"H-Huh? Anong t-tayo?" naguguluhang tanong ko sa kanya. "Irene, listen to me. Ikaw, ikaw iyong babaeng nakatakdang ikasal sa akin. Dapat noong isang taon ko pa 'to malalaman kaso pinili kong umalis pero kung noong una palang nalaman ko na, hindi ko na pipiliing umalis. Hindi kita iiwan. Kaya please, Irene. Mag-umpisa ulit tayo..." seryosong paki-usap niya sa akin. Lalo akong mapahagulgol sa mga nalaman ko. Ako! Ako iyong babaeng ikakasal sa kanya. Siya ang lalaking nakatakdang ikasal sa akin. Edi sana kung maaga namin nalaman hindi na sana umabot sa ganito ang lahat. "Kaizer," yumakap lang ako sa kanya. Hindi ko na alam kung ano bang sasabihin ko. Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari. "Kaizer, I love you." after I said those words everything went black. "DOC, anong pong nangyari sa

