Sakay ng private plane ng pamilya ni JJ ay pumunta sila sa Luciana Island. Hindi niya napigilan ang bumulalas sa pagkamangha dahil 'pag nasa himpapawid ka ay makikita ang kagandahan ng isla. The place is so magnificent. Ang nag-iisang bahay bakasyunan na nakatirik doon na ngayon ay naayusan ay lalong nagpaganda sa paligid ng isla. Hindi agad sila nag-landing at nagpaikot-ikot pa rin sila sa himpapawid. Hindi siya nagreklamo at pinagmasdan pa rin ang kagandahan ng paligid. Ngayong nagbalik muli sila rito ay bumalik ang kapayapaan na naramdaman niya ng pumunta sila rito. Hinawakan niya ang kamay ni JJ na nasa tabi niya at kumikislap ang matang nilinga ito. "Thank you, Sweetie." Hinila siya nito at niyakap ng mahigpit bago sinabi sa piloto na mag-landing na ito. Pagtapak pa lamang niya sa b

