Nagdaan ang ilang minuto ay saka lang siya kumilos para kunin ang cellphone. Nanginginig ang kamay na hinanap agad niya ang numero ng asawa at tinawagan. Ilang beses nang kinontak ni Olivia si JJ pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Kahit nagpadala pa siya ng text na kailangan nilang pag-usapan ang tungkol sa annulment pero wala pa rin. Hindi siya sumuko at ilang ulit na tinawagan pa rin ang numero ngunit kahit masira na ang cellphone niya kakapindot ay walang ni isang sinagot nito. "Please, husband. Pick up your phone," kausap niya sa cellphone. Nang hindi uli nito sinagot ang tawag ay naibato niya ang gadget. Naasar siya na hindi niya mawari, katulad kasi 'nung nagdaang araw. Sinubukan uli niyang kumontak sa Sweet JJ's cafe pero wala raw ito roon. Mukhang pati na si Troy ay nakaka

