Kabanata 9

4524 Words
ILANG araw na ang lumilipas pero walang Carol na pumasok kaya walang araw ding hindi siya dumaan sa may pader at hindi niya alam pero sa tuwing dadaan siya rito nandito din sina Ken na para bang hinihintay nila ang pagdating nito. At ang nakakapagtaka may mga nakakasabay din siya minsang dumadaan rito pero siya lang palagi ang napaparusahan. " Hindi kana naman sasabay saakin? " tanong rito ni Stell habang naglalakad sila pauwi pagkatapus ng klase nila. " May kailangan akong gawin " ani Paulo. " Kailangan gawin? sige, sasamahan na lang kita " pagtingin pa nito sa relo niya at kagaya ng madalas makita rito ni Paulo na expression niya naiinis at nag-aalala itong tumitingin sa relo niya. " Kapag may pagkakataon sabihin mo saakin bakit palaging kailangan mong umuwi ng maaga " napatingin naman rito si Stell habang malungkot ang mga mata nito. " Dre okay ka lang? " bahagya naman ritong ngumiti si Stell " Okay lang, sige mauuna na lang ako pasinsya kana kung di kita masasamahan ah " pagtapik niya rito at naglakad paalis sinundan naman ito ng tingin ni Paulo habang iniisip ang malulungkot nitong mata pagkwan nagtungo na din siya sa may guard para kunin ang kaparusahan nitong muli. " Kung ganon buong taon akong tatanggap ng parusa kapag hindi pumasok ang Carol na yon? " paglalakad nito patungo sa may grand stand para maglinis rito " Nakakainis kana Carol bakit ba ayaw mo pang pumasok? " paghinto nito maglakad " Ano bang mayron kung papasok ka? At saka ano bang ginagawa mo kung hindi ka papasok? Nakakainis ka na talaga " pag-iisip nito rito. Samantala dahil malapit ang grand stand na ito sa may basketball court kaya madalas ritong dumaan sina Anika. " Anika hindi ba't yan yong crush mo? " natigilan naman ito sa pagturo ni Rohan sa Paulong nakatalikod. " Si Paulo ba yan? " tanong din nito. " sus! ikaw ang may crush ba't saakin mo tinatanong? " pang-aasar rito ni Rohan. " tsst! tumigil ka nga mamaya marinig niya tayo " pagsaway niya rito. " so crush mo nga? " tanong pa niya. " Puwedi ba tumigil ka na lang " naiinis niyang saway rito. " sus! bet mo yan eh " pamimikon pa nito " Naku! Tara na nga baka ma-late pa tayo sa practice " paglalakad nito bahagya namang lumingon itong si Anika kay Paulong naglakad para maglinis nitong grandstand. " Bakit kaya siya nandito? gabi na ah " pagtingin nito sa relo niya. " oiiii halika na " sigaw rito ni Rohan. " ah Rohan biglang sumakit ang tiyan ko hindi siguro ako makaka pagpractice ngayon " dahilan nito, ilang segundobnaman itong tiningnan ni Rohan. " o sige, kaya mo naman sigurong lumabas mag-isa kaya hindi na kita sasamahan " ilang ulit naman ritong tumango si Anika bilang sagot pagkwan tumalikod itong kaibigan niya para maglakad paalis " sus! magkaibigan nga kami pero ayaw naman niyang nagsheshare saakin " pag-alis nito alam niya kasi ang dahilan bakit biglang sumakit ang tiyan nitong best friend niya. " Sorry " bulong ni Anika pagkwan nagtungo ito sa grandstand at para itong magnanakaw habang hinahanap itong si Paulo at ganon na lang ang ngiti niya ng makita niya ito habang pinupulot ang ilang basura. " Paano ako magpapakita? Paano ko siya papansinin? Wag na lang kaya " pag-iisip nito habang iniisip kung paano ito mag-aapproach kay Paulo habang nararamdaman nito ang kaba " Aalis na lang siguro ako " bulong pa nito pero ganon na lang ang gulat niya ng mapatid ito sa sarili niyang mga binti. " Anika... " bulong pa niya habang iniisip kung nakita ito ni Paulo. " Okay ka lang? " napatingin naman siya sa kamay na humawak sa mga braso niya para tulongan itong tumayo " Anong ginagawa mo rito? " tanong pa muli ni Paulo. " ah kasi nakita kita kaya___ " natigilan naman siya sa biglang lumabas sa bibig niya " ang ibig kong sabihin gusto ko lang din malaman bakit nandito ka nang ganitong oras? " pagbawi nito sa muntik ng lumabas sa bibig niya. " Yon ba? na kay Carol kasi ang ID ko kaya kailangan kong maglinis rito pagkatapus akong mahuli ng mga guard na dumaan sa may pader " ganon naman ang pag-aalala nito sa sinabi ni Paulo. " Pasaway talaga yon eh " pagtukoy nito kay Carol " Di bale pagnagkita kami sa bahay itatanong ko sa kaniya " pagpulot nito sa basurahan. " Hindi mo kailangan magpulot " pagkuha niya rito sa basurahan. " Nasa kapatid ko ang ID mo kaya ka naparusahan kaya dapat lang na tulongan kita " pagpupulot nito. " Talaga bang kapatid mo yon? " napatingin naman rito si Anika sa tanong niya. " Sorry, ibang iba kasi kayo ng ugali kaya ko natanong " ani Paulo pagkwan nagpulot uli itong si Carol. " ang sabi ni Daddy kapatid daw namin siya dahil nagkaroon sila ng affair nang mama ni Carol noon at siya Ang bunga " pagsasalita nito " Pero hanggang doon lang ang palaging kuwento ni Daddy sa paano niya naging anak si Carol " dugtong nito " pero si Carol ayaw niyang tanggapin yon, pinipilit niyang yong nagpalaki sa kaniya ang biological father niya kaya nagrerebilde siya para makaalis sa bahay at manirahan kasama ang Lola niya, nagagalit kasi siya kay tita at daddy kaya lang nag-iisa siyang anak ni Tita kaya ayaw niyang payagan kaya kahit anong gawin ni Carol pinapabayaan niya ito huwag lang lumayas sa bahay kaya ayon, napaka pasaway " mahaba nitong kuwento " At alam mo ba maliban sa Lola niya wala na siyang gustong tao dito sa mundo? Napaka pasaway niya, lahat nang gusto niya ginagawa niya, at kailangan mangyari, wala kasi siyang pakialam sa nakapaligid at sa sarili niya kaya nga takot sa kaniya si Ken wala kasi itong pakialam kung may masaktan o mapatay siya, naiisip ko nga minsan nabubuhay lang siguro si Carol dahil sa Lola niya Hindi ka maniniwala pero wala siyang pangarap, Hindi ko alam pero si Carol para siyang bata kung may pagkain, kakain kung wala hindi siya magrereklamo at niminsan hindi siya humingi ng tulong saamin at minsan nakakainggit yon " pagtingin nito kay Paulo at hindi niya malaman kung naiinggit o natutuwa ba rito si Anika. " Gusto kong subokang mabuhay ng tulad ni Carol, kapag isa kang Santos kasi kailangan mong kumilos bilang isang Santos, Hindi lang basta si Anika kundi si Anika Santos pero si Carol, siya si Carol, Carol lang " mahina nitong tawa pagkatapus mapansin ang seryosong mukha ni Paulo sa pakikinig sa kaniya. " Feeling ko naman mas masaya mabuhay ng tulad mo, yong masaya ka " tumango naman rito si Anika. At pagkatapus nilang maglinis naupo sila bahagya at pinanood ang langit. " if you don't mind puwedi ba kitang tanongin? " ani Anika. " Ano yon? " lingon rito ni Paulo. " ahh, bakit ka nagka-amnesia? " alanganin nitong tanong. " Hindi ko rin alam ang dahilan pero sabi ni Papang dahil daw sa isang car accident pero maliban doon wala na silang kuwento saakin " ngiti nito habang nakatingin sa langit habang lumalamig ang simoy ng hangin. " Ano sa pakiramdam ang wala kang maalala? " napalingon naman rito si Paulo " ah, huwag mo na pansinin yong tinanong ko " nahihiya nitong ngiti. " Pakiramdam ko araw araw may kulang sa buhay ko, na para bang ang daming hindi tama " malungkot nitong sabi " marami akong tanong pero hindi ko matanong dahil hindi ko alam kung dapat ko bang itanong dahil wala naman akong maalala kaya baka masyado lang akong nag-iisip ng mga bagay bagay kaya ko naiisip ang mga bagay na yon, pakiramdam ko kasi ang daming mali, pakiramdam ko kapag bumalik ang mga alaala ko may mawawala sa buhay ko " pagbuntong hininga nito habang nakangiti at nababasa sa mga mata nito ang lungkot. " Kapag bumalik ang alaala mo mawawala din yang mga iniisip mo, wag kang nag-oover think, the more na nag-iisip ka mas madami ding tanong na pumapasok sa isip mo kaya iwasan mo at hayaan mong bumalik ang mga alaala mo, panigurado namang babalik yan " pagtapik nito sa balikat ni Paulo. " Salamat " lingon niya rito at saktong lumingon din rito ang dalaga kaya nagtama ang mga mata nila at ilang segundo rin ang pagtititigan nila ng putolin ito ni Anika at binaling ang mata sa iba kaya bahagyang natawa itong si Paulo nang maisip ang nangyari sa kanila kaya ganon na din ang tawa ni Anika. " Sandali, pahiram ako nang phone mo " pagputol ni Anika sa tawanan nila pagkwan binigay naman niya ito rito. " Picture tayo " nagtataka namang nakatingin rito si Paulo habang pumupunta itong si Anika sa camera " Ang sabi kasi nila may tendency na malimotan ng taong may amnesia ang mga alaala niya sa oras na bumalik ang dati niyang mga alaala kaya kapag nalimotan mo ako may ebidensya akong magkakilala tayo " paglapit nito kay Paulo at kumuha nang picture " Huwag mong ededelete hangga't hindi ko nakukuha, naiwan ko yong phone ko sa locker kaya hindi ko dala pero kukunin ko yan " makulit nitong sabi habang nakahalukipkip sa lamig tumango naman si Paulo bilang sagot pagkwan tumayo siya. " Tara umuwi na tayo " pagtayo nito sa harapan ni Anika at nilahad nito ang kamay niya para tulongan itong tumayo kaya ganon na lang ang ngiti nitong si Anika ng palihim. " Salamat " paghawak nito sa braso ni Paulo para tumayo. At ang hindi nila alam ay pinapanood sila ni Ken pagkatapus nitong pumunta sa practice area ni Anika at Hindi niya ito nadatnan dahil nandito siya ayon kay Rohan na napilitang magsabi ng totoo dahil sa takot kay Ken. At sabay pang lumabas ang dalawa sa may gate pagkatapus itong samahan ni Paulo na kunin ang mga gamit nito. " Puwedi ka namang sumabay saakin " ani Anika nang pumarada ang sundo niyang sasakyan sa harapan nila. " May bisikleta ako " ngiti nito " sige, mag-iingat ka sa pag-uwi " pagbukas nito sa may sasakyan. " Sige, so bukas dadaanan na lang kita sainyo " pagtukoy ni Anika sa lakad nila this weekend na kanina pa nila usapan. " sige, total Hindi ko alam ang bahay niyo " medyo nahihiya nitong sabi. " Kapag alam mo na ikaw naman ang susundo saakin " pagsakay nito at umalis pagkwan umuwi na rin itong si Paulo pero napahinto siya sa pagbibisekleta ng makita niyang naka-abang sa may daan itong si Ken malapit sa kanila at nang mapansin soya nang mga ito agad itong nagtungo sa kaniya. " gago!!! Talaga bang hindi ka nadadala?! " pambungad agad rito ni Ken at kinulweyohan niya ito agad " Binalaan na kita tungkol kay Anika hindi ba?!! " akala mo panabong itong si Ken na para bang gusto siya nitong pagtutukain. " Bitiwan mo nga ako! " pagtanggal nito sa kamay ni Ken mabilis namang napigilan ng tropa niya itong si Ken ng umakto itong tatadyakan si Paulo. " Bitawan niyo ako!!! " sigaw nito pagkwan may binulong rito ang mga tropa niya dahilan para kumalma ito pero kita pa rin sa mukha nito ang inis. " tsk! Makinig ka! Isa sa kina-iinisan ko ay yong mga taong ayaw makinig " pagkalma nito pero kita sa mukha niya ang inis " Kapag hindi ka nakinig higit pa sa mga naranasan mo sa mga nakalipas na araw ang mangyayari sayo " bago pa magtanong itong si Paulo umalis na itong sina Ken at parang kidlat sa bilis ang pagtakbo ng mga motor nila. " tsk! Hindi naman nakakapagtakang sila ang nagsusumbong sa mga guard kaya palagi akong nahuhuli at napaparusahan " pagsakay nito sa bisikleta niya " kailan ba kasi papasok ang Carol na yon, kailangan ko na ang ID ko " pagpedal nito pauwi. Kinabukasan halos tumalon na itong si Anika sa may hagdan pagkatapus nitong magbihis papunta sa pagpasyal nila ni Paulo. " O bakit bihis na bihis ka? Wala namang klase, weekends ngayon! " ani Josh habang umiinom nang kape at sa kabilang side ng mesa doon naman nakaupo itong si Carol habang nag-aalmusal. " tsk! magbibihis lang ba ako kung may klase? " Mataray nitong sabi pero kita sa mukha niya ang saya. " At saan ka naman pupunta? " pagtingin rito ni Josh nang mapangusisa at napakunot ito nang noo ng umikot itong si Anika. " Kuya bagay ko ba itong damit? Maganda ba ako tingnan? " pag-ayos nito sa buhok niya. " mukha kang tao " Ganon na lang ang asar nito sa sinabi ni Josh. " nakakainis ka! " pagbato niya rito sa tinapay sa may mesa " oii Carol maganda ba ako tingnan? " tanong niya rito at ganon na lang ang asar niya ng humagikhik ng tawa itong si Josh paano kasi walang gana ritong tumingin si Carol hindi mo malaman kung nanlalait o natutuwa. " Nang-aasar naman kayo e " pabagsak nitong upo. " Bakit saan ba ang punta mo? " tanong na naman muli nitong si Josh pero si Carol nanatili siyang walang paki sa dalawa. " Mamamasyal kami ni Paulo " sagot nito agad habang naiinis dahil sa pang-aasar nila rito pero napatingin rito bigla si Carol sa sinabi niya. " Date? " pag-inom ni Josh. " ano ka ba Kuya?! " nahihiya nitong sabi tsaka tumingin kay Carol at nahuli niyang nakatingin din ito sa kaniya. " Carol kung gusto mo sumama ka saakin pupunta ako kina Paulo, e diba magkapit bahay sila ng Lola mo bale dadaanan na lang kita roon kapag napasyal ko na si Paulo at sabay tayong umuwi para kunwari lumabas tayong dalawa Hindi naman yon malalaman ni mommy na nagtungo ka sa Lola mo " natigilan naman itong si Carol at kumislap ang mga mata niya sa sinabi nito. " Hindi puweding sumama si Carol nalimotan niyo na ba ang sabi ni tita? maliban sa school walang puweding puntahan si Carol " pagsaway nitong si Josh kitang kita naman nila ang paghawi nito sa buhok niya na halatang nainis mamaya tumayo ito at halos matumba na ang inuupuan niya sa pagtayo niya kaya agad inirapan nitong si Anika si Josh. " Sandali Carol " tawag niya rito pero para siyang hindi narinig nito " Ah yong ID ni Paulo pinapatanong niya kung nasaan kasi ilang araw na siyang napaparushan dahil doon " huminto naman siya sa sinabi nitong si Anika. " tsk! sabihin mo sa hotdog na yon na wala saakin!!! " masama nitong sabi saka naglakad muli hindi naman nagsalita pa itong si Anika sa sinabi nito. " ikaw kasi ginalit mo siya " naiinis niyang tingin kay Josh " pero Kuya bakit naman hotdog ang tawag niya kay Paulo? " nagtataka ritong tingin ni Anika. " Baka mahilig sa hotdog yang crush mo " napaisip naman siya sa sinabi nang kuya niya. " Ganon na ba sila kaclose para pati pagkain ni Paulo alam niya? " mahina nitong tanong. " Sandali nga bakit ba ikaw ang kailangan pumunta sa kaniya? Kung nangyayaya siya nang date dapat siya ang sumundo sayo " tingin rito ni Josh. " Hindi ganon Kuya, Hindi niya ako niyayaya " natigilan itong si Anika nang ipalo rito ni Josh ang kutsara sa may mesa. " So ikaw ang nangyaya? Anika___ " " Hindi naman kami magdedate! " pagputol nito sa sasabihin nang Kuya niya " Ipapakilala ko lang sa kaniya ang lugar natin at gusto niya ring siya ang pumunta rito kaya lang hindi naman niya alam kung paano, Hindi pa naman siya nakakapunta rito " paliwanag nito. " siguradohin mo lang na pasyal lang yan " tumango naman ito rito at pagkatapus niyang mag-almusal umalis na ito pagkwan nagtungo itong si Josh sa kuwarto ni Carol. " Carol " pagkatok niya rito. " Puwedi ba huwag mong binabanggit ang pangalan ko at matutulog ako kaya huwag kang maingay " magsasalita pa sana itong si Josh para magsorry ng marinig nito ang malakas na pagpapatugtog ni Carol sa speaker sa kwarto niya. Kaya napabuntong hininga na lang ito at umalis roon pagkalipas nang ilang minuto dumating din itong si Justin para sa paggawa nila nang assignment. Samantala pagkarating ni Anika sa bahay ni Paulo mabilis itong bumaba sa sasakyan at kumatok sa pinto nila, agad naman itong pinagbuksan ni Lusin at pinapasok. " Paulo nandito na ang kaibigan mo " ani Papang nito pagkatapus sa kanilang sabihin ni Paulo ang pagdating nitong si Anika. " hello po " pagmano nito rito pagkwan lumabas din si Paulo at ngumiti agad ito kay Anika dahilan para magblush ang dalaga pagkwan napangiti ito sa simpleng suot ni Paulo dahilan para lumitaw ang kaguwapohan nito at pagiging maginoo. " Sige po Papang aalis na po kami " pagpapaalam nito bago sila lumabas. " kamusta ang tulog mo? " paglalakad nila patungo sa maysasakyan. " Maayos, ikaw? " tanong rin rito ni Anika at hindi niya maiwasang magblush sa tuwing naaamoy nito si Paulo, sobrang bango din kasi nito. " Okay lang hindi nga lang ako nakatulog nang maaga " pagkamot nito sa buhok niya habang nahihiya. " Huh?! Bakit may nangyari ba? " pagtingin niya rito habang nag-aalala. " Naiisip ko lang itong lakad natin " napangiti naman itong si Anika. " Excited nga rin ako " pagngiti rin nito " Dadalhin kita sa mga gusto kong pinupuntahan rito at nang ibang tao at saka yong mga pagkain rito " naexcite naman bigla itong si Paulo. " tayo na Hindi na ako makapaghintay " pagbubukas nito sa sasakyan at kagaya nang sabi ni Anika linibot niya ito sa lahat. At tuwang tuwa naman itong si Paulo magkapareho kasi sila nang ugali at hilig ni Anika kaya click sila sa lahat ng pagdalhan niya rito. " Gustong gusto ko rito dahil masarap ang kape nila " pagtukoy nito sa isang maliit na cafe " At saka subrang lamig at ang ganda rin ng design para kang nasa outer space " pagtukoy nito sa design ng cafe na puro stars at katulad niya natutuwa rin rito si Paulo " at saka ang ganda ng patugtog nila hindi ba? " pagtukoy nito sa instrumental music rito ( Can We Kiss Forever ) " at pagkatapus naman natin rito punta naman tayo sa gusto ko pang pinupuntahan " pagngiti ni Anika tumango naman rito si Paulo habang kita sa mukha niya ang saya. " Sandali muna " pagtayo nito para magbanyo pagkwan dumako ang mata nito sa phone ni Paulo habang nakapatong sa may mesa at pasulyap niya itong tiningnan pagkwan kinuha niya ito ng maisip kung ano ang laman nito at natigilan siya nang sa phone book ito agad dinala ng mga kamay niya. " So wala nga siyang girlfriend " pagngiti nito ng palihim pagkatapus makitang apat lang ang nakaphone book sa phone ni Paulo kung saan ang Papang niya at ang parents niya at ni Stell pero napatayo ito bigla ng dumating si Paulo. " Bakit? " nagtataka niyang tanong rito pagkatapus makita ang gulat sa mukha niya. " Pasensya na kung ginalaw ko nang walang paalam " nanginginig niyang pagbibigay sa phone at nahihiya. " Dahil sa ginalaw mo kailangan mo akong hiraman ng phone " mabilis naman ritong inabot ni Anika ang phone niya nang walang pagtatanong pero mga ilang segundo binalik niya rin ito pagkwan may tumawag rito at new number. " Yan ang number ko pakisave na lang " ganon na lang ang ngiti nitong si Anika pagkatapus makita ang mga tingin rito ni Paulo. At pagkailang minuto lumbas na din sila at dinala niya ito sa sinasabi niyang gusto niyang pinupuntahan at sa isang book store. " Mahilig akong tumabay rito " pagpapakita rito ni Anika sa mga libro " Mahilig akong magbasa " paglingon niya rito pero natigilan siya ng nakatitig itong si Paulo sa mga novels. " Mahilig ka nang ganito? " paglapit niya rito " Mahilig din ako pero ayaw ko nga lang nang love story hindi naman kasi totoo yong iba diba? Masyadong malilikot mag-isip ang ilang writers kaya minsan nakakaumay basahin lalo na yong hindi___ " natigilan itong si Anika nang mapansin niya ang seryosong titig ni Paulo sa mga novels. " Kahit anong mangyari nandito lang ako " napahawak itong si Paulo sa ulo niya ng para bang may nakikita siyang sulat at boses ng isang lalaki pero subrang labo at dahil pinipilit niya itong klarohin kaya napaupo ito at nawalan ng ulirat. " Paulo okay ka na ba? " " Sir... " " Paulo " sunod sunod niyang pagkarinig sa mga boses ng magising ang diwa nito kaya pilit nitong minulat ang mga mata niya at bumungad agad rito si Anika at ang Papang niya at ni Lusin kaya mabilis itong naupo. " Dahan dahan lang Sir Paulo " pag-alalay rito nila Lusin pagkwan dumako ang mata nito kay Anika at hinawakan niya ito sa ulo nang makita ang takot sa mukha niya. " Sinabi ko namang may sakit ako hindi ba kaya wag kang mag-alala " ngiti niya rito. " Sorry.. " sabi lang rito nang dalaga ngumiti naman siya rito pagkwan bumukas ang pinto at iniluwa nito ang Papang niya pagkatapus nitong lumabas at nagtungo sa doctor. " Wala naman pong nangyaring masama sainyo, ayon nga po sainyo Sir " paglingon nito sa Papang ni Paulo " May temporary amnesia si Sir at sa palagay ko kaya nawalan nang malay dahil may mga bagay sa nakaraan niya na nakita niya dahilan para matrigger ang utak niya na isipin iyon pero dahil nabura nga yon sa isipan niyo at maaaring natatakot ding alalahanin nang buong isipan niyo ang lahat kaya nag-agaw ang kagustohan at pagtanggi nitong alalahanin yon dahilan para sumakit ang ulo nito at mawalan ng malay " paliwanag rito nang doctor sa Papang ni Paulo habang iniisip ito at nag-aalalang pinagmamasdan ang alaga niya. Mahalagang paalala mula sa writer wew hahah lahat po nang nababasa niyo tungkol sa sinusulat ko rito tungkol sa temporary amnesia ay pawang kathang isip lamang at hindi dumaan sa research or base sa medical prescribe kaya wag papaniwalaan hehehe. " Puwedi na tayong lumabas ayon sa doctor normal lang daw sa mga may sakit nang tulad sayo ang naramdaman mo kanina " pagsisinungaling nang Papang niya. " Sa tingin ko Sir malalim ang mga alaala mo noon kaya kung maaari iwasan mong isipin ito at hayaan mong bumalik ang lahat ng kusa " payo rito nang doctor pagkatapos pumasok sa kanila " Kung wala na kayong itatanong lalabas na ako para pumunta sa iba ko pang pasyente " tumango naman sila rito bilang sagot pero si Paulo nakatitig lang ito habang naiisip yong mga libro dahilan para himatayen ito. " Paulo hindi ba't ang sabi nang doctor hayaan mong bumalik ang mga alaala mo at huwag mag-iisip nang mga bagay bagay na maaaring makasama sa kalusogan mo? " pagtabi rito ng Papang niya pagkwn tumingin siya rito. " Pang ano bang kinalaman nang mga librong iyon sa mga alaala ko? " tanong nito bigla. " Maaaring hindi ang libro ang dahilan para maisip mo ang mga nawala mong alaala kanina kundi maaaring sa amoy nang lugar, mga kulay, o nang mga bagay na nakapaligid sayo " pagsisinungaling nito nang maalala ang pagsusulat nito noon nang mga novels para bawasan ang sakit na nararamdaman niya sa magulong relasyon ng mga magulang niya at maniwalang may pag-ibig pa rin na mundo, na puweding may magmahal din sa kaniya sa pamamagitan at katulad nang mga isinusulat niya pero nilihim ito ng Papang niyang sabihin rito dahil kagaya ng sabi nang doctor hindi pa ngayon ang tamang panahon para alalahanin yon lahat. " I'm sorry po, kung Hindi ko dinala doon si Paulo baka hindi po siya nandito ngayon " pagtayo nitong si Anika habang nalulungkot. " May sakit naman talaga ako kaya wala kang dapat na ipag-alala " pagbaba nito sa kama " At saka hinimatay lang naman ako pero maayos ako " pag-ngiti niya rito. " totoo yon Ma'am at saka mabuti nga po at dinala niyo agad sa hospital si Sir " ani Lusin. " Ah, Anika na lang po itawag niyo saakin " sabi nito dahil sa pagMa'am rito ni Lusin kilala niya rin kasi ito " Akala ko po kung ano nang nangyari sa kaniya " nag-aalala pa nitong sabi. " Huwag kang mag-alala maayos siya " ani Papang nito pagkwan lumabas na din sila. " Hindi mo na kailangan pang ihatid ako sa bahay, sumabay kana lang sa kanila " pagtukoy nito kila Lusin pagkatapus sabihin ni Paulo na ihahatid niya ito pauwi " Para makapagpahinga ka na rin " ngiti nito " Sa sunod mo na lang ako ihatid " sabi nito agad nang mapansin ang malulungkot ritong tingin ni Paulo. " Pasensya kana kung nasira ang lakad natin " napatingin naman siya kay Paulo at sunodsunod na umiling. " Ang saya nga nang araw ngayon pero yon nga lang may nangyari di bale sa sunod umiwas na tayo sa lugar na yon para buong araw tayong makapasyal " pagbibiro nito, tumango naman rito si Paulo. " sige na, uuwi na rin ako " ngiti nito. " Mag-iingat ka " pagsara nito sa pinto at kumaway rito pagkwan umuwi na din sila at nagpahinga agad itong si Paulo at iniiwasan nitong isipin ang mga nangyari sa book store pagkwan tumunog ang phone niya at message from Anika. " Good evening Paulo sana maayos ang pakiramdam mo nalimotan kong sabihin kanina yong tungkol sa ID mo, natanong ko na kay Carol pero wala daw sa kaniya. Yon lang, hanapin mo sa mga gamit mo baka andiyan lang. Good night! " pagsusulat ni Paulo sa diary niya sa text ni Anika. " First message ni Anika, sobrang saya nang araw na ito maliban lang doon sa pagkahimatay ko " pagsusulat nito pagkwan nabasa nito ang pangalang Carol " Kapag nagkita kami nang babaeng ito at tuloyan nga niyang winala ang ID ko, humanda siya saakin!!! " pagsusulat nito. " Pero kaya ko ba siyang takotin? " pagkwan naisip nito ang mukha ni Carol kapag hinahawi niya ang buhok niya kapag naiinis " Kainissss naman naiisip ko pa lang ang mukha niya kinikilabotan na ako " paglapag nito sa ballpen niya " Pero hindi, kailangan ko pa ring iparanas sa kaniya ang hirap na dinadanas ko sa paglilinis at mga sugat pagkatapos nang pag-akyat ko sa may bakod dahil sa pagkuha niya sa ID ko nang hindi binabalik " nanggigil nitong sabi at tiningnan ang mga braso nitong nakikiskis sa may pader sa tuwing aakyat rito " Pagbabayaran niya lahat! " bulong nito at binato ang pantalon nitong si Carol gamit ang hawak hawak niyang ballpen kung saan hindi pa rin niya nakukuha habang nakasabit sa kwarto niya " At saka siguro kaya ako hinimatay at naka-alala nang mga ganong bagay e dahil sa ilang beses kong pagkahulog sa may pader at kasalanan yon lahat nang Carrrrrrrrrrrrol na yon " Sa dami nang R na binanggit niya nagmistula siyang aso na gustong mangagat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD