SWEET JJ'S Mabilis na kinurot ni Olivia ang braso ni JJ na pumaikot sa baywang niya at pisilin ang tagiliran niya. Nagbabantang tinignan niya ito at nang hindi pa rin huminto at hinaplos pa siya. Tinabig niya ang kamay nito at bahagyang lumayo sa binata. Umangat ang kamay niya at pinisil ang ilong nito. Ngumisi siya at tumikhim. "Hey, Sweetie. Where's my cokies and cream?" Muntik siyang bumulalas ng tawa nang makita ang pamumula ng pisngi nito. Hindi pa niya nakakalimutan ang walang katapusang pang-aasar ng ina nito at sinabi pa na wala talagang alam sa panliligaw ang binata dahil si Zion ang tagaligaw para rito. She laugh so hard that time when he hardly hide his embarassment. Hindi niya mapaniwalaan ang natuklasan na kahit marami siyang nakikitang kausap nito sa counter ng gusaling 'to

