Ito na naman siya, laganap na ang gabi ngunit wala pa rin ang hinihintay niya. Ilang araw ng hindi umuuwi ang asawa niya simula 'nung nagkausap sila ng kapatid niya. Naihatid pa niya ang kapatid sa airport ngunit hindi man lang niya nakita kahit anino ng asawa niya. Sinubukan niya itong tawagan pero out of coverage ang cellphone nito. Naiinis at magagalit na siya sa sarili, kung sana lang... Bumuntong-hininga siya. Aminin niyang labis siyang nasasaktan sa mga nagdaan na araw. Kinontak pa nga niya ang mga biyenan niya kung pumasyal ba roon si JJ ngunit hindi raw. Nahihiya naman siyang sabihin sa kanila na nagkaroon sila ng misunderstanding ni JJ. Ayaw niyang sabihin sa biyenan kung bakit nag-away silang mag-asawa. Kung malaman nila na ayaw niyang mabuntis at makita ang disappointment sa ma

