Chapter 41

1496 Words

Hindi mapuknat ang ngiti sa labi niya kahit na wala namang nakakatawa. Hindi pa rin kasi mabura-bura sa isipan niya ang nagseselos na mukha ng asawa niya kaninang makita nito si Ploy. Pakiramdam niya ay nasa langit siya dahil sa nakitang reaksyon nito. Dati kasi ay hindi niya mabasa ang iniisip nito at kailangan pa niya itong tanungin na hindi naman nito sinasagot. Ang paglalambing nito ay obvious at hindi nito tinatago. Parang sinasadya nito na iparamdam lahat ng saloobin nito at sabihing pag-aari siya nito. Tumaas ang sulok ng bibig niya at mahinang natawa. Kung magtatapat pa siguro ito ng pag-ibig sa kanya ay nasa cloud nine na siya. Ibig-sabihin kasi 'nun ay hindi na nito maiisip na maghihiwalay silang dalawa. "Will you stop grinning?" Zion hissed. Geez!! Nakalimutan niyang narito p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD