Kabanata 34

2966 Words
SAMANTALA pagkarating ni Paulo sa court agad ritong lumingon sina Rohan. " Anika manliligaw mo " panunukso nila rito. " Tumigil nga kayo " nahihiya nitong sabi, Hindi naman naririnig ni Paulo ang panunukso nila rito. Pagkwan nagsimula na nga ang laro at nong break time nila mabilis siyang nagtungo kay Paulo. " Ang galing mo " natutuwa niyang tingin rito. " Salamat " pagngiti nito " Bakit ba nandito ka? " Tanong pa niya. " Gusto kitang makitang naglalaro, hindi ko alam pero masaya ako kapag nakikita kang naglalaro " Hindi naman nito maitago ang pagbablush niya " Habang pinapanood kita at nakikita kong masaya ka sa ginagawa mo di ko rin maiwasang isipin kung ano din ang sport ko noong nasa Manila ako, nakakainggit ang mga ngiti mo, nagliliwanag yon, ang ganda " masaya pa nitong sabi. " Salamat " kinikilig nitong sabi " kung gusto mo pagmay time maglaro tayong dalawa " " Sigurdo ka? " Tumango naman siya rito. " Kaya lang inaalala kong baka hindi ako marunong hindi ko matandaan kasi kung naglalaro ba ako ng basketball dati " " Hindi naman tayo maglalaban, maglalaro lang tayo kaya okay lang yon " natawa naman siya sa sinabi nito. " Oo, tama ka " natatawa pa nitong sabi dahilan para matawa rin ang dalaga at nakasilip naman si Carol sa may pinto habang nakatingin sa dalawa. " Mas guwapo nga tingnan si Jampawlo kapag nakangiti " bulong nito " Ang mga ngiti nila siguro ang dahilan bakit siya hindi umaabsent rito " mahigpit nitong hawak sa kuwentas niya " Mga ngiti " malungkot nitong bulong saka tuloyang umalis sa paninilip sa kanila pagkwan nagtungo ito basketball boys at akala mo sino na siya habang nakatingin ang lahat sa kaniya. " hoy si Carollin' ba yan? " Tanongan ng tropa ni Ken kaya ganon na lang ang asar niyang lumingon sa tinutukoy nila at nakatitig nga ito sa kanya. " Haist! Pati ba naman rito pupuntahan niya ako dahil sa lintik na ID nang Nase na yon! " Naaasar nitong pagtapon sa bola kaya ganon na lang ang takot ng lahat. " Ken ikaw na naman ba ang sadya niya? " Lapit pa rito ng mga tropa niya at dumistansya sila rito pagkatapos makita ang asar nito sa mukha. " Coach lalabas lang po muna ako " Pag-alis nito ng hindi hinihintay ang sagot ng coach niya at pagkalampas niya kay Carol mabilis siyang sumunod rito. " Hoy! Carol makinig ka hindi ako natutuwang nakikita ang pagmumukha mo kaya puwedi ba tigilan mo ang kapupunta o kasusunod saakin!!! " Naaasar niyang sabi rito nang makalabas sila at ganon na lang ang pagtatagisan ng bagang niya nang ilahad lang nitong kaharap niya ang kamay niya. " SINABI NG WALA SAAKIN ANG ID NIYANG NASE NA YAN! " ganon na lang ang gulat ni Ken ng kuwelyohan siya nito. " Bitiwan mo nga ako, tsk! akala mo di kita papatulan? " Pagtanggal nito sa kamay ni Carol pero mas hinigpitan niya ito kaya hindi tuloy ito makahinga, kahit papaano hindi niya rin naman kayang manakit ng babae at alam niyang kung sasaktan niya ito paniguradong gaganti itong si Carol at hindi na sila matatapos nun tsaka kilala niya ang pagkatao nito. " Alam kong matapang ka pero puwedi ba wag mo naman masyadong ginagamit saakin mamaya hindi ako makapagpigil sayo____ " tuloyang natahimik si Ken ng iumpog niya rito ang ulo niya. " Nababaliw ka na! " Nanlalaking matang hawak