NAPABANGON bigla si Ken ng masagi niya ng mata si Carol habang nakatayo ito sa harapan niya.
" SAAN ANG BANYO MO?! " tanong nito agad mabilis naman niyang itinuro rito habang inaantok pa rin pagkwan umalis ito para magtungong rito pero mayamaya bumalik din ito.
" SAMAHAN MO AKO! HINDI KO MAHANAP! "
" Tsk! Hindi ba puweding makiusap ka? Nang uutos ka diyan eh tssst! at saka bakit ba nakabag back ka pa rin? " pagbangon nitong muli pagkatapos niyang mahiga kanina.
" Wala kang paki! Ituro mo na lang kasi! " Pagpipigil nito sa ihi niya habang naaasar.
" Wag kang sumigaw! " Sigaw nito.
" ANG INGAY MO EH! " sigaw din nito.
" Haist! Sumunod ka na nga saakin " tinatamad nitong maglakad, tahimik naman siyang sumunod rito " Pumasok kana " pagbukas niya pa rito sa pinto ng makarating sila sa banyo.
" KAYA KONG BUKSAN! " Pagpasok nito at pagkatapos nang ilang minuto lumabas na din ito habang nakasandal pa rin si Ken sa may tabi ng pinto at nakapikit.
" SALAMAT! " Sabi lang nito ng malingon niya ito saka naglakad para umuwi.
" Teka! Saan ang punta mo? At saka okay na ba yang paa mo? " Pigil niya rito.
" Ano bang paki mo tssst! uuwi na ako, ang pangit ng bahay mo! " Paglalakad nitong muli kaya ganon na lang ang pagpipigil nang inis nitong si Ken.
" Hoiii Carollin' 4:00am pa kaya wala kang masasakyan pauwi sainyo at tulog pa ang mga driver rito kaya walang makakahatid sayo pauwi! " Naaasar niyang sabi rito kaya natigilan ito maglakad.
" Antayen mo munang 5am saka ka umuwi " pagtalikod nito at bumalik sa kwarto niya " haist! Hindi marunong magpasalamat " paghiga nito " e sabihin na nga nating nagpasalamat pero bakit kailangan may kasamang lait " pagpikit nito pero hindi na siya dalawin ng antok habang naiisip si Carol " Bahala siya kung umuwi na siya " pagbangon nito para maligo pero napansin na lang nitong nasa may sala siya habang hinahanap si Carol at nakita niya itong kumakain ng lollipop habang halatang naiinip sa paghihintay na mag 5am.
" Bata ba siya para maglollipop ng ganito kaaga?! " pagtungo nito sa isang katulong at sinabing maghanda ng almusal para kay Carol saka ito nagtungong banyo para maligo. AT PAGKATAPOS non lumabas na din siya at nag-almusal pero si Carol hindi rin nito ginalaw ang pagkain niya.
" Yong tungkol sa paa ko, salamat! " Sabi nito bigla ng hindi tumitingin kay Ken.
" Sus! Wala naman akong ginawa " pagkain nito pagkatapos itanggi ang paggamot nito sa paa niya.
" ALAM KO PERO DAHIL DOON SA KAMA MO AT PAGKAKAHIGA KO NG MAAYOS KAYA SIGURO HINDI NA GANON KASAKET " ganon naman ang inis nito sa sinabi ni Carol pagkatapos niyang maisip ang paggamot rito na hindi man lang naisip ni Carol.
" Tsk! Kusa kang pumunta sa kama ko at wala akong balak tabihan ka kaya sa sofa na lang ako natulog " tanggi na naman nito sa pagbuhat niya rito papuntang kama.
" Alam ko! " Ani Carol kaya ganon na lang ulit ang asar niya sa sinabi na naman nito.
" WALA TALAGANG UTAK ANG ISANG 'TOH TSSSST! ANONG AKALA NIYA ILILIPAD SIYA NG SOFA PAPUNTA SA KAMA KO? HAIST!!! " pagkain nito ng may panggigil sa tinapay.
" Sabi ni Paulo nags'sleep walk ako kaya baka ginawa ko na naman " natigilan naman ito sa sinabi niya at tumingin rito.
" ANO?!! KUNG GANON NATUTULOG TALAGA KAYONG MAGKASAMA? " Hindi nito makapaniwalang tanong " Huh?! Sa bagay napunta nga sa kanya ang pantalon mo kaya walang nakakapagtaka doon " pagsubo pa nito habang may halong pang-aasar pero natigilan siya sa pagnguya ng makita niyang ang sama ng tingin rito ni Carol.
" BAKA WALA KA NANG BALAK KUMAIN PA NG ALMUSAL ULIT?! " makahulogan nitong sabi kaya napalunok bigla itong si Ken pero pilit niyang tinago yong naramdaman niyang takot sa banta nito.
" Tsk! totoo naman ah! " pagpapanggap pa nitong hindi takot.
" ISANG PAGPUPUMILIT MO PA HULING HIGOP MO NA YAN NANG KAPE " tuloyan naman siyang nanahimik sa sinabi nito pagkatapos hawiin ni Carol ang buhok niya senyales na hindi na nga ito natutuwa. PAGKWAN nag 5am na din kaya naglakad na ito palabas at ganon na lang ang inis niya ng sumunod rito si Ken pero pilit niya itong hindi pinansin.
" Ihahatid kita "
" At bakit mo naman gagawin? " Paglalakad pa nito.
" Malayo kasi ang sakayan dito saamin "
" Hoy Ken! Kaklarohin ko lang ah, pinapunta kita kahapon para ibigay mo ang ID ni Jampawlo at hindi para mapilitang matulog rito at makipag kaibigan sayo tssst! makinig ka! hindi kita gusto, okay?! " pagtalikod nito kaya ngayon si Ken na naman ang nagpipigil ng asar kaya ayon bumalik ito sa loob.
" HUH! ANONG KLASING TAO ANG CAROLLIN' NA YON TSSSST! SIYA NA NGA ITONG PINAPAKITAAN NG KABUTIHAN ABA! PARANG KASALANAN PA ANG GINAGAWA KO SA KANYA AH! " pag-upo nito at hinubad ang uniform niya " TSK! 'KALA MO NAMAN TYPE KO DIN...? " pagkunot noo nito. At dahil matigas nga ang ulo ni Carol muling sumakit ang mga paa niya dahil sa paglalakad nito patungong sakayan na ayon nga kay Ken malayo ito pero hindi naman niya ito iniinda habang naiisip ang kalagayan ni Paulo, sa totoo niyan kanina pa niya ito inaalala.
" KAMUSTA NA KAYA SIYA?! " pag-iisip pa nito " Bakit kasi ang layo ng sakayan rito " pagmamadali nitong maglakad pero agad itong gumilid ng may tumunog na sasakyan sa likod niya.
" Tsk! Ang lawak lawak ng daan sa likod ko pa sumunod " paghawi nito sa buhok niya saka nilingon ang sasakyan at napataas ito ng isang kilay ng huminto ito at nakita niyang naka-upo sa loob si Ken habang diretso ang tingin sa unahan at nakacross arm akala mo emperador na naka-upo.
" Kung magmamaka-awa kang sumakay baka maawa din ako at pasakayin ka_____ " natahimik itong si Ken ng malakad muli itong si Carol " ABA ANG BASTOS TALAGA NG CAROLLIN' NA YON!!! HAIST! KUNG DI LANG AKO NAAAWA___! " Pagpigil nitong sumigaw ng lumingon rito ang driver niya " hmmmh! " Pag-ubo nito bahagya " sundan mo siya at banggain! "
" Sir Ken seryoso kayo? " Nanlalaking mata nitong tanong.
" Syempre nagjojoke lang ako pero kung walang kaso ang pumatay kanina pa yan saakin tapus!!! " Tingin pa nito kay Carol habang nakahinto pa rin sila.
" E bakit niyo po ba kailangan pa siyang ihatid? " Natigilan naman sandali si Ken sa tanong nito.
" Kapatid siya ni Anika at malayo ang sakayan, Ganon lang! " Malakas nitong sabi " Oo, Ganon yon!!! " Sigaw pa niya.
" Okay... " Hindi pa nito naniniwalang sagot saka pinalarga ang sasakyan.
" Nang-aasar ka ba? " Madali naman itong umiling habang itinatago ang mga ngiti nito pagkwan natapat na naman sila kay Carol.
" HOIIII CARROLIN' SINO KA BA SA AKALA MO PARA MAGPAPILIT? TSSSSST! SASAKAY KA O SASAKYAN SASAKAY SAYO?! " sigaw niya rito sa bintana pagkatapos ilabas ang ulo niya rito napapikit nga itong si Carol sa subrang lapit nito para sumigaw kaya katatapus lang niya magsalita tumama ang palad ni Carol sa noo niya at sa lakas non napabalik ang ulo niya sa loob at magsasalita pa sana ito pero sumakay na si Carol.
" WAG KANG MAINGAY! " Sabi nito bago pumikit kaya hindi na nga gumawa ng ingay itong si Ken at dahil wala masyadong sasakyan at mabilis magpatakbo ang driver ni Ken mabilis silang dumating kaya hindi ganong nahilo si Carol.
" Salamat! " Pagbaba nito nang makarating sila.
" Saan ang sainyo? " Tanong pa rito ni Ken pero hindi na ito sumagot at naglakad patungo sa kanila Hindi na kasi niya ito pinapasok sa mismong tapat ng bahay nila.
" Mabuti na lang hindi na naman ako gaanong nahilo " pagpalo nito sa dibdib niya dahil sa naramdaman niyang pagsama ng sikmura nang kunti.
" Dapat kasi bumili ka ng gamot para sa hilo! " Agad itong napalingon sa likod niya ng marinig nito si Ken.
" At bakit nakasunod ka na naman saakin? " Pagharap niya rito " Hoiii Suson!!! Iniisip mo ba talagang puwedi kitang makasama kahit saan? Lumayo ka nga! " sigaw pa nito ng maglakad lang itong si Ken parang hindi nga siya narinig.
" Wag kang feeling nagkataon lang na isa tayo ng dadaanan " paglalakad pa niya kaya tumahimik na din itong si Carol at sumunod rito. Hindi nagtagal dumating sila at natigilan itong si Ken ng biglang tumakbo itong si Carol tungo sa gate nila Paulo.
" Araay " pagdaing nito ng sumakit ang paa niya.
" Sabi kasing sumakay sa sasakyan kanina nagpasikat pang maglakad at saka bakit kailangan pang tumakbo? " Paghinto nito at pinagmasdan ang bahay nila Paulo pagkwan bumaba ang tingin nito kay Carol ng dahan dahang naglakad patungo sa bahay nito.
" Ano na namang nangyayari sa kanya? " Nagtataka niyang tingin rito ng humarap ito bigla sa kanya at bahagyang inayos ang buhok niya na para bang hindi siya nakita nito saka mabilis na naglakad sa loob at susundan sana niya ito pero nakita nito sa loob si Paulo.
" BAKIT NGAYON KA LANG? " Ani Paulo " OKAY KA NA BA? " Ani Carol na halos sabay silang nagsalita.
" Oo, e ikaw bakit ngayon ka lang umuwi? Saan ka ba nagpunta? Sandali yong naghahanap ng Santos ikaw ba talaga ang pakay ng mga yon? Sila ba ang dahilan kaya hindi ka nakauwi? At saka bakit ganyan ka maglakad? Anong nangyari sa paa mo? " Sunod sunod niyang tanong rito habang nag-aalala pagkatapus nitong mapansin ang paglalakad ni Carol.
" Okay lang ako " tipid lang nitong sagot " Ikaw? " Hawak niya rito agad sa noo at napangiti siya ng mahawakn niyang maayos ang pakiramdam nito.
" Mabuti naman "
" E ikaw ano bang nangyari sa paa mo? "Nag-aalala niyang tingin rito pagkwan inangat ito ni Carol at tiningnan din.
" Wala 'toh " Hindi niya nababahalang sabi rito pagkwan may kinuha ito sa bag niya " Nga pala! " Pagbibigay niya rito sa ID habang kita sa mukha nito ang tuwa.
" Paanong nakuha mo ito? At saka saan mo nakuha? " Hindi niya makapaniwalang tingin rito.
" Kay Ken! binigay niya saakin " masaya niya pang sabi rito kaya agad ritong napatingin si Paulo.
" Sandali, kaya ba ganyan yang paa mo dahil dito? " Pagtukoy niya sa ID " Diba sinabi ko na sayong nagpagawa na ako? Tsssst! Bakit ba ang tigas ng ulo mo? At bakit ba parang tuwang tuwa ka pa kapag nasasaktan ka? " Naghahalong inis at pag-aalala niyang sabi rito habang nakatingin rito si Carol na para bang masaya pa sa nangyari sa kanya " At saka kilala mo naman si Ken, Hindi kayo magkasundo... "
" Dapat kasi sabihan mo ang girlfriend mo! " Napatingin naman si Paulo sa biglang pagsasalita ni Ken pagkatapus pumasok nang marinig niya ang pangalan niya kaya ganon na lang ang pagtataka niya " Napaka immatured niyang girlfriend mo tama ba namang makipagsabwatan siya sa mga lalaking yon para lang diyan sa walang kwenta mong ID " naitindihan naman agad ni Paulo ang ibig nitong sabihin kaya agad itong tumingin kay Carol kaya nakangiti itong parang tanga sa kanya.
" ano bang ginawa mo na naman kahapon? " At dahil hindi naman nagsisinungaling si Carol kaya kinuwento niya rito kaya ganon na lang ang asar rito ni Paulo.
" Haist! Dahil lang sa ID nakipag sabwatan ka sa mga yon tas tinraydor mo rin? Di mo ba naisip na puwedi kang madamay ngayon sa away ng mga yon at ni Ken? " Umiling naman ito bilang sagot.
" Wala naman akong pakialam sa away nila basta ang akin lang makuha ang ID mo " inosente pa nitong sabi na para bang hindi nag-aalala sa sinabi ni Paulo.
" Haist! Palibhasa kasi palaaway ka rin kaya ka ganyan mag-isip " naaasar niyang tingin rito.
" IBIG SABIHIN NASISIGAWAN NG PAULO NA 'TOH ANG BABAENG ITO? " pagmamasdan pa sa kanila ni Ken " Hindi siya takot? " Pamamakialam pa niya sa usapan ng dalawa habang nag-uusap ang mga 'toh.
" Tsssst! proud ka pa! " naasar niyang tingin sa pananahimik ni Carol sa pagsermon niya rito habang nakangiti " at saka saan ka naman natulog? " Agad namang napatingin si Ken kay Carol ng ituro siya nito.
" Kay Ken? " Tanong pa nitong si Paulo kaya mabilis na pinalo ni Ken ang daliri ni Carol.
" Baliw ka ba?! Hoiiii Carollin' hindi mo puweding sabihin kahit kanino na saakin ka natulog! Nag-iisip ka ba?! " Sigaw nito at katatapus lang niya magsalita ng tumama ang kamao nito sa dibdib ni Ken at napatras ito sa sakit kaya si Paulo nanahimik na lang din.
" TEKA! ANG LAKAS NAMAN NON! " sigaw nitong si Ken habang masama ritong nakatingin.
" Kanina pa ako nagtitimpi sa manok na yan! " Sa isip nito sabay hawi sa buhok niya at huminga ng malalim pagkatapus maisip ang paulit ulit na pagsabi ni Ken sa girlfriend ito ni Paulo kanina hindi siya naiinis kundi nahihiya siya kay Paulo kahit hindi naman niya yon pinansin.
" Sige Jampawlo maliligo na ako tas sabay tayong pumasok " pagtingin niya rito kaya napatango na lang siya habang naiisip pa rin yong pananaket nito kay Ken pagkwan tumalikod itong si Carol pero natigilan siya ng tawagin ito ni Paulo at lumapit rito kahit kinakabahan.
" Ano? " Nagtataka niyang tingin rito.
" Ano, kasi Carol ta-tama si Ken " agad pumikit itong si Ken ng humarap rito ng tuloyan si Carol pero napadilat din siya nang wala itong ginawa " Hindi tamang ipagsabi mo kahit kanino na natulog ka sa iba lalo na kung lalaki ang kasama mo " paliwanag rito ni Paulo.
" Wala namang masama doon, Isa pa ayaw kong magsinungaling at saka anong sasabihin ko? " Inosente pa nitong tanong.
" Kasi Carol babae ka tas lalaki si Ken so alam mo naman isip ng tao tungkol sa bagay na yan diba? Ang makulong ang lalaki at babae sa isang kwarto? "
" Hindi naman kami nakulong dahil pinapasok niya ako at isa pa malabo naman yon dahil kay Anika Santos siya may gusto " lingon nito kay Ken kaya bigla itong nagising sa sinabi ni Carol sa gusto niya " Tsaka nakatulog din naman ako sa kwarto mo at saka tsssst! pag-may ginawa siyang masama saakin dudurogin ko kahit kahulihulihang bolate sa katawan niya! " Lingon rito ni Carol.
" Aba! Bakit ako lang dudurogin mo? Tsk! Nakatulog ka rin sa kwarto niya diba? Kaya dapat isali mo siya " naaasar ritong sabi ni Ken pagkwan lumingon ito Kay Paulo.
" Tsssst! Lumabas na nga kayo at maliligo na ako! " Pagtalikod nito pagkwan naglakad na din si Paulo paalis pero natigilan siya ng tawagin Ito ni Carol.
" Teka, Sandali! " Lumingon naman siya rito.
" O bakit? " Napatingin siya sa paglahad nito sa kamay niya at may balat ng lollipop " Ano naman yan? "
" ito lang ang kinain ko ngayon kaya bigyan mo ako sa almusal mo " napailing na lang rito si Paulo.
" Akala mo naman mabait, eh palagi kang nakikikain sa bahay ng walang paalam " Sabi niya rito habang nakangiti na may halong pambubully " Dadalhin ko ba sayo O sa bahay ka kakain? "
" Sabay tayo! " Pagtalikod nito at naglakad na sa loob para maghanda maligo kaya umalis na din si Paulo. AT PAGKATAPUS nga nitong maligo agad itong lumabas at natigilan siya ng nandito pa rin Ken.
" NANDITO KA PA RIN? HOYYY SUSON!! " naaasar niyang tanong rito habang nakapamaywang sa harapan niya habang nakaupo ito sa labas ng bahay nila.
" Tsk! Akala mo naman gusto kitang nakikita " pagtayo nito " Hoiii Carol Santos!!! sa bahay ka natulog kaya panigurado nalaman na ni Lolo yon kaya hindi niya ako puweding maabotan sa bahay dahil paniguradong magtatanong yon at Wala akong balak ipakilala ka sa kaniya o ipaliwanag! " Naaasar nitong sabi
" TSK! SI ANIKA DAPAT IPAPAKILALA KO EH PERO NAUNA KA PANG MAKATUNTON SA BAHAY! " paglalakad nito palabas.
" E bakit kailangan mong bumuntot saakin? Puwedi ka namang mauna na sa school! "
" UNA, AYAW KO! PANGALAWA, MATAGAL PA ANG KLASE NAMIN! AT ANG PANGATLO KASALANAN MO KAYA KAILANGAN KONG PUMASOK NG MAAGA KAYA BUBUNTOT AKO SA AYAW AT GUSTO MO! "
" Puwes ayaw ko nang aso kaya bahala ka sa buhay mo! " Paglalakad nito sa bahay nila Paulo at dahil si Lusin ang nagbukas pinapasok na din nito si Ken pagkatapus malaman ang apelyedo nito at sinabi rin kasi ni Paulo na kaibigan niya. At dahil nakikain ang pakay ni Carol napilitan ding sumalo sa kanila si Ken pagkatapus itong pilitin ni lusin at pagkatapos non sabay sabay na din silang pumasok.
" Kamusta ang paa mo? " Tanong rito ni Paulo habang naglalakad sila palabas.
" TSK! AKALA MO NAMAN DOCTOR ANG PAULO NA 'TOH " pagmamasdan ni Ken sa kanila habang nasa likuran nila ito, kanina pa kasi nito napapansin ang kabaitan nito kay Carol at kung bibigyan mo ng malisya iisipin mong may gusto talaga ito rito.
" Malayo naman ito sa bituka at saka hindi ito nakakamatay noh " mayabang ritong sagot ni Carol kay Paulo.
" Ang tigas talaga ng ulo mo " pag-iling nito ng hindi makapaniwala pero biglang naalis ang aliwalas ng mukha ni Carol ng pagbukas ni Paulo sa gate nakatayo rito si Anika kaya mabilis itong umaatras.
" UMAYOS KA NGA! " Ani Ken ng mapaatras siya rito sa dibdib " Paraparaan ka rin eh! " Pagtulak niya rito ng mahina saka naglakad muli at nagtaka siya ng hindi man lang nagsalita nitong si Carol pero bago pa niya ito malingon napalingon siya sa gate ng marinig nito si Anika.
" Bakit nandito siya? Kapag minamalas ka nga naman " paghinto din nito habang iniisip kung anong sasabihin kapag nagtanong ito bakit siya nandito.
" Ma-maayos ka-ka na b-ba? " Nauutal na tanong ni Anika hindi pa rin kasi ito nakakamove on sa ginawa niya kahapon, kaya ito nahihiya siya.
" Ah Oo, salamat " ngiti rito ni Paulo.
" Wala yon " mahina nitong sabi habang nahihiya.
" Okay ka lang ba? " Pag-aalala rito ni Paulo pero bago pa niya ito mahawakan sa noo para tingnan kung maayos ang pakiramdam nito ay mabilis itong pinigil ni Ken kaya ganon na lang ang gulat ng dalawa.
" Ken? You're here? Bakit? " Hindi pa niya makapaniwalang tanong rito.
" Nalaman kong may sakit ang Naseng ito kaya pinuntahan ko " pagsisinungaling nito saka tuloyang lumabas kaya mas lalong hindi makapaniwala itong si Anika.
" Binibiro mo ba ako? " Umiling naman rito si Ken kahit pinagpapawisan ito sa kaba at dahil wala namang maisip na dahilan si Anika kahit malabo ang sinasabi nito kaya naniwala na lang din.
" Eh ikaw bakit ka nandito? " Paglapit niya rito.
" Nalamann ko ding nagkasakit si Paulo " lingon nito kay Paulo habang nakatayo sa gilid nila.
" Tssst! Puwedi mo namang hintayin sa school " Pagkuha nito sa bag ni Anika saka masamang nilingon si Paulo pero natigilan siya ng masagi niya ng mata si Carol na nasa loob pa rin habang nakatingin kay Paulo at sobrang lungkot ng mata.
" Puwedi mo rin namang hintayin sa school bakit nandito ka rin? " Napalingon naman ito sa biglang pagsasalita ni Josh at kanina pa ito sa may gilid ng gate " Kamusta ang pakiramdam mo Dre? Pasensya na kung hindi kita nadalaw kahapon " punta niya rito.
" Maayos naman " pakikipagkamay niya rito " Salamat sa pagpunta niyo " masaya niyang sabi sa mga ito.
" Tsssssk! Wag kang tumingin saakin hindi naman yon totoo noh " naaasar ritong sabi ni Ken tsaka naglakad.
" Paulo kaya mo na ba talagang pumasok o kaya maglakad papuntang school? " Tanong pa rito ni Anika.
" Oo, sa totoo niyan pakiramdam ko panaginip lang yong nangyari saakin kahapon " ngumiti naman rito si Anika pero natigilan siya ng mapansin nito ang leeg ni Paulo kaya mabilis nitong hinawakan ang nakasabit ritong ID.
" Nakuha mo na? Kailan? Pero next month pa diba? " Hindi nito makapaniwalang tingin rito kaya ganon na lang ang asar ni Ken habang si Josh nakatingin sa bahay nila Carol at kung nasaan ba ito, sa totoo niyan isa si Carol sa dahilan bakit nito sinamahan si Anika na dumalaw rito.
" si Carol binigay niya " mahina naman niyang binitawan ito sa sinabi ni Paulo pero bago pa siya makapagtanong biglang nagsalita itong si Josh.
" Nasaan nga ba siya? Hindi ba kayo sabay pumasok? "
Pagtatanong nito kaya agad itong hinanap ni Paulo at Wala nga ito sa tabi niya kaya si Ken mabilis na dumeretso ang mata sa gate nila Paulo kung saan doon niya huling nakita at dahil narinig ni Carol ang paghahanap nila rito kaya naaasar itong lumabas sa gate at hindi tumitinging naglakad sa kanila habang naaasar ang mukha.
" Bakit ngayon ka lang lumabas? " Tanong agad rito ni Paulo.
" Naiwan ko ang bag ko " Hindi naman napigilang matawa ni Ken napaka walang kuwenta kasi nang dahilan niya.
" Baka sa sunod sarili mo ang maiwan mo ah " pang-aasar nito sa pagsisinungaling ni Carol pero agad rin itong tumahimik ng sabay sabay silang tumingin rito ng masama maliban kay Paulo " nagbibiro lang naman ako " pag-iwas niya sa mga ito habang naglalakad sa direksyon nila si Carol kaya agad napansin ni Josh ang paglalakad nito.
" Napaano yang paglalakad mo? " Nag-aalala niyang tanong rito.
" Tsk! Wala 'toh! " Masama nitong sagot " haist! bakit ba nandito sila " pilit niyang paglalakad ng maayos " At puwedi ba wag niyo akong hintayin at maglakad na kayo! " Naaasar nitong sabi kaya bahagyang naglakad itong si Paulo dahil alam niyang hindi natutuwa si Carol sa nangyayari, Alam niya kasi paano niya iniiwasang makasama ang mga kapatid niya kaya naman naglakad na din si Anika na sinundan ni Ken at gusto pa sana itong tanongin ni Josh pero alam niyang maiinis lang ito kaya tahimik na lang din siyang naglakad.
" Haist! mabuti naman " pagbagal nitong maglakad pagkatapos maramdaman ang pagbigat pa ng mga paa niya sa sakit " kainis naman " paglalakad pa niya at napahinto siya ng makita nitong nakatayo sa harapan niya si Paulo.
" Bakit? " Nag-tataka niyang tingin rito.
" Masakit ba? " Nag-aalala niyang tanong rito pagkatapos niya itong mapansin " bakit kasi napaka pasaway mo " naaasar niyang tingin rito.
" Hindi naman masakit at saka puwedi ba maglakad kana lang tssst! naiinis ako sa dami natin! " Pag-ayos nito sa bag niya at napatingin siya rito ng hawakan niya ito " anong ginagawa mo? " Paghigpit ritong hawak ni Carol ng maramdaman niyang inaalis ito ni Paulo sa likod niya.
" Ako nang magdadala para gumaan katawan mo at hindi mabigatan ang paa mo "
" At anong akala mo saakin mabigat ang katawan? Tsssst! " paghigpit niyang hawak rito.
" Sa dami ng kinain mo panigurado sobrang bigat mo ngayon " biro niya rito at bago pa ito masaktan ni Carol agad niyang dinugtongan ang sinabi niya " Kung hindi mo ibibigay sasabayan kitang maglakad kaya panigurado makakasabay mo din sila " ngiti niya rito kaya ganon na lang ang inis niya.
" Tsssssk! KAYA KO! " Pagpupumilit pa niya pero matigilan siya nang ilahad lang ni Paulo ang kamay niya rito pagkwan tiningnan niya lang ito pero agad siyang nagbaba nang mata ng magtama ang mata nila " Kaya ko naman " mahina nitong sabi saka lumingon sa paligid at inabot rito ang bag niya kaya iniwan na ito ni Paulo gaya ng usapan nila hindi naman ganong naiwan talaga nasa may likuran lang nila.