Kabanata 33

4449 Words
TULOYAN ng nawalan nang gana kumain si Ken pagkatapus itupi ng Lolo niya ang binabasa niyang dyaryo at tumingin rito habang nasa hapagkainan sila, alam na kasi niya ang mga ganitong tingin nito. " Kamusta na yong schoolmate mong si Nase? " " Puwedi ba Lolo naririndi ako sa pangalan niya " pagkamot nito sa tainga niya. " Ang balita ko karibal mo siya sa babaeng crush mo? " Agad naman itong napalingon sa personal driver niyang biglang pumasok. " Sir sekreto lang po yon diba? " Mabilis nitong sabi sa matanda at nagtago sa likod nito pagkatapus itong batohin ni Ken ng tinapay. " Kahit kailan talaga napaka daldal mo dinaig mo pang mga babae ah! " Pagpunta niya rito pero mabilis itong tumakbo palabas. " Paano ka magugustohan niyang babaeng gusto mo kung ganyan ka pa rin kumilos? " Pang-aasar pa rito ng Lolo niya kaya asar itong umupo. " Tumigil nga kayo Lolo kapag napasagot ko yon dadalhin ko din yon rito kaya maghintay kayo! " " Kailan ba yon? Ilang taon mo ng sinasabi yan saakin " " Bahala nga po kayo ang daldal niyo! " paghablot nito sa bag niya at naglakad palabas " Papasok na po ako " at dahil naaasar siya sa driver niya kaya mag-isa itong pumuntang school. " Kung bakit pa kasi dumating ang Paulo na yon Haist! Ang lalaking yon!! " naaasar nitong pagliko patungo sa bahay nila Anika " At saka ano bang nagustohan doon ni Anika?! " Mabilis pa niyang pagpapatakbo at bumagal ito ng makita niya ang bahay nila Anika at saktong lumabas ang mga ito kaya ganon na lang ang tingin niya sa dalaga ng makita nito ang masasaya niyang ngiti habang nakikipag-usap kay Josh. " Paano ba kasi siya paibigin? " pag-iisip pa nito saka huminto at lumabas saka nagtungo sa kanila at ganon na lang ang ngiti nito bilang pagbati ng biglang lumabas din sa gate ang daddy nila. " Hello po Sir " pakikipagkamay nito at dahil parehong kilala ang angkan nila sa lugar nila hindi maipagkakailang mabuti din ang ugnayan ng Santos family at Suson. " Hijo naparito ka? " Agad naman niyang nilingon si Anika habang nakatingin sa kanila kaya lumingon din rito ang daddy niya at naitindihan nito agad ang kasagotan sa tanong niya. " Sir okay lang po ba kung saakin sumabay si Anika ngayong araw? " Maginoo nitong tanong na may mababanaag kang kaba sa boses niya at ganon na lang ang hiya ni Anika ng lingonin siya ng daddy niya habang nakangiti. " Okay, just take care of my princess " pagkasabi nito sumakay na siya sa sasakyang kanina pa naghihintay rito pagkatapos niyang balikan ang naiwan niya. " Ikaw Josh? " Tanong pa rito ni Ken. " E bakit type mo rin ba ako para pasabayin? " Wala namang may gumawa sa kanila ng ingay ng tingnan sila ng masama nitong dalagang nasa gitna nila pagkatapus makaramdam ng hiya sa mga ito. " O sige, kita na lang tayo sa school " Ani Josh at sumakay sa sasakyan niya. " Tayo na? " Lingon ni Ken kay Anika. " Bakit ba kailangan mo pang dumaan rito diba mas lumayo ka pa niyan sa school? " Paglalakad nito, pinagbuksan naman ito ni Ken bago pumasok. " Gusto kitang makasama ngayong umaga, di na kasi ako nakakadalaw sa classroom mo ang dami naming ganap sa klase e " pagmamaneho nito. " Hindi mo naman ako kailangan puntahan pa, tuwing gabi naman nagkikita din tayo sa basketball court " pagtingin nito sa hitsura niya sa salamin saka inayos ng kunti ang buhok niya. " Syempre gusto kita, gusto kitang nakikita palagi " nakangiti nitong pagmamaneho habang nakatingin sa daan pagkatapus itong lingonin ni Anika. " Pero Ken, ano kasi, alam mo, wala talaga akong maramdaman sayo____ " " Nanliligaw pa naman ako, eh kung gusto mo na ako bakit pa kita kailangan suyoin diba? Kaya naiitindihan ko " pagputol nito sa sasabihin pa nito habang tinatago niya ang nararamdaman niya sa sinabi nito. " Eh Ken, paano kung hindi rin ako magkagusto sayo? Ang ibig kong sabihin, dapat hangga't maaga hindi ba dapat itigil mo na lang? " mahina nitong sabi. " Bakit Mahal mo na ba ang Nase na yon? " " Huh?! " Natahimik ito ng lumingon rito si Ken at pinahinto ang sasakyan. " Nanliligaw na ba siya sayo? Napansin ko palagi nga siyang nanonood sa practice mo " nag-aalala nitong tanong. " Hi-hindi, Hindi naman ata ako gusto ni Paulo ka-kaibigan lang kami " nahihiya niting sabi saka nagblush ng maisip na nililigawan siya nito. " Mabuti! Ibig sabihin may pag-asa pa rin ako " pagmamaneho nitong muli " Alam kong gusto mong tumigil na ako dahil gusto mo siya at napakabait mo para isiping pinaglalaruan mo ang nararamdaman ko pero ako naman ang may gustong ligawan ka kahit may gusto ka pa sa Paulo na yon kaya wag mo yon isipin " seryoso nitong pagsasalita " sa totoo niyan wala naman akong pakialam kung gusto mo siya dahil nararamdaman mo yan " dugtong pa niya " pero tatapatin kita, hindi ko hahayaang magustohan o ligawan ka niya panigurado kasi mawawalan na ako nang pag-asa non sayo, kaya gagawin ko ang lahat para hindi ka niya magustohan pero syempre sa maayos na paraan " pagngiti niya rito pagkatapos nitong mapansin ang pag-aalala ng dalaga. " Ken marami namang may gusto sayo sa school at magaganda, matatalino, at___ " " Wala akong pakialam sa kanila " tipid nitong sagot kaya tumahimik na din si Anika pagkatapos mapansin ang pagkunot noo nitong kasama niya at lumakas ng kunti ang boses nito. " Pasensya kana, naiinis ka ba? " Tanong nito ng mamayani sa kanila bigla ang katahimikan pero bago pa makasagot si Anika biglang huminto itong si Ken at dahan dahan itong napatingin sa harap kung saan ang direksyon ng mata nitong si Ken at ganon na lang ang pagtataka niya ng may mga lalaking sinasalubong sila habang yong iba nakamotor at mayron pang nasa sasakyan. " Haist! Paanong nandito na naman sila?! " Nag-aalalang pag-iisip nitong si Ken ng maisip na kasama nito si Anika, napansin naman ng katabi niya ang mahigpit nitong paghawak sa may sasakyan. " Sino ba sila? " Ganon na lang ang gulat niya ng yakapin ito bigla ni Ken, magpupumiglas sana ito pero may bigla itong binulong sa kaniya. " pakiusap, huwag na huwag kang magpapakita sa kanila magtago ka lang sa mga braso ko " bulong niya pa rito habang nakapulupot rito ang mga braso niya at nakasubsub si Anika sa may dibdib niya. " Anong ginagawa niyo? " Sigaw ng mga tao sa labas pagkwan kinatok pa nila ang sasakyan nito. " Hoy! Ken lumabas ka nga diyan! Mag-usap tayo!!! " Sigaw pa nila rito pero hindi siya umimik habang nag-aalalang may makakilala sa kanila kay Anika. " Girlfriend mo ba yan? " Tanong pa nila " mukhang ang puti ah! Ipakilala mo naman kami! " Sigaw pa nila pagkwan lumapit ang leader nila. " Natatakot ka ba? " Sabi niya rito sa labas pero hindi niya ito pinansin at ganon na lang ang pag-aalala niya ng manilip sila sa loob at mabilis na nakita ni Ken ang mata nito kung saan diretso sa nakalaylay na ID ni Anika kaya mabilis niya itong kinuha. " Kung ganon Santos ang girlfriend mo? " Ganon naman ang kaba niya sa sinabi nito " Wag mo ngang itago ang mukha niya o kaya kahit buong pangalan na lang niya ang sabihin mo, Hindi sapat ang Santos lang " sigaw pa nila at doon lang siya nakahinga ng maayos. " OKAY LANG MARAMI NAMANG SANTOS SA SCHOOL " paghinga nito ng maayos " Anika magmamaneho lang ako para makaalis tayo rito pero pakiusap, puwedi bang magtago ka hangga't hindi tayo nakaka-alis rito? " " Sige " tipid lang nitong sagot habang ramdam mo rito ang takot at pagtataka, bumusena naman si Ken nang tatlong beses pero nong ayaw pa rin nilang umalis sa harapan ng sasakyan niya tuloyan niya itong pinalarga kaya ganon na lang ang takot nila at umalis rito. " BALIW TALAGA ANG ISANG YON! " sigaw pa ng mga lalaki. " Tsk! May girlfriend na pala ang Ken na yon, tsk! maganda yon " bulong pang sabi ng leader nila saka ito sumakay sa sasakyan niya " Santos.. " bulong pa nito habang nakangisi. " Sino ba ang mga yon? " Tanong agad rito ni Anika ng dumating sila. " Pasensya kana hindi ko alam na gusto pala akong makita ng mga gago__ " agad niyang pinutol ang pagsasalita niya sa muntik ng lumabas sa bibig niya " Tayo na " pagpapauna niya rito maglakad pero tumingin lang ito sa kanya " sino ba ang mga yon? pakiramdam ko hindi ka naman talaga nila gustong makita " ani Anika. " Ano, kakilala ko sa ibang school " sabi niti " Oo, hindi kami magkakaibigan " bahagya pa niyang ngiti alam niya kasing ayaw na ayaw ng dalagang nakikipag-away ito. " Kaaway mo na naman ba? " paglalakad nito " Alam mo Ken hindi maganda sa tao yong marami kang kaaway at saka ano bang makukuha mo sa pakikipag-away? " " Eh matagal ko nang kaaway yon, iwan ko ba pero ayaw nilang tumigil tssst! ayaw nilang tanggapin na wala naman talaga silang panama saaamin, haist pagnagkita kami ulit sisiguradohin kong mananahimik na ang mga yon___? " pagtigil nito ng makita niyang masama ritong lumingon ang dalaga. " Iwan ko sayo " mabilis nitong paglalakad pero imbis na mag-alala ito hindi niya mapigilang ngumiti. " NAKAKATUWA SIYA KAPAG NAG-AALALA AT SAKA PAKIRAMDAM KO GUSTO NIYA DIN AKO " pagtakbo nito at sumunod rito. " sorry na, pangako! Iiwasan ko na ang mga yon " pag-una nito at tumingin rito habang naglalakad ng paatras. " iwan ko sayo, tsssst! Umayos ka nga ng lakad mamaya madapa ka pa diyan " agad naman itong sumunod rito at sumabay. " So okay na tayo? " " Hindi naman ako nagalit ang akin lang iwasan mong nasasangkot sa gulo daig mo pa si Carol eh " " hoy po! bakit naman ang lobong yon? " naaasar nitong sabi kaya napangiti na lang rito si Anika para kasi itong bata kaya nong malingon niya ang mga ngiti nito napakamot na lang siya sa ulo niya tsaka ngumiti rito. SAMANTALA magkasalubong naman ang kilay ni Carol na lumabas pagkatapos itong sundoin ni Paulo, ang aga aga pa kasi. " Dalian mo malilate na tayo! " pagmamadali rito ni Paulo. " Bakit ba madaling madali ka diyan? " tamad pa nitong paglalakad kaya agad nagtungo si Paulo sa likod niya at tinulak ito. " Malilate na kasi tayo! " pagtulak niya rito para magmadali maglakad hindi nito sinakyan ang bisekleta niya dahil ayaw magpaangkas rito ni Carol kaya panigurado hindi rin ito magpepedal. " eh malilate naman tayo kaya bakit pa tayo magmamadali?! " naaasar nitong paglalakad habang tinutulak ito ni Paulo sa likod. " kaya nga magmamadali dahil malilate na tayo " pilit niya pang pagtulak rito pagkwan tuloyan itong huminto. " At talagang gagawin mo yan hanggang school? " pagharap niya rito kaya biglang lumayo rito si Paulo. " e malilate na nga kasi______ ahhhhhhhhh!!!!!! " Sigaw nito pagkatapus siyang hawakan nito sa braso at mabilis na tumakbo habang hilahila si Paulo. " Haist nakakaalis ng antok! " Sabi nito agad ng dumating silang gate. " papatayin mo naman ako Carol eh " nakahawak pang sabi ni Paulo sa magkabilang tuhod niya pagkatapos ng pagtakbo nila habang habol habol nito ang hininga niya. " Buhay ka pa naman diba?at saka gusto mo ng mabilis kaya ayan " pagtapik niya pa rito sa balikat. " iwan ko sayo! Andami ngang nakatingin saatin habang tumatakbo tayo " nahihiya nitong sabi habang may kinakalikot sa bag niya. " ano naman? Lahat naman talaga rito nakatutok ang mata sa sino man ang dumaan sa harapan nila " " Tama ka pero ang pagtakbo ng mga taong nasa edad natin ay hindi pangkaraniwang gawain " ganon na lang ang gulat nito ng magtungo si Carol sa grupo ng mga istudyanteng nakatingin sa kanila. " ano na naman bang iniisip nito " mabilis niyang pagpunta rito kaya bago pa ito nakapagsalita para pagsabihan ang mga ito mabilis niya itong hinawakan sa bibig para pigilan magsalita. " Carol puwedi bang tumahimik ka na! " pagbitiw niya rito ng maramdaman niya ang mga ngipin nito " Haist may balak ka na naman bang rabisan ako? " " e ano bang problema mo? Bakit nanghahawak ka ng bibig nang may bibig? " naasar nitong sabi " Diko tuloy sila napagsabihan " lingon niya pa sa mga ito pagkatapus siyang ilayo ni Paulo sa kanila. " puwedi bang bawas bawasan mo ang tapang mo? " tingin niya rito pagkwan nilahad nito ang kamay niyang may papel. " teka? Quiz ba yan nong itinuro mo saakin nong isang araw? E wa-wala pa akong maalala doon " pag-abot niya rito at tiningnan kaya mabilis siyang tumingin rito. " Hindi ko alam kung tamad ka lang magrequest muli ng ID kaya kami na lang ni Stell ang gumawa at kumuha na din kami ng note para di kana mahirapan umakyat doon " paliwanag nito sa binigay niyang papel rito kung saan note para makapasok ito sa gate. " tsk! Hindi naman mahirap umakyat doon ah " matapang nitong sabi " At saka bakit kailangan kasama mo pa si Stell dapat di mo na lang kinuha kung hindi mo rin kayang mag-isa! " paglalakad nito na siyang sinundan ni Paulo. " Sus! ikaw na nga itong kinuhaan at saka napaka bait naman ni Stell para ganyan ang sabihin mo sa kanya, Isa pa nakikita ko gustong gusto ka niyang kaibigan at hindi ko yon maitindihan " paglalakad nila. " Aba! Bakit maganda naman akong kaibigan kaya anong problema mo doon? " pamaywang niya rito. " Oo na, napakabuti mong kaibigan kaya puwedi maglakad na tayo? " mabilis nitong paglalakad pagkatapus makaramdam ng hiya ng may ilang lumingon sa kanila ang lakas lakas kasi ng pagkakasabi rito ni Carol. " sus! totoo naman ah! " habol niya pa rito. " Hindi kaya ang dahilan talaga bakit ayaw mo kay Stell ay dahil naniniwala kang gusto ka talaga niya? " Paglalakad pa niya " Naku! Carol halata namang chick boy at pafall si Stell kaya dapat hindi mo iniisip yon kaya maging mabait kana doon ulit " lingon niya pa rito at napahinto siya ng biglang magtip toe ni Carol at bumulong sa kaniya, akala niya ano na namang gagawin niya rito pero bumulalas ang mata nito sa gulat sa sinabi nito. " NAGBIBIRO KA BA? " Hindi niya makapaniwalang tanong rito. " Nakangiti ako? " masama nitong sabi saka naglakad muli " Magkaibigan kayo pero di mo alam? Ano ba yan! " " e pa-paano mo nalaman? Sinabi niya ba sayo? " Hindi pa nito makapaniwalang tanong. " Hindi " asar na asar naman siyang tumingin rito. " sabi nang-aasar ka lang eh " naaasar niyang sabi rito. " Yong babae ang nagsabi saakin " sa pagkakataong ito napalingon na naman siya rito. " kilala mo? " " Oo, kinausap nga ako diba? " natahimik naman si Paulo sa sunod nitong sinabi " Kaya ayon, hindi na ako nakipag-kaibigan kay Lester! " pagbalat nito ng lollipop at kinain. " Kung ganon sinabihan kang iwasan si Stell? " tumango lang ito rito " Ngayon naiitindihan ko na kung bakit iniiwasan nito si Stell kahit napaka bait niya kasi kung isa akong ingot para magsasama pa rin kay Carol kahit ginagawa niya akong punching bag mas uto uto nang sampong beses si Stell dahil hindi ito marunong tumanggi, para ngang nakikita ko paano ito abosohin ni Carol siguro noon " pag-iisip nito. " Alam mo sa tingin ko sekreto yon ni Lester, siguro nga hindi pa niya alam na alam ko yon " pagsasalita pa nito " At sa tingin ko pati mga kaklase natin " dugtong pa niya. " Pero bakit naman niya ililihim? " pag-iisip ni Paulo. " Sandali, hintayin niyo ako " napalingon naman sila sa tumawag sa kanila at si Stell ito. " Kanina ko pa kayo hinahabol, ang bilis niyo naman kasi maglakad " sabi nito agad ng makarating sa kanila pagkwan tumingin ito kay Carol " Go-good morning " nahihiya niyang bati rito pero tumingin lang siya rito saka mabilis na naglakad kaya sumunod na rin sila rito at hindi maiwasang lumingon rito ni Paulo habang naiisip yong sinabi ni Carol, napakadaldal kasi ni Stell kaya paanong hindi niya man lang ito nakukwento. " Ang ganda niya talaga " bulong ni Stell nang makitang maupo sa may tabi ng puno si Carol kung saan tanaw rito ang classroom nila " Tara Dre " Pagmamadali nito patungo sa kinaroroonan ni Carol. " Teka! Hindi niyo naman kailangan gayahin ang mga ginagawa ko, mauna na kayo! " lingon nito sa dalawa ng tumabi ito sa kanya. " Hindi ko nga maitindihan bakit kailangan pa nating sabayan ang mga teacher " ito kasi ang tambayan ni Carol para sumabay sa teacher pagpapasok na ito " Mas maganda naman kung sa loob na tayo dahil makakapagpahinga pa tayo " reklamo pa ni Paulo. " E maingay nga sa loob tsssst! At saka puwedi naman kayong mauna " pagkain nito sa lollipop niya. " Hihintayin kita! " saad agad nitong si Stell kaya ganon na lang ang lingon niya rito kaya mabilis niya itong binawi " eh kasi, mai-maingay sa loob " naiilang nitong sabi. " tsk! isa ka naman sa maingay doon! " ganon naman ang pagpipigil ni Paulo ng tawa sa sinabi nito kaya ganon na lang ang lingon niya rito. " Kasi naman wala kang appreciation, sinang-ayonan ka niya pero nilaglag mo siya " Sabi nito ng mapansin ang mga titig rito ni Carol. " Totoo naman yon " pagtayo nito ng makita niya ang teacher nila. " Tayo na, ayon na si Ma'am " ani Paulo at naglakad ganon na din itong dalawa pero napalingon agad si Paulo sa dalawa ng makarating silang classroom sa biglang pagtatanong ni Stell. " Okay ka lang Carol? " Tanong rito ni Stell habang nakahawak ito sa may braso ni Carol pagkatapus itong mapatid sa mga paa niya dahil sa paglalakad nila ng mabilis. " Oo, ang bagal mo kasing maglakad! " pag-una nito para pumasok sa classroom nila pero natigilan si Carol ng hawakan ni Paulo ang braso niya kaya ganon na lang ang pagtataka ni Stell. " bakit___? " natigilan siya ng hawakan ni Paulo ang stick ng lollipop niya. " Tigilan mo na ngang kumain nang ganito, alam mo ba pagnadapa kang kumakain nito puwedi kang magkasugat sa bibig " ani Paulo pagkatapus malingon ang dalawa kanina nang muntik na itong madapa. " tsk! Hindi naman ako bata at saka wala pa naman akong nababalitaang namatay dahil kumakain ng lollipop at nadapa " pagkain niya ritong muli pero mabilis din itong hinawakan ni Paulo at dahil ayaw ni Stell ang mga nakikita niya kaya nauna ito sa dalawa. " ano bang problema mo? " mabilis naman itong hinugot ni Paulo sa bibig niya kaya ganon na lang ang asar nito. " Hoiii!!! Jampawlo ibalik mo yan! " ganon na lang ang paglaki ng mata niya ng itapon niya ito sa basurahan at ang hindi nila alam pinapanood sila nang lahat ng kaklase nila mula sa windows ng classroom nila pero si Anika nakatingin lang ito ng diretso. " Ang cool talaga ni Paulo biroin mo nagagawa niya yan sa kapatid mo? " " TSK! TUMAHIMIK KA NGA JAH! " ganon naman ang pagtataka ni Jah sa boses ni Josh pagkatapos makaramdam ng inis rito. " JAMPAWLO!!! " mabilis na paglipad ng kamao ni Carol kaya agad napahawak ni Paulo sa bibig niya pero hindi naman ganon kalakas. " TSK! WAG KA NGANG ISIP BATA, Nag-aalala lang ako sayo " kumalma naman siya sa sinabi nito " at isa pa may matino bang istudyanteng nakalollipop at saka baka nakakalimotan mong nangako kang makikinig saakin? " paglalakad nito at ganon na lang ang hiya niya ng makitang nakatingin ang lahat sa kanila kaya mabilis siyang naglakad sa upuan niya. " sila na ba ni Carol? " " Kaibigan lang ata " " magkapit bahay kasi sila " bulongan pa ng mga kaklase nila. " Oo, ang balita ko si Anika ang nidadate niya " " Oo, always nga daw siya nanonood sa practice nito " " balita ko magkaibigan lang din sila " " totoo at saka mabait lang naman talaga si Paulo kaya siya ganyan diba? " usapan pa ng lahat. " Di naman halatang tsismosa mga kaklase natin " ani Rohan kay Anika " Affected ka ba? Feeling ko naman magkaibigan lang talaga sila at saka malakas ang extinct kong ikaw ang gusto niya " bulong niya rito habang nakangiti pero natahimik ito ng makita niyang mahigpit na hawak hawak ng kaibigan niya ang ballpen nito. " Mukhang seryoso talaga siya kay Paulo " paglingon nito kay Paulo at ganon na lang ang ngiti niya ng makitang nakatingin ito sa kaibigan niya. " Anika nakatingin siya sayo " napalingon naman agad siya sa tinutukoy nito at umaliwalas ang mukha nito ng ngumiti ito sa kanya bigla " Sabi ko naman sayo ikaw ang gusto niya, siguro narinig niya ang bulongan ng lahat at nakatingin siya sayo para sabihing walang namamagitan sa kanila ni Carol " kitang kita naman nito ang mala-anghel niyang ngiti. AT pagkailang oras natapus na din ang klase nila. " nalimotan ko yong pagkain ko, akala ko kasi malilate na ako " paghinto ni Stell ng pupunta na sila sa madalas nilang kainan. " Kung ganon sa canteen tayo" ani Paulo kaya tahimik na ding sumunod si Carol at pagkarating nilang canteen naghanap sila nang mauupuan at medyo malayo sa kinaroroonan nila Anika kasama si Ken. " Ayaw ko talaga ng maraming tao " pagnguya ni Carol pero napalingon siya sa tinitingnan ni Paulo habang sa direksyon nila Ken. " Dapat kung gusto mo kunin mo! " napalingon naman siya bigla sa sinabi ni Carol " Sa tingin ko gusto ka din naman niya kaya siguradong hindi ka mapapasubo " " ano bang sinasabi mo? " nahihiya nitong sabi. " Gusto mo yang isang Santos kaya sabihin mo hanggang maaga " " tumigil ka nga! " nahihiya nitong pagkain. " Sus! Halata ko naman! Kung ayaw mong maunahan ka ng manok na yon ligawan mo na " pamimilit niya rito. " Hindi pa naman ako gumagaling kaya.... hindi puwedi " Hindi alam ni Carol pero nakaramdam siya ng kakaiba sa sinabi ni Paulo pakiramdam niya nakaramdam siya doon ng kalungkotan kaya hindi na ito nagsalita at tumingin sa babaeng gusto ng lalaking katabi niya pero agad niyang binawi yon ng makitang nakatingin sa kanila si Josh. " Bakit naman hindi niyo ako hinintay? " pag-upo nitong si Stell. At pagkatapus nilang kumain pumasok na din sila. " Okay, the leader of your group will be the one who'll distributed your topic " sabi ng huling teacher nila bago ito lumabas. At tatlo ang leader, si Josh, Anika, at Andy. " Sayang naman hindi tayo grupo " ani Stell kay Paulo at Carol pagkatapus itong malagay sa grupo ni Anika. " Individual din naman ang reporting Stell " ani Paulo at natigilan sila ng mapansin nila ang pananahimik ni Carol. " kanina ka pa tahimik, may problema ba? " Tanong rito ni Paulo. " huh! Kasi, first time ko pang magrereport ngayong college na ako " Nagpigil naman ng tawa ang dalawa nang makita ang takot sa mukha ni Carol. " CAROL NAMAN! " sabay nilang sabi ng apakan niya ang paa nang mga 'toh. " tsk! namomroblema ako rito tas tinatawanan niyo lang ako!? " pagtalikod nito saka naglakad. " halos kasi takot sayo ang lahat tas report lang pala ang magpapakaba sayo " Ani Paulo habang sinasang-ayonan ni Stell " Pe-pero Carol puwedi ka namang magbasa lang ng report sa harap panigurado wala namang magtatanong sayo kaya wag ka ng mag-alala " ani Stell kaya medyo nabawasan ang kaba niya. " Tama ka, ka-kaya lang baka maliit lang din ang grades ko at hi-hindi yon puwedi " malungkot pa nitong sabi. " sa bagay, mag-aaral kana nga pala ng maayos " ani Stell pagkatapus itong malaman " pero kapatid mo naman si Josh puwedi kang magpatulong o kaya si Paulo? " napaatras naman ito ng sabay silang lumingon rito. " HUH?! KA-KAY JOSH NA LANG TUTULONGAN KA NAMAN NON " Ani Paulo habang kinakabahan, ang hirap kasing turuan ni Carol ilang araw na nga itong puyat sa pagtuturo rito ng hindi rin maitindihin ni Carol kaya napapadalas na din ang pananaket nito pero medyo sanay naman siya doon. " O SIGE, BUO NA ANG PASYA KO! TAMA KA STELL HINDI DAPAT AKO KABAHAN! " paglalakad niyang muli " Andiyan naman si Jampawlo! " " Teka bakit ako? " " dahil kaibigan kita at isa pa napakatalino mo kaibigan! " yakap niya rito sa braso pero mabilis itong tinanggal ni Paulo. " Ayaw ko, busy din ako at saka ka-kay Josh kana lang " " Hindi naman kami close non at saka ikaw ang gusto ko! " napahinto naman silang tatlo sa sinabi niya " Pakiramdam ko sanay kana sa kabobohan ko pero si Josh? Ayaw kong lumapit sa kanya " pagtalikod nito kaya naglakad na din ang dalawa muli. " Mukhang wala na naman akong choice " ani Paulo kaya ganon na lang ang ngiti nito kaya ganon na din itong si Stell habang pinagmamasdan si Carol. " Kaasar bakit ba naman ang bilis ng oras " pagtingin nito sa relo niya habang naglalakad sila. " Ah, mauna na kayong umuwi " paghinto ni Paulo, sabay naman silang napatingin rito at hindi na sila nagsalita ng mabasa ang gusto nitong gawin. " Mag-iingat kayo " Sabi pa nito bago mag-iba ng direksyon patungo sa practice area ni Anika nakasanayan na kasi nito manood rito. " Mukhang may gusto na siya kay Anika___ " natahimik ito ng sundan ito ni Carol " Hindi ka pa ba uuwi? " Habol niya rito. " Hihintayin ko siya at saka may kakausapin ako kaya mauna ka nang umuwi, mag-iingat ka " Sabi nito habang naglalakad kaya tumigil na din itong si Stell. " May gusto rin kaya siya kay Paulo? " Bulong nitong ni Stell gusto sana niya itong sundan pero nakikita niya ang pagpatak ng oras " Nakakainis naman kasi bakit kailangan hatid sundo ko pa ang babaeng yon! " Naaasar nitong paglalakad habang iniisip si Carol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD