Kabanata 4

2258 Words
PAGKATAPOS nang mga nangyari hindi alam ni Paulo kung paano haharap kina Josh pagkatapos nilang maiwan nang lumabas ang mga kaklase at teacher nila. " Pasensya na kung first day of school nakagawa na___ " " Welcome to our school! " pagputol ni Josh sa sasabihin niya at nilahad nito ang kamay niya pagkatapos mamangha sa tapang nito " Josh Cullen Santos but you can call me Josh " pagpapakilala nito pagkwan inabot nito at hindi na siya nakapagpakilala pa pagkatapus nitong magsalita muli " Kung may mga bagay kang gustong malaman dito sa school you can ask me, Paulo " maginoo din nitong sabi. " Salamat " natutuwa nitong sabi. " Paulo ang cool nong ginawa mo!! " Pagsingit bigla nitong si Jah " Nga pala I'm Justin but some people call me Jah! " pakikipagkamay din nito. " Sige, mauna na ako " pagpapaalam pa ni Josh bago tuloyang lumabas na siyang sinundan ni Justin ng mabilis at ganon na lang ang gulat nitong si Paulo at stell ng biglang tumayo si Anika na kanina pa natatakpan nila Josh habang naka-upo sa may likuran nila dahilan para hindi nila ito mapansin. " I'm Anika! " pakikipagkamay nito habang nangingislap ang mata pagkwan inabot niya ito " Yes, you're John Paulo Nase " sabi nito agad nang makita niyang bubuka ang bibig nito para magpakilala kaya napangiti na lang rito si Paulo ang ganda kasi nitong si Anika lalo na kapag ngumingiti. " Tara lumabas na tayo? " pagyaya pa niya sa kanila mabilis namang bumulong rito si Stell. " Paulo sinasabi ko sayo kay Ken yan ah " agad naman niya itong siniko habang naglalakad at bahagyang napangiti si Anika nang mapansin yon kilala kasi si Stell bilang pinakamaingay at makulit dito sa campus kaya hindi maipagkakailang baka naiirita rito itong best friend niya na siyang iniisip ngayon ni Anika pagkatapos ng pagsiko niya rito. " Ano ka ba Stell kakakakilala ko lang kung ano ano nang sinasabi mo " asar ritong bulong ni Paulo " nakakahiya mamaya marinig ka at isipin niyang ganiyan ang iniisip ko sa iniisip mo " dugtong pa nito habang nag-aalala ang mukha. " Binabalaan lang naman kita " sabi pa nito. " Hindi ba puweding kaibigan lang? " bulongan pa nila kaya akala mo magjowang pasekretong nag-aaway pero natigilan sila nang biglang magsalita itong si Anika. " Parang kayo ni Kuya at Justin " napalingon naman rito si Paulo habang nagtataka pero si Stell alam na niya ang ibig nitong sabihin. " Sa subrang closeness ni Kuya at Justin tinawag silang Joshtin dito sa campus kasi minsan iisipin mong baka bakla na sila sa isa't isa then, ngayon tatlo na yon, JoshKenTin, kasi palaging nakabuntot sa kanila si Ken kaya ayon nasasali na siya sa relasyon ng dalawa " tawa nito kaya natawa na rin si Paulo sa likod ng istorya sa mga itinatawag sa kanila. " But now, I think may bagong ishiship dito sa school " makahulogan nitong tingin sa dalawa kaya mabilis na niyakap ni Stell ang katawan niya. " Baliw! lalake tayo! " paghampas rito ni Paulo pagkatapus nang ikinilos niya kaya ganon na lang ang tawa ni Anika ng mahina kung saan tawa ng isang binibining pilipina. Kaya palihim na din napangiti itong si Paulo pagkatapus masulyapan ang mga ngiti nito habang naglalakad sila pagkwan huminto itong si Stell at pinagmasdan itong dalawa. " Haist! kapag ito nagkagusto sa kaniya si Anika panigurado malaking problema ang sasapitin nito kay Ken " nag-aalalang bulong ni Stell pero natigilan siya ng mahagilap nito nang mata ang suot ni Carol kanina. " Puwedi kayang siya yon? " bulong nito at pakiramdam niya uminit na naman ang pisngi niya " Ang cool niya talaga!! " kinikilig pa niyang bulong habang tinitingnan ito sa malayo ang paglalakad ni Carol palabas sa gate kung saan iwas na iwas rito ang mga ka-school mate nila. " Nga pala matagal na kayong magkakilala ni Stell? " Ani Anika. " Hindi pero siya ang unang taong nakilala ko dito sainyo kaya unang naging kaibigan na din " ani Paulo " sobrang gulo at kulit niya kaya kahit sino madali niyang maging close " tumango naman si Anika bilang pagsang-ayon at bahagya siyang napangiti nang matitigan nito ang kagandahan nito. " Anyway, baka puwedi maging pangalawa ako sa una mong naging kaibigan rito? " pagtingin niya rito bigla kaya agad niyang naibaling sa iba ang tingin niya ng mahuli siya nitong nakatitig sa kaniya at marahan siyang napakamot sa ulo niya pagkatapus niyang makaramdam ng hiya doon kaya ganon na lang pagngiti nitong si Anika. " Mabait naman ako kahit itanong mo kay Stell " dugtong ni Anika para alisin ang hiyang naramdaman ni Paulo at ipahiwatig ritong okay lang ang pagnanakaw niya ng tingin rito. " Kahit naman hindi ko na itanong nakikita ko yon sa mga kilos mo " pagbulsa ni Paulo sa kamay niya ng maalis ang naramdaman niyang hiya. " saan ka nga pala nakatira rito? " tanong na naman ni Anika pagkwan sinabi ni Paulo ang address niya at kitang kita naman niya ang gulat sa hitsura nitong kausap niya kasabay ang pagtigil nitong maglakad. " Kaya ba pinagtanggol mo yong babae kanina dahil magkaibigan na rin kayo? " natigilan naman siya sa sinasabi nito pero mayamaya naisip nito si Carol. " si Carol ba ang tinutukoy mo? " tumango naman ito bilang sagot " Ah, Hindi ko alam kung kaibigan ko siya pero kilala ko siya " ani Paulo at napalunok siya nang maisip ang ugali nito na ngayon kaklase na niya at kapit bahay pa. " Mabuti naman " mahina nitong sabi " Sige Paulo, kailangan kong magpractice ngayon kita na lang tayo bukas " pagpapaalam nitong si Anika. " Practice saan? " nagtataka nitong tanong. " basketball " ngiti nito kaya kitang kita naman niyang ang pagtataka sa mukha ni Paulo sa sinabi niyang sport niya " Gaya nang nakikita mo babaeng babae ako tingnan kaya I choose basketball para maiba kahit papaano ang tingin saakin nang lahat " paliwanag nito nang mapansin ang reaction ni Paulo. " Nakakamangha naman " ganon naman ang pagpigil ni Anika sa mga ngiti niya sa sinabi nito " O sige, good luck sa practice mo! " Pagcheer niya pa rito kaya tuloyan na ritong napangiti ang dalaga saka sinunday nang pagtango. " salamat! nice meeting you Paulo " sabi nito bago tuloyang tumalikod at naglakad kaya napasunod na lang siya ng tingin rito. " Maari talagang siya yong nakita ko sa labas ng ban kaya lang yong buhok niya " bulong pa nito pagkwan naisip nito si Carol at ang apelyedo nito. " Stell bakit nga ba magkapareho ng apelyedo yong magkapatid na Santos at si Carol? " paglingon nito kay Stell sa tabi niya at ganon na lang ang gulat niya ng wala ito rito hindi kasi nila napansin ang pagpapahuli nito pagkwan tumingin siya sa may likuran niya at nakita niya itong tulala kaya napatingin agad ito sa direksyon nang mata ng kaibigan na akala mo kung sino na ang nakikita niya pero tumingin din siyang muli rito ng wala namang bago sa mga istudyanteng naglalakad pagkwan huminto siya at hinintay ito habang naglalakad ng parang zombie itong si Stell sa subrang bagal. " Hoiii Po! " panggugulat niya rito ng matapat siya rito ng para bang hindi siya nakikita nito kaya tuloyan na rin itong nagising. " Sino ba yang tinitingnan mo? " " Nawala na siya " sagot nito pagkatapus Hindi marinig ang tanong nito " Tayo na nga umuwi na rin tayo! " masigla nitong sabi habang naglalakad sila at nakaakbay kay Paulo. " E Stell __" natigilan ito ng tumunog ang phone nitong si Stell kaya hindi na niya natanong yong tungkol kay Carol at sa magkapatid na Santos. " Stell baby, daanan mo lang si Pauleen sa school niya pupunta daw siya ngayon sa bahay " bungad agad rito ng mommy niya. " Ayaw ko mama may lakad ako!!! Kayo na lang ang pumunta sa kaniya " sigaw nito at pinutol ang linya " kaasar naman eh, wala namang ginagawa si mama bakit hindi na lang siya " pagmamaktol nito kaya natawa na lang si Paulo ng palihim para kasi itong bata. " Kukunin ko lang yong motor ko para maihatid kita " sabi nito habang naaasar pagkatapus maisip ang bilin rito ng mama niya, excited din kasi itong dumalaw kila Paulo dahil may gusto itong makita roon. " Hindi na Stell gawin mo na lang yong sinabi ng mama mo " magsasalita pa sana itong si Stell pero iniwan na niya ito at naglakad pauwi. " Dapat siguro magpabili na rin ako kay Papang ng bisekleta " paglalakad nito pagkwan naisip nito ang mga nangyari kanina " Hindi ko akalaing first day of school gagawa ako ng ganong bagay haissst! panigurado kilala na ako sa buong classroom non or maybe baka sa buong campus tsssst! Iwan ko ba bakit ko rin pinagtanggol ang pasaway na yon " pag-iisip pa nito at natigilan siya sa paglalakad ng maisip na naman nito ang apelyedo niya " Posible bang kapatid niya yong magkapatid na Santos? " tanong pa nito at naglakad muli " Kaya lang hindi naman nila kamukha, baka nagkataon lang ng apelyedo? Di bale na nga! Itatanong ko na lang kay Stell " paglalakad nito pero natigilan siya nang makita nitong naka-upo sa tabi ng puno si Carol malapit sa kalsada na siyang madadaanan niya kaya agad siyang tumalikod para umiwas rito. " Panigurado gulo na naman ang nag-hihintay nito saakin " mabilis nitong paglalakad pero huli na dahil nakita na ito ni Carol kung saan kanina pa niya ito hinihintay. " Sandali! " tawag niya rito pero nagkunwari siyang walang narinig at nagpatuloy maglakad. " Jampawlo!!! " sigaw nito pero hindi pa rin siya lumingon habang naglalakad at napahawak siya sa ulo niya pagkatapus ritong itapon ni Carol ang buong bag niya kaya ganon na lang ang asar niyang tumingin rito. " Ano bang problema mo? " naaasar nitong tanong at napaatras siya ng maglakad ito sa direksyon niya habang nakalollipop pagkatapus nitong hawiin ang buhok niyang nasa mukha niya gamit ang kamay saka ito namulsa. " Bingi ka ba?! " masama niyang tingin rito " kanina pa kita tinatawag ah! " pagtaas pa nito sa kamao niya pero hindi niya rin tinuloy ang binabalak niyang pagbatok rito pagkatapus mapapikit nitong si Paulo. " Eh Hindi naman Jampawlo ang pangalan ko " pagtingin niya rito at kinuha ang bag ni Carol na nasa may kalsada pagkatapus niyang itapon rito " John Paulo, okay?! " pagbibigay niya rito pagkatapus niya ritong tanggalin ang ilang alikabok dahil sa pagkahulog nito. " Tsk! Ibig sabihin matalino ka? " nagtataka naman siyang tumingin rito " Makinig ka, Hindi mo pa ako kilala! " titig niya rito at napatingin rin rito si Paulo nang dumukot ito ng barya sa pantalon niya at ganon na lang ang pagtataka niya ng itapon nito sa taas ang coin at sinalo " buhay " bulong nito na siyang narinig ni Paulo. " Ano bang ginagawa mo? " Nagtagaka niyang tanong rito at napaatras siya nang humarap ito rito at nilagay sa gitna nila ang kamay niyang may pera. " Sa tingin ko naman totoo kang mabait pero kahit ganon hindi pa rin ako ang magdedecide kung gugustohin ba kita? " mas lalo naman siyang nagtaka sa mga sinabi niya pagkwan pinakita rito ni Carol ang coin at kitang kita niya ang pagkunot nang noo nito. " Patay.. " mahina nitong sabi kung saan hindi ulo(buhay)ang lumabas sa coin " tssst! " asar niyang pagbulsa rito at napatingin rito si Paulo nang bigla siyang tumingin sa kaniya. " MAKINIG KA! AYAW KONG MABAIT KA SAAKIN! " seryoso nitong sabi saka naglakad kaya ganon na lang ang pagtataka nitong si Paulo. " Pakiramdam ko may sakit talaga sa pag-iisip ang isang " bulong nito habang sinusundan nang tingin si Carol " Wag niyang sabihing hinintay niya ako para lang sa laro na yon? " bulong nito at bago pa malayuan nitong si Carol mabilis siyang tumakbo at sumabay rito. " Sa sunod wag ka nang natutulog sa klase o kahit saan lalo na sa jeep " sabi nito at napalayo siya ng kunti rito nang lumingon ito nang masama sa kaniya " E kasi napapahamak ka doon " mahina nitong sabi. " Kasasabi ko lang na wag kang maging mabait saakin diba? " seryoso nitong tanong. " Hindi naman ako nagiging mabait kaya lang nadadamay mo ako " at tuloyan itong natahimik ng huminto ito at tumitig sa kaniya kaya pakiramdam niya bumalik sa loob ang hanging hininga niya sa sama ng tingin nito sa kaniya. " KAYA NGA HUWAG KANG MAGING MABAIT SAAKIN! " sabi nito at madaling naglakad at pumasok sa bahay nila kaya si Paulo sinundan niya lang ito ng tingin " Napaka werdo niya " bulong nito bago pumasok sa gate nila " Panigurado kaapelyedo lang ng magkapatid na Santos na yon " bulong nito at tuloyang pumasok at pagkatapos nilang magdinner naghanda rin siyang matulog. " I have meet a lot of people today at sa tingin ko sila ang ilan sa magiging kaibigan ko at kasama kong bubuo ng mga bago kong alaala, si Josh, Justin, Stell, Ken, at si Anika ang pinaka nakakamanghang babaeng nakilala ko, at syempre si Carol ang napaka werdong taong nakilala ko at mukhang lagi akong ilalagay sa gulo " pagbasa nito sa bago niyang sinulat at tiniklop nito at tuloyang natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD