Chapter 4

1658 Words
Pagkalabas niya ng venue ay pilit niyang kinakalma ang sarili. Makailang ulit siyang huminga ng malalim at binubura sa isip ang pagpisil ni JJ sa baywang niya. Nagpapadyak na kinagat niya ang kuko at minumura ang binata sa isip niya. Kung wala lang sila sa public place ay tinuhod na niya ito. Sa lahat kasi ng mga lalaking nakipag-flirt sa kanya ay hindi niya hinahayaang mahawakan siya, pero ito ay walang kahirap-hirap na nahalikan at nayakap siya. Ang mas nakakainis, kahit nanginginig siya ay hindi maikakailang may milyon-milyong boltahe ang kumalat sa buong katawan niya sa halik na iginawad nito sa kanya. Sabi na nga ba niya at kakambal ng pangalan nito ang salitang disaster. Nang mahamig na niya ang sarili ay napatingin siya sa entrance ng hotel, napatuwid siya ng tayo at namutla nang makita ang madilim na mukha ng kanyang ama at ina. Naalala agad niya ang warning ng kanyang ina kanina na huwag siyang gumawa ng kalokohan pero dahil lang kay JJ na 'yun ay nakalimutan niya. Kumuyom ang kamao niya. Halata sa mukha nila na parang anumang oras ay sisigawan na siya, nagtitimpi lang siguro ang mga ito dahil nasa labas sila at may mangilan-ngilan pang tao na lumakabas ng hotel. Tahimik na nakatayo siya sa tabi ng ina at hinihintay ang ama na pumunta sa parking lot para kunin ang sasakyan. Nang huminto ang kotse sa tabi nila ay agad silang sumakay ng mama niya. Walang kahit na sino sa kanila ang umimik. Nagyuko na lamang siya ng ulo at kinagat ang kuko niya. Kinse minutos lang ang nagdaan ay nasa bahay na sila. Pagpasok pa lamang nila ay isang malakas na sampal sa mukha ang ipinadapo ng kanyang ama sa kanya. Pakiramdam niya ay namanhid ang buong katawan niya at nabingi sa lakas 'nun. Kinagat niya ang labi at pinigilan ang umiyak sa harapan nila. Ngunit hindi pa rin niya napigilan. May umalpas pa rin na luha sa mata niya. "Alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Pinahiya mo kami ng mama mo sa harap nilang lahat. Nagmukhang tanga 'yung tao na iniwan mo sa gitna ng bulwagan at nakahawak pa sa paa niya. Ganyan ba ang itinuro namin sa'yo? Sa edad mong 'yan ay dapat alam mong kumilos ng tama!" singhal ng kanyang ama. Walang tunog na umiyak siya at halos bumaon na ang kuko niya sa palad niya sa mahigpit na pagkuyom ng kamao niya. "Dapat talaga pinadala ka namin abroad para roon ka na nag-aral. Doon ay walang makakakita sa lahat ng kalokohan mo!" malamig na dugtong ng kanyang ina. Mabilis na nag-angat siya ng mukha at luhaang tinignan ito. "A-Ayokong pumunta sa abroad, 'Ma," pabulong na tutol niya. Noong binanggit ito noon ng kanyang ina ay nakiusap siya kaya hindi na uli nito binanggit ang bagay na 'to. Ngayon lang uli nito sinabi iyon. "Pinagbigyan kita noon dahil kahit may mga kalokohan ka, hindi 'yun nakaapekto sa pangalan natin. Pero ngayon? Sa harap ng mga kakilala namin ay iniwan mo ang kapareha mong nagsasayaw doon. At hiyang-hiya ako sa magulang ni JJ!" Umiling siya. "P-please! A-ayaw ko pong umalis!" nakikiusap na wika niya. Matalim na tinignan siya nito. "Last chance mo na 'to, Olivia. Oras na may ginawa ka na naman ipapatapon ka namin sa U.S." "Umakyat ka na sa kuwarto mo. Hindi mo puwedeng gamitin ng isang linggo ang credit card mo." Taboy