Kabanata 32

2709 Words
PAGKATAPOS ng klase nila natigilan sa pagsunod si Carol kay Paulo ng biglang pumunta rito si Anika. " Tayo na? baka magclose ang office at hindi tayo makakuha ng bago mong ID " nakangiti nitong sabi. " Oo nga pala " pagkwan nilingon nito si Stell. " Sige Dre, mauna ka nang umuwi " tapik niya rito pagkwan nilingon nito si Carol pero mabilis itong umalis kaya nagkibit balikat na lang siya. " Mag-iingat ka wala pa rin akong tiwala sa Ken na yon " mahina niyang sabi rito " gusto ko sanang sumama kaya lang may kailangan pa akong sundoin e " naaasar nitong sabi. " wag kang mag-alala, ingat ka rin sa pag-uwi! " Pag-alis nila Paulo pagkwan nakasalubong nila ang kaibigan ni Andy o ang nagbigay sa kaniya ng love letter noon. " Hello Aira " maginoo niyang bati rito. " Hello, saan ang punta mo? Di pa ba tapus ang klase niyo? " Pilit niyang pagka-usap rito habang namumula sa hiya at kilig. " Tapus na pero kukuha sana ako ng bagong ID " natigilan naman ito sa biglang sinabi nito. " Hindi mo pa nakukuha ang ID mo? " Ganon naman ang pagtataka nila ni Anika. " kilala mo ba sinong nakakuha? " Tanong agad rito ni Anika. " Ah, ano, hi-hindi sa ganon nag-aalala lang ako, akala ko nakuha niya na " nag-aalala nitong sabi habang nauutal " ah sige! " Pagkaripas nito ng takbo. " Tayo na Paulo " paghawak niya rito sa braso pagkatapos nilang sundan ng tingin ang werdong ikinilos ni Aira " Hindi pa natin makukuha o marerelease ngayon pero kukuha tayo nang note para sa mga guard para kusa ka nilang papasokin kapag nakita nilang nawala ang ID mo dahilan kaya Wala kang suot na ID " paliwanag nito. SAMANTALA halos madapa naman si Aira sa pagtakbo sa kanila. " Anong nangyayari sayo? " Pagsalubong rito ni Andy sa may pathway patungong gate. " Diba okay na si Anika at Ken? E ba-bakit hindi pa niya binabalik ang ID ni Paulo? Ang tagal na non ah " sunod sunod nitong sabi. " E kilala mo naman si Ken sa tingin ko hindi talaga maganda ang dugo niya sa crush mo kaya hindi niya pa binabalik " natigilan na lang itong kaibigan niya ng makita niya itong mabilis na naglakad at kay Carol ang diretso nitong mabagal na naglalakad. " Sandali!!! " Napalingon naman rito ang sinigawan niya at ganon na lang ang takot niya ng makita nito ang nakapoker face ritong tingin ni Carol. " Ano? " Tipid nitong sagot na siyang nagpabagal kay Aira lumapit rito. " HAIST! BALIW NA SIYA BAKIT SI CAROL PA? " mabilis ritong pagsunod ni Andy. " May gusto ka ba kay Paulo? " Tanong nito agad habang itinatago ang kaba niya lalo na ng humarap rito ng maayos si Carol. " BALIW KA BA? " masama niyang tingin rito saka niya hinawi ang buhok niya na halatang hindi natuwa sa sinabi nito " Kilala kita eh! Ikaw yong nagbigay sa kaniya ng love letter! " Naaasar niyang sabi rito at hindi niya maitindihan kung bakit siya naaasar doon pagkatapus maaalala " HAIST! LUMAYO KA NGA! " pagtalikod nito at naglakad muli ng makaramdam nang inis. " Alam ko kung nasaan ang ID niya! Kung talagang may pakialam ka sa kaniya kunin mo! " bigla itong bumagsak sa lupa sa takot ng humarap rito bigla si Carol kanina pa kasi niya itinatago ang takot niya rito. " Inuutosan mo ako? " Masama nitong tingin rito pero mayamaya kumalma din siya ng maisip na ID ni Paulo ang sinabi nito " NASAAN? " titig niya pa rito, mabilis namang tumakbo rito si Andy at tinulongan itong tumayo. " Ka-kay Ken " nagtabingi naman ang bagang nito sa narinig niya. " Paano ka nakakasigurado? " " Basta alam ko at kailangan mong maniwala, hi-hindi naman ako magsisinungaling sayo at wala akong dahilan para gawin yon " natatakot pa nitong sabi " si-sige " mabilis nitong pag-alis hindi naman siya nagsalita pa. " ANG MANOOOOOK NA YON! KAYA NAMAN PALA ARAW ARAW SIYANG NAKA-ABANG SA MAY PADER DAHIL ALAM NIYANG WALANG ID SI JAMPAWLO DAHIL NASA KANIYA ANG ID NITO, TSK! LAGOT SIYA SAAKIN " naaasar nitong sabi " KAYA LANG PANIGURADO HINDI NIYA YON IBIBIGAY KUNG KUKUNIN KO TSK! MAGSISINUNGALING LANG SIYANG WALA SA KANIYA KAYA KAILANGAN KONG MAGPLANO " paglabas nito sa gate. At pagkatapos naman nila Anika magpagawa ulit ng ID at kumuha ng note lumabas na din sila. " Salamat Anika " Hindi maalis ang ngiti rito ni Paulo habang natutuwa sa kabaitan niya. " Wala yon, Basta kapag papasok ka yan ang ipapakita mo para hindi kana maging akyat school " ang lakas naman ng tawanan nila sa sinabi nito. " Uuwi ka na ba niyan? " Tanong nito kay Paulo pagkatapus ng tawanan nila. " Oo, ikaw? " " Practice " tinatamad nitong sabi pero kita naman sa mukha niyang gusto niya din naman ang ginagawa niya. " Okay lang ba kung sumilip ako? " Nagulat naman ang dalaga sa sinabi niya " Naisip ko kasi napakahinhin mo at babaeng babae pero basketball ang sport mo? " " Noong bata kasi ako nahubully ako sa subrang p********e ko, sinasabihan nila akong bakla kahit babae naman ako talaga " natatawa nitong sabi " eh kasi napakalamya ko daw kaya doon pumasok sa isipan kong gusto kong maging basketball player ang aastig kasi ng mga lalaking basketball player kaya ayon, doon ko rin naisipang baka mabawasan ang mga kilos kong babaeng babae " Pagkukwento nito. " Para saakin mas okay ang ugali ng babaeng tulad mo " Hindi naman napigilang mapangiti nito " so ano, okay lang bang manood? " " O-okay lang naman manood at saka malawak ang basketball court, sa katunayan madami ding nanonood doon o kaya yong may mga boypren sa kasamahan namin e hinihintay nila ito sa loob " mahaba nitong sabi " Magbibihis lang ako tas hintayin mo na lahng ako doon? " Tumango naman rito si Paulo, kumaway pa ito sa kaniya bago umalis pagkwan nagtungo na din siyang basketball court at natigilan siya ng makita niyang nandito rin ang ilan sa kasamahan ni Ken. " Oiiii si Carolin' boypren nandito rin, bakit sasali ka ba sa club namin? " Pag-angas agad nila rito mayamaya umalis sila ng dumating si Ken at doon rin napansin ni Paulo na magkalapit lang ang basketball court ng girls and boys. " At bakit napadpad ka rito? Tsk! hindi ka puwedi sa basketball dahil baka isang bagsak mo lang tuloyan ng mawala mga natitirang alaala mo, sisihin pa ng pamilya mo ang school " " Hindi yon ang punta ko " tipid lang nitong sabi pero bago pa makapagtanong muli ni Ken dumating si Anika. " Ken? " Masama niyang tingin rito iniisip niya kasing baka may ginawa na naman ito kay Paulo. " Tsk! Bakit andito 'toh? " Lingon nito kay Anika. " Gusto niyang manood " paghawak nito sa braso ni Paulo para umalis sila rito pero mabilis siyang pinigilan ni Ken at tinanggal nito ang pagkakahawak niya kay Paulo. " Sandali bakit isasama mo siya? Kung manonood siya edi dito saamin " Sabi nito agad. " Puro naman angas ang ipapakita niyo sa kaniya at saka gusto niya akong makitang maglaro " natamimi naman siya sa sinabi nito kaya hindi na siya nakagalaw ng umalis sila. " Boss kalimotan niyo na kasi si Anika di naman talaga kayo type eh! " Tuloyang natahimik itong kaibigan s***h alalay na kaibigan ng tadyakan niya kaya napa-upo ito. " Tsk! ayosin mo ang mga sinasabi mo! " Pag-alis nito habang nagpipigil ng galit. " Nakuuu kawawa na naman ang mga bola nito at mga bagohang player " pagsunod rito ng mga kaibigan niya habang nakikita ang pag-aapoy ni Ken sa inis. " Sige Paulo, dito kana lang maupo " pag-iwan rito ni Anika at nagtungo sa coach nila. " Oiii bakit kasama mo siya? Teka! kayo na ba? " Pangungulit rito ni Rohan. " Ano ka ba? Gusto lang niyang manood " nagbablush pa nitong sabi pagkatapus malingon si Paulo habang nakatingin sa kaniya at ngumiti ng magtama ang mga mata nila. " ANG GUWAPO NIYA TALAGA " bulong nito. " Ibang iba siya dito sa loob ng court " pagmamasdan rito ni Paulo, Ang cool kasing tingnan ni Anika sa basketball outfit niya yong maangas tingnan pero makikita mo pa rin rito ang pagiging babaeng babae niya at korte ng katawan niya at saka nakatali ito ng buhok kaya litaw na litaw ang buong mukha niya kaya kitang kita ang kagandahan nito. " Ang galing niya " mahina ritong pagpalakpak ni Paulo pagkatapus ng pagshoot nito saka ngingiti sa mga kasamahan niyang natutuwa sa laro nila " ANG GANDA NIYANG NGUMITI " bulong nito at natigil lang ang mga ngiti at mahihina niyang palakpak ng magtungo ito sa kanya. " Hindi ka pa ba uuwi? " Tanong nito agad. " Huh? Bakit tapos na kayo? " " Hanggang 8 kami rito " pagtabi niya ng upo rito at subrang cool nito sa mga pawis niyang pinupunasan niya " Alam mo kasi dito sa loob hindi mo malalaman ang umaga at Gabi dahil sa mga ilaw pero sa tingin ko baka nagdidilim na " nag-aalala nitong sabi. " Uuwi din ako mayamaya at saka sanay na akong maglakad diyan Wala namang delikado at saka may ilan din akong nakakasabay na mga istudyante " napangiti naman si Anika sa sinabi niya sa totoo niyan, ayaw niya itong pauwiin. " sa bagay wala naman kasing nakakatakot sa lugar natin " " Sa totoo niyan si Carol may mga kinuwento siyang hindi nakakatuwa saakin " pag-alala nito sa pananakot rito ni Carol. " Tinakot ka ba? " Nakangiti niyang tanong rito ng makita ang nahihiya nitong mukha " Walang ganon dito, ilang taon na ako rito pero wala pa naman akong nararamdamang kahit na anong kababalaghan rito, pinagluluko ka lang nun " tumango naman siya rito. " ANIKA IWAN MO MUNA YANG BOYPREN MO, MAGPRACTICE NA!!! " sigaw ng coach nila kaya ganon na lang ang hiya niya ng malingon nitong nakangiti si Paulo. " NAKAKAHIYA " Hindi nito magawang magsalita pagkwan tumayo si Paulo " Sige, bukas na lang ulit, uuwi na lang ako baka hinahanap na rin ako ni Papang hindi kasi ako nakapag-paalam na malilate ako ng uwi " Sabi niya rito para alisin ang nararamdamang hiya ng dalaga. " Ah, sige" mahina nitong sabi saka tumayo " Mag-iingat ka! " Pagngiti niya rito. " Salamat, ikaw rin ingat ka mamaya sa pag-uwi " at tuloyan na siyang nanigas ng ngumiti ito sa kaniya bago tumalikod at naglakad palabas. " Coach sa tingin ko po tuloyan ng nahulog ang kaibigan ko! " Ani Rohan at mabilis na pinuntahan si Anika para putolin ang paninigas nito. HABANG naglalakad naman pauwi si Paulo hindi niya pa rin maiwaksi sa mukha niya ang mga ngiti nito at para bang ang ganda ng pakiramdam niya. " Tama nga siya ang dilim na " pagtingin ni Paulo sa langit pagkatapus niyang lumabas sa gate " Sa totoo niyan hindi pa rin ako sanay maglakad rito ng gabi dapat pala nagbisikleta ako " mabilis niyang paglalakad habang may Isa, dalawa siyang schoolmate na nakakasabay. " Hai Paulo " napahinto naman siya sa may tabi ng puno nang pansinin ito ng ilang schoolmates niyang may crush rito " Diyan pala Banda sainyo? " Tanong pa nila rito pagkatapos huminto. " Oo, diyan sa may unahan pa " " Kapag may time pavisit kami ah " masaya pa nilang sabi rito tumango naman siya bilang sagot " sige mauna na kami, mag- iingat ka " saka nagpedal at umalis, nakabisikleta kasi ang mga ito. " Haist mas nakakatakot pala ritong maglakad " pagka-usap pa nito sa sarili niya bago tuloyang maglakad. " BAKIT NGAYON KA LANG LUMABAS? " napalingon naman siya sa biglang pagsulpot ni Carol galing sa punong hilig niyang tambayan. " Haiiii Carol aatakihin ako sayo!!! " nanlalaking matang sabi niya rito sa takot. " Tsk! Palagi ka naman takot! " Pagtabi niya rito sa daan ng maayos " Bakit ba ang tagal mo? Tsssst! pinagpistahan ako ng mga lamok rito, ginawa nila akong handaan " pagkamot nito sa braso niyang pinagkakagat ng lamok. " E ano ba kasing ginagawa mo diyan? " Paghawak nito sa braso ni Carol para tingnan at inilawan gamit ang phone niya " Ang dami nga Carol, bakit ka ba kasi nakaupo diyan? " Nag-aalala niyang tingin rito " Minsan gusto ko na lang isipin na baka diyan ka talaga nakatira sa malaking punong yan " " Ano namang akala mo saakin engkanto? " Naaasar niyang pagbawi sa braso niya. " Sus! asar na asar ka diya eh ako nga tinawag mong tuta noon " " Tsk! Di hamak na kyut ang mga tuta noh! " Naaasar nitong paglalakad " bahala ka nga diyan! " " E bakit ba kasi palagi kang nakatambay doon? " Mabilis niyang pagsunod rito pagkatapus mawala ang takot niya sa dilim nang makita itong napakatapang na babaeng sinusundan niya na siyang kinakatakotan niya talaga. " HINIHINTAY KITA! " paghinto niya at humarap rito kaya napahinto rin siya bigla muntik na nga siyang mapayakap rito kaya ngayon sobrang lapit na nila. " KAIBIGAN MO AKO KAYA HININTAY KITA AT SAKA KAILANGAN BA GANON KATAGAL KUMUHA NG ID ULIT? " titig niya rito sa mata. " Nanood ako ng practice ni Anika at saka hindi mo naman ako kailangan hintayin " pag-atras nito pero umabante rito si Carol at aatras pa sana siya pero hinawakan siya nito sa may belt sa harapan kaya hindi na ito naka-atras. " Te-teka yong kamay mo kung saan saan mo pinapahawak! " Pagtanggal niya rito pero mahigpit niya itong hinawakan kaya napalunok na lang siya at bahagyang tumingin rito. " A-ano bang problema? " Nauutal nitong tanong. " ALAM KO NAMANG MABAIT KA LANG AT AYAW MO TALAGA SAAKIN PERO GUSTO KITA! GUSTO KITANG KAIBIGAN! KAYA KAILANGAN MO RIN AKONG MAGUSTOHAN! " Hindi naman makapagsalita ni Paulo sa mga sinabi nito wala ka kasing mababakas ritong pananakot pero subrang seryoso ng mukha nito. " KAILANGAN MO AKONG MAGUSTOHAN DAHIL YAN ANG GUSTO KO! KAYA, DAPAT MAGKASAMA LANG TAYO PARA MAGING CLOSE PA TAYO, KAYA NAMAN HININTAY KITA! " Pagbitiw niya sa belt nito " NARINIG MO? SA AYAW AT GUSTONG GUSTO MO TALAGA KAILANGAN MO AKONG MAGUSTOHAN BILANG KAIBIGAN! " Ilang segundo namang nanatili sa kanila ang katahimikan. " Tsst! Sino ba ang nagsabing ayaw ko sayo? Ang ayaw ko lang naman ang ugali mo! " Pagtitig niya rito sa mata " Umuwi na nga tayo kinakagat na rin ako ng mga lamok " paghawak niya rito sa dalawang balikat at pinaharap sa daan papunta sa kanila " Gaya ng sabi mo magkaibigan na tayo mula kahapon kaya nagsimula na yon at hindi mo kailangan pang ulitin " pagpantay niya rito sa pagkakatayo " Tayo na Carrrrrrol " pang-aasar nito kaya mabilis itong lumingon sa kaniya ng masama " sus! galit na siya " pagmamadali nitong maglakad. " Tsk! Alam mo hindi ka talaga tuta! K9 dog ka Jampawlo! Carrrrrol? Tssssst! hilahin ko dela mo eh! " Mabilis niyang pagsunod rito na siyang tinakbohan nito kaya nong makauwi sila ganon na lang ang hingal nila. " Okay ka lang ba? " Salubong rito ng papang niya habang hinahabol nito ang hininga niya " Uminom muna kayo " pagbibigay rito ni Lusin ng tubig. " Ano na naman bang ginawa mo at hingal na hingal ka? Sino na naman nakaaway mo? May binugbug ka ba? Nakipagsuntokan? " " Tsk! Sa tingin niyo tatakbo ako kung ganon ang mangyari? haist lagot silang lahat saaaaakin!!! " Sigaw nito na siyang nagpalingon kina Paulo ng marinig ito. " Nakakatakot talaga siya " bulong nito. AT lumipas ang ilang araw sa pagkakaibigan ng dalawa na siyang dahilan para mas nakilala ni Paulo ang ugali ni Carol at lahat ng taong nakapaligid sa kaniya. At yong sa ID gaya ng iniisip ni Carol pagkatapus niya itong tanongin kay Ken itinanggi niyang nasa kanya ito kaya hindi ito mapakali sa puwedi niyang gawin para mabawi ang ID nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD