STELL's POV: PAGKAINOM ko matapos akong mag-almusal ay dumating si mama at bago pa ako makaalis papasok sa school nagsalita na nga ito agad. " Nag-kausap na ba kayo nang mama ni Gean? " Tanong nito agad at inaasahan ko na 'toh sa excitement ba naman niyang mapakasalan ko yong babaeng gusto niya wala na itong bukambibig kundi yon, minsan nga ayaw ko na lang umuwi rito sa bahay. " Opo, sige na po aalis na ako " pagkuha ko sa bag ko at iniwan ito. Sa totoo niyan nagtatampo ako na ako kay mama dahil sa plano niyang ipakasal ako sa babaeng hindi ko naman gusto kaya lang... single mom si mama, mag-isa niya akong pinalaki at binigay lahat ng gusto ko kaya anong karapatan kong tumanggi kung yon ang isa sa dahilan para mapasaya ko siya kahit alam kong maaari kong pagsisihan habambuhay. Sa katuna

