" Naglalaro ka rin ba dati ng basketball? " Ani Anika pagkatapos niyang ibigay kay Paulo ang tuwalya ng matapos silang maglaro. " Hindi ko alam pero sa tingin ko hindi, ni paghawak hindi ako marunong " nahihiya nitong sabi kaya naalala naman ni Anika ang kalagayan nito. " Oo nga pala " bahagya niyang ngiti rito " Hanggang ngayon ba wala ka pa ring naaalala? " natigilan naman si Paulo sa tanong nito. " Ah hindi mo kailangan sagotin " sabi agad nitong si Anika " At saka ang alam ko hindi maganda sa health mo kung biglang babalik ang mga alaala mo " dugtong pa nito kaya napangiti na lang rito si Paulo saka tumango nang mahina. " Sa totoo niyan nagtataka rin ako paanong hindi ko kailangan alalahanin ang lahat ng nawala kong alaala at ang pinagtataka ko sa tuwing may napapanaginipan ako kun

