Tahimik na nakaupo si Olivia sa may study table niya at akala mo ay seryosong nagbabasa siya sa libro niya ngunit sa totoo lang, lumilipad ang diwa niya sa malayo at wala roon ang atensyon niya. Umaalingawngaw pa rin kasi sa isipan niya ang sinabi ni JJ kanina. Akala niya kanina ay marirrinig niya sa bibig nito ang hinihintay niya pero nagkamali siya. Umasa kasi siya dahil sa possessives na pinapakita nito. Idagdag pa ang mga sweet gestures, matatamis na salitang lumalabas sa bibig nito ay lalong tumitibay ang pag-asa niya na may gusto sa kanya ang asawa niya. Pero kanina, parang bulang naglaho ang pag-asa na 'yun. Yes, sinabi nito na 'he likes her' and she's special but still, importante pa rin sa kanya na mahalin siya nito. Paano titibay ang pagsasama nila kung walang kasiguruhan na mam

