Kabanata 8

3630 Words
PAGKARAAN nang ilang minuto dumating na rin ang first period teacher nila at nasundan pa yon at kagaya nang madalas mangyari competition ang nangyayari sa loob nang klase tanging si Carol lang ang tahimik dahil mahimbing itong natutulog. " So kailan mo kukunin ang ID mo? " Tanong nitong si Stell habang naglalakad sila ni Paulo papuntang canteen nang matapos ang klase nila. " HAYAAN MO NA, KAPITBAHAY KO RIN NAMAN " mahina nitong sabi " at saka paano ko makukuha doon e buong klase siyang nakasimangot at natulog sa klase " pag-iisip nito. " Kunin na lang natin sa kaniya " pangungulit pa nitong si Stell para lang makausap at makalapit kay Carol. " Hindi mo ba napansin ang sama nong tingin niya kaninang lumabas sa classroom? pero sige, Kung andito siya sa canteen kukunin natin " pagpasok nila. " ONCE IN A BLUE MOON LANG YON KUMAIN RITO " ani Stell pagkatapos hindi makita sa loob si Carol " Sige Dre ako nang oorder " Pag-alis nitong si Stell nakita naman ni Paulo ang direksyon nila Anika kasama si Ken habang nakatingin rito si Anika kaya ngumiti siya rito bilang pagbati saka pumunta sa kabilang mesa at pagkatapos nilang kumain humiwalay ito kay Stell para magbanyo. " Fine! Akala mo ba gusto ko rin ito?! Sige, maghiwalay na tayo! " Natigilan sa paglalakad pabalik sa classroom nitong si Paulo pagkatapus niyang marinig ang couple na nag-aaway sa labas ng banyo. " Mama mo lang naman itong namimilit na gustohin kita! " Sigaw ng lalaki tsaka umalis at napahawak siya sa ulo niya pagkatapus makaramdam ng sakit nang biglang malungkot sa mga nakita niya " Bakit...? " Mahina nitong sambit at mahigpit na humawak sa ulo niya nang sumakit ito bigla. " Okay ka lang? " Napalingon naman Ito sa babaeng humawak sa balikat niya. " Anika " pakiramdam niya nawala ang nararamdaman niya pagkatapus makita ang mukha nito ng pumunta sa harapan niya. " May nangyari ba? " Nag-aalala pa nitong tanong habang nakikita ito sa mga mata niya. " Okay lang ako bigla lang sumakit ang ulo ko " pagngiti nito. " Kung gusto mo sasamahan kita sa clinic andiyan lang naman sa may tabi ng library " nag-aalala pa rin ritong sabi ni Anika. " Ah hindi, sa totoo niyan normal lang siguro yon, I mean ang pagsakit ng ulo ko " paglalakad nito, sumabay naman rito si Anika. " Huh? Normal? Paanong naging normal ang pagsakit nang ulo? " Nagtataka pa nitong tanong habang mabagal silang naglalakad. " Sa totoo niyan nandito ako dahil nagpapagamot ako " napahinto naman itong si Paulo pagkatapus tumigil maglakad ni Anika " Anong problema? " Lingon niya rito. " Anong sakit mo? " Pagtingin niya rito habang nag-aalala pagkwan ngumiti rito itong tinitingnan niya. " Mayron akong temporary amnesia at nandito ako para hintayin bumalik ang ilang nawala sa mga alaala ko " mahina nitong sabi " sa totoo niyan hindi ko rin alam bakit mas pinili nila mommy na dito ako magpagamot e malabo namang bumalik ang mga alaala ko kung nandito ako, lahat ng bagay bago saakin, mas mabilis babalik ang alaala ko kung nandoon ako sa bahay at nakikita ang mga bagay na ginagalawan ko noon " " Baka dahil mas makabubuti kung dito ka magpapagamot, fresh air, bago sa paningin mo, at saka ayaw mo non babalik ang alaala mo tas may bago ka pang alaala kasama kami " paglalakad nito sa direksyon ni Paulo " Mula ngayon sasamahan kitang maalala ang lahat at malagay ako sa mga alaala mo " pagngiti nito sa harapan ni Paulo kaya ganon na lang ang titig niya rito napakaganada kasi ni Anika lalo na kapag ngumingiti at sa malapitan. " Aasahan ko yan " pagngiti nito. " Opo, asahan niyo " pagmamayabang pa nitong sabi pero napaka-kyuut ng dating. Pagkwan naglakad na rin silang pabalik habang nag-uusap. " Sa weekend pasyal tayo sa lugar namin " ani Anika " free ka ba? " Tanong pa niya, tumango naman siya bilang sagot. " Sige, hindi mo nang puweding bawiin yan! " Napatingin naman siya sa kamay nito pagkatapus niyang ilahad at kinuyom saka nito binuka muli ang pinky finger nito. " Pinky promise tayo para hindi mo na mabawi " natawa naman ng bahagya si Paulo sa nakakatuwa nitong ugali hindi kasi yon makikita sa magaganda at mahinhin niyang kilos. " Pinky swear! " Pagpinky promise ng dalawa. " Mula ngayon close na tayo ah! Dapat pangalawa lang si Stell na close mo rito " paglalakad nilang muli habang nasa likuran nito ang dalawa niyang kamay at kapag ganito ito maglakad ibig sabihin kinikilig siya at masaya " huwag kang mag-alala saating dalawa lang yong tayo ang mas close " bulong pa nito kaya ganon na lang ang tawa ni Paulo na sinundan rin nito ng mahinang pagtawa habang nasa bibig nito ang mga palad niya para takpan ito Kaya hindi tuloy maiwasang nakawan ito ni Paulo nang tingin. " Basta sa weekends ah " lingon niya rito kaya agad tumingin sa harapan si Paulo pagkatapus siyang mahuli nitong nakatitig sa kaniya kaya bahagyang napangiti si Anika. " O sige, mauna na ako sayo baka ano na naman ang isipin nang mga kaklase natin lalo na yong feeling girlpren mo " pagtukoy nito kay stell kaya di tuloy napigilang matawa ni Paulo " sige " pagngiti nito at bahagyang nauna kay Paulo pagkatapos nilang marating ang building ng department nila. " Sa weekend " pakiramdam niya nakaramdam siya nang excitement pagkatapus maisip ang mukha ni Anika pero bahagya itong napalingon sa may likuran ng may sumipa sa mga sapatos niya. " TUMABI KA NGA! " Mabilis naman siyang tumingin sa malawak na space sa may kaliwang side niya habang pinapaalis siya nitong si Carol sa kinatatayuan niya. " Ang lawak ng daan bakit kailangan dito ka pa dumaan sa kinatatayuan ko? " " Dahil dito ko gustong dumaan! " Sabi pa nito habang nakalollipop kaya hindi nito halos maitindihan ang sinabi niya kaya tumitig lang siya rito pero agad rin siyang tumabi nang hawiin nito ang buhok niya. " BOBO! " bulong pa nito bago naglakad pero huminga lang ng malalim itong si Paulo at sumunod rito. " May rubbish kaya ito kapag nangagat? " Pagsunod niya pa rito habang nalalagyan ng buntot at tenga ng aso itong si Carol kaya ganon na lang ang takot niya kaya agad niyang binura yon sa isipan niya pagkwan pumasok na sila. At Hindi nagtagal natapus ang klase. " Nakakainis talaga nag-overtime na naman ang teacher mo " pagtukoy ni Stell sa last period nilang binabae na napaka terror pagkatapos nilang makalabas ng gate " 5:50 na oh " pagtingin pa nito sa relo niya at dahil nasa probinsya sila kaya madilim na. " Dapat umuwi na ang babaeng yon " bulong pa ni Stell pagkatapus sumakay sa motor niya pagkwan may tumwag rito at asar niya itong kinuha na para bang kilala na niya kung sino itong tumatawag. " Dapat umuwi kana, Gabi na oh! Tsk! Kaya mo namang umuwi bakit kailangan mo pang sumabay saakin araw araw?! " naaasar nitong sigaw sa kabilang linya " sige na, andiyan na ako " pagputol nito sa linya nang hindi pinagsasalita ang kausap niya at nagtataka naman niyang nalingon itong si Paulo habang nakatingin rito. " Gusto ni mama " makahulogan nitong sabi " sige Dre hinihintay ako e " malungkot pa nitong sabi at pagtango ni Paulo umalis na ito. Mabilis namang nagpedal ng bisekleta si Paulo pagkatapus mapansin ang kadiliman ng paligid pero kahit papaano may iilang estudyante ring nakakasabay niya kaya medyo napapawi ang takot niya. Sa kabilang banda naman ganon na lang ang asar ni Carol pagkatapus ritong tumawag ng mama niya kaya agad itong napabangon at sinuot ang sapatos niya. " O asan ang punta mo? Gabi na, lalabas ka? " Pagpunta rito nang lola niya sa may pintuan. " Kelangan ko na pong umuwi Lola " paghalik niya rito sa may pisngi. " Sigurado ka? " Malungkot niya pang tingin rito. " Kailangan Lola e " sagot nito kung saan mababatid mo ritong napipilitan lang ito. " O sige, sandali at ipagbabalot kita nong niluto kong ulam natin " Pag-alis nito pagkwan tiningnan nito ang relo niya " Lola huwag na lang po " sigaw pa nito. " Sandali lang ito Apo "mabilis naman niyang kinain ang lolipop niya pagkatapus itong balatan. Pagkwan naisip nito bigla ang pag-uusap nila ng mama niya. " In 5 minutes kapag hindi ka pa pumunta sa may kalsada ipapatuloy ko diyan ang sasakyan at isasama ko ang lola mo sa mansion total palagi ka rin namang umuuwi diyan dahil sa kaniya kaya sige! Para Wala ka nang dahilan na puntahan diyan at maperme ka dito sa bahay " Agad naman siyang napakaripas nang takbo sa naalala niya. " Lola sige po aalis na ako " sigaw nito. " CAAAAROL!!! " napahinto ito nang marinig si Paulo at mababangga na siya nito sa bilis nitong pagbebesekleta papunta sa direksyon niya kaya agad niyang sinipa ang bisikleta dahilan para matumba itong si Paulo pero hindi naman siya nasaktan dahil naidapo nito agad ang paa niya pero kita pa rin ang takot sa mukha niya sa gulat. " Papatayin mo ba talaga ako?!! " nanlalaki ang mata nito sa takot kaya agad itong pinitik ni Carol sa noo. " SELF DEFENSE YON! " Walang gana nitong Sabi. " Self defense__ " Hindi na nito natuloy ang sasabihin niya pagkatapus itong tumitig rito. " Tsk! Kung tinawag mo lang ako para mapansin kita puwes! Tigilan mo na ang pagpapacute saakin dahil hindi kita type! " Pagtalikod nitong muli at naglakad. " HAIST! AKALA MO TALAGA KAGUSTO GUSTO " bulong pa nito " sandali may pupuntahan ka hindi ba? " tanong niya rito pagkatapus mapansin ang pagmamadali nito. " Tsk! Pakialam mo! " Sabi pa nito nang hindi tumitigil maglakad. " Tsst! Itatanong ko lang yong ID ko " Sabi nito. " nilagay ko sa upuan mo " ani Carol ng hindi lumilingon at magtatanong pa sana itong si Paulo ng lumabas ang papang niya. " Mabuti naman at nakauwi kana kanina pa kita hinihintay, bakit ba ginabi ka?! " Sunod sunod nitong tanong. Agad naman siyang umalis sa besekleta niya at nagmano rito. " Medyo natagalan po maglecture yong last period namin Pang " Sabi nito pagkwan nilingon nito ang kausap niya kanina pero wala na ito rito. " Ang bilis talaga niyang umalis pero baka nagjojoke lang siya sa sinabi niya kanina, Wala akong nakitang ID sa upuan ko e " pag-iisip pa nito " bukas ko na lang siguro kukunin sa kaniya " bulong nito pero mayamaya lumabas ang Lola ni Carol na may dalang balot na pagkain. " Carol Apo__? " Natigilan ang matanda ng hindi niya ito makita. " Magandang Gabi po Lola " bati rito ni Paulo at nagmano sa isang kamay nito " kanina Lola nandito siya pero bigla pong nawala " ani Paulo. " ganon ba " malungkot nitong Sabi " o siya, kunin niyo na lang ito marami kasi akong niluto kaya paniguradong hindi ko rin mauubos " agad naman itong inabot ng papang niya " Uuwi kasi yon sa mga magulang niya kaya hindi ko alam ilang araw o baka buwan na naman yon bago makadalaw ritong muli " nanlaki naman ang mata ni Paulo sa sinabi nito pero Hindi na siya sumingit sa pag-uusap ng dalawa. " KAINIS IBIG SABIHIN HINDI KO MAKUKUHA ANG ID KO SA KANIYA?! KAILANGAN KO PA SIYANG ABANGAN BUKAS, E PALAGI YON LATE, KAASAR NA CAROL NA YON! " Pagdadabog nito sa isipan niya habang sinusundan ang dinaanan nito. ** May ilang panaginip akong hindi maitindihan pakiramdam kokasi ramdam ko Yong sakit ng mga tao sa panaginip ko, at saka kapag may nakikita akong nag-aaway nasasaktan din ako. Hindi ko alam kung may konekyon ba Ito sa mga nawala kong alaala " pagsusulat nito at bahagyang iniisip ang mga kakaiba niyang nararamdaman pagkwan sumagi sa isipan nito si Anika " si Anika niyaya akong lumabas sa weekend, at yong si Carol isang problema na naman ang binigay saakin! Siguro problema talaga ang babaeng yon Kaya lang Hindi sinadya at naging sperm siya kaya sumulpot dito sa mundo " pagsusulat nito. ****** " Umuwi na kaya ang Carol na yon? " pagmamasdan ni Paulo sa may pintuan nila Carol sa labas ng maliit nilang gate pagkwan bigla itong bumukas at ganon na lang ang kaba niya nang maisip na baka si Carol ito. " O bakit apo? Hinihintay mo ba si Carol? Naku! Hindi pa yon makakabalik rito " ngumiti naman siya sa matanda at bumati rito. " Magandang umaga din " natutuwa nitong tingin rito pagkwan umalis na itong si Paulo. " Nakakainis, tama si Stell dapat kinuha ko na lang kahapon ang ID ko tssst! Palagi pa naman yon late kaya paniguradong taon ang hihintayin ko bago yon dumating " pagbibisikleta nito at mabilis siyang pumuwesto sa lugar kung saan tanaw niya pareho ang main gate at dinadaanan ni Carol. At lumipas ang ilang minutong paghihintay nito ay walang Carol na dumating. " 2 minutes pa Paulo, wag kang mainip tamad na tao ang hinihintay mo kaya walang bago kung malilate siya at alam ko inaasahan mo ding maghihintay tayo rito ng dekada " pagpapagaan niya sa nararamdaman niyang kanina pa naiinis at hanggang sa matapus ang 2 minutes walang Carol na dumating kaya naaasar itong tumayo at nagtungong gate para silipin si Stell nang maalala niya ito. " Paniguradong nasa classroom na yon " pag-iisip nito pagkwan kinuha niya ang phone niya para tawagan ito para humingi ng tulong kagaya ng ginawa nila ni Carol kahapon pero natigilan siya ng mapansin niya ang isang guard habang nakatingin ito sa sinasabitan ng ID niya kaya mabilis itong tumalikod at umalis doon. " Kainisss panigurado kapag pumasok ako echecheck niya ang ID ko kaya Hindi na ako puweding pumasok pagkatapus niya akong makitang walang suot at saka baka madamay lang si Stell kung ggawin ko ang ginawa namin kahapon ni Carol " pag-iisip nito at nagtungo sa bisekleta niya. " Hihintayen ko na lang siguro ang Carol na yon total baka late na din naman ako at malabo nang makahingi pa ng tulong kay Stell pagkatapus akong makita nong guard " naaasar nitong pagiisip pero napatigalgal ito ng maisip niyang baka nasa loob na din si Carol. " Pero impossible yon " pagbura niya sa naisip niya " Pero paano nga kung nasa loob na siya at naghihintay lang ako rito sa wala " pagkwan napalingon siya sa bisikleta niya " kung uuwi ako baka Hindi ko na makuha ang ID ko " nang maisip nito ang sinabi ng Lola ni Carol na matagal pa ito makakauwi. Pagkwan pasulyap itong timingin sa daan patungo sa inaakyatan ni Carol " TSK! HINDING HINDI KO GAGAWIN ANG GINAGAWA NG CAROL NA YON HAIST! PAGLABAG YON SA PATAKARAN NG SCHOOL AT SAKA MATINO PA NAMAN ANG PAG-IISIP KO HINDI TULAD NG ISANG YON " buong loob nitong sabi at pagkalipas ng ilang minuto. " NGAYON LANG NAMAN ITO PAULO! KAYA OKAY LANG ANG GINAGAWA MO " Pag-aayos nito sa pantalon niya para umakyat pero natigilan siya nang maramdaman niyang parang tumaas itong pader pagkwan naalala niya ang pagluhod ni Carol last para maka-akyat siya " Kapag nakita ko siya babalatan ko siya ng buhay! " pag-akyat nito at napahawak siya sa dibdib niya pagkatapus itong makayud sa may pader dahil masyado itong mataas at pagkarating niya sa taas ng pader na out balance ito sa pagod kaya dumeretso siya sa may damohan. " ang ulo ko....! " natatakot niyang paghawak rito pagkatapus itong maunang mahulog " Haist talagang papatayin ako nang Carol na yon kapag itong ulo ko tuloyang nabasag at nabura ang mga alaala ko babalatan ko siya at magpaparty na rin dahil mawawala sa isipan ko ang Carol na yon " pagtayo nito at tinanggal ang ilang damong kumapit sa pantalon niya. " Naniniwala na kayo Sir!? " napalingon naman si Paulo sa pagsasalita ng lalaki kasama ang guard at kilala niya ito dahil minsan na niya ito nakitang kasama ni Ken. " Parusahan niyo yan ng magtandang hindi na dumaan diyan " napakunot sya nang noo sa pagsasalita ni Ken ng bigla itong lumabas mula sa likuran ng mga saka ngumisi sa kanya kaya agad lumingon sa paligid itong si Paulo at siya lang ang tao rito kaya doon na rin nagsink in sa utak niya na siya ang tinutukoy ng mga ito. " Opo Sir Ken! " ani guard at nagtungo kay Paulo at ganon na lang ang pang-aasar nilang tingin rito bago umalis at nag-apir pa ang mga tauhan ni Ken na para bang nagtagumpay sa isang mission. " I'm sorry Sir naiwan ko po kasi ang ID ko kaya dumaan po ako rito, I'm sorry po " " okay lang yon, ganito din ako nong nag-aaral ako " pagtapik niya rito kaya ganon na lang ang ngiti niya pagkatapus maisip na baka hindi rin siya parusahan nito. " Sige na pumasok ka na pero pagkatapus ng klase mo kailangan mong pumunta ulit saakin para makuha ang parusa mo " napalingon naman siya rito at naalis ang mga ngiti niya " Ayaw kitang parusahan dahil mukhang nagsasabi ka ng totoo sa pagkaiwan sa ID mo kaya lang baka ako ang matanggal sa trabaho kung hindi ko susundin ang batas lalo na't nakita ni Sir Ken " sabi nito " Ikaw ba nagalit mo na si Sir Ken? " nagtataka namang tumingin rito si Paulo. " Baka hindi ka lang niya gusto pero hindi yon maganda, kaya kung maaari iwasan mo na lang " pagtapik niya rito bago iwan kaya naglakad na din siya pabalik sa classroom nito. " Nang dahil sa Carol na yon mapaparusahan ako haist! Tama si Stell dapat kinuha ko na kahapon " paglalakad nito ng mabilis para makita itong si Carol pero natigilan siya sa pagpasok ng walang Carol sa may likuran ni Stell. " HUWAG NIYANG SABIHING HINDI SIYA PAPASOK NGAYON!!! " pagkuyom nito sa kamao niya sa inis " Sasakalin ko talaga siya kapag hindi siya pumasok ngayon!! " panginginig pa niya nang maisip na baka doon na naman siya makadaan bukas sa may pader " Carooooool " naiinis nitong pagiisip. " Paulo Okay ka lang ba? " nagising naman siya sa kanina pang pagtatanong ni Anika nang hindi niya man lang ito napapansin. " Pasensya ka na may naiisip lang kasi ako " pagngiti nito. " Ano yon baka matulongan kita? " pagtingin niya rito " TAMA MAGKAPATID NGA PALA SILA PUWEDI KONG ITANONG SA KANIYA KUNG PAPASOK ANG CAROL NA YON AT IPAKUHA NA RIN ANG ID KO KUNG SAKALING HINDI " Pagiisip nito pero bago pa makapagsalita itong si Paulo dumating ang teacher nila kaya napilitan itong magtungo sa upuan niya. At halos lahat ng naririnig nilang yabag ng paa sa labas ng classroom ay halos lumuwa ang mata nila ni Stell sa kasisilip kung si Carol ba ito hanggang sa natapus ang klase. " Hinihintay mo rin siya? " napalingon naman si Paulo sa pagtatanong ni Stell habang nililigpit niya ang mga gamit niya. " Sino? Si Carol?!!! " naaasar nitong tanong kaya ganon na lang ang pagtataka nitong si Stell ni minsan kasing pagsasama nila hindi nagtataas ng boses itong si Paulo ganon siya kabait. " May nangyari ba? Nag-away kayo? At saka bakit hindi yon pumasok ngayon? Nasa bahay siya ng Lola niya diba? " sunod sunod nitong tanong. " Umuwi siya sa parents niya " tipid nitong sagot pero ganon na lang ang pagtataka niya ng mahinang tumatango itong si Stell habang nakabusangot. " tsk! anong meron sa mukhang yan? " tanong pa nito pagkwan tumayo si Stell. " Kapag nandoon yon paniguradong once in a blue moon lang yon sisipot dito sa school " napatayo naman siya bigla sa sinabi ni Stell. " Alam ko magugulat ka syempre hindi mo siya kilala eh at naiitindihan kita Dre kung mamimiss mo siya " naaasar namang tumingin rito si Paulo pero nakatingin itong si Stell sa upuan ni Carol kaya hindi niya yon nakita. " Nakakamiss talaga siya lalo kana siguro, close na kayo eh " paghinga pa nito ng malalim at malungkot na tumitig sa upuan " Nga pala may pinapabili saakin si mama kaya mauna na lang siguro ako o bilisan mo para sabay na tayong lumabas " ani Stell at kinuha ang bag ni Paulo at pinasuot rito. " Sa totoo niyan may kailangan akong gawin kaya hindi na muna tayo magsasabay " pag-aayos nito sa bag niyang pinasuot rito bigla ni Stell. " Ano naman yon? " mausisa niyang tingin rito. " Basta__" " Hoy po Dre kapag si Anika yang dahilan bakit ayaw mo pang umuwi sinasabi ko sayo gulo ang hinahanap mo kaya halika na umuwi na tayo " parang batang paghila niya rito. " Hindi yon, at saka busy yon sa practice " pagngiti nito bigla ng maalala si Anika. " Kung ganon anong dahilan? " tanong pa ni Stell. " Bukas ko na lang sasabihin sayo pero sa ngayon lumabas kana dahil baka hindi mo makuha yang pinapabili ni Tita " nataranta naman bigla itong si Stell. " oo nga pala, o sige maiiwan na kita pero iwasan mo si Anika!! " pagtapik niya rito at halos tumakbo palabas. Pagkwan nagtungo naman itong si Paulo sa may guard at nakuha ang kaparusahan niya. " KAPAG NAGKITA KAMI BABALATAN KO SIYA!!! NANG DAHIL SA KANIYA KAILANGAN KONG ITAPON ANG BASURAHAN SA BUONG DEPARTMENT NAMIN " naaasar nitong paglilinis, pinapili kasi ito kung tatakbo sa campus o maglilinis, at paglilinis ang pinili niya at nang matapus ito saka siya nakauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD