ANG MULING PANAGINIP
" aahhh " ungol ni Paulo habang nananaginip.
" WALANG PATUTUNGOHAN ANG RELASYON NA ITO KAYA TAPUSIN NA NATIN! " sigaw nang babae sa panaginip niya.
" MABUTI PA NGA DAHIL SAWANG SAWA NA AKO!!!! AYAW KO NA SA BUHAY NA ITO!!! " sigaw ng isang lalaki na hindi maklaro ni Paulo sa mga panaginip ang hitsura nito at napabangon ito pagkatapos niyang magising at habol habol nito ang hininga niya habang hawak hawak ang dibdib niya.
" Isa na namang panaginip " bulong pa nito " Kaya lang Bakit ako nasasaktan? Bakit parang may kaugnayan ako sa mga panaginip ko? At saka sino ba ang mga taong yon..? " sunod sunod pa niyang tanong pagkatapus nitong uminom ng tubig sa tabi niya dahilan para tuloyan itong mahimasmasan pagkwan nakita nito ang pantalon ni Carol sa study table niya.
" Hindi kaya kasalanan ng pantalon na yan bakit ako nanaginip nang ganon ulit? " bulong nito at pinilit na matulog muli.
KINABUKASAN naghanda na siyang pumasok at sinalubong rito ni Lusin ang bisikletang binili nila rito.
" Bakit ba hindi pa motor bike ang binili mo o kaya sasakyan? Mapapagod ka pa sa kapepedal niyan " sabi rito ng mommy niya pagkatapus nitong tumawag at sinabi niyang may pinabili itong bisekleta para sa pag-aaral niya.
" Maayos naman po ito mommy at saka halos lahat nang estudyante sa school may bisikleta mas uso po dito ang bisikleta " masaya pa nitong sabi.
" O sige basta mag-iingat ka " bilin niya pa rito.
" Opo Mommy, sandali po si Daddy? " tanong pa nito.
" Naliligo para maghandang pumasok sa opisina " sabi niya rito at mga ilang palitang salita nagpaalam na din sila sa isa't isa para sa pagpasok ni Paulo.
" Papang, Aling Lusin maraming salamat po sa pagbili!!! " nakangiti pa nitong sabi at nagmano sa mga ito bago umalis at ganon na lang ang pagtataka niya ng tahimik ang bahay nila Carol.
" Baka hindi pa nagigising si Lola kaya hindi pa niya nagigising ang mabait niyang si Carol kaya walang sigawan na maririnig " bulong pa nito habang nagbibisikleta pero nang sa may mga puno na ito banda natigilan ito nang maramdaman niya bigla ang pagbigat ng bisikleta at wala masyadong tao sa banda rito kaya nakakatakot maglakad mag-isa rito parang may mga nakatira kasi sa mga puno sa laki at healthy nitong pigura " kainis naman " bulong pa nito nang mapansin niyang siya lang ang tao rito pero binalewala niya ang takot na naramdaman niya.
" Nasira na ba agad? " Pag-alis niya rito pero ganon na lang ang gulat niya ng makita nitong hawak hawak ni Carol sa may likuran itong bisekleta.
" Paanong gising kana? " hindi pa nito makapaniwalang tanong.
" tsk! Kahapon late akong nagising tinanong mo at ngayong maaga akong nagising tinatanong mo din! Tsk! Sabihin mo nga may problema ka ba talaga saakin? " titig niya rito kaya napalunok na lang ito nang makaramdam siya ng takot sa masasama nitong titig.
" tama ka hindi dapat ako nakikialam " mahina pa niyang sabi.
" Dapat lang! " sigaw pa niya kaya ganon na lang ang gulat nito pero mabilis niyang binawi yon at linakasan ang loob nito.
" sandali nga, bakit ba pinigil mo ang bisikleta ko?! May problema ka rin ba saakin? " pagpapalakas nito sa loob niya sa kabila ng takot niya rito.
" WALA!!! BAKIT MAY REKLAMO KA? " tingin niya pa rito nang may pananakot.
" SYEMPRE! Wala... " mahina nitong sabi.
" tsk! Nga pala yong pantalon ko?! " tanong pa nito.
" Pinasali ko sa lalabhan ni Aling Lusin, mamaya, saka mo kunin " sabi nito agad.
" Mabuti naman at naisipan mong labhan " ganon naman ang asar ni Paulo sa sinabi niya.
" at parang ako pa ata ang nagkasala pagkatapos mong ibigay saakin bigla at kailangan labhan ko pa? " tingin niya rito.
" Yon ang gusto kong gagawin mo kaya natutuwa lang ako, masama ba yon? " paghawi nito sa buhok niya.
" E bakit nga ba kailangan mo pang magsuot ng bestida kung magpapantalon ka rin? " pagtatanong din niya.
" E ano namang pakialam mo kung gusto kong magpantalon habang nakabestida? " tumahimik na lang si Paulo sa sinabi nito, ano nga rin naman ang pakialam niya.
" Nga pala yong kahapon na pagtalon natin hindi ba't nauna akong umalis sayo doon sa may likod nang school wala ka bang nakitang kuwentas doon na baka naiwan ko o kaya nahulog? " seryoso nitong tanong pero tumingin lang rito si Paulo pagkatapuos mapalitan nang pag-aalala ang mukha ni Carol at natanggal ang masusungit nitong tingin.
" Ano ba tinatanong kita?! " malakas nitong sabi at ganon na lang ang asar ni Carol ng sumakay sa may bisekleta niya itong si Paulo " Bastos ka rin pala?! " naaasar nitong paglalakad at iniwan ito pagkatapos siyang balewalain ni Paulo " Sana naman sa pagkakataong ito makita ko na yon, Hindi ako nakatulog dahil doon " nag-aalala nitong pag-iisip habang naglalakad " Hindi yon puweding mawala " malungkot pa nitong sabi.
" Maglalakad ka lang? " pagsunod rito ni Paulo pero parang hindi rin siya narinig nito at naglakad nang mabilis.
" Honey!? " napahinto siya ng biglang tumigil maglakad ni Carol at lumingon sa kaniya at hindi alam ni Paulo pero nakaramdam siya ng guilt pagkatapos makita muli ang malulungkot nitong tingin.
" Akin na " paglalakad niya patungo rito dahan dahan naman niya itong kinuha sa bulsa ng pantalon niya at ibinigay rito pagkatapus makita ang namumuong tubig sa mata niya.
" Akala ko nawala na ito " Hindi alam ni Paulo pero pakiramdam niya may kumirot sa dibdib niya sa sinabi nito pagkatapus mahulog ang mga tubig sa mata niya, gusto lang kasi niya itong pagtripan dahil sa trato rito ni Carol kaya hindi niya sinabi agad.
" I'm sorry hindi ko naisip na mag-aalala ka " naaawa niyang tingin rito habang tinitingnan ang malulungkot nitong mata na para bang nagbago bigla ang Carol na pasaway at ganon na lang ang gulat niya sa sinabi nito.
" Hindi, Salamat nga at itinago mo " malapad nitong ngiti habang nakatingin sa kuwentas pagkwan isinuot niya ito at ganon na lang ang kagustohan ni Paulo magtanong rito para saan yong kuwentas para ngumiti ito nang ganito e palagi itong nakasimangot kaya lang nanahimik na lang siya pagkatapos nitong maisip na baka sabihan lang siya ulit nito nang pakialamero.
" Kung mahalaga sayo dapat iniingatan mo " sabi na lang nito pero tumingin lang rito si Carol saka naglakad muli habang hawak hawak ang kuwentas sa leeg niya kaya mabilis niya itong sinundan.
" Halika na, umangkas ka saakin para sabay na tayong pumasok " pagsunod niya rito " Umangkas kana saakin " Sabi pa nitong muli.
" Salamat na lang " mabilis nitong paglalakad.
" Halika na " mabilis niyang pagsunod rito.
" Nagpasalamat na ako kaya bakit kailangan ko pang gawin ang gusto mo? " Natigilan naman siya sa bigla nitong sinabi pagkwan naglakad muli itong si Carol pero sinundan niya lang ito ng tingin dahil sa sinabi niya.
" Haissst! Ano bang problema niya? Gusto ko lang naman pasakayin total puwedi Ito sa dalawang tao " pagsunod niya ritong muli at natigilan siya ng makita niya itong sa may likod nang pader na naman dadaanan kaya mabilis siyang nagtungo kay Stell pagkatapus niya itong makitang hinihintay siya sa may gate.
" Stell puwedi mo ba akong tulongan? " tumango naman ito bilang sagot kahit hindi pa alam kung ano itong hinihingi niyang tulong at ganon na lang ang pagtataka niya ng mabilis na kumaripas ng takbo itong si Paulo.
" Akala ko ba gusto niya ng tulong ko? " pagtataka pa niyang pagsunod rito ng tingin habang hawak hawak ang bisikletang iniwan nito.
" Sa gate kana dumaan " napalingon naman itong si Carol kay Paulo pagkatapus niyang umakyat sa pader at ganon na lang ang gulat niya ng bigla siya nitong kunan ng litrato.
" Anong ginagawa mo?! " nanlalaking mata niyang tanong rito.
" Kapag tumalon ka diyan baka mapilayan ka kaya sa gate ka na dumaan " pagbulsa nito sa phone niya, mataas kasi yong lupa rito sa labas at may mga batong puweding pang-support ni Carol para maka-akyat rito unlike sa loob ng school flat ang lupa kaya mas mataas kaya kapag tumalon rito si Carol Hindi maiwasang nasasaktan ito.
" At ano naman ang pakialam mo? At saka nasabi ko nang wala akong ID diba? " Tatalon na sana ito ng biglang magsalita itong si Paulo.
" Kapag hindi ka sumunod saakin ipapakita ko sa guard ang litrato mong umakyat diyan kaya panigurado mapaparusahan ka at panigurado ring doble ang kaparusahan mo dahil malalaman din nong nakakita sayo kahapon pagkatapos kang hindi mamukhaan ng tumalon ka diyan kahapon kaya panigurado kapag pinakita ko ito sa mga guard mahuhuli ka agad at dobleng parusa ang matatanggap mo " mahaba nitong sabi saka tumalikod at naglakad.
" Tinatakot mo ba ako? " naiinis nitong tanong.
" Hindi, kaya sumunod kana saakin " pag-alis nito ang tuloyan at agad naman ritong sumalubong si Stell nang makita siya nito.
" Saan ka ba nagtungo at saka ano yong tulong na hinihingi mo? " sunod sunod nitong tanong.
" Kalimotan mo na sa tingin ko hindi rin yon makikinig saakin " paglalakad pa nito pero natigilan siya nang hindi rito sumunod si Stell " Halika na " dugtong pa niya.
" Ca-carol good morning " napalingon naman siya sa nauutal na pagsasalita ni Stell at napangiti siya ng makitang si Carol ito.
" Mabuti sumunod ka " paglapit niya rito kaya napalingon rito si Stell sa sinabi niya pero binalewala niya iyon kung saan halatang may itatanong ito.
" Stell tayo na pumasok na tayo___ "
" HOY JAMPAWLO! ako ba iniinis mo talaga?!!! " pagkuwelyo nito rito kaya ganon na lang ang pagkakalunok nito sa takot at si Stell ganon na lang ang ngiti habang pinagmamasdan si Carol at natutuwa habang hawak hawak nito ang collar nang damit ni Paulo.
" Te-teka hindi pa naman ako tapos magsalita ah " pilit nitong pagtanggal sa kamay ni Carol na nakahawak sa kuwelyo ng damit niya " Babalik din naman ako, hintayen mo ako rito " sabi pa nito kaya hindi na ito nagsalita pa at pumasok na nga ang dalawa.
" Paulo close na talaga kayo ni Carol? Grabe! Ang cool non Dre! " masaya ritong sabi ni Stell habang naglalakad silang papasok.
" Hindi Dre " Tipid nitong sagot at ganon na lang ang pagtataka ni Stell ng bigla siya nitong hilain sa may sulok kung saan walang tao.
" Te-teka a-anong gi-gi-ginagawa mo? " kinakabahan nitong tanong kaya agad siyang binatokan nitong si Paulo pagkatapus mabasa ang iniisip nito.
" Tssssst! Ano ka ba Stell! " kinikilabotan niyang tingin rito pagkatapus mabasa ang iniisip nito.
" E bigla mo akong dinala rito Eh tas walang tao at medyo madilim " pang-aasar niya pa rito habang niyayakap si Paulo.
" Tumigil ka nga! Kailangan ko lang ang ID mo kaya tayo nandito at walang puweding makakita non kaya dalian mo ibigay mo na saakin " sabi nito agad pagkatapus maisip si Carol.
" Bakit anong gagawin mo sa ID ko? " nagtataka pa niyang tanong habang tinatanggal ito.
" Ipapahiram ko muna kay Carol para makapasok " mabilis naman niyang hinubad ito sa sinabi niya.
" Bakit ngayon mo lang sinabi? Dapat sinabi mo agad " pagbibigay niya rito.
" O sige na dadalhin ko na sa kaniya kung mauuna kang pumasok mauna___ "
" Hindi! Hihintayin ko si Carol__! Ang ibig kong sabihin yang ID ko " sabi nito habang nakangiti.
" O sige, hintayin mo na lang kami sa may pathway " pag-alis nito at lumabas pero napahinto siya ng wala siyang makitang Carol sa iniwanan nila rito " Baka dumaan na naman sa kabila? Hindi man lang naghintay " pagtakbo pa nito sa may likod nang school pero wala ding Carol dito " Matigas talaga ang ulo niya " paglalakad pa nito pero napatakbo siya nang makita niya ito sa isa sa mga puno sa may tapat ng gate kung saan kinapaparadahan nang mga bisikleta.
" Bakit umalis ka sa sinabi kong hintayan mo saakin? " tanong nito kaya ganon na lang ang gulat nitong si Carol pagkatapos makaidlip " Natutulog ka na naman ba? " mahina pa nitong tanong.
" Hindi, nakapikit lang ako " masungit pa nitong sabi saka tumayo at napatingin siya rito ng tanggalin ni Paulo ang ID niya.
" O ayan isuot mo yang ID ko " sabi nito at sinuot ang ID ni Stell kaya ganon na lang ang pagtataka ni Carol nang mabasa ito.
" Huwag kang mag-alala hindi naman nila tinitingnan ang ID as long as may nakikita silang nakasabit sa leeg mo puwedi ka nang pumasok kaya makakapasok tayo ng hindi nahuhuli habang namemeki ng ID " kinakabahan nitong sabi.
" E bakit naman ID mo ang ipapasuot mo saakin? Tssssk! Baliw ka ba?! Kapag nahuli nila tayong iba ang ID mo mapaparusahan ka rin " pagbalik niya rito sa ID niya.
" Isuot mo na yan " utos niya rito " Sinadya ko talaga yan, total ako naman ang may plano nito kaya kung sakaling mahuhuli ka at least kasali akong mapaparusahan kaya huwag ka nang mag-alala diyan hindi kita iiwan, sabay tayong mapaparusahan pangako yan " Kinabahan pa nitong sabi dahil sa pinaplano nitong kalokohan pero napalingon siya rito ng bigla itong tumawa nang malakas.
" Tsk! mag-iisip ka nang kalokohan pero takot ka naman! " sabi nito pagkatapus makita ang mga pawis nito sa kaba " Ayan yang ID mo sa likod na lang ako dadaan mamaya mahuli pa tayo " pagbibigay niya rito pero hindi ito pinansin ni Paulo bagkus naglakad ito.
" Kapag hindi ka sumunod saakin ipapakita ko ang picture mo kanina " sabi nito habang naglalakad " Tayo na kasi " paglunok pa nito habang naglalakad ng mabagal sa takot habang pinagmamasdan ang mga guard sa gate at tinitingnan ang mga estudyante kung may suot na ID. At ganon na lang ang gulat nito nang maramdaman niya ang paghawak ni Carol sa braso niya at naglakad ito ng mabilis kaya mabilis ding napalakad itong si Paulo habang nakatingin rito.
" SANDALI!!! " Pakiramdam ni Paulo kulog ang pagkarinig nito sa boses ng lalaki pagkatapus silang pigilin, huminto naman sila at mabagal na lumingon sa guard.
" Lumabas ka na Hindi ba? " tumingin lang rito si Paulo pagkatapus lumunok nang maramdaman nito ang mahigpit na paghawak ni Carol sa braso niyang hawak hawak niya.
" Nakapasok ka na Hindi ba? " Tanong pa muli nang guard, tumango naman ito habang pinagpapawisan sa kaba at bago pa mahawakan ng guard ang ID niya para tingnan ang pangalan niya mabilis itong hinila ni Carol kaya napunta siya sa may likuran ng dalaga kaya ganon na lang ang gulat niya, mabilis namang napaatras ang guard pagkatapus makilala itong pumunta sa harapan niya.
" Bakit kailangan niyo pang tanongin kung pumasok na siya o lumabas? " Napahinga naman ng malalim si Paulo pagkatapos marinig ang boses ni Carol na may gana pa atang magalit.
" NAG-IISIP BA ANG BABAENG ITO? KAPAG NAHULI TALAGA KAMI MAS MADODOBLE PA ANG PARUSA NAMIN NITO E " natatakot nitong pag-iisip pero napatingin siya sa guard nang bigla nitong ilahad ang kamay niya.
" Hindi kasi ako sigurado kung sa kaniya yan pagkatapus mahulog nong lumabas siya at dahil nakatalikod siya Kaya sinisigurado ko kung siya ba talaga yong nakita ko " Agad namang nilingon ni Carol si Paulo kaya agad niyang sinilip itong sinasabi ng guard at mabilis niya itong kinuha nang makita ang susi habang nakasabit ito sa isang strawberry.
" Saakin nga po yan Sir " pag-abot niya rito habang nakangiti.
" Sa sunod ingatan mo " pagtapik rito ng guard pero natigilan itong si Paulo at sabay silang napalingon ng guard sa Carol na biglang naglakad paalis.
" Pasensya na po Sir, minsan po talaga tamad yon magpaalam " pagtukoy nito kay Carol na bastos na umalis.
" Wala yon " Natatakot pa nitong tingin kay Carol " Bakit kaibigan mo ba yon? " Tanong din nito saka lumingon sa kaniya.
" Ah, makikipag-kaibigan pa lang po " ngiti nito " sige po Sir, salamat po ulit! " Magalang nitong pasasalamat saka umalis.
" Naku! Transferee siguro yon, Ang pasaway na babaeng yon gusto niyang maging kaibigan? " Dinig nitong bulong nang guard sa kasamahan niya saka sinundan ng pagtawa pero hindi na niya ito pinansin at mabilis na sinundan si Carol.
" Mabuti na lang nakadaan tayo! " Masaya nitong sabi " pero kamuntikan na tayo, akala ko mahuhuli na tayo kanina e " Sabi pa nito habang sumasabay rito pero napahinto Ito bigla nang tumigil maglakad itong si Carol at humarap sa kaniya saka hinawi nito ang buhok niyang nasa mukha niya at ganon na lang ang pagtataka nito ng mapansin ang masasama nitong tingin.
" SA SUNOD NA GAGAWA KA NANG KABOBOHAN HUWAG MO AKONG IDADAMAY! " naaasar nitong sabi saka naglakad muli kaya pakiramdam ni Paulo biglang uminit ang ulo niya sa sinabi rito ni Carol.
" Alam mo ba first time kong gumawa ng ganon_ ay mali! Pangalawa na pala pagkatapus mo akong piliting dumaan sa may bakod kahapon tsk! Oo, ikaw ang dahilan lahat pero kung magalit ka diyan parang ako pa ang may mali pagkatapos kitang tulongan " mahaba nitong sabi habang sinusundan ito wala namang nakakarinig sa kanila nasa may daan kasi sila banda sa medyo madilim na parte ng school at wala masyadong nagtatambay at dumadaan ritong estudyante.
" TSK! GUSTO MONG MAGPASALAMAT AKO?! " sarcastic nitong sabi habang naglalakad " KAMUNTIKAN NA NGA TAYONG MAHULI DAHIL SA NAISIP MONG KABOBOHAN EH!! " natatawa pa nitong sabi habang naiinis ang boses. " At saka sino bang nanghingi ng tulong mo? Makinig ka?! Sinabihan na kitang huwag kang maging mabait saakin Hindi ba?! " Pagharap niya rito at napalunok itong si Paulo nang hilahin siya nito palapit sa mukha niya gamit ang kuwelyo nito " HINDI KITA GUSTO KAYA TIGILAN MO ANG PAGPAPAPANSIN SAAKIN!!! " Titig niya rito sa mata saka tinaasan ng dalawang kilay bago binitawan at naglakad muli hindi naman nagawa pang sumunod rito ni Paulo pagkatapus nang nga sinabi nito.
" SIYA GUSTO KO?!!! " tanong nito sa sarili niya " Memorya lang ang naapektohan sa ulo ko at hindi ang pag-iisip ko para mabaliw at magkagusto sa barumbadang yon " paglalakad nitong muli at hindi na nito makita si Carol pagkatapus lumabas sa madilim na daanang ito at dumeretso naman ang mata niya kay Stell habang nakikipagharotan sa mga babae sa may pathway.
" Hi Paulo " bati rito nang ilang babaeng nakapaligid kay stell pero itong si Stell parang hindi niya nakikita si Paulo habang hinihintay na lumabas si Carol sa linabasa nitong daan.
" Magandang Umaga! " Pagngiti nito sa kanila kaya ganon na lang ang kilig nang ilang nagkaka-crush sa kaniya.
" Dre si Carol? " Mahina ritong tanong ni Stell.
" Baka dumaan na yon rito " ani Paulo " magkasunod lang kasi kami pero subrang bilis non maglakad kaya baka nasa classroom na " ganon na lang ang gulat nang lahat ng biglang yumakap sa may poste nitong pathway si Stell at parang pinagbagsakan ng langit habang naiisip ang mga usapan nila kanina na maaaring narinig ni Carol pagkatapus nitong dumaan kung sakali man.
" Stell sana chicken kana lang " sabi rito ng mga babaeng hinaharot niya sa pathway.
" bakit naman? " Pagngiti niya pa rito habang kunwaring kinikilig.
" Para chicken (saakin) ka lang " at isang sigawan ang nangyari pagkatapus non.
" Kung chicken ako ikaw naman ulan " sabi rin nito habang nakangiti " Kasi ikaw pa RAIN (rin) " isang malakas namang hiyawan ang nangyari habang kinikilig ang lahat sa alaala ni Stell at iniisip itong si Carol na baka nadaanan ang ganong kaharotan niya.
" Kainissss " pagpalo nito ng mahina sa ulo niya.
" Mine okay ka lang? " Tanong rito ng ilang may crush sa kaniya pero Hindi na niya pinansin ang mga ito at umakbay kay Paulo ng parang yakap.
" Dre ang bigat ng pakiramdam ko " Sabi pa nito at naglakad kaya napalakad na rin itong so Paulo habang nakahawak siya sa likod ni stell habang nagdadrama ng hindi niya alam ang dahilan.
" Sige mauna na kami " Sabi nito sa mga babaeng na sa ibang department na nakikipagharotan kay stell sabay sabay naman silang kumaway rito habang nakangiti.
" Pakiramdam ko lalagnatin ako Dre! " Paghalukipkip nito Kaya ganon na lang ang pagtataka nitong si Paulo at hinawakan pa siya sa noo.
" Maayos naman ang init ng katawan mo " inosente pa nitong sabi at ganon na lang ang gulat niya nang hawakan ni Stell ang kamay niya.
" Dre baka nakita niya ako habang kasama ang mga babae sa Pathway " nag-aalala pa nitong sabi.
" Sino naman? " Pagkuha nito sa kamay niyang hawak hawak ni Stell pagkatapus malaman ang walang kuwentang dinadrama drama nito.
" Yong gusto ko " pagtingin pa nito sa langit na kunwari naiiyak.
" Tsk! Tigilan mo na kasi yang pagiging pafall mo Dre bakit Hindi kana lang magfucos sa crush mo at sabihin mo sa kaniya ang nararamdaman mo? " paglalakad nito habang naiisip din ang sinabi ni Carol kaya hindi nito mapigilang mapakuyom nang kamay sa asar.
" AKO BOBO?! TSK! SUMUSUOBRA NA TALAGA SIYA! AT SAKA ANONG PINAGSASABI NIYANG GUSTO KO SIYA!? SIGURO NGA DAPAT DI KO NA SIYA PANSININ " pag-iisip pa nito habang nagsasalita din itong si Stell.
" Ano Stell? " Lingon niya rito ng mapansin ang pagsasalita nito. " Sino ba talaga yang crush mo? At saka nabigay mo na ba yong binili mong hairclip? " Tanong pa niya pero natigilan siya ng mapansin ang pagsimangot nito.
" Hanggang crush ko lang naman yon " mahina pa nitong sabi pagkwan tinapik niya ito sa likod.
" Yon naman pala e, Wala kang balak ligawan kaya bakit nagdadrama ka pa diyan? " Pagbibiro nito.
" Hindi ganon yon Dre! Gustong gusto ko siya pero___ " pagtahimik nito bigla at malungkot na tumingin muli sa langit kaya ganon na lang ang pagtataka ni Paulo habang pinagmamasdan Ito.
" Pumasok na nga tayo para makuha ko na ang ID ko " ani Stell nang maisip si Carol kaya napangiti na rin Ito.
" Na saakin ang ID mo, wag kang mag-alala " paghubad niya rito at binigay sa kaniya kaya ganon na lang ang badtrip nitong si stell.
" BAKIT NA SAYO? DIBA SIYA ANG MANGHIHIRAM?! " tanong pa nito pagkwan sinabi nito ang dahilan niya bakit nakipagpalit kaya matamlay na kinuha nitong ni Stell saka sinuot.
" Nga pala saiyo ito hindi ba? " Pagpapakita nito sa susing nahulog kanina.
" Oo, nahulog na naman ba?! " Tanong pa nito pagkatapus abotin at sinabit muli sa ID niya.
" Kung alam mong mahuhulog bakit sinasabit mo pa rin diyan? "
" Mas mawawala ko kung hahawakan o ilalagay ko lang kung saan, madali kasi akong makalimot " pagkamot pa nito sa ulo niya habahg naglalakad pero nauna nang pumasok si Stell pagkatapus tumawag ng mommy ni Paulo pero mabilis na palitan lang ng salita at natapus din agad.
" Anong ginagawa mo rito? " Paglabas nitong si Anika pagkatapos niya itong masilip sa labas.
" Ah si mommy " pagngiti nito habang binubulsa ang phone nito.
" Alam mo ang dami kong gustong itanong sayo pero ang hirap mong makausap " nagtataka naman ritong tumingin si Paulo " e kasi palagi sayong nakabuntot yong girlfriend mo " napalingon naman siya sa tinutukoy niyang girlfriend nito pagkatapus lingonin si Stell kaya natawa ito bigla pero natigil din yon ng makita nitong natutulog si Carol sa may likuran ni Stell.
" Nga pala talaga bang close kayo ni Carol? " Tanong nito nang alanganin.
" Nagkakasabay lang kami madalas pero hindi niya ako gusto kaya Hindi ko alam kung close kami o ano " Sabi nito habang nakangiti " Nga pala__ " pagkuha nito sa bagpack niya sa likuran para ibigay rito ang panyo nito kahapon.
" Bakit nandito kayo? " Napatingin naman si Paulo sa kamay ni Ken pagkatapus nitong kunin ang bag niya.
" Ken ano bang ginagawa mo?! " Naiinis ritong sabi ni Anika mabilis namang kinuha ng tropa ni Ken ang bag at lumayo sa kanila.
" Ano ba ken?! " Sigaw niya rito pagkwan pinatong ni Ken ang braso nito sa balikat ni Paulo " edi kunin mo sa kanila " ngiti niya pa rito lumingon naman siya kay Paulo at dahil kilala na nito si Ken kaya napilitan itong sumunod rito. Mabilis namang tumitig itong si Ken kay Paulo.
" Anika! Ken! PARA! SA! ISA'T! ISA! " paghawak niya rito sa ulo " naiitindihan mo? " Tanong pa nito at ganon na lang ang inis niya ng nanatili lang ritong nakatingin si Paulo.
" Nang-aasar ka ba?! " Pagkuwelyo niya rito pero napalingon siya sa may pinto ng tamaan siya ng nilukot na papel sa ulo.
" ANO BANG PROBLEMA MO!!!??? " sigaw nito kay Carol kung saan siya ang nambato rito kaya napalingon sa kanila ang lahat ng estudyante sa loob at labas pagkatapus yon marinig.
" Anong nangyari? " Paglapit ni Anika sa mga ito pagkatapus makuha ang bag ni Paulo.
" AHHHHHHHH PUTANG INA!!!!!!! " sigaw ulit ni Ken pagkatapus siyang batohin nitong muli ng nilukot na papel.
" Carol ano bang nangyayari sayo? " Pagharang na din ni Anika kay Ken sa direksyon ni Carol pagkatapus ng mga sigaw nito pagkwan binitawan ni Ken itong si Paulo at ganon na lang ang gulat nang lahat ng batohin niya rin ng papel si Anika.
" TALAGA BANG NANG-IINIS KA?! " nagpipigil na ring galit nitong si Anika pero naka poker face lang sa kanilang nakatingin si Carol pagkwan nilingon nito si Paulo at Hindi na ito hawak hawak ni Ken kaya tumingin ito muli sa dalawa.
" KUNG AYAW NIYONG MATAPUNAN NG BASURA, HUWAG KAYONG HUMARANG SA BASURAHAN " seryoso nitong sabi dahan dahan namang tumingin ang lahat sa sinasabi nitong trash can sa may likuran ni Ken. At magsasalita pa sana itong si Anika nang tumalikod ito para bumalik sa loob at ganon na lang ang inis niya ng makita nito ang pagpipigil ng tawa ni Stell at Josh habang sinasabayan ito ni Justin.
" BALIW TALAGA YANG CAROL NA YAN! " Mahinang Sabi nitong si Ken pagkwan nilingon nito si Anika pagkatapus tumabi sa kaniya at subrang lapit nila kaya ganon na lang ang pamumula nitong si Ken.
" Puwedi bang umalis kana? " Pag-atras nito.
" Mabuti pa nga " paghinga nito at lumingon kay Paulo saka inirapan pagkwan tumingin itong muli kay Anika at mabilis nitong kinuha ang bag ni Paulo pagkatapus niya itong makitang hawak hawak ni Anika at tinapon ito rito.
" gago! Huwag mo siyang pinagdadala niyang bag mo! " Pagtaas nito sa kamay niya para batokan ito pero mabilis ritong humarang si Anika dahilan para hindi niya matuloy pagkwan pumasok itong si Paulo pagkatapus makita ang ilang estudyanteng nakatingin pa rin sa kanila.
" Sige, magkita na lang tayo mamaya " pagkindat niya rito bago umalis kaya pumasok na din si Anika at tumama agad ang mata nito kay Carol pero nakapikit ito habang nakaupo kaya nagtungo na din siya sa upuan niya at ganon na lang ang inis niya ng maalala ang pagtawa ni Josh kanina kaya agad niya itong binatokan.
" BAKIT BA TAWANG TAWA KA KANINA?! " naiinis niyang tingin rito pero normal lang ito sa kanila kaya walang lumingon sa kanila o may paki.
" TOTOO NAMAN KASING NAKAHARANG KAYO SA BASURAHAN " pang-aasar pa ni Josh pabagsak namang umupo itong si Anika sa inis " Magpasalamat ka nga dahil sa kaniya hindi nahawakan ng Ken mo si Paulo " bulong nito, mabilis naman siyang lumingon rito habang nagtatanong ang mata.
" Bantayan mo ang crush mo kilala mo naman si Ken " ani Justin Kaya agad niyang isinubo rito ang notebook niya.
" ANONG PINAGSASABI MO DIYANG CRUSH?! " Nahihiya nitong sabi.
" Halata namin e " ani Josh at Justin " Ako rin! " Paglapit din ni Rohan pagkatapos marinig ang salitang crush.
" TSK! TUMAHIMIK NGA KAYO! " namumulang pisngi nitong sabi at humarap sa libro niya para balewalain ang mga ito.