"Hey! Do I have to wear blindfold?" protesta niya. Akay-akay kasi siya ng kaibigan. Ngayon ang bridal shower niya na inayos ni Shanna. Nang ilabas nito kanina ang itim na tela ay tumutol agad siya pero binigyan siya nito ng matalim na tingin at tinulungan siyang isuot iyon. Kahit gusto na niyang magpapadyak sa inis ay hindi ginawa dahil paniguradong babatukan siya nito. "Of course! Surprise nga 'di ba?" sarkastikong sagot nito sa tanong niya. "Ugh!!! You know I hate surprises!" angal pa rin niya. "Puwede ba? Magtiis ka naman saglit. Geez!!!" sita nito. "Ganyan ba ang nagbibigay ng surpresa? Sinusungitan at tinatarayan mo ako?" Kung hindi siguro siya nakasuot ng blindfold ay nakita niyang itinirik nito ang mata sa pagkainis. "Malapit na tayo, okay!" pasensiyosang tugon nito. Hindi siy

