NATIGILAN sa pagsasalita mag-isa itong si Paulo nang mapansin ito ni Stell at lumingon sa kanya.
" Anong binubulong bulong mo diyan? " ani Stell at bago pa makasagot si Paulo napalingon siya sa babaeng tumabi sa kaniya pagkatapus niyang maamoy ang bango nito.
" Kakain din kayo? " tanong ni Anika tumango naman rito si paulo habang nakangiti sa amo ng mukha nito.
" Sabay sabay na tayo " ani Rohan pagkwan pumasok na silang canteen at nagtungo sa isa sa mesang kinaroroonan nila Josh.
" Akina ang pera niyo at ako ng mag-oorder ng pagkain natin " pagturo nito sa pila para makabili ng pagkain.
" si Kuya mo na ang magbabayad ngayon " napalingon naman si Josh sa sinabi ni Anika.
" Teka bakit ako? " pagtanggi nito.
" For Nase? Bilang pagwelcome mo man lang sa kaniya dito sa school " napalingon naman ito kay Paulo.
" Ah, Hindi na, I felt welcome naman kaya hindi niyo na kailangan manlibre " pagtanggi rin nito ng magtama ang mata nila ni Josh.
" Basta ako magpapalibre ako " pagtago ni Stell sa wallet niya kaya nagkaroon tuloy sa kanila ng tawanan at sabay sabay silang napalingon ng may marinig silang mahulog na kutsara.
" Kaasar nagugutom yong tao e " pagpulot ni Carol sa kutsara niya at pinunas sa damit niya bago isinubo at ganon na lang ang pagkakakunot noo niya ng mapansin niyang nakatingin sila rito.
" Kung gusto mo puwedi kang tumabi saamin " ani Josh na siyang tumango rito si Stell habang mag-isa itong si Carol sa may mesa pero si Anika nakatingin lang siya rito ganon din itong si Paulo.
" tsk! at bakit ko pa kailangan tumabi sainyo? " naaasar niyang pagtalikod sa kanila mang upo at tuloyang kumain kaya tahimik na ding umayos ng upo si Josh na siyang sinundan nilang lahat.
" May katigasan talaga ang ulo niya " ani Justin.
" Subrang tigas " ani Rohan.
" Wala namang ulong malambot ah " pagtatanggol ni Stell rito at hinawakan pa ang ulo ni Rohan para pisilin.
" Ano ka ba Stell! " paglayo niya rito pagkatapus magulo ang buhok niya " at saka himala at nandito siya sa canteen " mahina pang sabi nito pero hindi na nila ito pinansin. At si Paulo nakatingin lang siya sa magkapatid na Santos pagkatapus nilang sulyapan itong si Carol at pakiramdam niya siya lang ang may hindi alam sa kung anong meron sa kanilang tatlo.
" Sige umorder kana Rohan " pagngiti ni Anika para matigil ang pagtingin nila rito ni Josh pero bago pa makatayo itong si Rohan biglang tumahimik ang loob ng canteen kaya si Anika ganon na lang ang asar niya alam na niya kasi kung sino ang may intrance na ganito.
" Your prince " kinikilig pang sabi ni Rohan.
" It's your boy Ken " pag-inom pa ni Justin pagkatapus makita itong si Ken na pumasok kaya napalingon din rito si Paulo at nakita nito agad si Ken kasama ang tatlong lalaki kung saan mga tropa niya habang tumutungo ito sa direksyon nila.
" Tabi! " pagpalo nito sa likod ni Stell dahilan para mapalayo ito kay Anika habang magkatabi sila at sumiksik kay Paulo.
" Puwedi ba Ken huwag pati kami gagamitan mo ng pagiging maangas mo " masama ritong tingin ni Anika " at saka bakit ba naka-unbutton yang polo mo? " pagsnob niya rito kaya mabilis niya itong inayos at tumabi rito ng upo.
" Okay na ba? " ngiti niya rito pagkatapus ayosin pero hindi na umimik itong si Anika pagkwan nagtama ang mata ni Ken at Paulo pagkatapus niya itong lingonin habang nakatingin sa kanila.
" Tsk! Andito pala si transferee " pagngisi pa nito pagkwan nilahad niya ang kamay niya.
" Siya si Master Ken " natigilan itong tropa niya pagkatapus siya nitong batukan.
" Manahimik ka nga " singhal niya rito kaya ganon na lang ang takot ng mga istudyante roon " Bale ako nga si John Felip Suson short for Ken " agad naman itong inabot ni Paulo " Well kilala na kita, naririnig kita sa mga istudyante rito! Alam mo ba yon sikat kana? Tsssst mahilig kasi nang mga guwapo ang mga estudyante rito pero syempre mas guwapo pa rin ako sayo " presko nitong sabi " At dahil transferee ka akong bahala sa pagkain natin " Mayabang pa nitong sabi ng hindi pingsasalita itong si Paulo pagkwan inutosan nito ang kasamahan niya at mabilis itong umalis para mag-order.
" Hindi ka naman siguro nagagandahan sa kaniya? " ani Josh sabay tingin sa kamay nitong mahigpit pa ring nakahawak sa kamay ni Paulo pagkatapus niyang malimotan bitawan dahil sa pakikipagkamay nito.
" PAMBIHIRA! " mabilis niyang pagbitiw rito habang nandidiri sa sinabi ni Josh " Dapat binitawan mo ang kamay ko " pagpunas pa nito sa damit niya.
" Ikaw ang nakahawak e " sabi pa nitong si Paulo habang ang seryoso ng mukha pagkatapus tingnan ang kamay niya kaya ganon na lang ang asar rito ni Ken pagkwan napalingon sila sa may pela sa may kuhaan ng pagkain pagkatapus paalisin nang mga tropa ni Ken ang mga estudyante para mauna sila.
" Puwedi ba Ken sabihan mo ang mga kaibigan mo na pumila sila ng maayos!! " naaasar ritong tingin ani Anika.
" Hindi puwedi, nagugutom tayo kaya kailangan tayo ang mauna " pagngiti pa nito na para bang natutuwa sa pagpapaalis nang mga kaibigan niya sa mga istudyanteng nakapila.
" Pero nagugutom din naman sila " ani Stell at ganon na lang ang gulat niya ng kuwelyohan siya nito.
" Ken..! " agad naman siyang binitawan ni Ken sa pagtawag rito ni Josh.
" Ang daldal mo eh " naaasar niya pang ngiti rito at napatingin sila sa may mesa ng biglang matumba roon ang kaklase nilang si Mark pagkatapus itong itulak ng mga kaibigan ni Ken habang nakapila.
" Ang taba taba mo na kaya dapat hindi kana kumakain " tawanan pa nila rito na siyang sinabayan pa ng mga estudyante ganon din itong si Ken.
" Paaalisin mo sila diyan o ako ang aalis rito? " napalingon naman si Ken kay Anika.
" Kung gusto niyong kumain sa likod namin kayo pumila " sigaw pa ng mga kaibigan ni Ken na siyang sinunod naman ng mga estudyante.
" Kita mo maayos na " ani Ken kaya umuusok na sa galit itong si Anika.
" Pasinsya kana Paulo magulo talaga dito sa school minsan " ani Anika.
" At Bakit mo pa kailangan humingi ng pasensya? Siya ang lumipat rito kaya siya ang mag-adjust at tanggapin ang lahat nang meron rito " ani Ken at muli silang napalingon sa may pela nang magkaroon na naman ng ingay rito.
" ANG BABAE NA NAMANG YAN!!! " naaasar na bulong ni Ken
" PAPAANONG NANDITO YAN? " naasar nitong tanong pagkatapus makita si Carol sa kinaroroonan ng mga kaibigan niya.
" Lagot sila " pag-ayos ng upo ni Stell para mapanood nang maayos ang mga mangyayari at si Paulo ganon na lang ang pagtataka niya.
" Kuya si Carol " nag-aalala pang sabi ni Anika.
" Nakikita ko " pagngiti pa Josh na halatang matutuwa sa mga puweding mangyari.
" Mukhang kailangan na natin ng pop corn at juice " ani Justin habang nakatingin sa direksyon nila Carol.
" BAKIT BA PARANG NATUTUWA PA KAYO?!! " malakas na sabi nitong si Anika pero napalingon na lang din siya sa tinitingnan nila pagkatapus nila itong balewalain.
" Hoy Carolin sa likod ka pumila! " utos rito ng kaibigan ni Ken pero nanatili sa unahan itong si Carol pagkatapus silang agawan ng pila.
" Damihan niyo nang sabaw ate ah " sabi pa nito sa nagseserve ng pagkain.
" Hoy bingi ka ba?!!! " pagpapaharap rito ng kaibigan ni Ken pagkatapus siyang hawakan sa magkabilang balikat pero agad niya itong nabitiwan ng tusokin nito ang kamay niyang nakahawak sa balikat niya gamit ang tinidor.
" Aray!!! " paglayo niya rito.
" Hoy Carolin nauna kami sayo kaya pumila ka o kung gusto mo saamin ka na lang sumunod " sabi pa ng isa.
" Tsk! kung pipila kayo sa likod edi susunod ako sainyo " pagtalikod nito at kinuha ang inorder niya at nilagay sa may mesa.
" Akala mo ba porket babae ka hindi ka namin papatulan?! " sigaw nila rito.
" Edi patulan niyo! " pagsuntok niya rito sa may ilong dahilan para manlaki ang mata nito sa takot.
" Nababaliw kana!!! " nanlalaking mata nilang tingin rito habang natatakot kung saan hawak hawak ng isa ang kamay niyang tininidor nito at ang ilong ng isang sinuntok niya at napalunok sila ng hawiin nito ang buhok niyang natatabunan ang mukha niya senyales na naiinis na ito.
" Oo!!! May problema kayo?! " sabay naman silang napalingon kay Ken at agad itong suminyas na iwan nila ito kaya si Paulo hindi niya alam pero napangiti na lang siya sa ginawa nito ganon din si Josh habang si Stell mahina itong pumapalakpak.
" Hindi ko alam bakit hindi kayo magkakapareho ng ugali " naaasar na pag-upo nitong si Ken ng maayos.
" Baka kayo ang magkapatid?! " ani Anika na siyang tinawanan ni Stell at Justin ng malakas pero agad din silang natigil ng umirap ito sa kanila.
" Tsk! Wala na akong gana kung bakit kasi nandito pa ang Carolin na yan! " pagtayo ni Ken at tuloyang umalis.
" Si Carol lang talaga ang katapat ng kalokohan ni Ken " ani Justin.
" Maganda naman yon diba? " masaya pang sabi ni Stell habang tinitingnan si Carol mamaya napalingon din rito si Paulo at natigilan ito ng ibigay ni Carol ang inorder niya kay mark.
" Salamat Car-rol " nauutal pa nitong sabi.
" Tsk! Hindi ko naman yan inorder para sayo, saakin talaga yan kaya lang nawalan na ako ng gana kumain " pagkuha nito sa bag niya habang pinagmamasdan ito ni Paulo " Bayaran mo lang yan at nong kinain ko " ganon naman ang gulat ni mark sa sinabi niya pagkatapus nitong isuot ang bag niya at tuloyang lumabas.
" Okay din ang ugali niya ah " natatawa pang sabi ng isipan ni Paulo dahil sa sinabi nito. At pagkatapus nilang kumain bumalik na din sila for their afternoon class at ganon na lang ang pagtataka nito ng hindi na bumalik itong si Carol.
" Bakit wala siya? " napalingon naman rito si Stell at alam na niya ang tinutukoy nito.
" Baka tinamad na naman pumasok " pagsasalita nito habang nakatutok sa teacher nilang nagtuturo " Alam mo si Carol minsan lang yan pumasok, minsan tatlo lang sa isang buwan pero pinapasa pa rin siya ng mga teacher dahil malaki ang impluwensya ng Santos sa school natin or kahit dito sa lugar natin " pagsasalita nito kaya tumango na lang itong si Paulo pagkatapus mabigyan ng dahilan ang katanungan niya Bakit napaka pasaway nitong si Carol.
" E bakit ba parang ang layo ng loob ni Carol sa mga kapatid niya? " tanong pa nito dahilan para lingonin siya nito.
" Alam kong itatanong mo yan " mahina nitong sabi " Si Carol kasi ay anak sa labas ni Don Julio hindi ko alam ang buong kuwento pero hindi maganda ang ugnayan sa kanila ni Carol kumbaga siya ang black sheep ng angkan, kapag narinig mo ang Santos isa lang ang ibig sabihin non galing ito sa magandang angkan at matatalinong tao " ani Stell kaya natigilan naman itong si Paulo " Pero si Carol hindi siya ganon o ayaw lang niya maging ganon " mahina pa nitong sabi.
" Kaya naman pala sinabi niyang ayaw niya ng matalino " pag-iisip pa niya.
" At si Carol ang sinasabi ng lahat na problema sa Santos at kabaliktaran nang tunay na paguugali ng mga Santos " ani Stell " Minsan nga sinasabi nila baka ginamit lang siya nang nanay niya para maging asawa si Don Julio " napalingon naman rito si Paulo sa sinabi niya kaya agad niyang dinugtongan ang sasabihin niya bago pa ito makapagtanong " Namatay na ang totoong mama nila Anika at ang nanay ni Carol ang muling pinakasalan ni Don Julio kung saan ang sabi sabi anak daw ni Don Julio si Carol kaya niya pinakasalan ang nanay nito " nalulungkot nitong sabi hindi naman makapagsalita ni Paulo pagkatapus maitindihan kung bakit ganon ang ugali nito at natigilan magsalita itong si Stell nang tumingin sa kanila ang teacher. At pagkatapus ng klase mabilis na sumabay rito si Anika palabas sa classroom.
" Uuwi ka na Anika? " Tanong nitong si Stell at nilayo bahagya rito si Paulo.
" Hindi, kailangan ko pang magpractice " pagtingin nito sa relo niya.
" Good luck!!! " tingin rito ni Paulo kaya ganon na lang ang tuwa niya.
" Sige Anika mag-iingat ka " pagputol ni Stell sa pagtatama nang mata ng dalawa.
" Anika halika na!!! " tawag pa rito ng kaibigan niya.
" Sige Stell, Paulo " ngiti nito bago tuloyang nagtungo kay Rohan. Pagkwan naglakad na rin sila.
" Diba sinabi ko nang huwag kang titingin kay Anika nakita mo naman yong sa canteen diba? " pagtukoy nito sa pambubully nila Ken sa canteen dahilan para mamula ito ng maalala si Carol.
" Saan nga kaya yon nagsusuot kapag hindi pumapasok? " pag-iisip nito kaya napailing itong si Paulo habang tinitingnan ang pamumula ng pisngi nito.
" Ikaw ba sinisermonan mo ako o kinikilig ka doon sa pambubully nila Ken? " pagtukoy nito sa pamumula ng pisngi niya.
" Teka! Bakit si Ken? " paglayo niya rito.
" E namumula ka diyan Eh at saka ang sabi mo kahit mga lalaki nagkakagusto kay Ken kaya malay mo isa ka pala sa kanila " pang-aasar niya pa rito.
" Lalake ako noh " parang bata nitong sabi kaya ganon na lang ang tawa ni Paulo kaya natawa din ito.
" Halika na sumakay kana at ihahatid kita sainyo " pagsakay nito sa motor bike niya nang makalabas sila agad naman siyang sumunod rito at nong matapat sila sa bahay nila carol ganon na lang ang titig rito ni Stell at nagbabakasakaling makita niya ito.
" Papasok ka pa ba? " ani Paulo.
" Hindi na sa sunod na lang " pagtanggi nito " May dadaanan pa kasi akong mangkukulam " pagbibiro nito bago umalis pagkwan pumasok na din si Paulo at nilock ang gate nila pero natigilan ito ng masulyapan niya ang bahay nila Carol at agad siyang yumuko bahagya ng lumabas rito ang Lola ni Carol bilang pagbati.
" Tapos na ang klase niyo? " pagpansin niya rito.
" Magandang hapon po Lola " bati nito " Opo tapus na po ang klase namin " magalang nitong sagot.
" Napaka bait mo talagang bata " natutuwa niyang tingin rito " Sandali ang Apo ko ba nakita mo doon? Bakit kaya hindi pa siya umuuwi? " pag-aalala nito hindi naman alam ni Paulo paano sasagot gayong hindi naman ito pumasok " Nakita mo ba siya sa school niyo? " tanong pa nito.
" Sa totoo po niyan Lola kaklase ko po siya at pumasok po siya kaya lang po__ "
" Mabuti naman! Akala ko pinagluluko lang niya ako sa tuwing sasabihin niyang papasok siya " pagputol ng matanda sa sasabihin pa niya " Mabait naman ba ang apo ko sa school? " napalunok naman siya sa tanong nito at kitang kita niya ang pagtawa ng matanda sa naging reaction niya " Binibiro lang kita Alam ko ang Apo ko sa kahit sino man dito sa mundo " masaya nitong sabi " O siya pumasok kana at may bibilhin din ako " paglalakad nito.
" Sige po Lola " pagpasok nito at pagkatapus nilang kumain ng Lolo niya tinulongan niya maglipat si Lusin.
" Magpahinga na lang po kayo sir " ani Lusin.
" Tama si Lusin maaga ka pang gigising niyan bukas at saka naka inom ka na ba nang gamot? " tanong din ng Papang niya.
" Opo Papang " pagkuha nito sa mga basurang nakaplastic " Ilalabas ko lang po ito at matutulog na ako " wala naman silang nagawa sa gusto nitong gawin kaya pinabayaan na lang nila at napahawak ito sa puso niya sa gulat ng pabalik na ito sa gate pagkatapus magtapon ay bumulaga rito sa may gate si Carol.
" HOY JAMPAWLO HINDI MO BA NAKUHA O KAYA NAKITA YONG KU__ " hindi na nito tinuloy ang sasabihin niya pagkatapus maisip na malabo namang nakuha niya ang kuwentas nito.
" KAYA LANG SAAN KO BA NAIWAN? " bulong pa niya.
" Ang alin ang ku__? Bakit hindi mo ituloy at saka bakit ngayon ka lang umuwi? Hindi mo ba alam na nag-aalala sayo ang Lola mo? At saka saan ka nagpunta bakit ngayong oras ka lang umuwi e hindi ka naman pumasok ah? " sunod sunod nitong tanong pero natigilan ito nang para bang hindi siya narinig nito habang ang lalim ng iniisip at magtatanong pa sana siya ng lumabas ang Lola nito.
" Si Lola....! " natataranta nitong sabi at ganon na lang ang gulat nitong si Paulo ng bigla itong maghubad ng pantalon at mabilis niya itong tinapon rito wala namang nagawa si Paulo kundi saloin din ito habang nagtataka ang hitsura nito sa ginawa nito at magtatanong sana siya pero tuloyan nang nakalabas ang Lola nitong si Carol.
" Mabuti naman at nakauwi kana, Bakit ba hindi ka pa pumasok? " sunod sunod nitong tanong pagkwan napansin nito si Paulo.
" Bakit nandito ka rin sa labas? " tanong niya din rito.
" Nagtapon po ako ng basura Lola " sabi nito.
" Napakabait mo talagang bata " natutuwa niyang tingin rito pagkwan dumako ang mata nito sa hawak nitong pantalon ni Carol " Ano ba yang hawak hawak mo? Basura ba yan? " pagtataka pa nitong tanong.
" Po?! Eh, ano po___ "
" Nainitan Lola kaya hinubad niya " pagputol ni Carol sa sasabihin nito pagkatapus maramdamang hindi ito sanay magsinungaling at si Paulo ganon na lang ang asar niya sa sinabi nito pagkatapus makita ang pagtataka ng matanda.
" Apo hindi tama yong naghuhubad ka sa labas " mapangusisa pa ritong sabi ng matanda " o sige pumasok kana at papasok din kami " tumango naman siya rito pagkwan niyakap na nga ng Lola niya itong si Carol at hindi na niya nakausap pa tungkol sa pantalon nito.
" Bakit ba ngayon ka lang umuwi? Okay ka lang ba? " tanong pa nito habang naglalakad silang papasok.
" e Lola buong maghapon ko pong hinanap yong kuwentas ko pero hindi ko po alam kung saan ko naiwan o baka nahulog " nag-aalala nitong sabi " Hindi niyo ba nakita rito Lola? Baka po dito ko rin naiwan " tanong pa niya at naalala naman ni Paulo ang kuwentas na sumabit sa butones ng polo niya sa sinabi nito pero hindi na nito sinabi pagkatapus makita ang paglalambing rito ng Lola niya habang ginugulo ang buhok nito.
" Bukas ko na lang siguro ibibigay " bulong pa niya at napahawak ito sa puso niya ng pakiramdam niya bigla itong makaramdam ng lungkot.
" Lola... " natigilan naman siya sa biglang lumabas sa bibig niya at pakiramdam niya ang bigat bigat ng pakiramdam niya kaya tahimik na lang itong pumasok.
" Ngayong araw nagdugo ang bibig ko ng dahil kay Carol nakilala ang maton nitong ugali, at ang pagkatao niya at subrang nakakalungkot pero maliban diyan nagkaroon ako nang panyo, at subrang bango niya " pagsusulat nito ngayong araw bago matulog ng hindi pa rin nawawala ang lungkot na nararamdaman niya habang hawak hawak ang pinahiram ritong panyo ni Anika.