"Kain na tayo. Mamaya niyo na intindihin 'yan!" pagtawag ni mom sa atensyon nina dad at tito. "Mom, anong meron?" tanong ko sa kanya ng makalapit ako. "Wala naman. Magdidinner lang tayo ng sama-sama." simpleng sagot niya sa akin habang nakangiti. Halatang may iba sa ngiti niya eh, ano bang naisip ng mga ito? "Yeah, I know. What I mean is bakit kailangan may camp fire pa?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya. "Para sa inyo 'yan." nakangiting sabi ni mom. "Huh?" Anong sa amin? Ang weird nila. Maglalaro ba kami mamaya? May something talaga dito na hindi ko ma-figure out. "Basta, kumain ka na lang." Okay tatahimik na ako. Mukhang wala talaga silang balak sabihin kung para saan ba 'to. Pagkatapos naming kumain ay pinapunta kami nina mommy at pinaupo paikot sa may camp fire. "We made t