ng kanyang ama sa kanya. Naghihinagpis na pumanhik siya. Ini-lock agad niya ang kuwarto at binitawan ang bag sa sahig. Dumapa agad siya sa kama niya at hinayaang malaglag ang luha niya. Paano ba ang maging isang masunurin at perpektong anak? Why dont they tell her how? Para naman alam niya kung paano kumilos na naaayon sa gusto nila. Hinahayaan naman niyang maging puppet nila 'pag isinasama siya. Ngayon lang siya gumawa ng eksena pero kalabisan na pala sa kanila ang ginawa niya. Bakit hindi nila pakinggan ang paliwanag niya para maintindihan nila? Pero ano pa nga ba ang inaasahan niya? Kahit naman minsan ay hindi sila nakinig sa kanya. BUMUNTONG-HININGA siya pagkatapos takpan ng make-up ang pasa sa kanang pisngi niya at nilagyan ng concealer ang namumugtong mata niya. Pinagmasdan niya ang sarili sa harap ng salamin at isang mapang-uyam na ngiti ang binigay niya sa sariling repleksyon. Bakit hindi na lang nila lagyan ang utak niya ng isang memory chip para naka-program na ang mga magagandang gagawin niya nang hindi siya nagkakamali at sinisira ang pangalan nila. Kung puwede lang na palitan ang apelyido niya ay pinapalitan na niya sa registrar. Kinuha niya ang bag at lumabas ng bahay. Agad siyang sumakay sa kotse niya at pinaandar iyon. Mabilis ang pagpapatakbo niya ng sasakyan hanggang sa makarating siya sa Sweet JJ's. Sumalubong agad si Shanna sa labas ng cafe. "Are you okay?" bungad agad nito. "Oo naman! Sanay naman na ako sa kanila," kibit-balikat na sagot niya. Tinitigan siya nito sa mukha. Natigilan ito saglit bago kumilos at haplusin ang pisngi niya. "Tito hit you? Why? Ano bang ginawa mo at sinaktan ka niya?" "Iniwan ko sa gitna ng  dance floor ang kapareha kong nagsasayaw. Nagawa ko lang naman 'yun dahil walang pakundangang pinisil niya ang baywang ko," tugon niya. "Pero hindi pa rin sapat 'yun para samapalin ka niya," may inis sa boses na turan nito. "'Yun lang ba ang ginawa niya?" "Muntik na akong pinatapon ni Mama sa abroad para roon mag-aral. Last chance ko na 'to. 'Pag nagkamali na naman ako ay hindi ako makakaangal 'pag pinadala niya ako roon," mahinang saad niya. "Dapat ang sisihin mo rito ay ang bastos na lalaking 'yun," anito. Ngumiti siya rito. "Sisingilin ko rin siya. At malapit ko nang magawa 'yun," makahulugang turan niya. "Aba! Dapat lang! Sino ba ang lalaking 'yun?"  "Hindi ko alam ang pangalan niya," kaswal na sagot niya. Ayaw niyang malaman nito na sa JJ ang tintukoy niya. Baka tudyuin pa siya ng kaibigan. "Tara na sa loob ng Sweet DOM, lilibre na kita," yakag niya. Kahit naman kinompiska nila ang cards niya ay may cash pa rin siya sa wallet niya. Ngumiti agad ito sa sinabi niya. Itinulak niya ang glass door at pumasok silang dalawa. "Sweet DOM!" naiiling na ulit nito sa sinabi niya. "Ikaw na ang mag-order," mabilis na sabi ni Shanna at nagmamadaling pumunta sa favorite spot nila. Napanguso siya sa inakto nito. Siya na nga ang manlilibre siya pa ang o-order. Naglakad siya papunta sa counter at tinawag si Troy. Isa ito sa staff dito na palagi niyang kinikindatan "Troy." "Yes, Miss pretty? Anong order mo? Libre na raw 'yun sabi ni bossing," sabi agad nito ng makita siya. Pumalakpak yata ang taynga niya sa narinig. "Talaga? Gusto ko 'yan! Dapat lang talaga na libre ang lahat ng o-orderen ko rito para naman makabayad siya sa kasalanan niya" bigkas niya. "So? Ito ang order ko, 1 cookies and cream na yogurt at 1 strawberry flavor. Tapos isang serve ng sweet strawberry at sweet chocalate," malapad ang ngiting order niya. Tumalima agad ito, at habang hinihintay ang order niya ay kinalikot muna niya ang cellphone. "Hi, Sweetheart!" Napapiksi siya nang marinig ang boses ni JJ na nakapangalumbaba sa counter. Kailan pa ito nandito? Bakit hindi niya napansin? "Narinig ko ang matamis na boses mo kaya nagmamadali akong lumabas ng kitchen," hindi mabura-bura ang ngiting saad nito. "Huwag ka ngang ngumiti. Titirisin ko yang mata mo!" masungit na pambabara niya rito ng maalalang ito ang dahilan kung bakit nasampal siya ng ama kagabi. Hindi man lang nagbago ang reaksyon nito at nginitian pa siya. Lukot ang ilong na nagpaypay siya gamit ang kamay niya. Hindi na siya makahintay na kunin ang order niya at umalis sa harapan nito. Magkakasala pa siya dahil gusto na niyang daklutin ang mata nito. Nang ilapag ni Troy ang tray sa counter ay mabilis na kinuha niya iyon para lang bitawan ulit nang kamay ni JJ ang mahawakan niya. Masama ang tingin na iginawad niya rito. "What? Ako dapat ang magalit sa'yo dahil iniwan mo ako sa gitna ng bulwagan kagabi. Nakakahiya kaya 'yun," anito. "Kasalanan mo rin naman. At'saka para makaganti sa paghahalik mo sa akin!" mariin at mahinang asik niya. Huh! Hindi niya hahayaang marinig ng iba ang ginawa ng lalaking ito sa kanya. "Gusto mo naman!" nakangising pang-aasar nito sa kanya. "Never!" patuyang asik niya bago kinuha ang tray na naglalaman ng order niya. "Nilibre ko na nga 'yan tapos tatarayan mo lang ako," narinig niyang wika nito. She gritted her teeth. Nag-about face siya at nagmartsa pabalik sa counter. Padabog na inilapag niya ang tray at kumuha ng isang libo sa wallet niya at malakas na inilapag iyon sa counter. "Bayad na!!" mataray na wika niya at kinuha uli ang tray. "Wait!" pigil nito sa kanya at lumabas ng counter. Napaatras siya nang lumapit ito sa kanya. Nagulat siya nang abutin nito ang mukha niya at haplusin ang pisngi niya. "Bakit may pasa ka?" seryosong tanong nito. "Make-up lang 'yan!" saad niya at nagmamadaling iniwan na ito roon. Bakit naman niya sasagutin ang tanong nito. "Ano bang pinag-usapan ninyo ni Sir JJ at ang tagal mo. Close na ba kayong dalawa? Kailan pa? Hindi naman kita nakikitang nakikipagtitigan sa kanya." nagtatakang usisa nito. "Ha? Napansin lang niya ang pisngi ko kaya tinatanong niya kung bakit ako may pasa," kaswal na bigkas niya. "Akala ko kung ano," sambit nito at kinuha ang strawberry cake at yugort drink. Pinanood niya ang pagsubo nito bago nagbawi ng tingin. Dumako ang mata niya sa may counter at nagulat pa siya nang malamang nakatinngin pa rin sa kanya si JJ. Nagtama ang mata nilang dalawa. Hindi ito ngumiti ng may kapilyuhan o kumindat sa kanya. Seryoso pa rin ang mukha nito na parang iniisip kung bakit siya may pasa sa mukha. Kinagat niya ang kuko at nagyuko ng ulo. Pakiramdam niya ay binabasa siya nito at natatakot siyang matuklasan nito ang pinagdaraanan niya. Ayaw niyang kaawaan siya nito 'pag nagkataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD