GANON na lang ang pagtataka ni Carol ng makita ang malulungkot nitong tingin na para bang pagod na pagod. " Okay ka lang? " Lapit niya rito kahit naaasar siya kay Paulo, sabi namang marupok ito pagdating kay Paulo. " Okay lang ako " pilit nitong ngiti kaya bumalik muli itong si Carol sa upuan sa may table niya at inisnob ito. " Tsk! Naglalaro ka tas babakla bakla ka naman " pang-aasar nito " kung alam mong mapapagod ka sa gagawin mo dapat tigilan mo agad hindi yong buong maghapon mong gagawin " pagtukoy nito sa pagbabasketball ng dalawa. " Hindi naman doon " paglapit niya rito " At saka tungkol doon ikaw naman ang umalis kaya ayon, naglaro na lang kami ni Anika kaya wag kang nagagalit " " Tsk! Palusot ka pa, para namang ako din ang pipiliin mo " sagot nito agad " Alam mo mas okay na y

