sigarilyo na binuga ni Roxie. "Gising ka na?" "Roxie." "Halika, may pupuntahan tayo." Nauna itong maglakad. Humakbang naman siya. "Sandali, ano ang ingay na 'yon?" Huminto at nilingon siya. "Kaya nga sumama ka sa akin para malaman mo," nagpatuloy ito sa paglakad pagkatapos ay hinila ang isang leather jacket na binato sa kanya. Sinambot naman niya iyon kahit may kabigatan at tiningan. "Isa 'yang heavy-duty racing jacket," anang ni Roxie. Doon niya lang napansin ang suot nito ay katulad ng hawak niya. Itinaas niya iyon at tiningan. Kulay itim iyo

