Kabanata 38

4004 Words
" Saan ba nakuha ni Carol ang ID mo? " Pagtatanong ulit nitong si Anika habang naglalakad sila kaya mahinang umatras si Ken alam niya kasing maiinis ito pagnalaman niya ang ginawa niyang pagtago rito pero bago pa makasagot ni Paulo narinig agad nila ang boses ni Stell. " Dre! " punta niya rito kasama si Justin. " Akala ko hindi ka pa makakapasok kaya sumama ako kay Stell para makita ka, sinabi kasi ni Josh na dadalawin ka kaya kailangan ko ring dumalaw mamaya isipin mong hindi ako mabait " mahabang sabi nitong si Justin habang hingal na hingal tumakbo kasi sila ni Stell kaya hindi nito maiwasang matuwa. " Salamat Justin " isang gummy smile lang ang isinagot niya rito kaya ang cute tuloy nito. " Carol? " Punta rito ni Stell bigla sa tuwa ng makita ito " Kahapon,m nauna ka ba? Pasensya ka na kung iniwan kita, a-ang ibig kong sabihin nauna ako kasi akala namin nauna ka na " paliwanag nito. " Wala naman akong pakialam doon " Wala namang bago sa lahat ang sagot nito sa totoo niyan, tulad ni Josh siya ang sadya nitong si Stell nakatext na kasi nito si Paulo na magaling na ito at papasok kaya hindi siya nag-aalala rito. " Ah, Oo " nahihiya nitong pagtawa saka naglakad. " Teka nandito ka rin Ken? Pa-paanong nandito ka? " Ganon naman ang gulat ni Stell ng malingon niya ito dahil sa pagtatanong ni Justin. " si Ken? " Hindi pa niya makapaniwalang tanong saka nilingon sina Anika kaya mabilis siyang nagtungo sa dalawa at natigilan siya ng mapansin ang ID ni Paulo. " Nakuha mo na? " Masaya niyang tingin sa ID nito " si Carol nakuha na rin ba niya ang ID niya? " Lingon niya rito pero Wala itong suot kaya agad naalis ang ngiti nito " Nahuli nga pala siya " tingin pa nito muling sa ID kaya napansin niyang ito yong luma. " Teka! ito yong dati diba? " Tanong pa niya kaya tumango lang rito si Paulo " Pa-paanong suot mo? Saan mo nakuha? Saan mo nahanap Dre? " Sunod sunod nitong tanong " mabuti naman hindi kana mapaparusahan pa " lingon nito kay Ken at dahil masama itong tumingin rito kaya agad niyang binawi. " Binigay ni Carol " " Si Carol? Kung ganon hindi nga siya nawala at kay Carol lang buti binalik niya " mahina ritong bulong ni Justin. " Pero bakit ganyan paglalakad ni Carol? " Mahinang tanong nitong si Stell nang mapansin yon. " Bakit parang napilay ka? Masakit ba paa mo? " Tanong pa rito ni Josh. " E kasi nakipag-kaibigan yan sa mga kaaway ko sa ibang school tsk! makipag kampihan ba naman siya dahil lang sa walang kuwentang ID nang Nase na yan kaya Ayan nasaktan siya! " Hindi nakapagpigil na sabat ni Ken ng mapansin din nito ang paglalakad ni Carol " tssssk! At saka ang tigas ng ulo sinabi ko namang ihatid siya kanina pauwi rito pero nagpumilit siyang maglakad kaya ayan sumakit muli ang paa niya, sa totoo niyan okay na yan kaninang umaga eh!! " Naaasar pang sabi ni Ken pero natigilan siya ng nakatingin silang lahat rito kaya doon lang niya narealize ang mga sinabi niya kaya napaface palm na lang ito " ah, ano__ " tumahimik na lang siya nang wala siyang maisip na dahilan sa mga sinabi niya. " Anong ibig mong sabihin? " Tanong rito ni Josh. " Teka?! Nakipag-away ba si Carol sa mga kaaway mo? " Ani Stell " At saka anong umaga? Bakit magkasama kayo ng umaga? " Dugtong pa nito, Agad namang nilingon ni Ken si Carol para tulongan siyang magpaliwanag pero wala itong pakialam sa nangyayari. " Ken paanong ihahatid mo siya? " Tanong pa ni Justin " Magkasama ba kayo mula kahapon nong mawala siya? " Tanong na din Anika. " HAIST!!! WAG NGA KAYONG MATANONG! AKSIDENTE LANG YONG MGA NANGYARI KAHAPON AT SAKA SI CAROLLIN' ANG TANONGIN NIYO DAHIL SIYA ANG MAY KASALANAN! " paglayo nito sa kanila at dahil pareho ng ugali ang dalawa na walang balak magkwento kaya si Paulo na ang nagkwento sa mga nangyari para malinawan ang mga ito pero maliban doon sa pagtulog niya sa bahay ni Ken. " Wala bang masakit sayo maliban sa paa mo? " Nag-aalala ritong tanong ni Josh pagkatapus magkwento ni Paulo. " Puwedi ba! Hindi naman masakit ang paa ko! " Naaasar nitong pagsisinungaling. " Carol dapat iwasan mo ang mga ganong bagay papaano kung mas nasaktan ka? " nag-aalala ritong sabi ni Anika. " Tama si Anika " Ani Stell na siyang tinanguan ni Jah bilang pagsang-ayon din. " Tsk! eh ayaw ibigay ni Suson eh!! " Paglingon niya rito. " Tsk! Bakit ko naman ibibigay sayo e Hindi naman sayo! " " Sayo rin ba?! " " Hindi pero nasaakin eh! " " Ken " natigilan naman ito sa tawag rito ni Anika kaya nagtungo na lang siya rito para lumayo kay Carol at para kumalma. " Eh paanong magkasama kayo kaninang umaga? " Tanong na naman ni Jah. " MANAHIMIK KA NA NGA JUSTIIIN! ANG MGA WALANG KUWENTANG BAGAY DI NA DAPAT TINATANONG____ " natigilan ito bigla ng magsalita itong si Carol at dahil malapit na silang school medyo marami na ding istudyante. " Sa bahay ni Ken ako natulog dahil wala ng masakyan! " Biglang sagot nitong si Carol ng walang pag-iisip dahil sa paulit ulit nilang tanong kaya naman ganon na lang ang tingin nila rito maging ang ilang istudyanteng nakarinig. " NAG-IISIP KA BA CAROLLIN'?!!! " lapit rito ni Ken " sinabi nang wag mong sasabihin yon kahit kanino!!! " Naaasar niyang sabi rito. " Tsk! Ano bang ikinakainis mo diyan? " Pagkwan naisip nito ang paliwanag rito ni Paulo bakit hindi niya puweding sabihin kaya agad siyang napalingon rito pero dahil inaasahan na ni Paulo ang nangyari dahil kilala na nga nito mag-isip si Carol, nakangiti lang Ito sa kanya kaya lumakas bigla ang loob niyang sigawan din itong si Ken. " ANO NAMAN NGAYON?! TSK! HINDI KITA TYPE KAYA WALA AKONG GAGAWIN SAYO O MANGYAYARI SAATIN AT SAKA MASAKIT ANG PAA KO KAYA HINDI AKO NAKAUWI KAYA BAKIT KA NAIINIS DIYAN KUNG MAY MAKAALAM?!! AT SAKA IKAW NAMAN ANG NAGDALA SAAKIN SA BAHAY MO KAYA BAKIT KA NANINIGAW DIYAN?!!! " sigaw din nito kaya agad siyang napalingon kay Anika sa sinabi nito. " Baliw ka nga! " Naaasar nitong pag-alis at wala ng nagtanong pa sa sinabi ni Carol habang papasok sila sa gate kaya yong ibang nakarinig hindi makapaniwala, gaya nang paulit ulit kong sinasabi ang grupo nilang papasok ngayon ang hinahanggan sa buong school nila. At ang mga narinig ng ilang istudyante ay naikalat na sa buong school kaya ganon na lang ang asar ni Ken at dahil wala namang pakialam doon si Carol at alam nila Paulo ang dahilan kaya di na nila ito pinapansin. " GRABE BUTI NABUHAY KA PAGKATAPOS NG GABING YON!!! " pang-aasar ng tropa ni Ken rito. " Pambihira nauna mo pang makasama matulog ang lobong yon kesa kay Anika? " Pang-aasar pa nila habang tahimik itong si Ken at iniisip ang kumakalat na balita. " Oiii Dre wala kang ginawa? " Tanong pa nila. " Baliw ka ba? Takot doon si Ken kaya imposible yon " tawanan pa nila " at saka kahit ako, kung kami lang maiwang tao sa mundo pipiliin ko na lang maging babae kung siya ang kasama ko kay sa may gawin doon " tawanan pa nila pagkwan naisip bigla ni Ken ang muntikan na niyang paghalik rito. " Tumahimik nga kayo! " saway nito " tsk! cute din ang Carollin' na yon " natahimik naman ang lahat sa sinabi nito, Hindi kasi ito basta basta pumupuri ng babae, si Anika lang ang nakikita nitong maganda kaya hindi sila makapaniwala sa sinabi nito. " Wala kang gagawin sa kumakalat na balita? " Tanong pa nila pagkatapus nang ilang segundong pananahimik nila. " Hayaan niyo na ang mahalaga hindi naman doon masasaktan si Carol tsk! at saka siya ang nagsabi noon kaya bahala siyang mamroblema diyan " pagsandal nito ng upo sa may puno kaya mas lalo silang nalito sa sinabi ni Ken e dapat kasi mag-uutos itong sabihan si Carol at bawiin ang sinabi nito, ayaw kasi nitong nadadamay ang pangalan niya pagbabae ang dahilan dahil para sa kanya si Anika lang ang dapat na malaman ng lahat na kinababaliwan niya at saka alam nila paano ito naaasar kay Carol. " Sa tingin ko ilang linggo pang mananatili ang kumakalat ngayon sa school dahil wala namang balak ayosin ang Carollin' na yon sa mga sinabi niya " Sabi ng kasamahan nito ng makita nila sa di kalayuang naglalakad itong si Carol. " Grabe hindi talaga siya babae, nakakatakot maglakad " Sabi pa ng mga katabi ni Ken habang pinagmamasdan nila ito na iwas na iwas rito ang mga nakakasalubong niya. " Alam niyo hindi siya masasaktan kahapon kung hindi siya tinamaan ng upuan hindi niya kasi nakita dahil nakatalikod siya ganon siya kagaling " napalingon naman sila rito ng mapansin nila sa boses ni Ken na para bang natutuwa pa siya " Kapag natutulog siya mukha din siyang babae " pagpikit nito habang nakasandal sa upuan " pero sobrang weird niya " bahagya nitong ngiti pagkatapus maisip ang suot nitong bag kagabi kahit tulog. " Okay lang ba siya? " Senyasang usapan ng mga ito habang nakapikit itong si Ken alam kasi nila paano nito kinaiinisan si Carol pero hindi na nila ito ginulo pa tungkol doon ng makita nilang nakapikit. " Ngayon ko pa lang nakuha ang topic natin baka sa weekends mahati ko na ang part ng bawat isa at ma- distribute sa inyo " pagpapakita ni Josh sa report nila " Anyway, kung gusto niyo nang group study puwedi nating gawin sa weekends " lingon nito kay Carol habang naka upo sila ng mga grupo nila sa classroom bilang meeting about sa report nila, Alam Kasi niyang mamomroblema ito rito gayong ngayon pa lang Ito nag-aral ng mabuti. " Mas maganda kung may group study " Sabi pa nong isang may crush dito, yong totoo gusto lang ng iba nang group study para makasama itong si Josh. " Tsssst! Sino bang nakaisip ng reporting na 'toh! " Mahinang bulong ni Carol habang kinakabahan ng maisip pa lang niyang magsasalita sa harapan. " Practice will never betray you ( SB19 quotes ) " napalingon naman si Carol sa sinabi ni Paulo habang katabi ito. " Pero anong ipapractice ko e paniguradong wala naman akong maiitindihan sa mga nakasulat sa libro o sa report ko " pagyuko nito sa upuan pero hindi ito pinansin ng lahat dahil madalas gumawa ng weird na bagay si Carol kaya hindi na bago sa kanila ang ginawa nito kahit nasa kalagitnaan sila ng discussion pero si Josh napalingon ito rito habang nakikinig siya sa paliwanag ng kamembers niya tungkol sa gagawin nilang reporting at bago pa niya ito matanong nakita nito ang pagpatong ni Paulo sa kamay niya sa ulo ni Carol at hinimas ang buhok nito. " Tutulongan kita! " mahina ritong sabi ni Paulo pero hindi na nagsalita pa ni Carol. " ANG MGA KAMAY NIYA, NAKAKAGAAN NG PAKIRAMDAM " bulong nito habang pinapakiramdaman ang kamay nito sa ulo niya at hanggang sa natapus ang meeting ganon ang naging posisyon nila at wala namang sumaway sa hindi pakikinig ni Carol, sa totoo niyan nakikinig ito pero hindi naman niya lubos maitindihan lalo na kapag may sinasabi silang bagay about sa report na hindi talaga familiar rito. " Carol tapos na " pagtayo nitong si Paulo at dahil sa paghimas niya rito sa buhok tuloyan itong naka-idlip kanina. " Tapus na? Mabuti naman " pagpunas pa nito ng laway kaya napailing na lang itong kaharap niya. " Napaka buti mo talagang estudyante " tawa pa rito ni Paulo. " Nakakaantok ang boses nila eh " pagsuot nito sa bag niya tapos na kasi ang klase nila. " Manonood ka ba ng practice ni Anika? " Tanong rito ni Carol, nakagawian na kasi nitong manood rito dahil pakiramdam niya mas gumagaan ang pakiramdam niya pagnakikita niyang naglalaro si Anika lalo na pagnasisilayan niya itong ngumingiti. " Hindi, wala kang kasamang uuwi " pagligpit nito sa gamit niya " Bakit kasi nakisali ka pa sa away ni Ken " pagsuot niya sa bag niya. " Tsssst! kaya ko naman ang sarili ko at saka puwedi akong tumakbo kung iiwasan ko sila kaya wala kang dapat na ipag- alala, kaya manood kana " pamimilit niya rito. " Tayo na " pagbalewala niya sa sinabi nito pero natigilan siya nang makasalubong nito si Anika pero si Carol nauna na ito maglakad. " Ah, Anika gusto kong manood ulit sa practice mo pero kailangan kong umuwi kasi " pagpapaalam nito " Galingan mo sa practice " ngiti pa niya. " Ah teka " pigil niya rito " para sayo " napatingin naman siya sa ibinibigay nitong maliit na plastic " Binili kong gamot kahapon, vitamin pampalakas ng katawan hindi ko naibigay kanina, nalimotan ko kasi " nahihiya nitong sabi. " Salamat " pag-abot niya rito " Napaka bait mo talaga " nakangiti niyang Sabi rito kaya ganon na lang pagbablush nito " Salamat sa pag-aalala " " Itong si Paulo wala ka bang maramdaman? " Agad namang pinigil ni Anika si Rohan sa sinabi nito na siyang dahilan para magtaka itong si Paulo sa ibig niyang sabihin. " Ah, sige Paulo huwag mo nang pansinin yong sinabi niya " paghila nito kay Rohan paalis " Nga pala pakibantayan din si Carol at sabihing