Hindi mapirmi si Olivia sa kinauupuan niya at panay ang pag-tap niya sa arm desk niya. Pinili kasi niyang pumasok kahit sa totoo lang walang kabuhay-buhay ang buong katawan niya. She's hurt all over, emotionally and physically. Masakit ang dibdib niya at ulo niya sa ilang araw na puyat. Hanggang ngayon din kasi ay naghihimagsik ang kalooban niya sa untold vacation ng asawa niya. Worst, hindi pa niya alam iyon. Pinili pa talaga nito na magbakasyon para hindi mabalitaan na pipirmahan niya ang annulment paper. Ano 'yun? Ayaw niyang 'pag nasa malapit lang ito ay pipigilan din siya nito? Akala ba nito ay agad-agad na sasang-ayon siya na maghiwalay sila? No! Noong magpakasal sila ay pinangako na niya sariling pag-aari niya ito at hindi niya ito iiwan. Nagpakawala siya ng marahas na hininga bag

