Dire-diretso si Landon sa pagpasok sa bahay. Inabot ng sumalubong na kasambahay, ang isa ay nanguha ng dala niyang bag. Ang isa ay iginiya siya sa dining area.
"Si Miss Megumi niyo nasaan?"
"Kasama po siya ni Ma'am Yvette."
Napahinto ito at nilinga ang sumagot na kasambahay. "Magkasama silang dalawa?"
"Opo, Master."
Naglibot ng tingin si Landon. At dahil walang ang sekretarya niyang si Mikasa ng ilang araw ay wala na siyang makausap na iba.
Hanggang sa mapalingon siya sa entrada ng bahay. Naroon si Yvette, lumampas ang tingin niya para hanapin ang pamangkin.
Nang salubingin ng nobya ang mga mata ay punong-puno iyon ng pag-aalala kaya nagtungo siya rito.
"Anong problema?"
Sinulyapan niya ang mga palad nitong nagkiskisan at hindi masalubong ang tingin niya.
"Si Megumi?"
Doon lang ito napatitig sa kanya.
"Si Megumi?"
"Kasama mo raw siya?"
"Nasaan siya?"
Naging matapang ang mukha ni Yvette.
"Tinulungan ko siya," nag-arko ang mga kilay ni Landon.
"Tinulungan?"
"Gusto niyang umalis ng bahay kaya-"
"Kaya ano?!" Nagulat si Yvette nang sumigaw ang nagalit na si Landon.
Agad itong naglakad nang pigilan ng nobya. "Saan ka pupunta?"
Natigilan si Yvette nang malakas na iigkas nang nag-aalalang si Landon ang braso. Halos tumalsik siya dahil doon.
"Tingin mo, saan?" sarkastiko balik-tanong ni Landon dito bago tumalikod.
"Hindi mo siya pamangkin!"
Napako ang mga paa ni Landon. "Ang batang iyon ay hindi mo pamangkin! Kaya ano bang pakay mo sa kanya?!"
"Bakit ba mahalagang- mahalaga siya sa iyo?"
Inis na bumalik si Landon sa harap nang umiiyak na si Yvette. "Napakahalaga ni Megumi, Yvette."
"Mas mahalaga pa kaysa sa akin?"
Naghinang ang mga mata ng magkasintahan. "Oo."
Parang binihusan nang malamig na tubig ang itsura ni Yvette. "Isa siyang mahalagang tao, isa siyang pangako na dapat tuparin. At ibibigay ko ang buhay ko para sa kanya," sinampal ni Yvette ang nobyo habang abot-abot ang mga luha.
"Baliw ka na, Landon. Paano mo ibibigay ang buhay mo sa taong hindi mo naman kaanu-ano-"
Tinalikuran ito ni Landon. "Kapag umalis ka ngayon, hindi na matutuloy ang kasal," paninidigan na tono ni Yvette nang punasan ang mga luha.
Humakbang si Landon. "Landon, kapag humakbang ka pa. Ibig sabihin lang ay mas pinipili mo ang babaeng 'yon."
Napaiyak na lang si Yvette nang pagmasdan ang mabilis na pag-alis ni Landon. Napasigaw na lang ito habang sabog ang mga luha. "Landon!"
Nagmamadali sa pagpasok si Landon sa backseat. Agad niyang tinapat ang cellphone sa tenga.
Kasalukuyang namang nagsisigawan ang mga lalakeng nakapalibot sa octagon.
Maingay, mausok, alak at sigawan ang nasa loob ng malaking kwarto.
Naroon sa loob ng kulungan na tila enteblado ng kamatayan ang dalawang lalake.
At isa roon si Kaito.
Nang itaass nito ang magkabilang kamao na may nakabalot na benda ay kitang-kita ang malapad nitong likod.
Nangangalit ang muscle nito kasama ang malaking tattoo sa likod at tadyang.
Ang likod nito ay parang pader ang tibay at lakas. Mula sa kanyang malalapad na balikat, ang kanyang katawan ay pababang kurbada hanggang sa kanyang maliit at matigas na bewang.
Sumugod ang kalaban nito na inabangan ni Kaito at saktong sa nguso nagpalipad ng suntok si Kaito.
Mabilis na tumalon ito at iniikot sa leeg ng lalake ang mga binti. Nang parehong tumaob ay tumihaya ang lalake.
Pulang-pula ang mukha.
Lumabas ang ugat at pilit na inaalis ang mga binti ni Kaito.
Habang gigil na gigil si Kaito ay napatingin siya sa labas ng octagon. Naroon ang kanang kamay niya. Nakataas ang cellphone at may kung anong sinesenyas.
Tiningan niya ang sinasakal gamit ang binti. Nang mas sikipan pa iyon at tuluyang nawalan ito ng malay.
Napuno ng sigawan ang lahat. Basta na lang binitawan ni Kaito ang kalaban at tumayo. Hinihingal niyang inalis ang benda sa kaliwang kamay.
Umakyat sa itaas ng octagon ang kanang kamay na si Pido. "Master, may tawag kayo."
Dumukwang ito para ibigay ang cellphone. Kinuha niya iyon at itinapat sa tenga.
"Nawawala si Megumi."
Bumagsak ang benda na binitawan niya.
"Umalis siya ng baha-" hindi pa natatapos ang nasa kabilang linya ay nagmamadali siyang lumabas ng octagon.
Umikot naman si Pido para salubingin siya. Inabot agad nito ang leather jacket at susi ng motor niya.
"Master, saan kayo pupunta?" kinuha niya m ang ibinibigay nito at dire-diretsong lumabas.
Nilingon niya ito nang maliit. "Sumunod ka, magdala ka ng tao."
"Yes, Master."
Hinawi, at binangga niya ang nakakasalubong. At nang marating ang motor ay para iyong ibong pinalipad niya.
Samantala, si Megumi ay nakatitig sa sunog nilang bahay. Naroon siya sa isang sulok, nakasumbrero at sakbit ang bag.
Naalala niya ang sinabi ni Yvette.
Ipinasok niya ang mga kamay sa loob ng hoodie. "Niloko nila 'ko, at nagpaloko naman ako," aniya bago tuluyang tumalikod.
Natagpuan ni Megumi ang sarili sa tapat ng isang bahay. Tiningala niya iyon, at isa lang ang matatakbuhan niya sa mga oras na ito.
Si Gabriel.
Isang mahinang paghinga ang ginawa niya. Itinaas niya na ang kamay para mag-doorbell nang maalala ang mga hapon na pumatay sa ama.
Napakurap siya habang nanatili ang daliri sa tapat ng doorbell. Nang maalala kung paano malinaw na makita sa isip ang pagpatay sa Papa niya ay mabilis siyang tumalikod.
Nang humakbang ay narinig niya ang pagbukas ng gate. "Meg?"
Lumingon siya at nang makita si Gabriel ay hindi na rin niya napigilan ang saril.
Sabik siyang yumakap dito, at ginantihan din ng kaibigan na mas sabik doon.
"Meg," anito habang yakap siya nang mahigpit.
Hinarap siya ni Gabriel at hinagod ng tingin. "Anong nangyari sa iyo?"
"Bakit ang tagal mong nawala?"
"Anong nangyari sa bahay niyo at nasunog?"
"Saan ka nagpunta?" sunod-sunod na tanong ng kaibigan na naiiyak niyang tinawanan.
"Mahabang kwento, Gab."
Nanatili siya nitong hawak sa magkabilang braso. "Pumasok muna tayo sa loob," igigiya siya nitong maglakad nang hindi siya umalis sa kinatatayuan.
May pag-aalala pa rin siya na baka madamay ito. "Gab-"
"Sa loob ng bahay na lang tayo mag-usap," wala siyang nagawa kung di pumasok sa loob.
Alangan ang naging ngiti ni Megumi habang kaharap ang mga magulang ni Gabriel.
Pinagmamasdan siya ng dalawang may-edad sa ilalim ng suot nitong salamin sa mga mata.
"Mama, Papa, si Megumi po. Kaibigan ko."
Nalunok niya ang laway. "M-magandang gabi po-"
"Sila ba 'yong nakatira sa bahay na nasunog?" seryosong tanong ng ina nito.
"Opo, Mama."
"Anong nangyari at nawala kayo ng Tatay mo?" tanong iyon ng Tatay ni Gabriel.
Naitikom naman niya ang bibig.
Magsasabi ba siya ng totoong sagot?
Siguradong ipagtutulakan siya ng mga ito paalis.
"Mama, Papa," hinawakan siya sa likod ni Gabriel. "Magpapahinga muna si Megumi, ayos lang po ba na dito muna siya?"
Nagkatinginan ang mag-asawa. Hanggang sa tingan siya ng ginang.
"Doon siya sa kwarto mo, at doon ka naman sa kwarto namin, Gabriel."
Ngumiti si Gabriel. "Oo naman, Mama. Salamat po."
"Salamat po," ulit ni Megumi.
Makalipas ang ilang minuto ay binuksan ni Gabriel ang pinto ng kwarto nito. Bumaha ng liwanag nang buksan nito anb switch.
"Pasensiya ka na at marumi," nagmamadali nitong pinulot ang ilang gamit.
Nilibot niya ang mata sa paligid. Naroon ang study table nito, mga libro, at koleksyon ng mga laruan.
"Puwede ka nang magpahinga," nahihiyang tinuro ni Gabriel ang kama.
Tinitigan niya ito at masasabi niyang si Gabriel ang tunay na kaligtasan niya.
Ito ang tunay niyang kilala at nagmamalasakit sa kanya.
"B-bakit?" Alangan tanong ng kaibigan nang mapansin ang pagtitig niya.
Agad siyang umiling at ngumiti kahit nagbabara na ang lalamunan. "W-wala."
Lumapit ito at pinagkatitigan niya. "Hindi ko alam kung anong nangyari sa iyo, at sa Papa mo. Nagpabalik-balik ako sa bahay niyo para makita ka lang."
"Masaya ako na sa wakas, ayos ka at nandito ka."
Ngumiti si Gabriel. Tumango naman siya habang pigil ang luha. "Magpahinga ka na," kinuha nito ang bag sa likod niya. Muntikan pa nitong mahulog ang bag dahil sa hindi inaasahang bigat.
Agad na inalalayan iyon ni Megumi at napangiti nang makita ang bigat na bigat na kaibigan.
"Ang bigat pala nito."
Kinuha niya iyon, umupo sa kama at binuksan. Lumapit si Gabriel at umupo sa ibaba. "Ano 'yan?"
"Si Papa," nakangiti niyang sagot.
Lumaki ang mga mata ni Gabriel dahil sa narinig. "A-ang Papa mo nariyan?"
May ngiti pa rin siya ng ilabas ang litrato nito kasunod ang urn. Ipinatong niya iyon sa side table at pinagkatitigan.
"Anong nangyari sa Papa mo?" nanatili siyang nakatitig doon nang sumagot.
"Pinatay siya sa harapan ko."
Hindi nakasagot si Gabriel. Hanggang lingunin niya ito. "Huwag kang mag-alalal. Bukas na bukas, hahanap ako ng iba kong matutuluyan-"
"Hindi kita pinapaalis, Meg."
Hinawakan nito ang kamay niya. "Dito ka lang para ligtas ka."
"Salamat."
"Magpapahinga ka na."
Tumango siya, pinanood si Gabriel na tuluyang lumabas ng kwarto.
Inihinto ni Kaito ang motor sa isang kalsada kung nasaan ang isang Mercedes-Benz.
Bumaba siya at inalis ang helmet. Naroon sa labas ng kotse si Landon.
"Nahanap mo na siya?" tanong agad nito.
Umiling siya. Napapikit naman si Landon. "Wala siya sa bahay nila at paligid."
"Hindi ko rin siya makita pero tumawag na ako ng ilang makakatulong," sagot nito at sinulyapan ang hawak na cellphone.
"Ano bang nangyari?" Nakita ni Kaito na natigilan si Landon. "Bakit siya umalis?"
Lumingon ito. "Pinaalis siya ni Yvette."
Buntong-hininga ang nagawa ni Kaito hanggang sa matanaw niya ang sports car ni Mason kasunod ang sedan ni Silas.
Unang lumapit si Silas na bakas ang pag-aalala. "Nakita niyo na siya?" kay Landon ang baling nito.
Seryosong umiling si Landon. "Baka naman nag-mall lang si pamangkin, nag-food court o kaya," natigilan ang kaswal na si Mason nang mapansing seryosong pinagmamasdan ng tatlo.
Maliit nitong itinaas ang dalawang kamay na para bang sumuko na agad sa tingin pa lang nito. "Okay, sorry."
Napailing si Kaito, bago kinuha ang sigarilyo at ang lighter. Napatingin sa kanya ang tatlo.
"Mukhang nate-tense ang pinaka-cold na Uncle ni Megumi," nang-aasar na lumapit si Mason.
Sinarado niya ang lighter at binulsa nang tumunog ang cellphone. Tinapat niya iyon sa kabilang linya.
"Master, ayon sa mga street eyes," pagtukoy ni Pido sa mga katabing mga lalake na nasa madilim na eskinita na kasalukuyang katabi. "May nakita silang sakto sa babaeng hinanahap niyo. Na-intercept na ni Vane ang digital feed sa buong distrito. Naka-remote access na siya sa mga private servers sa area na 'yon para makuha ang footage kung saan dumaan ang hinahanap niyo."
Tumango-tango siya at ibinaba ang cellphone. Hinithit niya ang sigarilyo bago tinapon at sumakay sa motor.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Landon.
"Nahanap mo na ba siya?" nakangiting tanong ni Mason.
Si Landon ang tiningan niya. "Tatawag na lang ako kapag kasama ko na siya," pinaharutot niya ang motorsiklo.
Napailing na lang si Silas at tumalikod.
"Sandali lang, saan ka pupunta?" tanong ni Mason.
"Bakit tingin niya siya lang ang may kakayahan makahanap kay Megumi?" sarkastikong tanong ni Silas.
Napangiti lalo si Mason. "Sino?"
Ngumisi si Silas. Tinapat ang cellphone sa tainga. "Hello? General Mario Capinpin?"
Namangha ang mukha ni Mason nang marinig ang isang heneral ang kausap nito.
Nang ibaba ay nakangiti pa rin Silas. "Marami akong kilalang corrupt police general, isang pitik lang niya. Siguradong mahahanap si Megumi."
Lumampas ang tingin nito at natuon kay Landon. "Huwag ka nang masyadong mag-alala. Ibabalik ko si Megumi."
Tumango si Landon. Lumilipad sa bilis ang sedan ni Silas.
Akmang magsasalita si Mason nang sa sa paglingon ay wala na roon si Landon. Maging ang Mercedes-Benz nito.
"Tingan mo ang mga tao na 'yon," pakamot-kamot sa ulong wika ni Mason.
"Tinawagan pa ako, kung lalayasan lang din ako."
Sumeryoso si Mason, pumasok sa sports car. Inabot niya ang walkie-talkie na naka-mount sa kanyang dashboard.
Isang pindot lang sa push-to-talk button at ang boses niya ay umalingawngaw sa lahat ng frequency ng kanyang road network.
Maririnig iyon ng mga street racers, underground couriers at elite riders.
"Makinig kayong lahat."
"Umalis ng bahay ang pamangkin ko. Hindi siya sanay sa kalsada kaya sigurado akong natatakot 'yun ngayon. I want a 5-mile radius sweep mula sa main gate. Pasukin niyo lahat—mula sa mga eskinita, ilalim ng tulay, hanggang sa mga 24-hour convenience stores. Kapag nakita niyo siya, huwag niyo siyang bibiglain. Bantayan niyo lang siya sa malayo at ibigay niyo agad ang coordinates sa akin. Galaw!"
Napakunotnoo ang si Kaito sa mga makakasalubong. Parang alon iyon ng mga rider na kanya-kanyang nagpapaharurot ng sasakyan.
Halos nalamon ng mga ito ang kalsada dahil sa dami at ingay. Parang parada iyon ng mga rider, hanggang sa underpass.
Nang makita ang burda ng jacket ng isang ay nakita niya roon ang pangalan ni Mason.
Mas hinigpitan niya ang kapit sa handlebar. Siguradong katulad niya, gumagawa na ng paraan ang tatlo para mahanap ang pamangkin nila.