Kabanata 36

3524 Words
" Haist! ang tagal naman ng strawberry na yon!!! " Pagsipa nito nang mahina sa may pader habang naiinip " Kamusta na kaya si Paulo? Sana maayos na siya " bulong pa nito saka lumingon sa loob at natigilan siya ng makita si Stell. " Tsk! may kasama naman pala siya " asar nitong sabi ng malingon si Anika " At yang anak pa ni mama sa asawa niya " Pag-alis nito pero natigilan siya sa paglalakad ng sa may mga puno na siya ng may biglang humarang sa kanyang mga lalaki at bago pa siya makakilos mabilis itong hinawakan nong isa at may nilagay sila sa ilong nito na nagdala sa kanya para mawalan ng malay kaya mabilis nila itong sinakay sa loob at wala namang nakakita sa kanila dahil sa pagkakataong ito kunting istudyante lang ang nasa daan at hindi mo rin mapapansin ang nangyayari dahil natatakpan nila si Carol. DAHANG dahang nagmulat ng mata si Carol ng magising ito at nagising ito sa isang lumang bodega. " Haist! Wala naman akong nakaaway sa mga nakalipas na araw kaya paanong nandito na naman ako sa ganitong lugar " pag-upo nito ng maayos, Hindi kasi nila ito tinali o kahit na ano mang bagay na makakapigil rito tumakbo, sumigaw o kahit ano nakalimotan kasi nila ito at dahil na rin minamaliit din nila ito kung makakatakbo din ito mula sa kanila. " Mabuti naman at gising kana! " Napatingin naman siya sa lalaking tumayo sa harapan niya at nakilala niya agad ito kung saan ito yong lalaking naghahanap ng Santos. " Kung ganon ako talaga ang pakay ng mga ito? Kaya lang ano bang atraso ko sa kanila? " Paglingon pa nito sa mga kasamahan niya. " Makinig ka tatawagan namin ang boypren mo at wala kang ibang sasabihin kundi umiyak at humingi ng tulong " napatingin naman siya sa mga ito. " Boypren? Teka si Paulo ba ang tinutukoy ng mga ito? Pero bakit at saka paanong boypren ko siya? " Mga tanong nito sa isip niya. " Malaki ang atraso saamin ng boypren mo at ikaw lang ang paraan para makaganti kami sa kanya kaya pasensya kana doon, magpakabait ka lang at wala kaming gagawin sayo " Sabi pa niya rito. " Alam niyo wala akong pakialam sa mga iniisip niyo pero ang isiping may boypren ako?!! Hindi ako natutuwa doon! " Titig nito sa lalaki kaya ganon na lang ang takot nito " at sino ba yang walang kuwentang iniisip niyong boypren ko? " Paghawi nito sa buhok niya at umupo ng maayos kaya tuloyan ng napalayo rito ang lalaki sa takot, ang astig kasi nito. " Ano ba yang ginagawa mo babae lang yan!!! " sermon ng kasamahan niya sa natakot kay Carol. " Kapatid ka ni Josh hindi ba? Kaya walang dudang ikaw ang girlpren nang Ken na yon! " Napatingin sila rito ng tumawa ito ng malakas pero agad niya ring pinutol yon habang ang dilim ng awra. " MAKINIG KAYO, SA ORAS NA BANGGITIN NIYO PANG BOYPREN KO ANG MUKHANG MANOK NA YON LALAMONIN KO KAYONG BUHAY! " Masama nitong titig sa mga ito kaya ganon na lang ang takot nila sabay sabay nga silang napaatras pakiramdam nila nakarinig sila ng alolong ng aso, pass 5 na rin kasi. " Pero sige, tutulongan ko kayo total di ko rin naman gusto ang Suson na yon " napatingin naman sila ritong muli at kumalma " Magpapanggap akong girlfriend niya para makapunta rito pero kailangan Anika Santos ang sabihin niyong pangalan ko " " Anika Santos? Kung ganon hindi ka talaga kapatid ni Josh Santos? " Lapit nila rito. " Hindi ko alam! basta mali kayo ng dinala rito tsk! Pasalamat kayo may kailangan din ako sa Manok na yon " hindi naman sila nagsalita pa sa sinabi nito " kunan niyo ako ng litraro at ipadala sa kanya " tuwang tuwa naman sila sa sinabi nito pero natigilan sila sa sunod nitong sinabi " Pero syempre huwag niyong kunan ang mukha ko, iwasan niyo din makunan ang buhok ko dahil mababa ang buhok ni Anika Santos, ang katawan ko din dahil mas maputi siya saakin, at saka mas maganda ang uniform niya, pambabae ang bag kaya hindi niyo ako puweding basta bastang kunan ng litrato " natigilan naman ito ng makita niyang parang tood ang mga ito, yong ilan nga sa kanila nakanganga pa. " Sa dami ng sinabi mong bawal alin na lang ang kukunan namin ng litrato? " Napalunok naman sila ng tumingin ito ng masama sa kanila. " Alam niyo Bobo rin ako pero diko inakalang may mas bobobo pa saakin " pagkuha nito sa cellphone nila at kinuhan ng ilang parte ang uniform niya habang nakahighlight rito ang apelyedo sa ID niya. " Ayan esend niyo kay Suson kapag nagkaroon ng pake at naniwalang kay Anika Santos yan darating siya pero kung wala umuwi na tayo " pagcross arm nito, tumango naman sila rito. At pagkailang minuto tumunog din ang phone nila at kay Ken ito galing. " MGA TARANTADO!!! PAKAUSAP AKO KAY ANIKA!! " bungad nito agad kaya napangiwi sila sa lakas ng boses nito. " Hoii!! Ken Suson baka nakakalimotan mong nandito ang girlfriend mo kaya wala kang karapatan utosan kami! tsssst! kung gusto mo siyang makita pumunta ka diyan sa lugar na tenext namin at wag kang magsasama alam mong kahit babae hindi namin pinapalampas lalo na kung may ugnayan sayo! " Pagputol nila sa linya kaya Ganon na lang ang inis at pag- aalala ni Ken. " TSK! AYAW NIYANG IBIGAY ANG ID NI JAMPAWLO KAYA TAMA LANG ANG GINAWA KO PARA BAWIIN YON AT SAKA PARA MATURUAN NA DIN NG LEKSYON " Pagtingin nito sa mga lalaki sa loob " lima pala silang lahat " pagbilang niya sa mga ito " Hindi naman siguro nila mapapatay ang isang yon " pagka-usap nito sa sarili niya pagkwan sumagi sa isip nito si Paulo. " si Jampawlo nga pala... " Bulong nito at nakaramdam ng pag- aalala. " Ano bang kailangan mo sa Ken na yon? " Tanong rito ng isa sa mga lalaki. " Wala ka nang paki don! " Napalunok na lang ito sa sinabi ni Carol saka lumayo rito " Sandali, lima lang ba kayo? sa tingin niyo ba kaya niyo ang Ken na yon? " " Wag kang mag-alala kapag dumating siya tatawagan ko rin ang boss namin " pagngiti nila rito. " Tsk! Hindi naman ako nag-aalala sainyo, feeling ka rin eh! " Natawa naman ito sa tabas ng dila ni Carol. At pagkalipas ng ilang minuto dumating na din si Ken at patakbo itong pumasok akala mo si Superman na dumating at diretso ang paghahanap kay Anika. " Nasaan siya?! " Sigaw nito " kapag may ginawa kayo sa kanya ililibing ko kayo ng humihinga____? " Paglaki nang mata nito ng umalis ang mga lalaki sa harapan ni Carol. " Te-teka?!!! Carolin?!!! Ba-bakit ka nandito?!!! " Hindi nito makapaniwalang tanong habang halos lumuwa na ang mata pagkwan tumayo ito at naglakad sa harapan niya. " Sandali!? Siya ba ang sinasabi niyong girlfriend ko?!!! " Hindi pa niya makapaniwalang tanong saka nito sinundan ng malakas na pagtawa pero napangiti na lang ang mga ito nang maisip nilang pareho sila ng reaction ni Carol " Pambihira bahala na kayo sa gusto niyong gawin diyan! " Pagtalikod nito pero natigilan siya ng makita niyang nakasara na ang pinto " Haist paano nga bang naniwala ako agad! " Naaasar niyang paghawak sa ulo niya. " Uto uto ka rin pala " napalingon naman agad siya kay Carol habang nagtatabingi ang bagang niya sa asar rito. " Tsk! umamin ka nga may gusto ka ba saakin Carol? Aba! feel na feel mo ata ang paggamit sa pangalan ko bilang boypren mo para mapuntahan ka rito " katatapus lang nito magsalita ng tamaan siya sa bibig ng suntok pero hindi naman ganon kalakas " ARAAAAY! BAKIT KA NANUNUNTOKK?! IKAW NA NGA ITONG ILILIGTAS KO TAS MAY GANA KA PANG MANAKIT " " Hoy Suson! pinapunta kita rito hindi para makita yang pagmumukha mo at lalong hindi ko kailangan ang tulong mo! " Titig niya rito. " E ganon naman pala eh kayang kaya mo sila e bakit pinapunta mo pa ako rito? " Agad itong napakunot ng noo nang ilahad rito ni Carol ang kamay niya " tsk! At talagang pati rito?! Teka! wag mong sabihing kaya ako nandito dahil lang sa ID nang Paulo na yon? " Tumango lang ito sa kanya kaya mas lalong umusok ang tenga at ilong nito sa inis " Manigas ka hindi ko yon ibibigay! " pagsnob niya rito. " Alam kong kayang kaya mo silang lima pero alam mo bang may back up pa ang mga yan!? " Napatingin naman siya ritong muli " Kung ibibigay mo saakin yong ID, tutulongan kitang makaalis rito pero kung ayaw mo hihintayin ko na lang na mabugbog ka nila saka ko hahanapin sa bag mo ang ID niya " galing pa kasi itong school si Ken kaya nakabagback ito. " Carollin'!!!!! " " Ano? " Paglalahad lang nito sa kamay niya. " Pagkalabas natin! " " Tsk! kung ganon ayaw mo? Sige! " Paglalakad nito pero mabilis din siyang sinundan nito. " Tsk! Naaawa ako kaya ko ibibigay sayo " paglalahad niya rito kitang kita naman niya ang pagliwanag ng mga mukha ni Carol. " O paano tayo lalabas? " Natigilan ito ng maglakad na lang ito pero bago pa niya ito masundan bigla siyang tinawag nong tatlong lalaki. " Ngayong tapos na siya sayo kami naman pero syempre hintayin muna natin ang totoong gustong makakita sayo para mas masaya " ngisi nila rito. " TSK! BAKIT BA AKO NANIWALA SA CAROLLIN' NA YON! " pag- aayos nito sa damit niya para maghanda sa puweding mangyari pero agad silang napatingin sa may pinto ng makita nilang nakahandusay sa sahig yong dalawang lalaking nakabantay sa pinto habang nakadapo pa rin ang paa ni Carol sa tiyan nong isa, Hindi naman kasi sila ganon kalalaking lalaki hindi naman kasi sila mga mafia gang, mga grupo lang sila ng mga pasaway na estudyante kaya hindi ganon kalalakas ang stamina. " BAHALA KANA! " sigaw nito at binuksan ang pinto. " Baliw talaga hindi man lang nagsabi " pagtakbo ni Ken pero mabilis itong yumuko ng lumipad yong inuupuang plastic ni Carol kanina at dahil nakaiwas si Ken kaya kay Carol ito tumama at deretso siyang napayakap sa sahig ng sa may binti niya ito tumama pakiramdam kasi niya nakoryente siya sa sakit nong tumama ito sa binti niya. " TRAYDOR KA!!! " takbo ng mga ito sa kanila. " Ang kukulit niyo rin " pagbalik sa kanila ni Ken at mga ilang palitan ng kamao lumampasay na ang mga ito " SA SUNOD NA MAKITA KO KAYO PANIGURADONG HINDI LANG YAN ANG AABOTIN NIYO " babala niya sa mga ito saka nagtungo kay Carol. " Napaka lampa mo naman pala eh " pag-alalay niya rito pero pinalo nito ang kamay ni Ken. " Tsk! di porket tinulongan kita iisipin mo nang gusto na kita! " Pilit nitong pagtayo. " Haist! Ikaw na nga itong tutulongan maarte ka pa at saka para namang gusto rin kita " pagsunod niya rito. " Hoy hindi ka puweding lumabas! Darating pa si Boss!!! " Sigaw ng mga lalaki rito pero hindi na niya pinansin ang mga ito. " Haist late na pala ako nang uwi " mabilis nitong pagtungo sa motor niya pagkwan nakita nitong nasa may gilid ng kalsada si Carol. " Hoiii! walang sasakyan rito kaya halika na bago pa kita iwan " pagtungo niya rito " Tsk! isipin mong kabayaran ko na lang sa pagtulong mo saakin kahit kasalanan mo bakit ako nandito " dugtong nito nang tumingin lang ito sa kanya at dahil napansin din ni Carol na wala talagang nagagawi ritong sasakyan kaya sumakay na din siya at saka baka maabotan pa sila nong sinasabi nilang boss nong mga lalaki. " Alam mo hindi kita type kaya wala akong paki kung mahulog ka pero panigurado saakin ka itatanong ng pamilya mo kaya humawak ka ng mabuti saakin at saka ayaw kong masira ang image ko kay Anika " Sabi nito kay Carol nang hindi ito humahawak sa kanya. " E kung sabay tayong mahulog rito? " Agad namang huminto si Ken sa sinabi nito alam niya kasi paano tumakbo ang utak nitong si Carol. " Wag kang gagawa ng mali tsssst! marami pa akong pangarap! " Lingon niya rito bigla pero natigilan siya ng makita niyang ang sama ng hitsura nito habang nakatingin sa paa niyang tinamaan kanina " alis na tayo ulit, humawak ka! " mabilis nitong pagpapatakbo pero yong subrang ingat estedi lang ito nang direksyon dahil alam niyang nasasaktan ito habang nasisilip niya sa side mirror. " Sandali Suson hindi diyan ang daan saamin " pagtukoy nito sa dinaanan nito. " Kung ihahatid pa kita sainyo hindi ako makakarating sa tamang oras tssst! tumawa ka kung gusto mo pero may schedule si Lolo sa klase ko kaya nakabantay siya palagi sa pag-uwi ko para siguradohin daw na hindi ako masasangkot sa ano mang away kaya panigurado kapag nalate ako paparusahan ako nun " mahaba nitong paliwanag hindi naman nagsalita pa si Carol pagkatapus maisip si Paulo at ang nararamdaman niyang sakit sa paa niya kaya wala na ito ganang mang-asar. " Dumating na tayo " paghinto ni Ken pagkatapus ng ilang minutong byahe nila at natigilan ito ng walang sasakyang dumadaan kina Ken. " Saan ang sakayan rito? " Pagtatanong nito agad. " Malayo at hindi mo naman kayang maglakad kaya halika na sa loob " pagbibigay nito sa driver sa susi ng motor niya at helmet nito. " Hoiiii!!! Ken Suson! Hindi ko alam anong iniisip mo pero sabihin mo saakin ang tungo pauwi! " Sigaw niya rito kaya sabaysabay namang napahawak sa tenga ang mga nakarinig ritong kasambahay ni Ken. " Haist! Ang tigas nang ulo mo! " Nakukulitan niyang tingin rito " Ayan! " pagturo nito sa daan " Diretso ka lang diyan at makikita mo pero sa unahan pa " pagcross arm nito at tiningnan ito at napa-iling na lang ito ng nakakailang hakbang pa lang si Carol ay natumba ito. " Mas matigas pala ang ulo nito sa iniisip ko eh " pagtungo niya rito " Dito ka muna sa bahay! pasensya kana pero hindi kita maihahatid sainyo gabi na at may curfew dito sa lugar namin kung ipapahatid kita baka hindi na makauwi rito ang maghahatid sayo " Sabi nito habang nakatayo sa harapan ni Carol " Dito kana muna matulog " dugtong nito " Wala akong interest sayo kaya Wala kang dapat ipag-alala " dugtong pa niya. " si Jampawlo sa tingin mo okay na siya? " Natigilan naman ito sa biglang tanong ni Carol " Kung binigay mo sana yong ID niya saakin noon edi hindi na kinailangan pa mangyari ang mga naganap ngayon " naaasar niyang tingin rito " edi sana naka-uwi na ako! " Paninisi niya rito. " Haist! Nag-aalala ka doon? Bakit ano bang nangyari sa kanya? Di bale Hindi ako interesado pero sa tingin ko maayos na yon at saka matalino siya kaya paniguradong alam niya paano alagaan ang sarili niya hindi tulad mo " pagtingin nito sa paa ni Carol at ganon na lang ang gulat nito nang yumuko ito at naramdaman niya ang mga braso nitong humawak sa mga legs niya at katawan niya pagkatapus siya nitong buhatin. " At anong ginagawa mo?!!! " Sigaw nito agad. " Haist! Wala akong balak pakiusapan ka rito buong magdamag na tumuloy sa bahay kaya dadalhin na lang kita sa loob kaya puwedi magpasalamat kana lang at binubuhat ka ng tulad ko tssst! Wala pa akong nagagawan nito para sa kaalaman mo! " " Tsk! bakit naman ako magpapasalamat e hindi ko naman sinabi sayo at lalong hindi ko gusto! " At dahil sa sinabi niya kaya pabagsak niya itong nilagay sa sofa. " Good evening Sir Ken " paglabas ng katulong " Hindi daw po ngayon makakauwi si Sir " dugtong nito agad kaya nakahinga naman ito ng maayos pagkatapus maisip na hindi makikita ng Lolo niya itong si Carol " Napilitan lang akong ipasok kaya wala kayong dapat na isipin " Sabi nito sa mga katulong na tumingin kay Carol " Ipaghanda niyo kami ng pagkain " Utos nito at ganon na nga ang nangyari at pagkatapos non dinala niya ito sa kwarto niya. " MAKINIG KA! WALA DITO YONG NAMAMAHALA NITONG BUONG BAHAY KAYA WALANG NAKAKAALAM KUNG NASAAN YONG SUSI NG IBANG KWARTO KAYA DITO KANA LANG MUNA, DI BALE DIYAN KA SA SOFA! " Sabi nito hindi naman umimik pa si Carol at naupo sa may sofa ni Ken sa kwarto nito kasyang kasya naman siya pero hindi pa rin maipenta ang mukha niya dahil sa nararamdaman nitong sakit sa paa niya at sa pag-iisip nito sa kung ano nang nangyari kay Paulo. " Kumot mo! " Pagbibigay rito ni Ken, tahimik naman niya itong inabot at nahiga saka pumikit kaya nanibago bigla rito si Ken sa pananahimik nito ng walang kareklamo reklamo. " MASAKIT PA RIN BA ANG PAA NIYA? O DAHIL SA PAULO NA YON KAYA SIYA NANANAHIMIK? SUS! PUPUSTA NAMAN AKONG HINDI PA YON MAMAMATAY NGAYON KUNG SAKALI MANG NAGDEDELERYO " pag-iisip nito habang nakatingin kay Carol. " Isang segundo ka pang tumingin saakin dudukotin ko mga mata mo " napalunok naman si Ken at mabilis na umalis sa harapan niya saka nagtungo sa banyo para maligo. Pagkalipas nang ilang minuto lumabas na rin itong banyo at nakita niyang mahimbing nang natutulog si Carol habang nakabag pa rin. " Ibang klase talaga ang isang ito " pagtungo niya rito at dahan dahang tinanggal ang bag nito sa isa niyang brasong tanging kinakapitan nito. " Kapag ito nagising baka nga maging bulag na ako " bulong pa nito habang maingat na kinukuha ang bag at nagtagumpay naman ito saka tumayo para iwan ito pero mabilis din itong napaupo at nasalo ang ulo ni Carol ng bigla itong gumalaw at nahulog buti na lang nasalo niya ito para hindi maumpog sa sahig. " Ay pambihira kahit naman pala tadtarin mo siya hindi pa rin ito magigising " Sabi nito habang hawak hawak ang ulo nito pero natigilan siya ng matitigan niya ang mga mukha nito. " Tssssst! may hitsura din pala ang Carollin' na 'toh " pagmamasdan niya rito at natigilan siya ng bumaba ang tingin niya sa labi nito " Magaganda rin ang labi niya " titig niya pa rito at pakiramdam niya may magnet ritong humihila palapit sa labi nito. " ar....ray " tuloyan na siyang nagising ng bumuka ang bibig ni Carol sa mga salitang yon kaya mabilis niya itong hiniga sa may sofa at nagtungo sa kama niya. " BALIW NA BA AKO?! " pagtalikod nito rito ng higa at pilit na natulog pero napamulat itong muli ng marinig na naman nito si Carol " Aray.... " Nasasaktan nitong sabi kaya bumangon ito at lumapit rito at nakita niya itong ang sama ng pagkakapikit. " Yong paa niya siguro " pagsilip nito sa binti ni Carol at namamaga nga ito " Nasaktan pala talaga siya " pagtayo nito at lumabas saka kumuha ng yelo at basahan saka niya pinahid at nilagay sa binti nito at noong matigil ito sa karereklamo sa nararamdaman niyang sakit nilipat niya ito sa kama niya at sa may sofa siya natulog. " Ngayong gabi lang naman " pagpikit nito pero hindi siya dalawin ng antok sa tuwing bumabalik rito yong muntik na niyang gawin kanina " Nabigla lang ako non " bulong nito pagkatapus uminom ng tubig. Samantala nagising namang hating gabi si Paulo pagkatapos makaramdam ng pagka-uhaw. At natigilan ito sa pagbalik sa kwarto niya ng malingon niya ang pintuan. " Tsk! ang Carrrrrol na yon hindi na talaga siya pumunta rito " pagpunta nito sa pinto at binuksan ito saka tumingin sa bahay nila Carol at natigilan siya ng mapansin niyang nakabukas ang ilaw sa buong kabahayan " Kung ganon nakalimotan na naman niyang patayin ang mga ilaw wala kasi si Lola para paalalahanan siya " bulong nito saka napangiti ng maisip ang kapasawayan ni Carol saka tumalikod pero natigilan siya at humarap muli ng mahagip ng mata niya ang pinto ng bahay nang mga ito kung saan nakalock ito. " Teka! Hindi ba siya umuwi? Kung ganon kaninang umaga pa pala nakailaw ang buong bahay nila at wala talaga siya diyan " pagsasalita nito " Pero nasaan siya? Umuwi ba siya sa kanila? Pero imposible yon pinipilit nga lang yon umuwi kaya bakit siya uuwi " pag-iisip nito " Kung ganon puwedi bang may nangyari sa kanya kaya Hindi siya nakapunta rito? " Nakaramdam siya bigla ng pag-aalala sa naisip niya " Pero imposible naman yon napaka tapang niya kaya walang magtatangkang manakit sa kanya " pagpalalakas din nito sa loob niya para hindi ganon mag-alala pagkwan naisip nito ang mga lalaki na naghahanap ng Santos kaya hindi na ito dinalaw pa ng antok sa pag-aalala kung nasaan nga ba si Carol pagkatapus niya itong hindi makontak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD