Kabanata 35

3882 Words
" Paulo salamat sa diyos at nagising kana " napagilalas si Paulo ng bumungad rito ang mommy at ang daddy niyang may namumuong tubig sa mata nila ngunit makikita mo rito ang galak. " Paulo.. anak? " Hawak rito ng mommy niya sa mukha at naramdaman na lang niya ang paglabas ng tubig sa mata niya habang ramdam nito ang bigat ng katawan niya at p*******t nang ulo niya habang hindi nito magawang magsalita na para bang may pumipigil rito para hindi nito magawang ibuka ang bibig niya. " Paulo... " Ganon na lang ang takot niya ng unti unting maglaho sa paningin niya ang mga magulang niya at narinig nitong muli ang mga taong madalas niyang mapanaginipan at pakiramdam niya nilalamon siya nito. " Mommy.... Daddy.. Pa..pang " mga tawag nito habang ramdam rito ang takot. " Hoiiii Jampawlo bumangon ka na!!! " Tuloyan itong nagising sa boses na narinig niya at si Carol ito habang nakatayo sa harapan ng kama niya at nakatingin rito. " Carol? " Nagtataka pa nitong tanong at tinitigan ito " Te-teka bakit nandito ka?!!! " Sigaw nito pagkatapus mahimasmasan at makilala itong si Carol. " Maagang umalis si Lola may pinuntahan siya kaya nagising din ako ng maaga at naisipan kong magbihis na papuntang school at daanan ka " pag-upo nito sa may sofa sa kwarto ni Paulo. " E masyado pang maaga " pag-ayos nito ng upo habang ang bigat ng pakiramdam niya. " Makikikain din ako kaya dalian mo nang bumangon tas imbitahan mo ako para hindi nakakahiya " tingin niya pa rito kaya napailing na lang ito. " May hiya ka pa sa lagay na yan ah " pagtayo nito pero natigilan siya ng mahilo ito kaya madali siyang naupo. " Okay ka lang? " Paglapit rito ni Carol at inalalayan ito " teka bakit ang init mo? " Paghawak niya pa rito sa noo. " Hindi ko alam pakiramdam ko nga ang bigat nang pakiramdam ko " matamlay nitong sabi. " May sakit ka ba? Yon ba ang ibig sabihin non? " Tumingin lang siya rito ng hindi makapaniwala " E kasi hindi naman ako nagkakasakit kaya hindi ko alam " nag-aalala pa niyang tingin rito " Teka lang sasabihin ko sa Papang mo " pagtayo nito at mabilis na umalis kaya hindi na umangal si Paulo saka iniisip kung paanong nagkasakit siya. " Wala naman akong ginawa para magkasakit ako " bulong pa nito pagkwan bumalik rito ang panaginip niya at pakiramdam niya nanikip ang dibdib niya at sumakit ng bahagya ang ulo niya " Bakit ko ba 'toh nararamdaman? " mga bulong nito at napatingin siya sa sahig ng may mahulog ritong tubig mula sa mga mata niya. " Jampawlo bakit? " Takbo rito ni Carol ng makabalik siya at hindi nito maalis ang mata niya sa mga mata ni Paulo habang may tubig ritong kumakawala pagkatapus niya itong hawakan sa noo at tiningnan. " O-okay ka lang ba? " Nag-aalala niyang tingin rito. " Subrang lungkot Carol, sa subrang lungkot ang sakit " mahigpit nitong hawak sa dibdib niya. " Ano bang nangyari? " Titig niya rito at pakiramdam ni Paulo mas nalungkot ito ng matitigan ang mga mata ni Carol hanggang sa naalis na ito sa mga paningin niya. " Jampawlo..! Hoiiii po! Jampawlo! " Tanging boses lang ni Carol ang naririnig niya hanggang sa tuloyan na itong naglaho. MARAHANG minulat ni Paulo ang mga mata niya ng maramdaman nito ang mga kamay ng Papang niya habang hinihimas ang ulo niya. " Mabuti naman at gising na kayo Sir Paulo " ngiti rito ni Lusin, tumango at bahagyang ngiti lang ang isinagot nito at umayos nang upo at sa mga nakikita niya, nasa hospital ito. " Pang ano pong nangyari? " Tanong nito agad ng natutuwa ritong nakatingin ang papang niya. " Nawalan ka ng malay pagkatapus nang pagkakalagnat mo bakit ba hindi mo sinabi saakin? " tingin rito ng Papang niya pagkwan naisip nitong muli ang mga panaginip niya. " Sa totoo niyan Pang hindi ko rin alam paanong nilagnat ako basta nagising na lang po akong ang bigat ng pakiramdam ko pagkatapus kong managinip muli pero kanina po pakiramdam ko totoong totoo yong panaginip ko " pag-iisip nito sa mga napanaginipan niya hindi naman nagsalita pa si Lusin at ang Papang nito alam kasi nilang ang totong buhay nito ang mga nasa panaginip niya at maaaring bumabalik na ang mga alaala nito sa ano mang oras. " Pero kanina naroon si mommy at daddy sa panaginip ko " pag-iisip pa nito sa mga panaginip niya pagkwan naalala nito si Carol. " Sandali si Carol po? " " Pumasok na siya " Ani Lusin " sa totoo niyan gusto kang bantayan pero may klase kayo kaya pinapasok ko na " dugtong rito ng papang niya kaya tumahimik na din siya at pagkatapos nang ilang minuto umuwi na din sila pero hindi na ito pumasok pakiramdam kasi niya ang bigat pa rin ng pakiramdam niya. SAMANTALA hindi naman maalis ni Stell ang tingin nito kay Carol habang nakatingin sa labas. " MAAYOS NA KAYA SIYA? " pag-iisip nito pero natigilan siya nang marinig niya ang pag-ubo ng teacher nila at doon lang niya napansin ang mahina niyang pagpokpok sa upuan niya gamit ang ballpen niya at dahil tahimik ang buong klase kaya malakas ito kung pagtotoonan ng pansin. " Sorry po! " Sabi nito agad kaya naalis din ang tingin rito ng teacher. " Bakit hindi niya kasama si Paulo? " Tanong na naman ni Rohan kay Anika. " Hindi ko nga rin alam hindi naman yon nag-aabsent diba? " Tumango naman rito si Rohan habang nakatingin sila ritong magkaibigan. " MASYADONG MALALIM ANG INIISIP NIYA MAY NANGYARI KAYA? " Paglingon muli rito ni Josh kung saan kanina pa niya ito pinagmamasdan. " Nalulungkot siguro siya kasi wala si Paulo " agad namang tumingin sa harapan si Josh sa sinabi ni Justin " wag kang mag-alala sanay namang mag-isa si Carol " dugtong pa ni Jah pagkatapus mapansin ang mga titig rito ni Josh pero hindi na niya ito pinansin. " Alamo kung hindi ko naiisip na kapatid mo siya iisipin kong siya yong babaeng sinasabi mo saaking gusto mo " napalingon naman si Josh sa sinabi nito " sorry Dre, nagbibiro lang ako pasensya kana napaka daldal ko kasi " hawak pa nito sa bibig niya pero hindi na umimik si Josh. At pagkalipas ng ilang oras natapos na din ang morning class nila at kasasabi pa lang ng teacher nila ng "see you next meeting " ay mabilis na lumabas si Carol kaya halos napalingon silang lahat rito pero hindi na ito bago sa mga teacher. " Good bye class "paglabas na din ng teacher nila pagkwan mabilis na tumayo si Josh ng maisip kung saan puweding pumunta si Carol. " Josh sandali " mabilis na pag-ligpit ni Justin sa gamit niya para sumunod rito. " Mauna kana sa canteen may gagawin lang ako " mabilis nitong pag-alis kaya hindi na rin ito nagpumilit sumama. " Stell! sandali lang " tawag rito ni Anika napalingon naman ito ng palabas na siya. " Ano, itatanong ko lang kung anong nangyari kay Paulo bakit wala siya? " Tanong agad ni Anika ng makalapit rito. " Hindi ko nga rin alam " pagkwan napatingin siya sa phone ni Stell pagkatapus niya ritong ipakita kung saan nakadial sa number ni Paulo. " kaya lang hindi makontak " ani Stell . " Hindi mo ba natanong kay Carol kanina? " Umiling naman ito bilang sagot. " Masyadong seryoso ang mukha niya kanina kaya hindi ko matanong " Ani Stell pagkatapus maisip ang mukha ni Carol. " Oh sige, balitaan mo ako kapag nalaman mo ah " " Oo " tipid lang nitong sagot kaya iniwan na din ito nila Anika. SAMANTALA napahinto naman si Carol sa paglalakad ng maalala nito si Paulo. " Kung uuwi ako at nalaman niyang may klase sesermonan ako non panigurado " pag-iisip nito " Pero nag-aalala naman kasi ako " pagkwan naramdaman nito ang barya sa bulsa niya kaya mabilis niya itong kinuha. " Uuwi ako " pagtapon niya rito sa taas saka sinalo " Ulo " hula nito at binuksan at napangiti siya ng mahulaan ito kaya mabilis itong naglakad patungo sa gate. " Anong nangyari kay Paulo? " Natigilan siya sa pagmamadali nang marinig nito ang boses ni Josh. " May sakit siya " tipid lang nitong sagot saka naglakad muli. " Kaya uuwi ka? " " Ano namang pakialam mo? " Pag-irap niya rito. " We have quiz in this afternoon " Hindi naman siya maka-imik sa sinabi nito " Panigurado namang inaalagaan siya ng Papang niya kaya huwag ka nang umuwi at isa pa mag-aaral ka ng maayos ayon sa pangako mo kay Tita kaya hintayin mo na lang matapus ang klase saka ka umuwi " mahaba nitong sabi kaya humarap siya rito. " Bakit ba ang hilig mong pakialaman ang mga desisyon ko? " Titig niya rito " Tsk! Hindi ako si Anika okay?! Kaya puwedi ba wag kang umastang para bang may kinalaman ka sa buhay ko! Hindi mo ako kapatid okay! " Paglampas niya rito, habang asar na asar ang mukha at hindi na ito nagtangkang magtungo kay Paulo. " HAIST JOSH ANO BA'T NAKIALAM KA NA NAMAN SA GUSTO NIYA " pagsunod niya ng tingin rito hanggang sa maalis na ito sa paningin niya. NAPAHINTO itong si Carol ng makita niyang nakatambay sa kinakainan nila si Stell at ganon na lang ang kaba nito ng malingon siya nito. " Bakit ba nandito ka? Wala naman dito si Jampawlo " pagtungo niya rito pagkatapos tumayo ni Stell. " Ah, eh may dala akong baon kaya dito na lang ako nagtungo " pag-upo din nitong muli ng maupo si Carol at magkaharap sila " O-okay ka lang ba? " Nahihiya niyang lingon rito ng hindi na ito umimik. " May sakit si Jampawlo at nag-aalala ako " walang alanganin nitong sabi kaya natigilan naman si Stell ng mapansin ang pag-aalala sa mukha niya " gusto kong umuwi pero magagalit din naman siya kapag nalaman niyang hindi ako nag-quiz " matamlay pa nitong sabi at binuksan ang baon nito para kumain. " May gusto ka ba kay Paulo? " Natigilan naman ito sa pagsubo sa tanong rito ni Stell at tumingin rito kaya ganon na lang ang takot nito. " Ha!, Ano, eh, ah, na-natanong ko lang naman pe-pero di mo kailangan sagotin " alanganin nitong pagngiti " Ang daldal ko naman kasi " pag-iwas niya pa ng tingin rito. " Mas gusto niya si Anika " Sabi nito saka sinubo ang kutsara nitong may pagkain. " Ibig sabihin ba non gusto mo siya? " Tanong na naman nito habang nakatingin rito at hinihintay ang magiging sagot niya. " Ano? " Tuloyan ng namutla si Stell sa paghawi nito sa buhok niya. " Ah, so-sorry Ca-Carol " pagkain nito ng tahimik. " tsk! Ikaw kahit kailan napaka daldal mo " pag-palo niya rito ng mahina sa ulo kaya ganon na lang ang kilig nito at pagkatapos nilang kumain sabay na din silang pumasok. " Carol okay lang ba kung sabay tayong umuwi mamaya? Gusto ko sanang pumunta kay Paulo " pagpapa-alam rito ni Stell habang naglalakad sila. " Malawak naman ang daan at marami din akong nakakasabay na mga istudyante kaya bakit mo pa pinapaalam? " Pagkain nito ng lollipop kaya ganon na naman ang kilig nitong si Stell pagkatapos maisip na maglalakad silang sabay pauwi. " Oo tama ka " pagkamot pa nito sa batok niya " sige mauna kana, Wala pa si ma'am " paghinto nito at naupo sa may puno kung saan tanaw rito ang classroom nila. " Sige bantayan mong hindi ka mahuli " ngiti nito saka naglakad habang ang lapad ng ngiti, Hindi na siya nagpumilit na sumama pa sa paghihintay nito dahil para rito masaya na siya sa kunting pag-uusap nila " Sabay kaming uuwi mamaya " kinikilig pa nitong paglalakad pagkatapus maisip si Carol. " Hi Stell " pagpapapansin rito ng mga babae sa daan. " Vester bakit mas lalo kang gumugwapo? " Panghaharot pa ng iba rito at sinabayan siya. " Stell yayain mo naman ako sa weekends lumabas " pagsabay pa rito ng mga babae at tanging mga ngiti lang niya ang naisasagot niya sa tuwing naiisip na nasa may likuran niya si Carol. " Haist pafall talaga " pag-iling nito habang pinagmamasdan si Stell pagkwan naisip nito si Paulo kaya mabilis niyang hinugot ang phone niya mula sa palda niya. " Wala naman akong load " buntong hininga nito habang pinagmamasdan ang phone nitong halos durog na ang screen " Okay na kaya siya? " Pag-iisip pa nito pagkwan naisip nito ang biglang tanong rito ni Stell kanina. " May gusto ka ba kay Paulo? " Pag-iisip nito pagkwan tumingin siya sa langit " Paano ba magkagusto at magustohan? " Pagtanggal nito sa lollipop sa bibig niya " Mabait lang naman ang Jampawlo na yon pero alam kong hindi naman niya ako gusto " pagtayo nito saka kinain muli ang lollipop " tsk! bakit ba ako nag-iisip ng mga walang kuwentang bagay " paglalakad nito para pumasok pagkatapus niyang makita ang teacher nilang pumasok at ganon na lang ang asar niya ng malingon nito si Josh habang diretso ang mata sa kanya. " Ano bang problema nitong anak ni mama sa Asawa niya " paglalakad nito ng hindi bumabati sa teacher nila. " Hindi ba talaga ako puweding sumama sayo sa pagdalaw kay Paulo? " Pangungulit ni Rohan kay Anika. " Hindi baka maparusahan tayo ni coach " Ani Anika " maiiwan ka para pagtakpan ang pagliban ko sa practice " seryoso nitong sabi. " Napaka buti mong kaibigan " pagcross arm niya rito. " 1 week kong sagot ang pangcanteen mo " umaliwalas naman ang mukha nitong katabi niya. " Okaaaay, basta pakamusta lang sa soon boyfriend mo " pangungulit niya pa rito. " Tumigil ka nga baka may makarinig sayo " nahihiya nitong sabi pero sa totoo kinikilig ito nalaman na kasi nito ang nangyari kay Paulo mula kay Josh pagkwan nagsimula na nga ang klase hanggang sa mag-last period at magkaroon sila ng quiz. " Okay, 1 minute left " sabi ng teacher nila pagkatapus nitong tingnan ang relo niya pagkwan sinilip ni Stell ang papel ni Carol at dalawa ang ginawa nitong quiz. " Kay Paulo ba yon? " Pilit niya pang pagsilip rito. " Okay, 10 seconds " Sabi pa ng teacher nila. " Kainis naman bakit kasi ang bagal kong magsulat " pagtayo ni Carol at pumasa pagkwan tiningnan ni Stell ang quiz paper na hindi nito natapus isulat. " Carol Santos... " Mahina niyang pagbasa rito at malungkot itong napangiti ng maisip nitong kay Paulo yong pinasa niyang papel " sinasabi na nga ba " pagtingin din nito sa papel niya at kay Carol ito nakapangalan pagkwan pumasa na din siya. " Pupunta ka pa rin ba kay Jampawlo? " Tanong nito agad habang mabilis nitong nililigpit ang gamit niya. " Oo, sabay tayo " mabilis nitong sagot " ku-kung okay lang " kinakabahan nitong sabi pagkatapus nitong lumingon sa kanya. " Bilisan mo! " Sabi nito at naglakad, mabilis naman siyang sumunod rito habang zinezeeper ang bag niya. " Sandali Stell " tawag rito ni Anika kaya napahinto siya at tumingin rito saka lumingon kay Carol muli. " Bilisan mo lang, sa gate ako " paglalakad nito kaya nagtungo na din si Stell kay Anika. " Pasinsya kana pero nakausap mo na ba si Paulo? " Pagtatanong agad ni Anika. " Ah Oo nga pala, pasensya kana ngayon ko lang naalala " Ani Stell " Sinabi saakin ni Carol kung bakit wala ngayon si Paulo pasensya kana talaga ngayon ko lang naalala kung hindi mo pa ako tinawag makakalimotan ko na talaga " nahihiya nitong sabi. " Okay lang yon, sa totoo niyan sasabihin ko din sana sayong nagkasakit siya pero alam mo na pala " Sabi nito " sinabi saakin ni Kuya kanina " dugtong pa nito. " Mabuti naman, sa totoo niyan pupunta ako doon sasabay ako kay Carol, ikaw? " " Oo, pupunta din ako, okay lang ba kung sumabay ako sainyo? " Tumango naman ito bilang sagot. " Sige, kausapin ko lang si Kuya " pagtungo nito kay Josh at nagpaalam. " Umuwi ka lang din agad " bilin rito ni Josh. " Oo " pagtango nito " Ayaw mo ba talagang sumama? " Tanong pa nito. " Hindi na, ikamusta mo na lang ako " tumango naman siya saka sila umalis ni Stell. " Nasaan na siya? " Tanong agad nitong si Stell ng hindi niya makita si Carol sa gate ng marating nila ito. " Baka nauna na siya " Sabi nitong si Anika pagkatapus niya itong hanapin at hindi rin makita " Pasensya kana, dapat sabay kayo pero dahil saakin nauna tuloy siya " nahihiya nitong sabi. " Mainipin naman talaga si Carol kaya walang bago kung nauna siya " ngiti niya rito " Tayo na " Ani Stell kaya tahimik na ding sumunod rito ni Anika. Hindi nagtagal dumating sila sa bahay ni Paulo. " Magandang hapon po " bati nitong dalawa kay Lusin nang buksan nito ang gate. " Magandang hapon " tingin nito kay Stell at nagtataka kay Anika. " Ako po si Anika Santos kaklase po ni Paulo at kaibigan " ganon naman ang ngiti nito sa pangalan at apelyedong sinabi nito. " Ikaw yong kapatid ng mabangis na si Carol? " natawa naman ito ng bahagya sa sinabi ni Lusin " hali kayo, pasok kayo " pagpapasok niya sa dalawa " Sandali lang pupuntahan ko lang si Sir sa kwarto niya " " Ah, nagpapahinga po ba siya? Kung okay lang po, eh kami na lang pupunta sa kwarto niya baka po kasi mas lumala ang sakit niya " nag-aalalang sabi nitong si Anika kaya ganon na lang ang tingin rito ni Lusin, naramdaman kasi nitong hindi kaklase o kaibigan lang ang pag-aalala nito kaya ganon na lang ang hiya nito ng mapansin yon kaya agad itong namula. " Maupo na lang po kayo magaling na po si Sir kaya wala kayong dapat na ipag-alala " naupo naman ng tahimik si Anika sa sinabi nito pero si Stell umiikot ang mata nito sa buong kabahayan habang hinahanap si Carol. " Ah sandali lang po Aling Lusin " tawag rito ni Stell kaya napahinto na naman ito " si Carol po ba nandito na? " Tanong nito agad ng lumingon rito si Lusin. " Sa totoo niyan kararating ko lang galing palengke kaya hindi ko pa siya nakikita " " Ganon po ba..... " pag-upo rin nito pero bago pa ito makalakad ulit biglang dumating si Paulo. " Ah Sir mga kaibigan niyo po " napatingin naman ito sa mga tinutukoy niya at mabilis na tumayo itong si Anika pagkatapus siyang makita " sige po Sir ipagtitimpla ko lang po sila ng juice " Pag-alis nito. "Paulo okay kana ba talaga? " Pagpunta rito ni Anika. " Oo, sa totoo niyan kanina pa ako okay pero tinamad na akong pumasok " Sabi nito para pawiin ang pag-aalala sa mukha ni Anika at nagtagumpay naman siya rito. " Mabuti naman " pagbuntong hininga nito saka ngumiti rito kaya pakiramdam niya nawala lahat ng nararamdaman at iniisip niya. " Oo, wag kang mag-alala " pagtapik niya rito ng mahina sa ulo kaya ganon na lang ang ngiti nitong si Anika pagkwan naupo na din sila. " Hindi ko nga rin alam basta nagising na lang ako bigla sa hospital " Pagkukwento ni Paulo sa mga nangyari. " siguro napagod ka sa mga school stuff " tumango naman si Paulo sa sinabi ni Anika. " E bakit hindi ka makontak Dre? " Tanong pa rito ni Stell. " Ah naiwan kasi at saka dead bat. pasensya na at nag-alala pa kayo " " Okay lang yon pero dapat sa sunod iwasan mong nakapatay lalo na't kung may nangyari sayo " pag-inom nitong si Stell ng juice sa hinanda ni Lusin. " Oo Dre, salamat " pagngiti niya rito pagkwan sumilip ito sa labas bukas kasi ang pinto at tanaw rito ang kalahati sa bahay nila Carol. " NASAAN NA KAYA SIYA? TSK! NAPAKASAMA TALAGA PARA HINDI AKO DALAWIN BUTI PA ITONG SILA STELL " pagtingin nito sa dalawa pagkwan napansin nito ang balisa sa mukha ni Stell. " May nangyari ba? " " Kanina kasi sabi ni Carol maghihintay siya sa gate kaya lang hindi naman namin siya makita sa kanina kaya nauna na lang kami nag-aalala akong baka nandoon pa yon gayong wala siya rito, e usapan namin dito ang diretso namin " Ganon na lang din ang pag-aalala ni Anika sa sinabi nito. " sa tingin ko nasa kabilang bahay na siya at tinatamad lang magtungo rito, maliit ang pasensya non kaya paniguradong hindi talaga kayo hinintay " Sabi nito na may halong inis nang maisip na naman niyang hindi ito nagtungo sa kanya. At pagkatapus ng ilang minuto nagpaalam na din si Stell hanggang sa sinundan ito ni Anika ng dumating ang sundo niya. " Mag-iingat ka kung puwedi pagkarating mo etext mo agad ako " tumango naman ito kay Paulo habang balisa ang mukha nito na para bang may gusto itong sabihin " Bakit? " Tanong niya rito, mabilis naman itong umiling bilang sagot. " Sige aalis na ako, pumasok kana rin " pagtalikod nito. " Oo, hihintayin ko lang pag-alis niyo " sagot nito habang nagtataka pa rin sa mukha ni Anika at natigilan ito nang bumalik bigla rito ang dalaga. " Paulo... " Tingin niya rito sa mata " maaari bang kapag may nangyayari sayo sabihin mo saakin? " Napangiti naman siya sa sinabi nito, akala niya kasi ano ng sasabihin nito. " Oo, sa sunod___ " Hindi na nito natuloy ang sasabihin niya at gulat na gulat sa biglang pagyakap rito ni Anika. " Nag-alala talaga ako ng sobra kasi... " Paghigpit niya ng yakap rito para sa mga susunod niyang sasabihin " GUSTO KITA " mga salitang gustong gusto niyang sabihin pero ayaw bumuka ng bibig niya para rito habang nakayakap kay Paulo " sige uuwi na ako, pumasok kana rin " pagtingin niya rito habang nakangiti pagkatapus maging tood nitong si Paulo saka siya mabilis na sumakay sasakyan para umuwi. " Ahhhhhhh!!! Anong ginawa ko??! " Nahihiyang pagtingin rito ni Anika sa loob ng sasakyan " Paano na ako papasok nito bukas ahhhh!!! Nakakahiya, nangako pa naman akong walang gagawin tungkol sa nararamdaman ko sa kanya " paghawak nito sa magkabilang pisngi niya " Anika ano ba yon???? " Nahihiya niyang tanong sa sarili niya saka tuloyang sinubsob ang mukha sa may sasakyan kaya ganon na lang ang pagtataka ng driver niya, utak lang kasi nito ang nagsasalita kaya nawerdohan siya sa mga kakaiba nitong ikinikilos. Samantala tuloyan namang nagising si Paulo ng marinig niya ang paglarga nang sasakyan nila. " Ano ba yan bakit wala man lang akong nasabi " nahihiya nitong pagkamot sa ulo niya at bahagyang napahawak sa puso niya ng pakiramdam niya tumibok ito ng mabilis at ramdam nito ang luwag at saya ng bawat tunog nito. Pagkwan pumasok na din ito ng hindi man lang nalilingon ang bahay nila Carol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD