Kabanata 5

4314 Words
" Mamayang hapon pa darating yong pinabili kong bisekleta " Sabi nang Papang ni Paulo pagkatapus nilang mag-almusal habang nililigpit ito ni Lusin.. " Kung ganon Pang kailangan ko na pong pumasok sa school baka malate po ako " pagsuot nito sa bag niya. " Kung gusto mo puwedi kitang ihatid gamit ang sasakyan niyo hindi mo naitatanong e marunong akong magmaneho " ani Aling Lusin. " Hindi na po, mas maganda na po yong may exercise ako " pagtayo nito " Sige po, Salamat po sa almusal " pasasalamat nito kaya ganon na lang ang tuwa ni Lusin at Papang niya sa mabait nitong tugon " papasok na po ako " pagpapaalam niya bago tuloyang lumabas at napailing na lang siya nang marinig na naman nito ang mga sigaw sa bahay nila Carol. " Papasok nga po ako pero mamaya pa Lola!! " sigaw nito nang may paglalambing at ganon na lang ang takot niya nang bumukas ang pinto ng bahay nila Carol kaya mabilis siyang naglakad bago pa siya madamay rito. " Tingnan mo si Paulo napaka sipag na bata! Tingnan mo papasok na sa school " napabuntong hininga na lang siya nang gawin siyang example ng Lola ni Carol dito. " E taga Manila yan eh kaya baliw mag-aral " Malakas pa nitong sabi. " Tsssst! Dapat ko rin bang sabihin na taga probinsya siya kaya tamad siyang pumasok? O dahil tamad talaga siyang pumasok! " bulong nito habang naglalakad at napabagal siya sa lakad nang marinig niya ang mga taong nag-uusap usap. " Napaka ingay talaga sa bahay na yan kapag andiyan yang si Carol! " bulongan nang mga tao sa tindhang nadaanan niya. " Kung ako diyan sa Lola niya palalayasin ko na yan! " " Ano ba kayo siya lang yong kakampi ng tao e kung ipagtatabuyan pa yan edi sino na ang magiging kakampi ng bata? " pagtatanggol ng isa kay Carol. " Iwan ko ba bakit pa diyan umuuwi si Carol e kung totoosin mas maganda naman ang buhay niya kapag nasa poder siya ng mama niya " usapan pa ng mga tao kaya ganon na lang ang pagtataka ni Paulo sa mga usapan nila tungkol kay Carol. " Kung ganon maliban sa ugali niya malalim din ang kahulogan nang pagkatao niya? " paglalakad nito pagkatapus mapalayo sa mga taong naguusap kay Carol " Carol Santos.. " bulong pa niya at mga ilang minuto nahagilap na din niya ng mata ang school nila kaya ganon na lang ang ngiti nito. " Sa wakas dumating na din " paghinga pa niya ng malalim at humawak sa laylayan ng back pack niya at pakiramdam niya binagsakan siya ng buong Pilipinas pagkatapus nitong hindi maramdaman ang ID niya. " Hindi!!!!! " pilit niyang paghahanap rito sa katawan niya at dahan dahan itong lumingon sa daanan pabalik sa bahay nila nang hindi niya mahanap ang ID niya. " Pagod na ako... " naiiyak pa nitong bulong pagkatapus maisip ang lalakarin niya para balikan ito pagkwan tumingin siya sa relo niya " Malilate pa ako " naaasar nitong pagbagsak sa kamay niya pagkatapus matingnan ang oras " Ahhhhhhh kainissss!!! " sigaw nito sa isipan niya habang ginugulo ang buhok niya wala din kasing tao sa kinatatayuan niya kaya walang makakapuna sa pinaggagawa niya sa buhok niya. " Si Stell kaya baka puwedi niya akong matulongan " napangiti naman siya sa naisip niya pero bago pa siya tuloyang makapunta sa gate ng school nila para tingnan kung nandito si Stell ay may biglang tumapak sa sapatos niya sa may likuran dahilan para sumubsob ito sa may damohan pagkatapus siyang mawalan ng balance. " Kainis " bulong nito at bago pa siya makalingon sa may likuran nakita nito ang pagpunta sa harapan niya ng mga sapatos na umapak sa kaniya at base sa sapatos na nakikita niya alam na niya kung sino ito kaya pinilit na lang niyang kimkimin ang inis nitong naramdaman. " Wag ka kasing lalampa lampa! " ani Carol pagkatapus kainin ang lollipop na tinanggal nito sa bibig niya bago magsalita at naglakad muli kaya tumayo na din si Paulo. " Paanong nandito kana e ang alam ko hindi ka pa nagbibihis nong umalis ako? " pagpapalo nito sa tuhod niyang dinikitan ng ilang perasong dahon. " At bakit ka naman nakikialam sa buhay ko? Bakit pati pagbangon ko alam mo? " napaatras naman si Paulo nang lumingon ito rito habang ang sama ng tingin sa kaniya. " Hi-hindi sa ganon kaya lang narinig ko ang Lola mo " mahina nitong sabi pagkatapus makaramdam ng hiya, may punto nga rin naman itong si Carol. " At bakit kailangan pakinggan mo si Lola? Tsismoso ka rin e noh!? " pagtaas nito sa kamao niya kaya napapikit na lang si Paulo pero dinilat niya rin ito ng wala ding tumama sa mukha niya. " Bakit? " pagtataka nito pagkatapus niyang makitang nakatitig lang ito sa kaniya pagkwan tiningnan nito sa katawan niya ang direksyon ng mata niya at napansin niyang sa leeg niya ito. " Ah yong ID ko? Naiwan ko babalikan ko nga sana " sabi nito pagkatapus mabasa ang mga titig nito pagkwan tiningnan niya din ito at napangiti siya nang wala din itong ID. " Naiwan mo din ang ID mo? " tanong pa nito habang nakangiti " Pasensya na Hindi naman ako natutuwa dahil naiwan mo ang ID mo " ani Paulo pagkatapus nitong tumingin ng masama sa mga ngiti niya na para din bang natuwa pa ito sa pagkaiwan ni Carol sa ID niya " Ang ibig kong sabihin, masaya lang ako kasi naiwan mo din ang ID mo kaya puwedi nating balikan pareho " sabi pa niya pero natahimik ito sa biglang sinabi ni Carol. " WALA NAMAN AKONG ID " tipid Lang nitong sabi. " HEEEEE?! PAPAANO KA NAKAKAPASOK? ANG AKALA KO BAWAL SA SCHOOL ANG WALANG ID? " nagtataka nitong tanong pagkwan humarap ito sa gate. . " Diyan no id, no entry pero sa kabilang daan walang batas at doon ako sa walang batas! " pagbulsa nito sa kamay niya at naglakad " Kung gusto mo sumama ka saakin " sabi nito nang hindi tumitigil maglakad, napalingon naman si Paulo sa daan pabalik. " Kung uuwi ako panigurado malilate ako at isang tangking pawis na naman ang lalabas sa katawan ko " pag-iisip pa nito bago sumunod kay Carol. " Saan ba tayo dadaan? May iba pa bang daanan rito? " pagtatanong pa niya. " Sinabi ko na kanina kaya bakit tinatanong mo pa? " masungit nitong sabi kaya tumingin lang rito si Paulo " Bilisan mo maglakad " sabi pa nito habang nahuhuli maglakad nitong si Paulo. " Ang bilis mo naman kasing maglakad " pagtakbo niya at natigilan ito nang huminto itong sinusundan niya. " Nandito na tayo " pagtukoy nito sa pader ng likod ng school nila kaya ganon na lang ang pagtataka ni Paulo at hinawakan pa ito. " Nasaan ang pinto? " Nangungusisa niyang tingin rito " May pass code ba dito para lumabas ang pinto? " tanong pa niya " Grabe ang high-tech naman pala " paghahanap pa niya sa sinasabi niyang pass code. " tanga ka ba? " natigilan naman ito sa ginagawa niya. " anong sabi mo? " nagpipigil galit niya ritong tanong pagkatapus ng sinabi nito. " Mukha kang matalino pero gusto mo ng paulit ulit! Tsk! Bobo ka rin pala! " sabi pa nito kaya ganon na lang ang pagsasalubong ng kilay nitong si Paulo sa sinabi niya. " Ikaw naman!!! Walang preno ang bibig mo! Ang sama mo magsalita! " sigaw nito at natigilan siya ng batokan siya nito. " Masama rin ang ugali ko! " nanlalaki pa niyang mata dahilan para makaramdam ng takot itong si Paulo " Kaya wag mo akong ginagalit dahil kung hindi sasamain ka saakin! " masama niya pang tingin rito kaya mabilis ritong tumalikod si Paulo. " ano nga rin ba ang naisip ko at sumama ako sa kaniya? Siguro nga tanga ako! Bobo ka Paulo! Hindi ka nag-iisip " pag-iisip nito sabay pukpok pa nito sa ulo niya ng mahina dahilan para mapailing itong si Carol habang pinagmamasdan siya. " Umakyat kana! " utos niya rito para matigilan sa ginagawa itong si Paulo. " A-anong i-ibig mong sa-sabihin? " nauutal nitong tanong pagkatapos makita ang taas ng pader. " Gusto mong pumasok ng walang ID diba? Kaya pumasok kana! " seryoso pa nitong sabi at napakunot siya ng noo ng tumawa itong si Paulo. " nagbibiro ka lang diba? " pagtigil nito sa pagtawa at napalunok siya ng umiling ito ng seryoso. " A-a-akyat talaga a-ko? " tanong pa niya ulit kitang kita naman niya ang paghawi ni Carol sa buhok niya kung saan tanda ng naaasar na ito. " Ku-kung ganon babalikan ko na lang ang ID ko " mahina nitong sabi pagkatapus makita itong mataas na pader. " Si-sige " kinakabahan pa nitong pagtanggi sa pinaplano ni Carol at naglakad pabalik pero natigilan siya ng maramdaman niya ang paghawak ni Carol sa bag niya. " Ang gusto ko dito tayo dadaan! " agad namang tinanggal ni Paulo ang kamay niyang nakahawak sa bag niya. " At Bakit naman?!!! AYAW ko!!! " tanggi nito at naaasar ritong tumingin dahil sa pamimilit niya rito. " Para patas na tayo! " pagtingin niya rito sa mata kaya ganon na lang ang pagtataka niya. " patas saan? " pagtatanong pa niya. " Huwag mo nang alamin sa isipan ko na lang yon! " sabi pa nito " kaya umakyat kana! " utos nitong muli at mas nagtaka itong si Paulo ng bigla itong dumapa habang nakatukod sa may damuhan ang kaniyang mga tuhod at dalawang kamay. " A-anong ginagawa mo? " pagtataka pa niya. " Tumapak ka saakin para makaakyat ka! " nanlaki naman ang mata niya sa sinabi nito. " Hindi, mabigat ako " tanggi nito agad " at saka para naman tayong akyat bahay niyan " mahina pa nitong sabi. " MALI! AKYAT SCHOOL!! " hindi niya alam pero bigla siyang natawa sa sinabi ni Carol. " Dali na umakyat kana! " sigaw pa nito dahilan para marinig sila ng ilang guard na nagroround dito sa likod ng school para manghuli ng istudyanteng may ginagawang kalokohan ganito sa ginagawa ngayon nila Paulo. " MAY TAO DIYAN? " sigaw ng guard sa di kalayuan. " dalian mo na! Kapag nahuli tayo rito sampong beses tayong tatakbo sa campus at dalawang linggong maglilinis sa canteen " pananakot niya rito pero totoong ganon talaga ang parusa kapag nahuli kang nagoober da bakod. " Sandali bakit naman ang bigat ng parusa? " mabilis na pagtapak nito sa likod ni Carol pagkatapus matakot sa punishment na naghihintay sa kanila sa oras na mahuli sila. " Ang taaaaaaas! " sigaw pa niya habang tumatalon sa loob mga ilang segundo nakita nitong umakyat na din sa may pader si Carol habang may lollipop sa bibig niya. " Kung tatalon ka tanggalin mo yang lollipop sa bibig mo mamaya madisgrasya ka pa e " nag-aalala niyang sabi rito habang nasa taas ito at kitang kita naman niya ang biglang paglungkot ng mga mata niya mayamaya napalitan ito ng asar. " Tsk! Huwag mo nga akong sinasabihan!!! " sigaw nito " tssst! Saloin mo ako! " nanlaki naman ang mata ni Paulo sa sinabi niya. " Ano...? " alanganin nitong tanong habang lumalapit sa direksyon niya para saloin ito " Nakaya mong umakyat pero hindi mo kayang bumaba? " pagtatanong pa niya pagkatapus nitong matitigan si Carol at ang katawan nitong mukhang may kabigatan hindi naman siya mataba kaya lang hindi rin kalusugan itong sasalo sa kaniya. " Hoy! Bumaba ka diyan!!!! " sigaw rito ng guard pagkatapus siyang makita kaya hindi pa handa itong si Paulo ay tumalon na siya kaya diretso ang ulo nito sa bibig ni Paulo. " Aray ko... " bulong pa ni Paulo pagkatapus tumama ng noo ni Carol sa bibig niya kaya mabilis itong lumayo rito nang marinig niya ang daing nito. Pagkwan nag-aalala itong tumingin rito pagkatapus niyang maramdaman ang malakas niyang pagkakaumpog rito. " Jampawlo...? " mahina nitong tanong at lumapit rito para tingnan pero agad siyang napalayo rito ng bigla itong tumingin sa kaniya. " Hindi ka ba nasaktan? " nag-aalala ritong tanong ni Paulo kaya ganon na lang ang gulat niya habang nakikita ang pagdudugo ng bibig nito " Okay ka lang ba? " pagtayo pa nito habang hindi napapansin ang pagdudugo ng bibig niya at ganon na lang ang pagtataka niya ng ang sama ng tingin rito ni Carol. " Teka! nagagalit ka ba dahil hindi kita nasalo? " hindi nito makapaniwalang tanong habang nararamdaman ang sakit na dinulot rito ng pagtalon nito sa kaniya " E kasi naman tumalon ka bigla tas ang bigat mo kaya hindi kita nasalo ng maayos " pagpapaliwanag nito. " HINDI BA SINABI KO NANG HUWAG KANG MABAIT SAAKIN?! " napatingin naman rito si Paulo pagkatapus ng sinabi niya pero bago pa siya makapagsalita mabilis itong tumakbo palayo rito. " ano bang problema non? Napaka werdo talaga " paghawak pa niya sa bibig niya " Awww ang sakit " pagbitiw niya rito " Sandali nga, ano bang sinasabi non na patas na kami kung dito ako dadaan? " pag-aayos pa nito sa damit niya at napatingin siya sa butones ng polo niya ng may maramdaman siya rito. " Honey? " pagbasa niya sa nakasulat sa kuwentas kung saan nakasabit ito sa butones ng polo niya " Baka kay Carol ito, kaya lang bakit honey? " pagtataka pa niya " Di bale na nga " mabilis niyang pagsunod rito para ibigay rito pero hindi na niya ito makita " Ang bilis talaga niyang maglakad, Hindi na bale sa classroom din naman ang tungo non " pagmamadali niyang maglakad pagkatapus makita ang orasan kung saan malapit na itong malate. " Good Morning Paulo " ganon na lang ang gulat niya ng sumalubong rito sa may pintuan si Anika. " Magandang umaga " pagbawi niya sa naging reaction niya at masigla din ritong bumati pagkatapus matitigan ang magaganda nitong ngiti. " Anyare sa bibig mo? " nag-aalala nitong paghawak rito pagkatapus itong mapansin at agad naman ritong napalayo si Paulo pagkatapus itong masaktan " I'm sorry, ano bang nangyari diyan? " tingin niya pa rito " Sandali " pagpunta nito sa bag niya mayamaya bumalik din siya rito. " Bakit may dugo ang bibig mo? " pagpunas niya rito kaya ganon na lang ang gulat nito at kinuha nito ang panyo. " Salamat " nahihiya nitong sabi " Pero may dugo ba talaga? " hindi pa nito makapaniwalang tanong, tumango naman itobilang sagot. " Kaya pala ang sakit " mahina pa nitong sabi. " Kung gusto mo sasamahan kita sa clinic " pagpepresenta niya rito. " Salamat kaya lang baka malate tayo " pagtanggi nito " saka maayos naman ako " at natigilan sila sa biglang sigawan ng mga kaklase nila. " Ayiieeeeeee second day of class pero iba na ang hangin dito sa loob " sigawan pa nila kaya ganon na lang ang hiya niya. " Oiiiiiiii itong si Anika ang bilis ng galawan ah " panunukso pa nila pero ngumiti lang ito sa kanila. " Hayaan mo sila, ganito talaga dito sa bago mong pinasukang school " pagbibiro pa niya. " Kanina pa kita hinihintay " pagsulpot bigla nitong si Stell dahilan para tuloyang maputol ang pag-uusap nila at dinala ito sa upuan nila. " Oiii Anika baka naman puweding saamin na lang si Paulo? " bulong rito ng mga kaklase niya ng maupo ito at nakangiting sinundan ng mata si Paulo. " Oo nga, may Ken kana Eh! " tingin pa sa kaniya ng mga kaklase niya. " Kung gusto niyo sainyo na si Ken! " pagngiti nito kaya ganon na lang ang tingin nila ng masama rito. " Ehhh kaasar naman! Kung puwedi ngang saamin lang si Ken eh pero wala, ikaw lang ang nakikita! " naaasar pa nilang sabi rito. " Sorry na lang ha! Hindi kasi kayo kasing ganda, talino, at talented nitong si Anika! " paglapit ni Rohan ang kaniyang bestfriend. " Hindi ka mayabang sa lagay na yan! " masungit nilang sabi rito sa kabilang banda naman ganon na lang ang pag-aalala ni Stell sa bibig ni Paulo. " Ano bang nangyari diyan Dre? Nakipaghalikan ka ba hanggang sa masugatan? " ganon na lang ang hiya ni Paulo ng lumingon sa kanila ang kaklase nilang nakaupo sa harapan nila. " Nagbibiro lang siya " nahihiya niyang sabi rito kaya tumingin din itong muli sa harapan " Ano ka ba Stell? " naaasar niyang sabi rito. " E saan mo ba yan nakuha? " tanong pa nito " At saka puwedi ba Dre huwag kang maglalapit kay Anika yare tayo niyan kay Ken eh " pag-aalala pa nito pagkatapus maisip si Ken. " May gusto ba sa kaniya si Anika? " tanong na din nitong si Paulo pagkatapus matitigan itong panyong hawak hawak niya kung saan kahit malayo ito sa mukha niya maaamoy mo ang bango nito. " Hindi na mahalaga yon basta ang importante alam mong gusto siya ni Ken " sabi pa ni Stell " E saan mo nga yan nakuha? " tanong pa niyang muli at magsasalita sana siya ng biglang pumasok ang teacher nila at parang magnet itong si Stell pagkatapus makita ang taong sunod na pumasok. " Saan pa ba siya nagsuot? " tanong pa ni Paulo pagkatapus makita itong babaeng naglalakad habang nakabisteda at nakamaong " Pati panunuot niya napaka werdo " pagmamasdan rito ni Paulo at napapikit ito agad ng tusokin nito ang mata niya pagkatapus nitong matapat sa kanila kaya si Stell ganon na lang ang pagpipigil ng tawa o kinikilig akala mo siya ang pinansin e. " Subukan mo pang gamitin yang mata mo saakin bubulagin kita! " bulong pa nito sa likuran ng dalawa at si Stell ganon na lang ang kilig at si Paulo tumitig lang siya sa harapan pagkatapus makaramdam ng takot pagkwan nagsimula na nga ang klase nila. " Okay class, anyone who can tell me how many organ we had in our body? " tanong ng teacher nila kung saan anatomy subject ito. " Yes, Mr Santos? " napalingon naman ang lahat sa pagtaas nito ng kamay at subrang cool lang niya. " 12 Sir but actually it's 11 dahil magkapareho lang naman po ang Cardiovascular system and Circulatory system which is part of our body organ system " tumango naman rito ang teacher nila at si Justin ganon na lang ang pagpalakpak niya. " Jah hindi mo kailangan pumalakpak " saway rito ni Josh pero bago pa matigil itong si Justin pumalakpak na din ang lahat pagkatapus pumalakpak ng teacher nila. " Very good, well who can enumerate those 11 organs or at least give one and define it " napalingon naman si Paulo sa pagtaas ni Anika ng kamay. " Endocrine system is resembling an endocrine gland or secretion *blah blah " paliwanag nito dahilan para mapangiti itong si Paulo sa talino nitong si Anika pagkwan may tumaas pang istudyante hanggang sa maubos na lahat ng may alam. " Mayroon pang Hindi nababanggit, anyone? " pag-ikot ng teacher sa mata niya pagkwan tumama ito kay Stell. " How about you Mr. Ajero? " kinakabahan naman itong tumayo lalo na nang malingon nito si Carol " Kaasar bakit ngayon pa ako natanong Di man lang ako nakapagreview sa subject na ito " bulong pa niya pagkatapus masilayan itong si Carol habang nakaupo. " Okay Mr. Ajero? " tingin pa rito ng teacher. " Stomach?! " alanganin nitong sagot. " Well, Stomach is part of Digestive System Mr Ajero " paliwanag rito ng teacher. " E organ system pa rin yon, part e! " makulit nitong sagot. " Sige na maupo kana " ganon na lang ang hiya niya ng makita ang pagbuntong hininga ni Carol. " At least sumagot ako at saka parte pa rin naman ah kaya Tama pa rin ako " pagpapaliwanag nito kay Paulo pagkwan nakita nito ang papel ni Paulo kung saan may sinulat siyang sagot rito. " Yan ba ang sagot? " hindi pa nito makapaniwalang tanong tumango naman ito rito bilang sagot. " Kung bakit kasi straight ka magsalita puwedi ka namang yumuko " ani Paulo. " ay Kainis!!! " maliit nitong sigaw dahilan para mapansin ng teacher si Paulo. " How about you Mr. Nase? " halos lumingon naman rito ang lahat at si Anika ganon na lang ang titig niya rito at naghihintay sa sagot niya pero si Carol naaasar itong tumingin sa labas. " BAKIT BA KAILANGAN TANONGIN PA ISA ISA TSK! " bulong pa nito habang tinatamad sa klase. " Nervous system Sir " ganon na lang ang pagkamangha rito ng mga istudyante habang si Anika ang lapad ng ngiti habang nagpapaliwanag ito at si Carol isang malalim na buntong hininga ang ginawa niya na para bang asar na asar sa nangyayari. " Grabe matalino nga siya " bulongan pa ng mga istudyante. " Carol Santos? " tanong rito ng teacher pagkatapus sumagot ni Paulo at napalingon sila rito ni Stell ng para bang wala itong narinig at hindi nga ito nakikinig pagkatapus nilang makitang nakatingin ito sa labas ng bintana at may malalim na iniisip. " Carol!!!!! " sigaw rito ng teacher dahilan para magising ito sa panaginip niya at napatayo bigla kaya ganon na lang ang tawanan ng lahat sa naging reaction niya. " Bigyan mo ako ng organ system of our body! " ganon na lang ang pagpipigil ng lahat sa tawa ng tumitig lang ito sa teacher " Ano yan makikipag titigan ka lang?! " naaasar nitong sabi mabilis namang nagsulat sa papel nito si Paulo para maisagot niya pagkwan binasa pa ito ni Stell ng mahina. " HINDI KO ALAM! " ganon na lang ang gulat ni Paulo sa sinabi nito dahilan para lingonin ito pero si Stell at mga kaklase niya wala ng bago rito. " Kailan ka ba magkakaroon ng Alam? " tanong pa ng teacher habang naiinis sa kakulangan nito ng galang, kilala na kasi sa campus itong ugaling meron si Carol. " Wala kayong paki kung kailan " pag-upo nito kaya ganon na lang ang galit ng teacher at mabilis nitong tinapon rito ang eraser sa naramdaman niyang inis pero nanatiling nakatingin rito si Carol na para bang hindi natinag sa ginawa ng teacher at ganon na lang ang asar nito ng biglang tumayo si Paulo dahilan para siya ang tamaan ng eraser habang si Stell hinihiling na sa kaniya tumama yon nang walang ginagawa. " Ang galing mo Dre! " masaya pa nitong sabi pagkatapus alisin ang mga puting dumikit sa damit ni Paulo. " I'm sorry Mr. Nase pero bakit naman bigla kang humarang " nag-aalalang punta rito ng teacher habang si Anika masamang nakatingin kay Carol at si Josh ngumiti lang siya ng bahagya. " Sa tingin ko masaya ang school year ngayon " ani Josh na sinang-ayonan ni Justin habang nakatingin sa direksyon nila Paulo. " it's okay Sir " pagbibigay rito ni Paulo sa eraser. " And Ms. Carol meet me in my office!! " titig niya rito. " Tsk! Isusumbong kong nambato kayo ng istudyanteng nananahimik kaya sige, magkita tayo sa office! " napalunok naman ang teacher sa sinabi nitong si Carol at si Paulo hindi niya alam pero bahagya siyang natawa sa lakas ng loob nitong pananakot sa teacher sa kabila ng kabastosan niya at si Stell parang tangang tumatango sa pagsasalita ni Carol bilang pagsang-ayon rito. " Bakit Mr. Ajero gusto mo siyang samahan? " natigilan naman itong si Stell sa pagtango at pagtitig sa teacher pagkatapus niyang tumingin rito. " Wala sir " pag-iwas niya pa ng tingin rito pagkwan bumalik ito sa table at lumabas pagkatapus mawalan ng gana sa inasta nitong si Carol. " Pasaway talaga siya kahit kailan ang daming teacher na ayaw nang pumasok saatin dahil sa ugali niya " naaasar ritong tingin ng mga istudyante habang pinag-uusapan ito. " E KUNG ALISIN KO YANG MGA MATA NIYO?! KUNG MAKATITIG KAYO EH!!! " sigaw pa niya dahilan para maputol ang bulongan nila at tumahimik ang lahat pagkwan masamang lumingon si Anika sa kuya niya. " Bakit ba hindi mo siya pagsabihan sa mga ginagawa niya? " naaasar nitong sabi. " Bakit pa? Tumahimik naman ang lahat " pagkampi rito ni Josh kaya tumahimik na din si Anika. Pagkwan may sumunod pang teacher at buong klase lang natulog itong si Carol kaya napapailing na lang itong si Paulo habang naririnig niya itong humihilik sa may likuran niya. " Stell Hindi ba't magkapatid ang Santos na kaklase natin? " tumango naman rito si Stell habang naglalakad silang patungo sa canteen pagkatapus ng klase nila ngayong umaga. " Oo, Bakit mo natanong? " tanong din nito habang nakapamulsa ng kamay. " E yong Carol Santos? " napahinto itong si Paulo ng biglang tumigil maglakad itong si Stell at humarap sa kaniya habang namumula ang pisngi nito. " nasabi mo kahapon may Anak pang babae si Don Julio kaya naisip ko kagabi baka si Carol ang tinutukoy mo? " hindi nito siguradong tanong pagkwan tumango itong si Stell at naglakad muli na halatang excited magkuwento. " Tama ka, si Carol ay anak ni Don Julio " natigilan naman siya sa sinabi nito at pakiramdam niya nagbalik yong naramdaman niya noong makita niya ang babaeng nagbibisikleta sa labas ng ban " Maaari bang siya yon? " pag-iisip pa niya pagkwan naisip nito ang buhok ni Carol at halos mapangiti siya ng maisip yon pero biglang naglaho ang sayang nararamdaman niya ng maisip ang una nilang pagkikita sa loob ng jeep, ang masasama nitong titig, ang bunganga nito, ang paglalakad niyang napaka barumbada, at ang panunuot nitong nakabisteda habang nakamaong. " Ang labo! Oo, subrang labo tsssst! subrang Imposible Paulo " pagsasalita pa nito kaya napalingon rito ang kaibigan niya habang nagtataka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD