NAPAHINTO sa paglalakad ang mama ni Carol pagkatapus nitong marinig ang malakas nitong pagpapatugtog sa loob ng kwarto niya.
" KANINANG GABI PA SIYA NAGPAPATUGTOG AH " pagpunta nito sa kwarto ni Carol saka kumatok " Carol lumbas ka na diyan nang makapag-almusal ka at saka hindi ka na naman ba papasok? " pagkausap niya rito mula sa labas at kagaya nang inaasahan wala siyang narinig kahit na ano mang salita mula sa anak niya.
" Hayaan mo na siya kumakain naman daw pagwala tayo rito " pag-akbay rito ng asawa niya .
" Pero hindi siya pumapasok hindi ko alam pero pakiramdam ko mas lumalaki ang ulo nang batang yan " pagbaba nila patungo sa may almusal.
" Tita tumitigas po hindi lumalaki " pagtingin rito ni Anika ng makasabay niya ito papunta sa may mesa para mag-almusal.
" Hindi ko na alam anong gagawin ko sa kaniya " malungkot nitong sabi.
" Parang hindi naman po kayo nasanay kay Carol " ani Josh at sinundan ng paghikab.
" Hindi ka ba natulog nang maaga? " tanong rito ng daddy niya.
" Ilang araw na pong nagpapatugtog nang music si ma'am Carol kaya minsan po ang hirap matulog " sabi ng isang katulong habang hinahanda nito ang almusal nila.
" Pagpasinsyahan niyo na yang Carol ko, Alam kong ginagawa niya lang yan para inisin ako at hayaan siyang manirahan sa Lola niya " malungkot na sabi ng mama niya " dapat ipa soundproof yag kwarto niya eh " tumango naman sila sa matalino nitong sinabi.
" Pero kung ako ang tatanongin sanay na ako sa malakas na patugtog ni Carol, kung gusto niyong matulog maglagay kayo ng kahit anong bagay sa tainga para Hindi niyo marinig ang patugtog niya " ani Anika " Sinusubsob ko ang ulo ko sa unan para iwasan ang malakas niyang paparty music " ani Josh " sa katagalan ma'am nakakasanay din po " dugtong pa ng ilang katulong kaya ganon na lang ang tawa nila.
" Salamat, alam kong maliban sa gusto niyang pumunta sa lola niya, Alam niyo din siguro ang dahilan bakit ganon siya magpatugtog? "
" NAIIRITA DAW SIYA SA ANO MANG TUNOG DITO SA BAHAY " sabi ng isang katulong at biglang naputol ang usapang ito nang biglang dumating ang pinag-uusapan nila kaya agad napatayo itong mama niya.
" Carol?!!! Mabuti naman lumabas kana " pag-alis nito sa kinatatayuan niya at nagtungo rito.
" Carol halika na sumabay kana saamin mag-almusal " yaya rito nang daddy niya.
" Di bale na! " pagsuot nito sa bag back niyang bitbit niya " Aalis na ako " pagpapaalam nito at naglakad kaya agad ritong napasunod ang mama niya habang sinusundan ito nang lahat ng tingin sa kung saan ba ito pupunta.
" Saan ka pupunta hindi ba't pinagbawalan muna kitang lumabas kung hindi sa school ang punta mo? " tanong niya rito.
" Tsk! Saan ba ako sa tingin mo pupunta? " natahimik naman ito sa biglang sinabi ni Carol at napansin ang suot nito Kung saan naka-uniform kaya mahigpit niya itong hinawakan sa braso.
" Ibig bang sabihin num papasok ka kahit hindi pa nagwa-one month ang pananatili mo rito? " naaasar naman siyang tumingin rito " Ah sige, ipapahatid kita " sabi rito ng mama niya habang nakangiti.
" Maglalakad lang po ako papunta roon " pag-alis nito agad naman sininyasan ng mama niya ang isang driver na sundan ito.
" mag-iingat ka!!! " sigaw niya rito bago bumalik sa puwesto niya kanina at ngayon subrang lapad ng ngiti.
" papasok ba talaga yon? " ani anika habang sinusundan ito nang tingin at hindi makapaniwala.
" Hindi ko alam kung anong nakain at sino ang nasa katawan niya para mapapunta niya itong school " nakangiti nitong sabi.
" Sinasbi ko naman sayong papasok yon " pagngiti rito ng asawa niya. Samantala ganon na lang ang asar nitong si Carol nang makita niyang sinusundan siya ng maghahatid sa kaniyang sasakyan.
" Ma'am sumakay na po kayo " naaasar naman siyang lumingon rito.
" Puwedi ba huwag mo akong sundan!! Kainis " pag-lalakad nito ng halos patakbo.
" ma'am pakiusap sumakay na po kayo " pagsunod niya pa rito.
" tsk! Ano bang problema mo?! gusto ko lang maglakad kaya huwag mo akong sinusundan " sipa nito sa sasakyan mahina din ang pagpapatakbo nito kaya hindi siya masasaktan " Kapag sinundan mo ako tatanggalin kita sa trabaho! " sigaw nito habang tinatakot ang driver.
" Eh matatanggal din naman ako sa trabaho kapag nalaman ni madam na naglakad lang kayo papuntang school at saka ang layo po ng school " makulit ritong sabi ng driver pagkwan masama naman siyang lumingon rito pero nabura agad ang nakakunot niyang noo ng bumaba ang driver at binigay rito ang isang lollipop at selopeyn.
" Ito po (lollipop ) para hindi kayo mahilo agad at ito naman (selopeyn ) pagnahilo kayo dito nito ilabas " ngiti rito ng driver pero tumitig lang siya rito.
" Tayo na kasi ma'am aayosin ko po pagmamaniho ko para hindi kayo mahilo at gigisingin ko lang po kayo kapag dumating na tayo, panigurado po hindi niyo mararamdaman ang hilo niyo " pamimilit rito ng driver habang nagmamaka-awa ang mata.
Pagkwan pahablot na kinuha nitong si Carol ang mga binibigay niya rito at walang imik na pumasok sa loob ng sasakyan. Kaya mabilis na pumasok ang driver habang ang lapad ng ngiti, ito kasi talaga ang personal driver nitong si Carol kaya alam na alam niya ang timpla nito.
" Salamat ma'am " pagpapaandar nito sa sasakyan nakita naman agad nito ang pagpikit ng dalaga na halatang naghahanda ng mahilo.
" Ma'am matulog na po kayo " mahina nitong sabi pero binalatan lang ni Carol ang lollipop at kinain " Sa bagay po mas maganda po yong nagbibyahe kayong gising para masanay po kayo magbyahe " nakangiti pang sabi ng driver.
" manahimik ka nga! Buong araw at gabi akong natulog kaya paniguradong hindi ako makakatulog ngayon " paglunok nito habang mahigpit na nakahawak sa upuan kaya ganon na lang ang paglaki ng mata nang driver sa takot.
" Problema nga po yan " nag-aalala nitong sabi at tahimik na nagmaneho at pagkailang minuto ganon na lang ang takot niya ng marinig nitong sumigaw si Carol.
" ahhhhh!! Nakakainis naman!!! " sigaw pa nito habang namumula ang mukha at pinagpapawisan na halatang kanina pa ito nagpipigil ng hilo.
" E ano po bang dahilan at pumasok pa kayo kung puwedi naman kayong sa bahay lang at matulog maghapon wala naman pong magagalit sainyo " nag-aalalang sabi ng driver at bumilis na rin ang takbo niya para makarating agad sila. "Gusto niyo po bang makita ang Lola niyo o nagdecide na kayong maging mabuting estudyante? " pagbibiro pa rito ng driver pero natigilan ito ng makita niyang ang seryoso ng mukha ng ma'am niya habang nakatingin sa labas na para bang nawala ang pagkakahilo nito sa lalim ng iniisip. Kaya tumahimik na din ito at nagmaniho pero mga ilang segundo narinig niyang nagsuka na nga itong si Carol. Sa kabilang banda naman parang matamlay na gulay si Paulo habang naglalakad palabas sa kwarto niya pagkatapus nitong maisip na absent na naman si Carol at panibagong kaparusahan na naman ang naghihintay sa kaniya at isa pa ang pag-akyat nito sa may pader na halos magkandurog durog ang buto niya sa tuwing aakyat rito at nahuhulog.
" Perweso talaga ang Carol na yon! " matamlay nitong pag-upo at ganon na lang ang gulat niya ng biglang hawakan ni Lusin ang botones ng polo niya.
" Sir Paulo first time niyo pong magsusuot ng uniform pero hindi niyo po inaayos, sayang po bagay na bagay niyo pa naman " pag-botones niya sa isang botones ng polo ni Paulong hindi niya naibotones.
" Tama si Lusin, at saka ano bang mayron sa mukhang yan bakit hindi maipenta? May hindi ka ba nararamdamang maayos? " nag-aalala ritong tanong ng papang niya at isang malalim na buntong hininga ang ginawa lang nito. Anyway, ang school kasi nila, ay puweding magfree style sa first week of school/semester kaya ngayon pa lang sila mag-uuniform.
" Maayos po ako, kulang lang po siguro ako ng tulog hindi kasi ako nakatulog ng maaga kagabi " pagsisinungaling nito, alam niya kasing mag-aalala ang mga ito kapag nalaman nila ang dinadanas nito sa pagdaan nito sa may pader. At pagkatapus nitong kumain pumasok na siya at para itong Zombieng naglalakad patungo sa may pader para dumaan rito.
" Hindi ko alam hangga't kelan ko kailangan dumaan rito " nalulungkot niyang pagtingin sa uniform niya " Ang ayos ayos nang damit ko tas dito lang ako dadaan, kainissss talagang Carol na yon " pag-akyat niya rito habang napipilitan kaya para itong tangang tumalon sa loob ng school at kagaya ng madalas mangyari andon na naman sila Ken habang nakaupo sa may damuhan na halatang hinihintay nila ito.
" Sinasabi na nga bang nandito ka na naman " tawanan pa nila
" Dali na puntahan mo na ang guard at sabihing may nahuli na naman tayo " tawa pa ni Ken at ganon na lang ang gulat nila ng may tumapong sapatos sa ulo ni Ken at sabay sabay silang lumingon sa pinanggalingan nitong direksyon.
" CAROOOOOL?!!!!! " Nanlalaki nilang mata habang nakatingin sa Carol na nakaupo sa may ibaba ng puno at si Paulo ganon na lang ang ngiti niya ng makita ito pagkatapus nitong maisip ang ID niya na dala nito.
" TSK!!! HIMALA AT NAISIPAN MONG PUMASOK!!! " pagtayo ni Ken habang asar na asar sabay tapon sa sapatos ni Carol na tumama sa ulo niya. At sakto namang kay Paulo ito tumama.
" Hoy Carol wag ka ng makialam dito para wag ka nang madamay! " ani ken " pumasok ka na lang ng tumahimik ang buhay mo " pagbala pa rito ni Ken.
" tsk! At sino ka para utosan ako sa gagawin ko?! " pagtungo nito kay Paulo at hinablot niya rito ang sapatos niya tsaka niya ito tinitigan sa mata.
" Carol yong ID ko? " tanong nito agad habang nakangiti.
" BAKLA KA BA? " Masama niyang sabi rito pagkatapus niya ito makitang tamaan ng sapatos nang Hindi man lang nagsasalita, napakunot naman ng noo itong si Paulo sa sinabi niya pagkwan yumuko ito at isinuot niya ang sapatos niya " sumunod ka saakin! " sabi nito at naglakad, mabilis namang sumunod rito si Paulo pero natigilan sila sa paglalakad ng pigilin ni Ken si Paulo gamit ang bag back nito kaya mabilis na pinalo ni Carol ang kamay nito kaya nabitiwan niya ito kaya ganon na lang ang tawa nitong si Ken na halatang nagpipigil ng galit.
" HA HA HA HA HA HA HA " tawa nito ng mala demonyo pero mayamaya tumigil ito at tumitig kay Carol " GUSTO KO SIYA KAYA WAG KANG MAKIALAM! " makahulogan ritong sabi ni Ken.
" TSSSST! WALA AKONG PAKIALAM SA MGA GUSTO MONG GAWIN PERO HUWAG MO AKONG INUUTOSAN NANG GAGAWIN KO! " paghawi nito sa buhok niya at kapag sinundan ka niya ng tingin pagkatapus niyang gawin ito ay kikilabotan ka kaya mahinang napaatras itong si Ken at tumawa muli para itago ang nararamdaman niya.
" HOY! MAY GUSTO KA BA DIYAN?! " pagtukoy nila kay Paulo liningon naman niya ito at inosente itong nakatingin sa kaniya.
" tsk! ano namang dahilan para magustohan ko siya? " sabi nito at ngumisi kaya ganon na lang ang asar nitong si Paulo.
" Puwedi ba kung wala kayong balak mag-aral puwes papasokin niyo ako at wag niyo akong dinadamay sa mga usapan niyo " pag-alis nito pero mabilisan itong hinarangan nang tropa ni Ken.
" BAKA NAKAKALIMOTAN MONG WALA KANG ID? " Ngisi nila rito kaya ganon na lang ang asar nitong si Paulo.
" Baka nakakalimotan niyo ring wala kayong ID? Kaya sige, kumuha tayong lahat ng parusa! Basta kami sanay na kaming maparusahan pero iwan ko anong sasabihin ng mga tao o nang lolo ni Ken kung ang sarili niyang apo ay mapaparusahan dahil hindi nito kayang sumunod sa rules ng school na pagmamay-ari nila mismo " ngisi nitong si Carol kaya nagtataka naman ritong lumingon si Paulo nang mataranta ang mga tropa ni Ken sa paghahanap sa ID nila sa bag nitong kinuha niya galing sa punong kinauupuan ni Carol kanina.
" Ken dito nakalagay yong ID natin lahat, cheneck ko pa yon bago tayo pumasok sa school " natatarantang sabi ng tauhan niya. Pagkwan nakita ni Ken ang pagngisi nitong si Carol.
" anong ginawa mo sa ID namin? " naaasar ritong tanong ni Ken.
" Basta ang alam ko mapaparusahan kayo kapag sinabi niyong wala kaming ID " pagkuha nito ng lollipop sa bulsa niya.
" Sige, tulongan mo yang buwesit na yan! Pero binabalaan kita Carol, kahit kapatid ka pa ni Anika hindi kita pagbibigyan kapag nakialam ka sa lalaking yan " mahina nitong sabi kay Carol pagkatapus niyang lumapit rito ganon naman ang pagtataka ni Paulo habang iniisip Kung ano bang pinag-uusapan nila.
" Inuutosan mo ako? " tingin niya rito pero tumitig lang rito si Ken bago umalis at parang may apoy ang mata nitong lumingon kay Paulo.
"KUNIN MO ANG ID!!! " sigaw ni Ken sa kasamahan niya kaya mabilis itong bumalik kay Carol at ganon na lang ang paglaki nang mata nito ng makita niyang nakalagay ito sa may sanga ng puno pagkatapus itong lingonin ni Carol pagkwan naglakad na ito at mabilis namang sumunod rito si Paulo pero natigilan ito nang lumingon rito si Carol habang ang sama ng tingin.
" Teka! Bakit parang ako na naman ang may Mali rito? " Pag-atras nito ng kunti at lumunok sa kaba pagkatapus Makita ang masasamang tingin ni Carol pagkwan lumapit ito sa kaniya kaya ganon na lang ang pagtataka nito at kinakabahan.
" HINDI KA BA SINABIHAN NI STELL? " Nagtataka naman siyang tumingin rito hindi niya kasi maitindihan ang gusto nitong sabihin " WALA TALAGANG KUWENTA YANG KAIBIGAN MO, TSK! HINDI KO ALAM KUNG NASABIHAN NA KITA TUNGKOL RITO PERO HUWAG KANG NAGLALALAPIT KAY ANIKA!! " seryoso nitong sabi, dito rin naman naitindihan ni Paulo ang gusto nitong sabihin.
" tsk! kung ang tinutukoy mo ay ang pambubully nila Ken ay si Anika ang dahilan? tssst! Hindi, Kaya lang naman sila palaging nakaabang doon dahil alam nilang wala akong ID " sagot nito " kaya daliii na Carol ibalik mo na ang ID ko " paglalahad nito sa kamay niya.
" BOBO KA BA TALAGA O SINASADYA MONG HINDI ITINDIHIN?! "naaasar nitong paglalakad muli.
" Ano bang kabobohan sa gusto kong ibalik mo ang ID ko? " pagsunod niya rito nakita naman niya ang pag-iling nitong si Carol sa inis.
" Alam kong ayaw mo saakin o galit ka nang iwan kung anong dahilan " napahinto naman ito sa mga sinabi ni Paulo " Pero Carol ilang araw na akong napaparusahan hindi pa ba yon sapat sayo? Kaya ibalik mo na kasi ang ID ko " pangungulit rito ni Paulo at napapikit ito ng biglang humarap si Carol at itaas ang kamay niya para hampasin ito sa ulo pero pasulyap din itong dumilat ng walang tumama sa ulo niya at nakita niya itong si Carol habang ang sama ng tingin sa kaniya.
" IBABALIK KO ANG ID MO " Malamig nitong sabi at naglakad kaya agad huminga ng malalim itong si Paulo sa kaba sa mga titig rito ng dalaga kanina pagkwan bumalik itong muli.
" SINABIHAN NA KITA NOON DIBA? HINDI MAGANDANG MAGING MABAIT KA SAAKIN?!!! " masama nitong sabi saka umalis.
" HAIST! E KUNG NAGING MABAIT AKO SA KANIYA DIBA DAPAT MAGING MABAIT DIN SIYA SAAKIN? " bulong nito " AT SAKA SAAN BA TALAGA NIYA NILAGAY ANG ID KO? MASASAKTA__ " natigilan ito ng maalala ang mukha ni Carol kapag naiinis " Haist ang labo naman talagang masaktan ko siya kelan pa ba umatake ang kyuut na pusa sa mabangis na lion " pag-iisip nito habang nakikitang lion si Carol at siya ay isang cute na pusang sumusunod rito pero natigilan ito ng mag-iba ng direksyon itong si Carol pero hindi na niya ito sinundan.
" Saan naman pupunta yon? " pagtataka pa nito habang sinusundan ito ng tingin.
" Kaya nga ayaw kong pumapasok dahil ang sama ng sasakyan, ang sama niya para hilohin ako " pagpalo nito sa dibdib niya ng mahina habang humihinga ng malalim at naupo sa may direksyon ng hangin para mawala ang hilo nito kanina pa kasi siya nagpipigil ng hilo habang nakikipag-usap kina Ken pagkwan sumandal ito sa may puno, wala masyadong nagpupunta rito kaya dito siya madalas tumambay.
" BUKAS HINDI NA AKO PAPASOK BAHALA NG JAMPAWLO NA YON! TSK! ANO RIN BA ANG PAKI KO SA KANIYA, BAHALA SIYANG SAKTAN NG KEN NA YON! TOTAL AYAW NAMAN NIYANG MAKINIG " Pagtingin nito sa langit " TSK! ALAM KONG MAGANDA SI ANIKA PERO KAY KEN NA YON AT HINDI MAGANDANG KALABANIN ANG MANOK NA YON " pagtahimik nito at nakiramdam ng katahimikan pagkwan marahan itong kumuha ng barya sa bulsa niya " Hahayaan ko na siya! " disisyon nito at tinapon Ang coin tsaka sinalo " patay! " Hula nito pagkatapus salohin ang barya pagkwan tiningnan niya ito " Buhay!(ulo ng coin)?! " Pagtingin niya rito nang hindi niya ito nahulaan " Buwesit! " pagtapon nito sa barya, kapag nahulaan niya kasi susundin nito ang disisyon niya pero hindi niya ito nahulaan kaya ibig sabihin non kailangan niyang gawin ang kabaliktaran nang gusto niyang gawin " NAHIHILO NGA AKO KAYA AYAW KONG PUMASOK!!! " naaasar nitong sabi " TAMA, SA NGAYON AKO NG MADIDISESYON TSSST! HINDI AKO PAPASOK BUKAS, BAHALA NA ANG JAMPAWLO NA YON! " pagsandal nito sa may puno habang nagpipigil ng inis at pilit na pumikit para pakalmahin ang sarili.
" Alam kong namimiss mo si Carol Dre pero tigilan mo nang kasisilip sa labas hindi yon papasok ngayon " ani Stell habang nakikinig sa teacher nila, kanina pa kasi niya napapansin ang pagsilip ni Paulo ng paulit ulit sa labas.
" Nakita ko siya kanina " mahina nitong sabi kaya mabilis ritong lumingon si Stell pero agad niya ring binawi yon " sus! Pinagtitripan mo lang ako at saka paano namang papasok yon? Next month pa yon! " pagfucos nitong muli sa harapan o sa lecture.
" Nagkausap pa nga kami kanina, sabay pa nga kaming pumasok kaya lang nag-iba siya ng direksyon nong malapit na kami " bigla namang nangislap ang mata nitong si Stell at lumingon kay Paulo.
" sigurado ka pumasok siya? " Hindi pa nito makapaniwalang tanong.
" Oo, sigurado ako doon " pagtango pa ni Paulo na ngayon nagtataka na rin kung may Carol ba siyang nakita kanina o baka imahinasyon lang niya dahil sa mga mapapangusisa ritong tanong ni Stell at hanggang sa natapus ang klase this morning walang Carol na dumating.
" Naku! Pinagluluko mo talaga ako " masama ritong sabi ni Stell at naunang naglakad palabas buong klase kasi siyang hindi nakafucos sa lecture dahil hinihintay nito si Carol.
" Pero nakita ko talaga " bulong pa niya " tama, titingnan ko na lang sa kaninang pinuntahan niya " mabilis nitong pagsuot sa bag niya at naglakad palabas.
" Paulo " natigilan siya sa paglalakad ng tawagin ito ni Anika " Canteen? " paglapit niya rito.
" ah? Oo " ngiti nito ng makita ang nangingislap ritong mata nang dalaga.
" Sabay tayo " paglalakad ni Anika mabilis naman siyang sumabay rito pero agad nagkalayo itong dalawa ng pumagitna sa kanila si Stell na kanina pa hinihintay sa labas si Paulo.
" excuse me pero may importante kaming pag-uusapan " paglayo ni Stell kay Paulo rito.
" Stell ano bang ginagawa mo? " nagtataka niyang tanong rito habang yakap yakap siya nitong hinihila palayo kay Anika.
" tsk! Sabi ko naman sayo diba? Kay Ken lang siya " naaasar ritong bulong ni Stell.
" Ano bang pinagsasabi mo diyan " pagtanggal niya sa pagkakayakap niya rito habang nakatingin sa kanila si Anika at naglalakad.
" tssst! Iyang si Stell minsan pakiramdam ko may nararamdaman yan kay Paulo mas malala pa siya manlandi kay Justin eh "
" ahem! " napalingon naman itong si Rohan sa Justin na inubong nasa may likuran nila.
" heheehe joke lang naman yon " alanganin ritong ngiti ni Rohan at napapikit siya ng kunwari siyang tutusokin nito sa mata.
" Isa pang pangtsitsismis saakin aalisin ko yang mata at dela mo " banta rito ni Justin at mabilis na humabol kay Josh.
" sus! Hindi ba talaga lover yang dalawa? " Ani Rohan habang nakatingin kay Justin na mabilis na yumakap sa braso ni Josh.
" Sino naman ang bakla sa kanila? Si Kuya may 8 packs abs, si Justin naman masyadong mataas ang ideal girl alam mo yan diba? pero si Kuya, sa totoo niyan wala din siyang nasheshare talaga saakin tungkol sa kung anong babaeng gusto niya " ani Anika.
" Naku imposibleng si Josh ang bakla noh! " Sabi agad nitong si Rohan " Pero teka, anong plano mo sa kaniya ?! " pagtukoy nito sa Paulong yakap yakap nitong si Stell.
" Anong gagawin ko sa kaniya? " nahihiya nitong sabi at naglakad ng mabilis ng hindi lumilingon kina Paulo at pagkarating nilang Canteen pumasok din itong si Stell at Paulo.
" Stell dito kayo! " pagkaway sa kanila ni Rohan para tumabi sa kanila at makatabi nitong best friend niya si Paulo pagkwan nagtungo sa kanila ang dalawa ng Hindi nababasa nitong si Stell ang plano nitong si Rohan pero gayon pa man dahil iniiwasan nga niyang makatabi nitong si Paulo si Anika kaya siya ang mabilis na tumabi rito nang upo.
" Kami ni Stell, Justin ang oorder ng pagkain " pagpepresenta nitong si Rohan at binitbit ang dalawang nasa side niya pagkwan nagkatitigan itong si Anika at Paulo nang umorder ang tatlo.
" Kamusta na ang pakiramdam mo? " tanong agad rito ni Anika.
" Kung hindi maayos ang pakiramdam mo puwedi ka namang Hindi pumasok " lingon rito ni Josh sa biglang pagtatanong ni Anika.
" Eh nakuwento ko sa kaniya ang tungkol sa karamdaman mo, sorry " ngumiti naman siya sa nahihiyang tingin rito ni Anika.
" Okay lang yon at saka maayos ang pakiramdam ko, salamat sa pag-aalala " ngiti nito sa magkapatid pagkwan hinawakan ito ni Josh sa balikat.
" Kung may mga kailangan ka you're free to ask my help " pagtapik niya rito ng mahina tumango naman siya rito bilang sagot at mga ilang usapan naalala bigla ni Anika si Carol.
" Pero Kuya bakit kaya hindi ko nakita si Carol? " paglingon nito sa paligid.
" Kailan pa ba yon nagka-interest pumasok? sa tingin ko nandoon na naman siya sa Lola niya " magsasalita sana itong si Paulo tungkol kay Carol pero agad nagsalitang muli itong si Josh " Pero naiisip ko ang pagsakay niya nang sasakyan " nag-aalalang sabi ni Josh alam kasi nilang mahina ito sa byahe kaya agad namang tumingin si Paulo kay Anika pero bago pa siya makapagtanong nabasa na agad ni Anika ang itatanong niya kaya agad itong nagsalita.
" Si Carol kahit gaano kalapit na byahe o kahit na anong sasakyan yan open air man yan, o ano, mahihilo at mahihilo siya, sana nga maayos lang siya ngayon " malungkot nitong sabi pero agad niya ring binawi yon at ngumiti " pero sigurado naman yon dahil panigurado nandoon siya sa Lola niya ngayon, palusot lang naman niya ang pagpasok sa school " mahabang sabi ni Anika.
" Totoo yon at saka ang pagpasok niya nang klase ay isang himala " pagtawa bahagya nitong si Josh ng maisip si Carol kaya napaisip din bigla itong si Paulo ng maalala niya ang mga nangyari kaninang umaga.
" So maaari ba talagang panaginip lang yon? At Hindi ko talaga nakita si Carol? " tanong pa niya. Pagkwan napalingon sila sa may pinto ng magtahimik ang lahat habang pumapasok si ken kasama ang tropa niya at may hawak na flower ang isa niyang kasama.
" Good morning binibini ko " pagtabi ni Ken kay Anika at sabay na binigay ng tropa niya ang dala nilang flower dito.
" sige boss! " pagpapaalam nila kay Ken at umalis.
" Anong gusto mo? " tanong rito ni Ken.
" Hindi mo naman kailangan bumili pa ng bulaklak " paglapag nito sa flower sa may mesa.
" Alam mo namang ibibigay ko kahit ano para sayo diba? " Seryoso niyang tingin rito, matagal na niya kasi itong liniligawan pero hirap na hirap siyang paibigin ito.
" Ken puwedi bang kumain na lang tayo? " ani Anika ng ilapag ni Rohan ang inorder nilang pagkain at agad itong tumingin kay Paulo nang sulyapan ito ng tingin ni Anika.
" pambihira bakit nandito ang isang 'toh?! Talaga bang nang-aasar ka? " naiinis nitong tanong pagkatapus maalala ang mga nangyari kaninang umaga kasama si Carol.
" Kasama ko siya " ani Josh pagkwan dumating din itong si Stell at Justin at tumabi sila ng upo rito kaya tumahimik na din itong si Ken habang naiinis.
" Para sayo " ani Rohan pagkatapus umorder ulit ng kay Ken pagkatapus tumanggi ni Justin at Stell na kuhan ito ng pagkain.
" Busog naman ako, nandito lang ako dahil gusto kitang makita " paghahanda ni Ken sa pagkain ni Anika.
" Nagkikita naman tayo tuwing gabi sa basketball court " ani Anika magkalapit lang kasi ang basketball boys and girls court.
" Nong weekends hindi kita nakita tas hindi mo sinasagot ang mga tawag ko kaya hindi ko na kayang hintayin pa ang gabi nang practice para makita ka " pagkausap pa rito ni Ken habang pinagmamasdan ito na akala mo siya lang ang tao rito sa mundo, kung ice cream lang ito kanina pa siya natunaw sa mga titig ni Ken.
" Busy ako e " tipid lang nitong sagot at mabilis na sumulyap kay Paulo habang matamang kumakain hindi naman yon napansin ni Ken ganon din si Paulo habang nababaliw sa kaiisip kung nakita ba talaga nito kaninang Umaga si Carol.
" Josh akin na lang itong fries mo ah! " ani Justin.
" Oo pero ikaw ang magbabayad "
" haist para ito lang di mo pa malibre saakin " pangungulit rito ni Justin habang nilalayo rito ni Josh.
" Kunti lang!!! " parang bata nitong sabi at natigilan sila nang mapansin nilang halos nakatingin sa kanila ang lahat kaya ganon na lang ang hiya nitong si Justin pero si Josh wala siyang pakialam sa mga tingin nila pagkwan napansin ni Justin ang mga malalagkit sa kanilang titig ni Rohan kaya ganon na lang ang asar niya rito. Samantala si Stell nalipat na sa ibang mesa habang nakikipagharutan sa mga babae.
" Tapos na ako " Ani Paulo " sige mauuna na ako " pagtayo nito mabilis naman ritong napalingon si Stell at Anika.
" saan ka Dre?! " tanong rito ni Stell habang naghihintay si Anika sa magiging sagot niya.
" May kailangan lang akong gawin, kita na lang tayo sa classroom " ani Paulo at tuloyan ng lumabas pagkatapus magbigay respeto sa kanila.
" Bet ko talaga siya napaka maginoo niya " bulongan ng mga babae sa canteen at ilan dito ang kaklase nila Anika.
" At saka ang guwapo niya "
" Ang bango din, nong makasalubong ko siya grabeee subrang bango niya!!! " usapan pa nila.
" Pero kay Anika na yan! " Ganon na lang ang takot ng mga babae ng batohin sila ni Ken ng burger kaya ganon na lang ang mantsa nito sa uniform ng babae.
" Ken ano ka ba? " masama ritong saway ni Anika.
" tsk! Hindi ko gusto ang tabas ng bibig!!! " nakakunot noo nitong sabi sa inis.
" Wala na akong gana " pagtayo nito para umalis pero mabilis na hinawakan ni Ken ang kamay niya para pigilan ito.
" Pasensya na! Hindi ko gustong batohin ka pero alam niyo namang kami lang ang nababagay ni Anika hindi ba? " mahina naman silang tumango rito pagkwan nilingon ni Ken si Anika " Okay na ba yon? " tahimik namang umupo itong si Anika kaya ganon na lang ang kilig ni Rohan kung totoosin bagay naman talaga itong si Anika and Ken pero hindi talaga ito gusto ni Anika.
" Sana nakita ni Paulo ang mga nangyari para hindi na siya nakakalapit kay Anika " ani Stell habang iniisip si Paulo.