"Kuya!" bulong niya. Natigilan din ang asawa niya at lumingon sa puwesto ni Geron. Humigpit ang pagkakahawak nito sa baywang niya. Ang kaninang sayang nararamdaman niya ay napalitan ng takot at pagkabahala. Naramdan niya ang nagniningas na apoy na nanggagaling sa katawan ng asawa niya. Agad niyang ginagap ang kamay nito para pigilan ito kung ano man ang binabalak nitong gawin. "What the hell is he doing here?" madilim at mapanganib na saad ni JJ. "I-I don't know! Hindi ko siya n-napansin kahapon," nanginginig ang boses na usal niya. Hindi niya mai-alis ang mata sa kapatid na nakatingin lang din sa kanila pero hindi kumikilos para lumapit sa kanila. "Ignore him," madiing utos ni JJ at inakay siya papunta sa isang mesa. Nasa kalagitnaan sila ng paglalakad ay sinalubong sila ni Amelia, a