wag magkikilos masyado baka lumala yong paa niya eh " bilin nito saka tuloyang hinila si Rohan kaya hindi na nakapagsalita pa si Paulo. " Ano ka ba?! Katatapos ko lang gumawa nang nakakahiyang bagay kahapon kaya wag mo nang dugtongan okay?! " Naaasar niyang sabi kay Rohan ng makalabas sila. " Pasensya kana, feeling ko naman kasi gusto ka ni Paulo kaya okay lang magparinig sa kanya tungkol sa feelings mo " " Kahit na! Nakakahiya yon at saka pinipilit ko nga lang magpakita doon pagkatapus ng ginawa ko kahapon " nahihiya na naman nitong sabi. " Wala namang masama sa ginawa mo at saka natuwa nga yon dahil nag-aalala ka sa kanya " pagpapagaan nito sa nararamdaman ng kaibigan niya " e kasi gusto ka kasi niya, maniwala ka! " " Tumigil kana pakiramdam ko mas nagugustohan ko siya kapag sinasabi mong gusto niya din ako " malungkot nitong sabi " Umaasa ako kaya wag mo nang sabihin yan baka mas magustohan ko pa siya lalo " malungkot nitong sabi pagkatapos maisip na baka hindi naman siya magustohan ni Paulo. " Sorry " pag-akbay rito ni Rohan nang parang yakap. " Dre wala ka bang napapansin kay Anika? " Paglapit rito ni Stell. " Ano naman? " Pagtago nito sa bag niya sa binigay rito ni Anika pagkwan tumahimik lang din si Stell sa naisip niyang baka gusto ito ni Anika pagkatapus maisip si Ken kaya hindi na nito sinabi kay Paulo gayong nararamdaman niyang may crush din ito rito. " Tayo na Dre, si Carol nauna na baka may mangyari na naman doon " mabilis namang naglakad si Paulo sa sinabi nito pero napahinto na naman sila nang sumalubong sa kanila sa path way si Josh. " Ikaw na lang ang magbigay sa kanya, sabihin mo ilagay niya sa nasaktan sa kanya " pagbibigay rito ni Josh nang gamot para kay Carol " Wag mong sabihing galing saakin panigurado hindi niya tatanggapin at saka ipilit mong gamitin niya o kaya ikaw na lang maglagay sa paa niya, matigas ang ulo niya at hindi nakikinig pero sigurado makikinig sayo " Ani Josh saka nito iniwan sina Paulo at mararamdaman mo sa boses niya ang pag-aalala pero ang mga tingin niya sobrang lamig nang tingin. " Okay lang ba siya? " Ani Stell na nanibago rin sa ikinilos ni Josh, napaka bait kasi nito, professional magsalita at sobrang maginoo pero kanina kulang na lang maging si Ken ang awra. " Ang weird naman niya " titig ni Jah sa kaibigan " naiitindihan ko namang nag-aalala siya kay Carol dahil kapatid niya pero bakit parang iba ang nararamdaman ko at saka puwedi naman niyang iutos sa driver nila ang pagbili ng gamot, napaka tamad niya at self-centered na tao at ayaw nitong gumagawa ng mga bagay sa ibang tao kung di mo hihingiin ang tulong niya pero pagdating kay Carol nagbabago ang pagkato niya kung hindi ko lang naiisio na magkapatid sila ibang iisipin ko sa nararamdaman rito ni Josh " pagsunod niya rito. " BAKIT BA ANG TAGAL NIYO?!!!!! " sigaw ni Carol sa gate nang makita niya ang mga ito kaya ganon na lang ang hiya ni Paulo pagkatapus silang lingonin ng lahat pero si Stell tuwang tuwa pa itong naglakad sa direksyon ni Carol. " Nga pala Carol mamaya kumuha ka ng yelo tas ilagay mo sa basahan o kahit anong tela tas ilagay mo sa paa mo para maalis ang pamamaga at sakit " " Tssst! Hindi pa naman ako mamamatay dahil rito " masama niyang tingin rito " pero salamat! " Ganon naman ang ngiti nito sa sinabi ni Carol. " Wala yon " pagkamot nito sa ulo niya habang ang lapad nang ngiti pagkatapos kiligin. " Sige Dre " Ani Paulo nang maglakad si Carol kaya agad niya itong sinundan ng makarating siyang gate. " Ingat kayo!!! " Sigaw pa niya. " Kailangan pa ba natin silang sundan pauwi para siguradohing hindi babalikan ng mga kaaway natin ang babaeng lobo na yan? " Tanong ng mga kaibigan ni Ken habang pinapanood sina Paulo pauwi para siguradohing wala sa labas ng school ang mga kaaway nila at hindi nila babalikan si Carol. " Hindi na may kasama naman siya " Ani Ken saka naglakad pabalik sa loob ng maalis sa paningin niya si Carol. " Nakakapagtaka talaga at biglang nagkaroon ng paki si Boss sa Carollin' na yan " Bulongan na naman nang mga ito. " Baka may nangyari nong matulog sa kwarto niya " " Sus! Kay Anika lang ang puso niyan kaya malabo at saka kapatid yon ni Anika " usapan pa ng mga ito. " Totoo yon at saka kaaway niya ang dahilan bakit kailangan nitong bantayan si Carollin' " usapan pa nila habang tinitingnang naglalakad si Ken. " Pero isipin niyo ito ah! kung magkagusto si Boss sa babaeng lobong yon siguradong sobrang nakakatawa yon " tawanan nila pagkatapos maisip ang ugali ng dalawa " SUBRANG EPIC NON " tawanan pa nila pero agad silang tumahimik ng lumingon sa kanilang masama si Ken. " Kailan ba ang uwi ni Lola? " Tanong ni Paulo ng makarating sila pagkatapos niyang sumama sa loob dala kasi nito ang bag ni Carol. " Hindi ko alam, sa totoo niyan isang araw lang dapat pero kapag nakakarating kasi siya doon nahihirapan siyang bumalik rito dahil pinipigilan siya ng mga anak niya doon " ani Carol. " Kung ganon mag-isa kang matutulog rito? Kung gusto mo puwedi ka sa bahay di bale sa sofa na lang ako matutulog o kaya kay Papang ako tatabi" " Kaya kong mag-isa noh " snob niya rito " tsssst! kayo lang naman itong grabe mag-isip at saka ano naman ang puweding mangyari saakin? Isa pa sanay naman akong mag-isa " makahulogan nitong sabi habang ang lungkot ng mata kaya pakiramdam ni Paulo may ano mang pumasok at binalot sila ng mga malulungkot nitong tingin " at saka baka isipin talaga ng mga tao sa school na mahilig akong matulog sa kwarto ng mga lalaki, mamaya maikalat din sa school " Sabi nito ng maisip ang kumakalat ngayon sa school nila na natulog ito kay Ken. " O sige pero kung may kailangan ka o mangyayari tumawag ka lang saakin o kaya pumunta ka sa bahay " " Ano namang mangyayari? " Pagtanggal nito sa botones ng uniform niya. " Kung sakaling matakot ka at hindi mo kayang mag-isa____ " nanlaki ang mata nito pagkatapos mapansin ang pagtatanggal nito ng butones " tsssst! puwedi bang huwag kang naghuhubad sa harap ng ibang tao! " pagtalikod nito. " Tssst! May sando naman ako at saka mainit! Pakialam mo ba!? " " Haist! Ang labo mo talagang mag-isip Carol!!! " Pag-labas nito " Maglock ka ng pinto! " Sigaw pa nito sa labas pagkatapus itong isara. " Tsssst! sino bang tangang hindi naglalock ng pinto? pati maliit na bagay ibinibilin, ano ako bata? " Pag-tanggal nito sa uniform niya saka nagtungo sa kwarto niya at hinanger ng hindi nalalock ang pinto tsaka nagpalit na din ng malamig na damit pagkwan tumunog ang phone nito. " May nangyari daw sayo sabi ni Anika? Ano na naman bang ginawa mo?!! " Sigaw rito ng mama niya sa kabilang linya pero ramdam mo rito ang pag-aalala " Pupuntahan kita, Wala diyan ang Lola mo hindi ba? Kaya dito ka na lang muna " sunod sunod nitong sabi. " Alam niyong hindi lang si Lola kung bakit ako nandito kundi ayaw ko diyan! At saka may kasama ako kaya wag ka ng mag-alala " " Pupunta na ako diyan, Wala ka namang kaibigan " Sabi nito agad. " Wag na mama may kaibigan na ako kahit itanong mo pa kay Anika Santos o si Josh Santos at saka mabait siya kaya di ko na kailangan ng kasama, okay na siya, sapat na po " malungkot nitong sabi saka pinutol ang linya at katatapos lang niya magsalita ng bumukas ang pinto at iniluwa nito si Paulong may dalang pagkain. " CARRRROL BAKIT HINDI NAKALOCK ANG PINTO?! KAKABILIN KO LANG KANINA AH! " pagpasok nito kaya napahawak na lang ito sa tenga nito. " Nalimotan ko " tungo niya rito " tsssst! bakit ba napaka-ingay mo na rin Jampawlo?! " Kuha nito sa pagkain " akin ba 'toh? Grabe kanina pa nga ako nagugutom " paglapag niya sa floor at doon kinain. " Doon ka sa may mesa " " Dito na, pareho lang naman ang lasa kahit saan kainin " pagkain nito pagkwan naupo na lang sa may sofa si Paulo alam niya kasing hindi rin ito makikinig sa kanya. " Kung ganon kung hindi kita dinalhan ng pagkain hindi kana kakain? " Tumango lang ito " ayyst! paano ba't nabubuhay ka sa ganyang ugali mo? " " Kapag mag-isa ka kumain ka o hindi pareho lang yon " paglamon pa nito pero hindi na ito nakipagtalo pa rito. " Nga pala nakalimotan kong ibigay sayo, ipahid mo sa paa mo para mawala ang sakit at pamamaga " paglapag nito sa binigay ni Josh kanina. " Sus! mawawala din naman ito kahit hindi ko lagyan ng ganyan " pagkain pa nito. " Hihintayin ko na lang matapus ka at ako nang maglalagay " paghiga nito sa may sofa. " Umuwi ka na, ako na " " Kung ang pinto nga nalimotan mong elock Ito pa kaya? " Paghikab nito. " Umuwi kana! " Pagkain nito pero hindi na sumagot si Paulo dahil tinatamad itong makipagtalo at mga ilang minuto natapus na din itong kumain kaya nilagay niya ito sa lababo at hinugasan na rin bago pa siya bungangaan nitong naghatid sa kanya ng pagkain. " Tapus na ako puwedi ka nang umuwi! " Natigilan siya ng makita niya itong nakatulog sa may sofa, Hindi kasi ito nakatulog kahapon sa pag-aalala kay Carol kaya ito maaga siyang bulagta. " Hoi po! Jampawlo gumising ka at umuwi! " Sabi pa niya rito pero sa normal na lakas lang ng boses dahil ayaw niya din itong magising o sirain ang tulog nito pagkwan pinagmasdan niya ito. " Wag kang masyadong mabait dahil hindi na nakakatuwa yon " hawak niya sa buhok nitong natatabunan ang noo niya saka siya ngumiti kung saan bakas rito ang kalungkotan nang maisip na mabait lang rito si Paulo, na mabait ito sa lahat na hanggang doon lang yon. " John Paulo Nase.... " Bulong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD