" Uuwi kana ngayon? pero weekends pa naman " pagpasok namg mama ni Carol sa kwarto niya.
" Eh gabi naman nang Friday akong umuwi rito kaya tama lang na umuwi din ako ngayon at saka nandoon ang mga gamit ko sa school, isa pa mahihilo na naman ako sa byahe bukas kaya nahihirapan akong makinig sa klase " pagsuot nito sa bag niya kaya wala ng nagawa ang mama niya kundi sundan na lang ito sa paglabas.
" Sandali uuwi ka ngayon? " Pagharang rito ni Josh dahilan para mapahinto ito.
" Oo at ano bang paki niyo? Kay Lola naman ako pupunta ah " paglampas niya rito.
" Pero weekends pa naman ah " pagsunod niya pa rito " At saka madilim na Carol " dugtong pa nito na sinang-ayonan ng step mom niya.
" Magpapahatid naman ako " natigilan sila ng humarap ito bigla " Puwedi huwag kayong nag-aalala saakin?! kaya ko ang sarili ko at saka hindi naman kita kapatid kaya wala kang dapat inaalala " paglalakad nitong muli.
" Tita hindi niyo ba pipigilan? " lingon rito ni Josh.
" Hayaan na natin siya, mamaya sabihin niya ring hindi niya ako mama " Hindi malaman ni Josh kung nagbibiro ito o ano habang nakatingin ito sa Carol na sumakay sa maghahatid rito.
" Ma'am alis na po tayo? " masama namang tumango si Carol habang inaalala ang mararamdaman niya sa pagsakay nito, pagkwan umalis na nga sila.
" Ma'am kaya niyo pa? " Tanong rito ng driver ng malapit na sila papasok sa may kanto ng bahay nila pero napahinto ito bigla ng buksan ni Carol ang sasakyan at mabilis na lumabas.
" Okay lang po kayo? " Paghagod niya rito sa may likod habang nakayuko kung saan pakiramdam niya lalabas ang sikmura niya.
" Sige na umuwi kana, maglalakad na lang ako mula rito " pagtayo nito ng maayos at huminga ng malalim.
" Sasamahan ko na lang po kayo maglakad " pagpupumilit ng driver.
" Hindi na, kaya ko mag-isa at saka baka may mangyari pa diyan sa sasakyan ng mga Santos " paglalakad nito.
" Pero ma'am....? "
" Manahimik ka na lang at sumunod sa sinabi ko tsssst! " Naaasar nitong sabi kaya wala itong nagawa kundi sumunod rito pagkwan naglakad na rin ito at gaya ng madalas mangyari para itong Zombieng naglalakad.
" Haiist! Bakit ba nahihilo pa rin ako? " naasar nitong paghawi sa buhok niya at tumingin sa bahay nila kung saan tanaw sa kinatatayuan niya.
" Carol? " Napalingon ito sa biglang tumawag sa pangalan niya mula sa likuran nito " Te-teka bakit ganyan ang hitsura mo? " Pag-atras nito pagkatapus maaninag sa ilaw ng buwan ang mukha nitong lumingon sa kanya.
" E BAKIT NASA LABAS KA RIN? " pag-upo nito sa may daan nang maramdaman ang muling pagkahilo.
" May binili ako sa palengke " pagpapakita ni Paulo sa bitbit niyang plastic pagkwan umupo ito at tumingin kay Carol " Dahil na naman ba sa pagsakay kaya ka ganyan? " Pag-ayos nito sa buhok ni Carol pero mabilis niya itong pinalo.
" Tsssst! Alam kong mabait ka pero huwag mo akong hinahawakan na para bang kinakaawaan mo ako! "
" Nakuuu iwan ko sayo gusto ko lang itali ang buhok mo para malamigan ka sa simoy ng hangin " kusa naman itong tinali ni Carol " teka umurong ka doon sa gilid wag kang maupo dito sa gitna, daanan 'toh e " sumunod naman siya rito kahit papaano.
" Subokan mong kumain nito para malamigan ka at baka mawala ang nararamdaman mo " pagkuha nito sa binili niyang ice cream pero tiningnan niya lang ito " Nahihiya ka? Sus Wala ka naman non " agad din itong ngumiti ng makita niya ang paglaki ng mata ng kausap niya pagkatapus itong hindi matuwa sa joke niya.
" Daliii na kasi kainin muna para makauwi na tayo " Ani Paulo kaya inabot niya rin ito
" Puwedi ka namang mauna " pagkain niya rito.
" Sa tingin mo magagawa kitang iwan rito? " Bahagya naman siyang lumingon rito pero binawi niya rin yon ng tumabi ito ng upo sa kaniya.
" Bakit ba masyado kang mabait saakin kahit palagi kitang sinasaktan? " Seryoso nitong tanong habang umiiwas ritong tumingin, first time niya kasing magtanong sa nararamdaman ng iba mula sa kaniya dahil kasi sa tingin rito ng mga tao at pagdududa nilang hindi ito Santos nawalan siya ng paki sa opinyon o tingin ng mga tao sa kaniya at nabuhay siya ayon sa gusto niya ng walang pakialam sa iba " Di bale na nga, Isa kang anghel na walang pakpak kaya natural lang sayo yang ugali mo " pagkain nitong muli pagkwan lumingon rito si Paulo.
" Ayaw ko talaga sa ugali mo Carol pero hindi sayo "
" Tsk! Baliw ka ba? Pareho lang naman yon ah! pero wala naman akong pakialam sa nararamdaman o tingin mo saakin Basta ang mahalaga anong nararamdaman at tingin ko sayo " pagkain nitong muli.
" Kaya maraming may ayaw sayo dahil sa ganyang ugali mo eh! minsan Carol kailangan mo din ang iba para gawin ang mga bagay na gusto mong mangyari__"
" Bagay na gusto kong mangyari? " Pagputol nito sa pagsasalita ni Paulo " Gaya ng sabi ko walang may gusto sa mga bagay na gusto ko kaya gagawin ko na lang ang bagay na gusto ko, nang ako lang! " Dama ni Paulo sa boses nito ang lungkot kaya ilang segundong nanatili sa kanila ang katahimikan.
" Bakit ba malungkot ka Carol? " Napalingon naman siya bigla sa tanong nito pero binawi niya rin yon agad " Nararamdaman ko ang bumabalot sayong kalungkotan kaya gusto kong naglalapit pa rin sayo dahil gusto kong maitindihan yon at baka matulongan kitang alisin yon kahit pakiramdam ko nalalason din ako ng kalungkotan mo, Hindi ko alam pero nasasaktan ako kapag nakikita ang kalungkotang yon, pakiramdam ko alam ko ang mga ganyang mata mo, ang ganyang kalungkotang nakikita diyan " mahaba nitong sabi " Sabihin mo bakit ganyan ang mga mata mo? Paano ba maaalis Yan? " dugtong pa niya.
" Kung maibabalik mo si papa maalis ang kalungkotan ko " pananahimik nito bigla at pinigilang kumawala ang mga tubig sa mata niya.
" Pasensya na, hi-hindi ko sinasadyang magtanong ng mga ganong bagay " naguguilt niyang tingin rito.
" Tsk! Napakadaldal mo kasi! " pagkain nitong muli sa ice cream " at saka kapag naitindihan mo baka umalis kana " makahulogan nitong sabi.
" Saan naman ako pupunta e kapitbahay kita at saka nasanay na ako sa ugali mo, Ang ibig kong sabihin sanay na ako sa p*******t mo " pagbibiro nito " Kaya kung gusto mo tutulongan kitang alisin yan " masaya nitong sabi pero hindi na nagsalita itong si Carol para itigil ang usaping ito pero mayamaya pinutol niya din iyon.
" Nga pala yong kasalanan mo may naisip na akong kabayaran mo " nagtataka namang lumingon rito ang binata.
" Anong kasalanan ko? "
" Yong late mong paghingi ng sorry " mataman namang nag-isip si Paulo.
" Sandali ang tinutukoy mo ba ay yong halik? " Napahiga itong si Paulo pagkatapos tumama rito ang paa ni Carol dahilan para matumba ito sa damohan.
" Ulitin mo pa ililibing kita " seryoso nitong sabi kaya umupo na rin ito nang maayos at nanahimik pagkwan nilapag ni Carol sa may damohan ang maliit na balat ng ice cream na kinain nito at tumayo.
" Okay na ba ang pakiramdam mo? Sige umuwi na tayo " pagtayo ni Paulo pero natigilan siya ng humarap ito at lumapit sa kaniya si Carol kaya bahagya siyang napaatras.
" Te-teka mananakit ka na naman ba? " Ganon nalang ang gulat niya ng hawakan ni Carol ang kamay niya.
" A-anong gi-ginagawa mo? " Natatakot pa nitong tanong.
" Makinig ka! Mula ngayon, ako si Carol Santos ay makikinig sa ano mang sasabihin mo at bilang kapalit tutulongan mo ako sa school " pagkwan tumitig siya rito sa mata " at magiging kaibigan tayo habambuhay " Nagulat naman si Paulo sa sinabi nito " Pumapayag ka ba? " Mahigpit nitong paghawak sa kamay nang binata " kapag tumanggi ka babaliin ko kamay mo! " Dugtong nito pagkatapus ang pananahimik ng binata kaya mabilis niya itong binawi habang takot na takot.
" Nagbibiro lang ako " tingin niya rito " Pero seryoso ako doon sa mga una kong sinabi at matutuwa ako kung papayag ka " seryoso niyang sabi at Wala kang makikitang pananakot sa mata niya.
" So yan ang kabayaran doon sa pangyayaring yon? " Pag-iwas niyang pagbanggit sa salitang halik " e paano kung hindi ako pumayag? " Tanong pa nito.
" Edi pipilitin na lang kita sa ibang araw hanggang sa pumayag ka! " pagtalikod nito " Interisado ako sayo kaya wag ka nang mag-inarte kasalanan mo naman dahil masyado ka ring mabait saakin kaya nasanay ako doon "paglalakad niya ng mabagal.
" Mukhang Wala naman pala akong choice " napangiti naman ito sa sinabi ni Paulo pero patuloy lang siya sa paglalakad " O sige, pumapayag ako basta magiging mabait ka___ " Ganon na lang ang gulat niya ng bigla itong yumakap sa kaniya.
" Matinong usapan yan ah? " Pagtingin niyang muli rito kaya napatango na lang si Paulo sa sinabi nito " Daliiii akina ang palad mo " mahina naman niyang binigay rito.
" Itaas mo nang parang nanunumpa " sumunod naman siya rito
" AKO SI CAROL SANTOS AT MULA SA ARAW NA ITO MAGKAIBIGAN NA KAMI NI JAMPAWLO AT BAWAL NIYA AKONG KALIMOTAN! " Natigilan naman si Paulo sa sinabi nito
" Ikaw naman! sundin mo lang ang sinabi ko " utos niya pa rito.
" AKO SI JOHN PAULO NASE MULA SA ARAW NA ITO MAGKAIBIGAN NA KAMI NI CAROL AT BAWAL KO SIYANG KALIMOTAN " mahina nitong sabi.
" Okay, akin na ang kamay mo "
" Pinky promise ba? " Ani Paulo pagkatapus maisip ang pinky promise rito ni Anika.
" Akin na kasi! " nilahad naman niya rito kaya mabilis itong dinuraan ni Carol pero kunti lang parang talsik lang.
" HOY PO!! anong ginagawa mo? " Pupunasan sana niya ito pero pinigil ito ni Carol.
" Kamay ko naman ang duraan mo pero kunti lang "
" Ano? Kadiri ka talaga Carol " pagtutol nito " IWAN KO BA BAKIT RIN AKO PUMAYAG SA GUSTO NIYA " pag-iisip nito.
" Tsk! Matinding pangangako ang ibig sabihin nito kaya gawin mo na! "
" Haist iwan ko ba saan mo 'toh natutunan " pagsunod niya rito pagkatapos ng sinabi niya.
" Ngayon magkamay tayo "
" Hoy Carol ako ba pinagluluko mo? "
" Tsssst! Sumunod kana lang kasi! " Sigaw nito kaya napilitan na naman siyang sumunod.
" KAMI AY NANGANGAKONG TUTUPAD SA MGA PANGAKO NAMIN SAKSI ANG LIWANAG NG BUWAN " paglingon nito sa liwanag ng buwan kaya napatingin din rito si Paulo " AT ANG SINO MANG HINDI SUMUNOD RITO PAPATAYIN NI CAROL___"
" A-ano? Diba unfair yon? Bakit Ikaw lang ang bibigay ng parusa? " Tingin rito ni Paulo.
" DAHIL TUMUTUPAD AKO SA USAPAN KAYA PANIGURADO IKAW ANG LALABAG SA USAPAN NATIN " natigilan naman siya sa mga sinabi nito.
" Marunong akong tumupad ng usapan noh " pagkuha nito sa mga pinamili niya " tayo na nga umuwi na tayo " paglalakad nito na siyang sinundan ni Carol.
" Kapag bumalik ang alaala mo at kinalimotan mo ako hindi muna ako makikita kaya paniguradong malulungkot ka non kaya pilitin mong wag akong kalimotan " natawa naman si Paulo sa sinabi nito habang sumasabay sa kaniya.
" Napaka yabang pa rin talaga "
" Seryoso ako doon " pagkuha nito sa ilang dala ni Paulo at nauna rito habang naglalakad ng paatras at nakatingin rito.
" Hoy po Jampawlo napaka bait kong kaibigan kaya panigurado, talagang malulungkot ka " ngiti nito saka umayos ng lakad pagkatapus humarap sa unahan.
" medyo umaliwalas ang mukha niya " pagmamasdan niya rito habang naglalakad " Teka hintayin mo ako " mabilis niyang pagsunod rito.
KINABUKASAN napatingin bigla sa may sofa si Paulo pagkatapos niyang magtungong hapagkainan nang makita rito ang bago niyang kaibigan.
" Sinusundo ko ang kaibigan ko " Sabi niya rito habang kumakain ng hotdog na hinanda ni Lusin.
" Tsk! Makikikain ka lang e " pag-upo ni Paulo sa may mesa mabilis naman siyang tumabi rito.
" Bilisan mo lang kumain ah baka malate tayo " Ani Carol pagkatapos kumuha ng tinapay, kulang talaga ito sa galang " Hindi naman po kayo magagalit kung kakain ako sa mga pagkain niyo? " Lingon nito kay Roman, marahan naman siyang hinawakan sa buhok at tumabi sa kanila ng upo.
" Magkaklase ba kayo? " Tumango naman ito bilang sagot.
" Bakit nga po ba dito pa siya nag-aral? Ang balita ko maganda naman sa Manila "
" Hindi naman pag-aaral pinunta rito ni Sir kundi ang magpagamot, mas maganda dito saatin eh " Ani Lusin.
" Paano ba nawala ang mga alaala niyan? " Tanong na naman nito na nagpatigil kumain kay Paulo.
" Isang aksidente " Ani Roman habang itinatago ang kaba sa puweding lumabas sa bibig niya na puweding magpa-trigger na naman sa isipan ng Apo niya para alalahanin ang mga naglaho nitong alaala.
" Car accident? " Paglamon pa nito.
" Ganon na nga "
" E dapat may trauma siya sa pagsakay " madaldal nitong sabi kaya hindi tuloy makapaniwala ni Paulo sa bigla nitong pagdaldal " Naisip ko baka may nangyari din saaking aksidente sa isang sasakyan dahilan para magkaroon ako ng trauma "
" Trauma hija? " Hindi rito makapaniwalang tanong ni Roman.
" Oo, Hindi kayo maniniwala pero ang dali ko pong mahilo " nagpigil naman ng tawa si Lusin at Paulo at maging ang matanda napangiti na lang din bigla.
" Carol mahina ka lang talagang sumakay " Ani Paulo kaya agad niyang pinalo rito ang kutsara pero mahina lang.
" Bilisan mo na nga malilate na tayo! " Sigaw nito pagkwan natapos na din si Paulo kaya pumasok na sila at napahinto ang mga ito pagkatapos nilang mapaharap sa gate.
" Namimiss ko nang maging normal student, gusto ko ng dumaan sa gate at hindi mala-akyat bahay " pagtukoy nito sa daanan nila ni Carol.
" Akyat school " pagkain nito ng lollipop " Tara, sa gate tayo! " Para namang nanigas na yelo si Paulo sa kinatatayuan niya sa sinabi nito.
" Ayaw mong sumunod saakin? "
" Wala naman tayong ID "
" tssst! sumunod ka lang saakin " paglalakad nito pero mayamaya binalikan niya rin ito.
" Ano na naman? " Naaasar nitong tanong.
" Makakapasok ba tayo? "
" Oo naman, dadaan ba tayo diyan kung hindi? "
" Kung ganon e bakit sa may pader pa tayo dumadaan noon kung makakadaan rin pala tayo rito? " Pagtatanong nito habang sinusundan nito si Carol.
" Kapag dumaan tayo dito ng hindi nila tayo nahuhuli makakapasok tayo, ganon lang yon! pero sa oras na makita nilang wala tayong ID paniguradong Hindi na tayo puweding pumasok ngayong araw " paliwanag nito pero bago pa makaatras si Paulo hinawakan niya ito sa kamay at mabilis na hinila papasok sa gate at dahil mabilis ito maglakad at nagtago sa ilang istudyanteng nakasabay nila na siyang ginagaya ni Paulo kaya hindi sila napansin.
" Aatakehin ako sayo sa puso Carol " paghawak nito sa puso niya.
" Hindi ka naman inatake diba? " Lingon niya rito " Sinasabi ko sayo hangga't kasama mo ako walang mangyayari sayo " mayabang nitong sabi.
" OO, DAHIL IKAW NAMAN ANG MADALAS MANAKIT SAAKIN " Bulong nito.
" Sus! Nababasa ko ang iniisip mo, tayo na nga pumasok na tayo " paglalakad nito pero agad siyang bumalik ng hindi ito sumunod sa kanya.
" Sige, mauna ka " pag-atras nito pero napalakad ito ng hawakan nito ang laylayan ng bag niya at hinila.
" Te-teka! ano bang ginagawa mo saakin? " Paghila nito sa laylayan ng bag niya dahilan para mapahinto itong si Carol " Kagabi kasasabi mo lang na susundin mo ang mga sasabihin ko pero bakit ata nakalimotan mo na agad e ang alam ko ako ang may amnesia rito? " agad naman itong napapikit ng umaktong sasapokin ito ni Carol.
" Haist! Nagmamabuting loob nga ako sayo tsssst! " Naaasar nitong paglalakad pero hindi na naman ito sumunod sa kanya pero bago pa niya ito malingon narinig niya ang boses ng kapatid niya.
" Nakapasok ka na pala " ani Anika tsaka nito binaba ang kamay niyang may ID ni Rohan.
" Ah Oo, bago lang " pagngiti nito at pakiramdam niya kumalma ito ng makita ang magagandang mukha ni Anika.
" E nakatanggap ka ba ng parusa ulit? " Mabilis nitong tanong.
" Hindi, kasama ko kasing pumasok si Carol " agad naman itong tumingin sa kapatid niya pero bago pa niya ito mahuling nakatingin sa kanila mabilis itong naglakad para pumasok.
" Mabuti naman, Kung gusto mo mamaya sasamahan kita kumuha ulit ng ID " Napangiti naman siya sa bigla nitong sinabi saka naglakad kaya mabilis siyang sumabay rito.
" Salamat Anika pakiramdam ko nga hindi na ako istudyante rito sa kakaakyat ko sa may pader " natawa naman ng bahagya ang dalaga.
" Saan mo nga rin ba yan natutunan? At saka paano ka nakakaakyat? Ang taas ng pader ah " Nagtataka niyang tingin rito.
" Si Carol ang nagturo saakin, sa totoo niyan sobrang hirap nong una pero nong nagtagal nasanay na din " pagsasalita nito " Pakiramdam ko nga isa na akong expert akyat bahay ay mali, akyat school " Hindi naman napigilang matawa ni anika.
" Akyat school daw kasi sabi ni Carol " tawa niya rin na siyang nagpatahimik sa kausap niya.
" Pansin ko nga subrang close niyo " seryoso nitong sabi " Alam mo ba maliban kay tita wala ng kinakausap yan sa bahay, si Kuya nga ilang years na niyang sinusubokang mapalapit kay Carol pero hindi niya magawa siguro dahil Santos si Kuya o ayaw niya lang talaga rito " paglalakad nilang pag-uusap " Hindi ko alam pero ayaw na ayaw ni Carol sa apelyedo namin, naiitindihan ko namang Mahal niya ang binigay ritong apelyedo ng kinilala niyang daddy na siyang pinalitan ni tita nong mapangasawa ni Daddy kaya lang, si daddy naman talaga ang totoo niyang magulang kaya tanggapin na lang niya at kami " malungkot nitong sabi kung saan ramdam mo ang pagmamahal nito kay Carol pagkwan nilingon nito si Paulo at sobrang seryoso ng mukha nito.
" Ah, kalimotan mo na yong sinabi ko Paulo, basta sabihan lang kita mamaya kapag kukuha na tayo ng ID ulit " tumango naman si Paulo habang iniisip ang sinabi nito at si Carol " Tara na? " Medyo pagmamadali nito na siyang pagmamadali na rin ni Paulo para putolin ang hanging bumalot sa kanila dahil sa mga sinabi niya at tulad ng madalas mangyari walang Carol nang dumating silang classroom.
" Dre bakit si Anika ang kasabay mo? E diba si Carol ang kapitbahay mo? Ah, sandali umuwi ba siya kahapon? Wala? Ah baka late na naman yon at nahihilo " madaldal ritong sabi ni Stell pagkwan pumasok ang teacher nila at sinundan ito ni Carol na siyang nagpangiti kay Stell.
" Tama tama lang ang dating niya " masaya nitong sabi pero hindi na ito pinansin ni Paulo habang nakatingin kay Carol na huling dumating pagkatapus nitong mauna.
" ANO BANG PINAGGAGAWA NITO AT LAGING NAKAKASABAY ANG MGA TEACHER SA PAGPASOK? " pag-iisip nito pero hindi na niya ito tinanong, maganda kasi ang mood niya pagkatapus ng nakakaaliw nilang kuwentohan ni Anika habang naglalakad sila at paniguradong masisira ito sa oras na kausapin nito si Carol or mas worst lumipad na naman rito ang mga paa o kamao ng dalaga.
PAGKATAPUS ng klase nila agad na lumabas itong si Stell at Paulo pero hindi makalakad ng maayos itong si Stell ng maramdaman niyang nakasunod sa kanila itong si Carol at nanigas ito ng tuloyan ng huminto si Paulo at hinintay ito.
" Sasabay ako sainyo " Sabi nito agad ng humarap rito si Paulo " saan tayo kakain? Basta huwag sa canteen gusto ko doon sa gusto kong kinakainan may baon ako e " pagpapakita nito sa bag niyang may laman ng ginawa sa kaniyang baon ng Lola niya " O ano saan tayo? " Sunod sunod pa nitong tanong.
" Nagtatanong ka ba o nag-uutos ka? " Paglalakad muli ni Paulo " Doon na tayo sa gusto mo " pagkwan nilingon nito si Stell.
" Stell kung gusto mo puwedi ka namang hindi sumama " Ani Paulo mas maganda naman kasi kumain sa canteen pero ginawan din kasi ng baon ni Lusin itong si Paulo nasanay itong gawaan ng baon kaya sasamahan na lang nito si Carol.
" Hindi, may baon din ako Dre " pagtanggi nito tsaka tumingin kay Carol pero masama niya lang itong tiningnan saka nag-iwas ng tingin.
" O sige, maganda yon " Ani Paulo " PANIGURADO NAMANG HINDI AKO MAKAKAKAIN NG MAAYOS KUNG DALAWA LANG KAMI " lingon nito sa kasabay niyang naglalakad.
" Teka nga Carol bakit ba huli kang pumasok kanina e nauna ka naman saakin? Ano bang ginagawa mo at halos mahuli kana sa pagpasok? Napapansin ko madalas kasabay mo mga teacher natin " sunod sunod niyang tanong pagkatapus maalala yong huli nitong pagpasok kanina at kahit noong mga nauna pa lang.
" Tsssst! Hindi porket gusto kitang kaibigan e magtatanong kana saakin ng mga walang kuwenta " lingon niya rito ng masama " pero, nahuhuli ako dahil nagpapahuli ako " Ganon naman ang gulat ni Paulo " Nangako kang papasok na nang mabuti at hindi liliban pero palagi ka namang nagpapahuli, ah sige dahil gusto mo na naman? Naku Carol hindi ka ba puweding bumait ng perfect? Kung mag-aaral kang maayos dapat straight na mabait " sermon niya rito.
" Tsssst! Ayaw ko lang naman marinig ang mga bunganga ng mga kaklase natin, ang sakit sa ulo kaya naghihintay ako sa labas at inaabangan ang pagpasok ng mga teacher natin tssst! Baka kasi may masaktan ako sa loob kong titiisin ko ang mga walang kuwentang usapan ng mga kaklase natin " Hindi naman nagsalita pa si Paulo sa sinabi niya, Ang ingay din kasi ng klase nila pagwala pang teacher pagkwan dumating na sila at halos sabay sabay silang naghanda at nilabas ang baon nila.
" Kumain na tayo " Ani Paulo pagkwan nilingon nito si Carol habang nakatingin sa ulam ni Stell na manok habang sila, itlog at hotdog pagkwan marahan nitong siniko si Stell at tinuro rito ang malalagkit na tingin ni Carol sa ulam niya kaya bahagya itong napangiti.
" Gu-gusto mo? " Kinakabahan nitong sabi pero agad nitong binawi ang mga titig nito sa ulam at mabilis na kumain.
" Tsssk! Manok din naman itong akin, itlog ng Manok " pagnguya nito kaya tumahimik na itong dalawa alam kasi nilang hindi nila ito mapipilit Ang taas ng pride nito eh pero habang kumakain sila napansin niya ang panay tingin rito ni Stell saka mamumula na halatang kinikilig.
" GANIYAN NAMAN TALAGA SI STELL KAPAG KAHARAP SI CAROL, WALANG BAGO DOON " natigilan siya ng maisip ang sinabi niya at ang narinig niya noon kay Rohan na para bang may nakaraan itong dalawa.
" May relasyon ba kayo dati? " Natigilan siya ng sabay silang lumingon rito " Natanong ko lang naman, gaya ng bestfriend o mas malalim pa doon? " mausisa nitong tanong.
" Tsk! Magkakilala lang kami " Ani Carol pagkwan tumingin si Paulo kay Stell.
" Ah, eh, ano, kasi___ "
" Tsk! magkaibigan ng ilang araw noon! " Ani Carol pagkatapus mainis sa nauutal na saad ni Stell.
" Ahhh kaya naman pala sa lahat ng nagkukwento sayo si Stell lang ang maayos ayos, teka bakit parang hindi kayo magkakilala? Ang ibig kong sabihin bakit hindi kayo nagpapansinan, anong nangyari? " Mga tanong pa niya.
" Magkaibigan kami noon sa dati naming pinapasokan at first week nong pagpasok namin rito we are still friends kaya lang biglang isang araw ayaw akong pansinin ni Carol " Pagkukwento nito kung saan bakas rito ang takot na baka bigla itong sawayin ni Carol at kalungkotan habang iniisip ang friendship nila noon na wala na ngayon.
" E GUSTO MO AKO EH! AYAW KO NG GANON! " inubo naman bigla si Paulo sa sinabi nito ng halatang hindi ito nag-iisip ng sinabi at si Stell ayon hindi na siya makakilos basta nakatitig lang siya rito habang namumula " tsk! may nagsabi non saakin pero hindi naman ako naniniwala doon dahil una, lahat ng babae gusto mo at pangalawa___ di bale na nga " pagkain nito kaya natigil na din sa pag-ubo itong si Paulo at si Stell dahan dahan ding kumain.
" KUNG GANON NAMAN PALA ANG NAKARAAN NIYO MULA NGAYON KASALI NA SIYA SA USAPAN NATING PAGKAKAIBIGAN " Ani Paulo kaya sabay ritong napalingon ang dalawa muli.
" Usapan? " Ani Stell
" Oo, kagabi magkaibigan na daw kami at magiging mabai__ " tuloyan na siyang natahimik ng dumapo sa ulo niya ang paa ni Carol kaya napahiga ito sa may damohan.
" CARRRRRRRRROL! " pagupo nitong muli at tumingin rito habang magkasalubong ang kilay " Ang dumidumi ng paa mo eh! " Singhal nito.
" Tsk! e ikaw para kang aso diyan! Carrrrrol? at saka hindi mo puweding sabihin yon sa lahat! " Naaasar nitong sabi.
" Ano bang masama at saka kaibigan naman natin si Stell "
" Haist! nawawalan ng bisa kapag maraming nakakaalam, pangako yon tas ikukwento mo? Bobo ka talaga eh! " Sabi nito habang may laman ang bibig niya " at saka hindi kami puweding kaibigan ni Stell pe-pero kayo puwedi, kaya puwedi rin siyang sumama saatin " pagtayo nito at kinuha ang tubig niya at uminom saka tuloyang umalis pagkatapus ng mga sinabi niya.
" Ano ba yong pinagsasabi niya? At saka nahihiya ba yon? " Ani Paulo at ganon na lang ang tingin nito kay Stell habang nakangiti na halatang subrang saya nito kaya hindi na niya ito tinanong pagkwan binaling niya ang tingin sa kinauupuan ni Carol kanina.
" HAIST! ANG CARRROL NA YON BAKIT NIYA INIWAN ANG MGA 'TOH? " naaasar niyang tingin sa baonan nito saka inis na kumain muli " KATULONG ATA ANG HANAP NON EH HINDI KAIBIGAN! " Ani Paulo habang nililigpit ang baonan ni Carol pagkatapos nilang kumain.
" Sa tingin mo Dre bakit niya sinabing hindi kami puweding maging kaibigan? " Pagtatanong ni Stell ng bigla niyang maalala ang mga sinabi ni Carol.
" Wag mo na yon pansinin marami talagang sinasabi si Carol na minsan nakakalito at saka kumpara saatin mas kilala mo siya kaya alam kong naiitindihan mo ang sinasabi ko " ngumit naman si Stell at sumang-ayon rito " At saka nakakatakot kayang kasama si Carol minsan, kaya okay na rin kung di kayo ganon kaclose " naitindihan naman niya ang sinabi nito.
" Baka gusto ka lang kaya siya ganon sayo, Alam mo kapag naging close pa kayo masarap siyang kasama " Ani Stell.
" Sus! Kung ganitong closeness nga lang nakakatamo na ako ng aksidente paano na lang kapag naging close pa kami edi baka bangkay na lang akong babalik kela Papang " namumroblema nitong sabi pero tinawanan lang ito ni Stell kita kasi siya ang takot nito pagkwan dumating sila at gaya ng inaasahan walang Carol at mga ilang minutong paghihintay nila dumating ang teacher nila na sinundan nito.