ni Ken sa ilong niyang inumpog nitong si Carol gamit ang ulo niya, Hindi ganon kalakas kaya hindi ito nagdugo. " SA SUNOD NA PAGKIKITA NATIN, KAPAG HINDI MO PA BINIGAY SAAKIN ANG ID NIYA PAGDUDUGOIN KO NA TALAGA ANG ILONG MO O KAYA! TATANGGALIN KO NA LANG!!!!! " asar na asar nitong sabi nang malakas at sakto namang lumabas si Paulo at Anika sa court nito kaya narinig nila ang boses ni Carol kaya sabay silang napalingon rito. " Bakit magkasama sila? " Natigilan si Anika ng makita niyang mabilis na tumakbo si Paulo sa kinaroroonan ni Carol. " Ano bang ginagawa mo rito? " Tanong agad nito kay Carol at mabilis na nilayo kay Ken. " Pagsabihan mo nga yang Carol na yang tigilan ang kasusunod saakin! " Malakas nitong sabi " Kung hindi niyo mahanap ang ID mo wag niyong hinahanap saakin mga buwesit! " Naaasar nitong sabi habang nakahawak sa ilong niya, Hindi naman niya napansin si Anika habang nakatingin sa kanila sa malayo. " HOY SUSON!!! TANDAAN MO YONG SINABI KO SAYO!!! " mabilis namang hinila ni Paulo itong matapang na si Caril. " Tsk! at si-sino namang ta-takot sayo!? " Nauutal niya pang sabi rito at sinundan ng tingin saka nito nakita si Anika pero hindi ito nakatingin sa kanya kundi kay Paulo habang hilahila si Carol. " Sige Anika mauna na kami " pagpapaalam niya rito. " Oo, mag-iingat kayo " pilit nitong pagngiti habang pinagmamasdan ito ni Ken habang naglalakad sina Paulo ng hindi magawang sundan ni Anika ng tingin. " Tsk! Okay rin ang Paulo na yon! Bakit kailangan ang magkapatid!? " Naaasar nitong sabi pagkatapus makita ang malungkot na pagpasok ni Anika nang hindi man kang siya tinitingnan. " Boss mukhang nawawala na ang pag-asa niyo kay Anika " hindi naman siya makapagsalita sa sinabi nila pagkatapus masaksihan ang lungkot sa mukha ni Anika ng makitang magkasama si Carol at Paulo. " Boss hanap na lang kasi kayo ng iba " Ani mga kaibigan niya. " Wala naman akong magustohang iba! " Tipid nitong sabi at pumasok. " Sumubok kayo sa mga crush niyo " pagsunod nila rito. " Kung may crush ako maliban kay Anika baka ligawan ko agad " Sabi nito mula kasi nang makilala nito si Anika hindi na siya nagkagusto ng iba kaya ganon kalakas ang loob niyang sabihin yon. " Sa bagay " pagtango ng mga tropa niyang lumabas kanina pagkatapus marinig ang sigaw ni Carol " Pe-pero boss yong banta ni Carollin' panigurado gagawin niya yon pagnagkita kayo muli " kinilabotan naman bigla si Ken kaya napahinto ito. " Haist! Ang babaeng yon " naaasar nitong sabi " Nababaliw talaga siya! umpogin ba naman ako haist! pero tama kayo hindi yon nagsisinungaling " nag-alala niyang sabi. " Papatulan ba natin boss? " " Tsk! Akala mo naman kaya niyo! kilala niyo naman ang Carol na yon " pag-iisip niya rito " Tayo alam natin ang ginagawa natin at may takot kahit papaano pero ang Carol na yon wala atang pakialam sa mga ginagawa o puweding mangyari sa mga ginagawa niya, nakakatakot siya dahil baliw siya! " Ani Ken. " Tama boss kaya mas mabuti siguro kung ibigay mo na lang sa kanya ang ID ni Paulo " " Hindi! Tsk! Magpagawa sila nang ID dahil sisiguradohin kong saakin lang ito " " E Hindi kayo titigilan nun alam niyong kapag may ginusto yon ginagawa niya " " WALA AKONG PAKI BASTA SAAKIN LANG YONG ID " Paglalakad nito. " Talagang gulo lang ang mangyayari sa tuwing magkikita silang dalawa dahil pareho sila nang ugali " pag-iling nang mga tropa niya. " Paano kaya kung si Carol ang gusto ni Boss baka suntokan ang mangyari sa kanila " nagkaroon naman sila nang tawanan sa sinabi nang kasama nila. " Kailangan nating maghire ng referee " tawanan pa nila at tuloyan silang nanahimik ng lumipad sa kanila ang bola galing kay Ken. " Mabuti na lang kabaliktaran ni Anika ang kapatid niya " pagpipigil pa nila ng tawa ng magtungo sila kay Ken. " Carol ano na naman ba yong ginawa mo? Akala ko ba umuwi ka na? At saka ano ba yong sinasabi niyang ID? " Pagalit agad rito ni Paulo habang naglalakad sila palabas at nauuna itong si Carol. " WAG MO NA NGANG ISIPIN YON! " pagmamadali nitong maglakad para iwasan ang mga sermon nitong si Paulo. " Haist! kailan ka ba titigil makipag-away?! At saka bakit naman sa kanya mo hinahanap yong ID? " mabilis niya pang pagsunod rito. " Dahil nasa kanya! " " Kung nasa kanya man o wala gusto kong huwag mo nang kunin yon, kilala mo naman si Ken at saka kumuha naman ako ng bago " " Tsk! Hindi puwedi basta kukunin ko yon!!! " Buo nitong sabi. " Para saan pa? Naghahanap ka lang niyan nang away eh " naaasar niyang sabi rito " At saka yan ang gusto kong gawin mo " dugtong pa niya na siyang nagpahinto kay Carol. " Kukunin ko yon! At kung Hindi niya ibibigay lagot siya saakin tsk! ang tagal mo ding napaparusahan at siya ang may kasalanan non dahil nasa kanya naman ang ID mo tsk! gusto kong saktan ang Manok na yon eh! " pagkuyom nito sa kamao niya. " Kung ganon ako ang dahilan? " pagkalma nitong si Paulo " Kung ganon gusto kong kalimotan mo na ang ID ko at makinig ka saakin " " Pero Paulo... " " Palagi mo sinasabing makikinig ka saakin pero di mo naman ginagawa " pag-una nitong maglakad " Basta mula ngayon ang gusto ko titigil kana makipag-away lalong lalo na kay Ken! " At tuloyan na niya itong iniwan. " Haist! Nagbibiro ba siya? Nabubuhay ako sa paraang gusto niyang itigil ko " naaasar niyang tingin rito " sa pag-aaral ko lang naman yong sinasabi kong makikinig rito at hindi sa kaduwagan niya " naaasar niyang pagsunod rito. " So ano pumapayag ka? " Tanong nito ng maramdaman niyang nasa likuran niya ito. " MANAHIMIK KA NA LANG! " naaasar niyang pagsabay rito pero natigilan sila sa paglalakad ng may makita silang dalawang lalaki habang hawak hawak nong isa ang schoolmate nilang babae na para bang binubully nila. " Galing ibang school yan ah " pagtukoy ni Carol sa mga lalaki at ito yong mga kaaway ni Ken " Di bale na nga gusto ko sanang makialam pero baka dumaldal na naman ang hot dog na 'toh " paglalakad niya pero natigilan siya sa narinig niya. " Paulo!!! " tingin ng babae kay Paulo at nagtago sa likod nito pagkatapus niyang kunin ito sa lalaki at hindi nila napansin ang pagsulpot niya bigla kaya nabitiwan din nila ang braso ng babae. " Hindi ko alam anong nangyayari rito pero hindi tama ang ginagawa niyo " Sabi nito habang si Carol nanonood lang sa kanila. " Ayaw niya daw ng away pero pakialamero naman " panonood niya pa kay Paulo. " Hoy! Dre Hindi kami interesado sayo kaya umalis ka diyan! " Pilit nilang pagkuha sa babae. " Hi-hindi naman ako kapatid ni Josh Santos eh, Kaapelyedo ko lang siya " tumigil naman sila sa sinabi nito at tuloyan na itong tumakbo. " Kaapelyedo " naasar pang sabi nong isa pagkwan tumingin sila kay Paulo " total pakialamero ka, ikaw ang magsabi saamin kung nasaan ang kapatid ni Josh Santos! " Pagkuwelyo nila rito napag-alaman kasi nilang yong girlfriend ni Ken ay kapatid ni Josh pero parehong hindi nila kilala ang mukha nang magkapatid. " ano bang kailangan niyo sa kanila? " " Kung ganon kilala mo? " Pagngisi nila " Kung ganon sumama ka saamin! " Hindi na makagalaw si Paulo ng bigla nila itong hawakang dalawa at nahihiya naman itong humingi ng tulong mga bagay na ikinakahiya niya ang makakuha ng attention. " Kakausapin ka lang ni Boss kaya sumama ka ng tahimik " Sabi pa nila rito kaya napilitan na din siyang maglakad. " Ako ba ang hinahanap niyo? " Sabay namang napalingon ang dalawa sa pagsasalita ni Carol at marahan nilang binitawan si Paulo kaya agad siyang lumayo sa mga ito. " Bakit sino ka ba? " Tanong din nila. " May apelyedo akong Santos, Carol Santos " paghinto nito pagkatapus ritong makarating ni Paulo mataman naman nila itong pinagmasdan at para bang hindi sila naniniwala sa sinabi nito. " Makinig ka! pagbilang ko nang tatlo tatakbo tayo " bulong nito kay Paulo agad naman nitong nabasa ang iniisip nitong si Carol. " Sige " " Isa! " " Tatlo " " Kung ganon isasama ka namin " paglapit nila rito pero ganon na lang ang gulat nila ng bigla itong tumakbo habang si Paulo nakatanga lang pero mayamaya sumunod rin rito hahabolin sana nang isa sa mga lalaki pero pinigilan ito nang kasama niya. " Hayaan mo na mukha namang nagsisinungaling yon " pigil rito ng kasama niya. " E paano yong lalaki? " " Marami pa namang istudyante rito " pagtawag nito sa boss nila sa phone. " May nagpakilala kanina pero imposible namang girlfriend yon nang mortal niyong kaaway, ni hindi ata marunong magsuklay " Sabi nito agad sa kabilang linya. " Paano kung siya yon?! Basta Hanapin nyo dahil yan lang ang paraan para makagante ako sa tarantadong Ken na yon! " Pagputol ng boss nila sa linya kaya agad silang naghanap ng mapagtatanongan muli. " Kilala mo ba si Carol Santos? " Tanong nila sa dalawang babaeng nakasalubong nila. " Oo, kahit sino kilala siya " kita sa boses nila ang takot at inis. " E si Josh Santos? " Ganon naman ang kilig nila sa pangalang narinig nila kaya tumango lang sila bilang sagot. " Mabuti, Kung ganon magka ano ano yong dalawa? Magkapatid ba? Kapatid ba ni Josh si Carol? " Tumango naman sila rito. " Oo, magkapatid sila? " hindi nila siguradong sagot rito " Bakit? " " Wala, sige salamat! " Paglalakad nila habang nakangiti. " Madali naman palang hanapin ang girlfriend ng Ken na yon pero pambihira hindi ko naisip na tulad ng Carol na yon ang gusto niya " usapan pa ng mga ito. SAMANTALA huminto naman ang dalawa sa pagtakbo ng wala ding sumunod sa kanila. " BAKIT DUMRETSO KA AGAD SA TATLO? HINDI KA BA MARUNONG MAGBILANG? " Naaasar ritong sabi ni Paulo habang hinihingal. " Dapat kasi alesto ka pero okay na rin yon di naman sila sumunod " " Teka nga Carol ano na naman bang ginawa mo sa mga yon para paghahanapin ka? " Tanong agad rito ni Paulo nang maisip ang tinakbohan nila. " Ano? Ngayon ko lang kaya nakita ang mga lalaking yon at saka ang tanong nila kapatid ni Josh sa madaling salita di nila kilala kung sinong hinahanap nila kaya malamang hindi ako ang pakay ng mga yon tsaka ngayon ko lang nakita ang mga yon baka ang magkapatid na Santos na yon ang may ginawang mali " paglalakad nito " Sa tingin mo gagawin nila ang mga kalokohan mo? " " Teka! Bakit ba parang sinasabi mo diyang puro kalokohan ginagawa ko? tssst! Nag-aaral kaya ako pe-pero sa bagay nakakapagtaka kung si Anika ang hinahanap nila e mabait naman siya " aminado nitong sabi " Pe-pero bakit naman ako? e ngayon ko nga lang nakita ang mga yon " pagtatanggol na naman nito sa sarili niya. " Basta hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanila " mahinang sabi ni Paulo habang nag-aalala. " Sus! Kayang kaya ko ang mga yon noh! kung ako man ang hinahanap nila " mayabang pa nitong sabi. " Kayang kaya e ang bilis mo ngang tumakbo " " Tsk! Sinabi mo kayang huwag ng makipag-away at gaya nang sabi ko marunong akong tumupad sa usapan " Hindi naman nagsalita pa si Paulo at napangiti sa sinabi nito " Pero ikaw?! bakit nakikipag-away ka rin sa kanila? " Pag-iisip nito sa pagtatanggol ni Paulo sa babae. " Akala ko binabastos nila yong babae eh " " Nakuu pinapagalitan mo akong wag makipag-away e ikaw naman itong hindi makatiis " " Tumigil ka nga, pagtatanggol yong ginawa ko at hindi pakikipag-away at isa pa kakausapin ko lang naman ang mga yon " " E paano kung bigla ka nga nila sinama tulad nong kanina? " " Edi sasama ako wala naman akong choice " " Haist! Napaka duwag mo talaga " pagtapik niya pa rito. " Pag-iwas sa gulo yon at saka mukhang mga istudyante rin kaya imposibleng may gawin silang hindi maganda " " Wag ka ngang ingot! maraming pasaway sa mundo kaya dapat hindi ka sumasama bigla bigla " pangaral niya din rito " sige na, good night! " Pabubukas nito sa gate nila dumating na kasi ito pero natigilan siya ng magsalita itong si Paulo. " HINDI KO ALAM KUNG IKAW ANG HINAHANAP NILA O ANONG KAILANGAN NILA KAYA DAPAT MAG-IINGAT KA! KAILANGAN MAGKASAMA TAYO PALAGI " napalingon naman siya sa sinabi nito " sige na pumasok ka na, good night! " pagngiti niya pa rito saka naglakad sa kanila. " Tsssst! masyado nang mabait ang isang yon! Hindi na nakakatuwa! " Pagsara nito sa gate " ANG JAMPAWLO NA YON MINSAN NAKAKAINIS NA RIN " pagpasok nito. " Dumating ka na pala Apo " salubong rito ng Lola niya " Nga pala bukas maaga akong aalis kaya baka hindi mo ako magisnan kaya bahala ka nang maghanda ng baon mo " tumango naman siya rito. " Saan po ba ang punta niyo? " " Sa ante mo " pagtukoy nito sa kapatid ng papa niya na abot isa at kalahating oras ang byahe sa kanila. " Lola sama po ako " " Hindi na may klase ka at saka baka hanapin ka ng mommy mo " Hindi naman siya nagsalita pa. " O sige na magbihis kana nang makakain tayo " " Kakain na lang po muna ako bago magbihis " " Marurumihan ang uniform mo " " Uniform lang po ito e diba masamang pinaghihintay ang pagkain? " pagtungo nito sa hapagkainan. " Naku! napaka pasaway mo talagang bata " natutuwa ritong sabi ng matanda pagkatapus makita ang bahagyang ngiti nang Apo niya " Hindi ko pa rin nakikita ang totoo niyang mga ngiti " pagtabi rito ng Lola niya habang nakikita ang mga mata ng Apo niyang bakas rito ang kalungkotan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD