"Ito ang kwarto mo." Nilinga ni Roxie si Megumi nang buksan nito ang isang pinto. Nagmasid muna siya sa paligid. Naroon ang tila sala ng bahay ng kanyang Uncle Mason. Magulo iyon at maraming gamit. May mga tool box din sa paligid. Tinanaw niya ang tila kusina na ilang hakbang lang ang layo sa sala. Naroon ang simple nitong mesa at apat na silya. Napatingin siya kay Roxie na may ngiting aso. "Mukhang hindi ka sanay sa ganitong bahay-" "Mas normal 'to sa lahat ng mga napuntahan kong bahay. Maniwala ka," tugon niya. Nagkibit-balikat lang si Roxie. Siya naman ay tuluyang pumasok sa kwarto. Naroon ang isang maliit na kama. Makipot ang daan sa gilid na may maliit na side table. Binuksan niya ang ilang kabinet. "Nilagyan ko na ng ilang damit ang kabinet mo. Wala ka raw dala na kahit ano," a

