"H-Huwag."
"Papa."
"Papa," kitang-kita ni Megumi ang mga mata ng ama. At nang saksakin ito at tumalsik sa mukha niya ay napabangon siya.
Hingal na hingal siya habang nakaupo. Madilim ang paligid at tahimik na tahimik. Nanginginig ang kamay niya nang punasan ang tumulong mga pawis.
Hanggang sa matigilan siya. Sa pader ay napatingin siya. Naroon ang liwanag mula sa bintana pero napakunotnoo siya.
Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay Hinawakan ang anino na marahang bumabakas sa liwanag.
Nalunok ni Megumi ang laway nang mapagtanto kung anong hugis niyon.
Tumigas ang leeg niya. Mas dumami ang pawis niya kasabay nang mabilis na pintig na puso.
Anino iyon ng tao.
Taong nasa loob ng kwarto kung nasaan siya.
Mula sa kumot ay kinapa niya ang pocket knife. Huminga nang malalim at hinawi nang mabilis ang kumot.
Nang tumindig ay may sumalubong sa kanya. Itinaas niya ang kutsilyo pero pinigilan ng magaspang na kamay ang braso niya.
Nang itaas ang tingin, kahit madilim ay nakita niya ang pamilyar na mga matang iyon.
"Uncle?"
"Uncle Kaito?" aniya.
Ngumisi ito at basta na lang kinuha ang kutsilyo. Napalayo siya, ngumisi ito at pinaglaruan nang mabilis at kaswal sa kamay ang pocket knife.
Isang kisap niya lang ay sarado na iyon at wala na ang talim. Binalikan niya ito ng tingin.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Paano ka nakapasok?"
Bumalik ito sa pagkakaupo sa bintana, humalukipkip at nakikipagtitigan sa kanya.
"Paano sa tingin mo?"
Natigilan siya nang maalala si Gabriel at magulang nito. Nagmamadali siyang lumabas. Napapreno siya habang nakakapit sa pader nang magkita ang mag-anak.
"Meg," naroon si Gabriel. Kasama sa sofa ang takot na takot na mga magulang at pare-parehong nakatali.
Naningkit ang mga mata niya nang makita ang pasa sa pisngi ang kaibigan at putok ang sulok ng labi.
"Halika na," napatingin siya kay Kaito na kaswal siyang nilampasan at akmang lalabas.
"Anong ginagawa mo sa kanila?"
Tuloy-tuloy itong naglakad na sinundan niya at hinawakan sa balikat para humarap.
"Bakit mo sinaktan si Gabriel?"
Sinulyapan ni Kaito si Gabriel bago binalikan ng tingin ang kaharap. "Bakit mo siya sinaktan?"
Natigilan si Megumi nang lumapit ito at pisilin ang magkabilang pisngi niya gamit ang isang kamay. "A-aray!"
"Ano ba?!" pilit niyang hinampas-hampas ang braso nito.
"Mas lalo siyang masasaktan, kung di ka sasama."
Nagkatitigan sila ni Kaito at nakikita niyang seryoso ito sa sinasabi. Hindi lang siya basta tinatakot.
May maliliit na apoy ang mga mata nito, at nagliliyab iyon.
Pabalyang binitawan ni Kaito ang dalaga nang makita ang takot sa mga mata nito habang pinagmamasdan siya.
Sandali siyang huminga. "Kunin mo na ang gamit mo."
Nanatili itong nakatayo. "Hindi mo ba ako narinig?" ulit niya.
Napaghagulgol ang Nanay ni Gabriel nang itaas ni Kaito ang baril na kulay abo at itinutok kay Gabriel.
"Huwag po!"
Puno ng takot si Megumi nang tingan si Kaito. "Ibaba mo 'yan, Uncle Kaito!"
Ni hindi siya nito nilingon. "Kunin mo ang gamit mo," matigas na sagot nito.
Dahil alam niyang hindi siya mananalo. Nag-alala niyang nilinga ang mag-anak bago nagmamadaling pumasok sa kwarto.
"Meg," tawag ni Gabriel na para bang ayaw paalisin ang kaibigan.
Seryosong tinitigan ni Kaito ang binata na tinatawag ang pangalan ng pamangkin niya. Muling napaiyak ang ina at ama nito nang doon niya itutok ang nguso ng baril.
"Huwag po!"
"Huwag niyong barilin ang anak ko," pakiusap ng ina nito.
Si Megumi naman ay suklam na suklam ang mukha habang inilalagay sa bag ang litrato at urn ng ama. Nang maisardo ang zipper ay sinakbit niya ang bag at lumabas.
Sandali pa siyang napahinto nang makitang nakatutok pa rin ang baril sa mag-anak.
Dire-diretso siyang naglakad palabas hanggang sa gate.
Si Kaito naman ay sinundan ang dalaga. Sa labas ng gate ay hinagip niya ang braso nito.
Agad na inigkas ni Megumi ang braso.
"Bitawan mo 'ko!" gigil niyang wika.
Nagkatinginan sila, nakikita niya ang mukha nito nang maliwanag dahil sa ilaw mula sa hindi kalayuang poste.
"Sino ka sa tingin mo para tutukan ng baril ang pamilya ng kaibigan ko?"
"Kaibigan?" ulit nito at nanunuyang ngumiti. "Kaibigan mo siya?"
"Oo, at siya lang ang pinagkakatiwalaan ko," muli sana siyang tatalikod nang hilahin nito ang braso niya.
Nagdikit ang katawan nila at nang tingalain ito ay naglapit ang mukha nila.
Napatitig siya sa mga mata nito at hindi niya alam kung paano ilalarawan ang naroon.
Galit?
Hindi lang basta galit.
Bagsik iyon.
Para itong isang hayop na nakakita ng kaaway at handa nang kagatin.
"Go back to them and they're dead. Especially that precious friend of yours."
Napakurap si Megumi. "Don't push me. You won't like what I'll do next."
Ang banta na iyon ay pumasok awtomatiko sa isip niya. Napatingin siya dito nang hilahin siya basta palapit sa motor. "Sakay."
Hindi pa rin siya kumikilos. Hindi siya makasigaw nang buhatin siya nito na para isang bagong kasal at basta binitawan sa upuan ng motor.
Nang umupo ito sa unahan ay hindi siya makagalaw sa pwesto. Gusto niyang tumakbo pero siguradong hindi rin siya makakalayo.
Nagulat pa siya nang umabante ang motor. Nang paharurutin nito ang motor ay sa likod na lang siya kumapit.
Sa kalsada ay huminto ang motor na ipinagtaka niya. Nang silipin ang unahan ay napakurap siya.
Naroon ang sandamakmak na motorosiklo habang sa likuran ay iba't-ibang klase ng sasakyan.
Sabay silang napalinga sa kabilang banda. Naroon ang tila mga pulis at mga sibilyan na pulis.
Nang maramdaman ang malakas na hangin ay tumingala siya. At naroon ang isang helicopter.
Sinilip sila ng mga naroon, nang makita niya ang armalite na nakasabit ay napakapit siya sa bewang ni Kaito.
"U-uncle."
Nilinga siya nang maliit ni Kaito. "Tingnan mo, iyan ang mga taong inabala mo," seryosong wika nito.
Nang muling tumingala ay nakita niya si Uncle Landon niya, nang bumisina sa sandamakmak na motor ay tinanaw niya kung sino ang nasa sports car.
Sumalaudo sa kanya mula sa malayo ang kanyang Uncle Mason. At nang luminga sa mga pulis na pinagmamasdan lang sila ay lumabas doon si Silas.
Walang lumabas sa nakaawang niyang bibig. Ang kamay niya ay naging mahigpit ang kapit sa leather jacket na hawak.
Hindi niya inaasahan na ganito karaming tao ang maghahanap sa kanya.
Hindi basta-basta ang apat na lalakeng inaangkin siyang pamangkin.
Mas lalo niya lang napagtanto na mahirap takasan ang mga ito.
Kahit saan siya magpunta, siguradong mahahanap siya.
Nang umabante ang motor ni Kaito ay nagtabihan ang mga motor. Nilingon pa niya ang mga ito na sumunod sa kanila.
Hanggang sa makarating sila sa bahay na kanina lang ay iniwan niya. Nang bumaba ay napatitig siya doon.
"Pasok na."
Hinarapan niya si Kaito na kababa lang ng motor. "Ayoko."
Pinagtagpo nito ang mga tingin nila. Seryoso siya nitong pinagmamasdan.
"Hindi ako titira sa bahay ng hindi ko naman kilala."
"Hindi ko kayo Uncle-"
Napatingin siya sa dumating na sasakyan na siguradong siyang ang tatlong lalake na kapatid raw ng ama niya.
Hinagip muli ni Kaito ang braso niya at hila-hila siyang pinasok sa bahay kahit nagwawala siya.
"Bitawan mo sabi ako!"
Basta na lang siya nito tinulak sa sala. Buti na lang ay nagawa niyang makabalanse sa pagkakatayo.
Galit niyang tiningan si Kaito bago lumampas ang tingin sa pumasok na tatlong tiyuhin.
"Pamangkin!" Naroon ang ngiting-ngiti si Mason. Nakataas ang dalawang kamay para yakapin siya pero mabilis siyang umatras.
"Huwag kang lumapit sa akin!"
Huminto naman si Mason. Nilinga si Kaito. "Bakit parang nagmamana sa pagiging cold mo ang batang 'to?" kunyaring tanong nito.
"Megumi," akmang hahakbang si Landon palapit.
"Isa ka pa!"
Napahinto ito. Natahimik ang sala habang maluha-luhang pinagmamasdan ang mga lalakeng nakatunghay sa kanya.
"Megumi," si Silas ang nagsalita.
"Niloko niyo ko," mahinang aniya.
"Hindi ko kayo mga Uncle!"
"Hindi kayo tunay na kapatid ng Papa ko!"
Nagkatinginan ang apat. Pinunasan niya ang mga luha. "Ano ba talaga ang gusto niyo sa akin?"
"At bakit inaangkin niyo ako bilang pamangkin?"
Isa-isa niya tiningan ang mga mukha nito. Nang walang magsalita ay akmang siyang lalakad nang hindi umalis sa daan niya si Kaito.
May luha niya itong tiningala. "Umalis ka riyan-" tinulak-tulak niya ito sa balikat. Pero daig pa nito ang sasakyang hindi niya maiusod.
"Kumalma ka, Megumi," lumapit ang kalmadong si Landon. Muli siya nitong hahawakan nang iigkas niya ang braso.
"Hindi niyo na ako maloloko," paninidigan niya. "Hindi na ulit, nasa delikado ang buhay ko."
Tiningan niya ang apat. "Nasa bahay ako ng apat na lalakeng hindi ko kilala. At isa akong babae, malay ko ba kung anong intensyon niyo sa akin."
Nakita niya pagngisi ng kaharap, mas lalo siyang na bwisit. Hinampas niya ito sa dibdib. "Isa ka pa!"
Sunod-sunod na hinampas ni Megumi si Kaito pero hinawakan iyon nito at pinagkatitigan siya.
"Don’t dream too much. Yes, you’re a woman, but we’re not interested in you. We don't use kids like you as bed warmers."
Narinig niya ang pigil na tawa ni Mason. Pinilit niyang kumawala sa pagkakapit nito. At nang mabitawan ni Kaito ay malutong ang ginawa niyang sampal dito.
"Woah!" rinig niya ang natutuwang sigaw ni Mason. "That sounds satisfying," dagdag pa nito na ginaya ang sampal sa hangin.
Tiningan niya si Landon at Silas. "Kung hindi niyo ako papakawalan, magsusumbong ako sa pulis. May apat na matatandang lalake ang pilit akong sinasama," pananakot niya.
"Nagsasayang ka lang ng lakas at oras," mahinahong wika ni Silas at lumapit sa kanya. "Wala silang magagawa."
Kumurap ang mga mata niya. Sinulyapan niya si Landon. "Makinig ka, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag pero wala kaming masamang intensyon sa inyo."
Dismayadong tinitigan niya ito habang umiling-iling. Muli siyang humakbang nang pigilan ni Kaito ang braso niya.
Namumula ang pisngi nito habang ang mata ay seryosong galit na ang naaninag niya.
"Hindi ka madaaan sa maayos na usapan. Ibibigay ko sa iyo ang gusto mo."
Hinila nito ang braso niya. Hinatak ang bag sa likuran niya at binitbit. Pagkatapos ay basta na lang siya binuhat na parang isang sakong bigas at sinampay sa balikat.
Bumaliktad ang mundo sa paningin niya. Pumadyak-padyak siya. "Bitawan mo ko!"
"Walang hiya ka talaga!"
"Bitawan mo ko!"
Ramdam niya ang malaking palad nito na sakop-sakop ang maliit niyang bewang.
Lumakad na si Kaito nang makita niyang tumayo sa daraanan niya si Silas.
Naghinang ang mata nila nito.
"Ibaba mo siya," utos ni Silas.
"She won’t listen, not even to you."
"Bitawan mo ko!" Parang isda si Megumi sa pagpalag ng mga paa. Habang ang dalawang lalakeng ito ay nag-uusap na para bang hindi na pupunta ang dugo niya sa ulo.
"Hindi pwedeng ikaw lang ang magdesisyon kaya ibaba mo siya," mas nagiging gigil ang boses nito.
Si Kaito naman ay tinitigan lang si Silas. Akma itong lalapit nang pumagitna si Landon. Humarap ito kay Silas.
"Mahaba na ang gabi para sa ating lahat, lalo na kay Megumi. Hayaan na muna natin siyang magpahinga."
Tumango-tango ng sarkastiko si Silas. Ngumisi at pinagmasdan si Landon. Hanggang sa tuluyan itong lumabas ng bahay.
Si Mason naman ay alangan ang ngiti at nang daaan ang nakataob na si Megumi at tinapik sa ulo. "Magpakabait ka, pamangkin," bilin nito bago tiningan si Kaito.
"Easy lang, brother, ha?" kumaway pa si Mason nang umalis.
Napahawak si Megumi sa likod ng leather ni Kaito dahil iyon lang naman ang makakapitan niya habang nakabaliktad. Naramdaman niya ang paglalakad nito habang nanatili siyang nakasampay sa balikat.
"Ibaba mo ko!"
"Mahuhulog ako!"
"Ano ba?!"
"Mahuhulog ka talaga kapag hindi ka huminto," sagot nito.
Nang makita ang baitang na hagdan ay siguradong paakyat na sila kaya huminto na siya. Para sa sariling kaligtasan.
Nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto ay tumalbog siya sa kama nang ibato nito.
Inis niyang hinawi ang buhok at nang makitang ibinaba nito ang zipper nang kaunti. Natanaw niya ang katawan nito at ang sumisilip na tattoo nang dumukwang at ilagay sa mesa ang bag niya.
Tensyonado siyang napalunok at binalikan ng atensyon ang mukha nito.
"Matulog ka na," anito at pinanood.
Hindi niya alam kung bakit tila umurong ang pangangatwiran niya nang makita ang tattoo nito.
"Ayaw mo?" akmang lalapit ito.
"Oo na!" pagalit niyang sagot.
Inayos ang kumot at umupo. Sinulyapa niya ito na nanatili siyang pinagmamasdan. "Papanoorin mo pa akong matulog?"
"Oo, hindi ako aalis. Hangga't hindi natulo ang laway mo."
Nalukot ang mukha niya sa inis at nang muling bumaba ang tingin sa dibdib nito ay tumalikod na lang siya.
"Tulog na," ulit ni Kaito.