" Heto na naman ang mabigat kong pakiramdam " sa isip ni Paulo pagkatapos magising ang diwa niya sa bigat na nararamdaman niya " Pakiramdam ko hindi ako makahinga, sobrang bigat ng pakiramdam at nahihirapan akong gumalaw, Papang.. " mahina nitong tinig habang pinipilit nitong magsalita kung saan pakiramdam niya may anoman ang nakadagan at nakabara sa bibig niya para hindi niya ito maibuka " Subrang bigat .. " pilit nitong pagbukas sa mata niya.
" Hindi naman masakit eh " pagsasalitang tulog nitong si Carol habang nakayakap ito sa kanya kung saan nasa dibdib niya ang ulo ng dalaga at nakadagan ang isa nitong hita sa kanya habang nakapatong ang isang kamay nito sa bibig niya kaya nasapo na lang nito ang ulo niya ng makitang si Carol pala ang dahilan kaya hindi siya makahinga ng maayos at kung bakit ang bigat ng pakiramdam niya.
" Haist! Carol akala ko kung ano na namang nangyayari saakin " pagkapawi ng kabang nadarama niya kanina sa takot na baka ano na naman ang nararamdaman nito " Haist! kahit tulog ka nagagawa mo pa rin akong mag-alala " at napatingin na lang siya sa dibdib niya ng maramdaman nitong basa dahil sa masarap na tulog ni Carol dahilan para maglaway ito rito.
" Carol... " mahina niyang paggising rito " kahit katayin mo 'toh di ito magigising " paghawak nito sa ulo ng dalaga para alisin sa pagkakahiga sa dibdib niya tsaka nito tinanggal ang hita nitong nakadagan sa kanya pagkwan pinahiga niya ito ng maayos pero natigilan siya sa pagtayo ng makitang nasa kama ito ni Carol kaya mabilis nitong inisip kung ano na naman ang nangyari kagabi at paanong nandito siya.
" Nasa may sofa ang maalala ko eh " pag-iisip nito tsaka nilingon si Carol " Nagsleep walk rin ba ako? pero imposible yon " pilit nitong pag-iisip pero wala siyang maalala " mas mabuti sigurong umuwi na ako baka kanina pa ako hinihintay nila Papang at baka ano pang gawin nito saakin pagnagising siya " pagtayo nito pero natigilan siya ng biglang tumunog ang alarm clock kung saan 6:00am na pero bago pa niya ito mapatay dumako agad roon ang kamay ni Carol at ibinato niya ito at saktong sa tiyan nito tumama at sa lakas nun napaupo ito sa sahig.
" pambihira di ba puweding gumising ang Carol na ito ng hindi ako nasasaktan? " paghwak nito sa dibdib niya at dahil hindi pa rin namamatay ang alarm clock kaya tuloyan ng nagising itong si Carol.
" Nahulog ka ba? " Paggapang nito sa kama para silipin itong nakaupong si Paulo sa may sahig pagkatapos nitong mahagilap ng mata " Kahit ako madalas din akong mahulog rito eh, sabi ko nga kay Lola tanggalin na lang itong kama " pagkusot pa nito sa mata niya na halatang inaantok pa.
" At talagang nagising ka sa orasan mo ah! " Masama nitong pagtayo.
" Lahat nang naririnig ko wala akong paki doon pero maliban sa alarm clock kumukulo ang dugo ko kapag naririnig ko kaya nga may alarm clock ako dahil pagtumunog paniguradong magigising ako "
" Dapat pala nagdadala ka rin sa school para di ka nakakatulog " sarcastic nitong sabi " sandali bakit nga ba at nandito ako sa kama mo? Ang maalala ko nasa may sofa ako eh " pagtataka pa nito pagkatapus maisip ang paghiga nito sa may sofa kagabi " Sandali Carol nagsleep walk rin ba ako? " Tanong pa nito pagkwan bumangon itong si Carol at nagsalita habang nags'stretch ng braso.
" Ganon na nga " hikab pa nito saka tumayo at kinuha ang tuwalya nito para maghandang maligo.
" Nakakapagtaka naman kung ganon " mahina nitong sabi pagkwan sinundan nito si Carol ng maglakad palabas " Ah, ano, Carol___ " natahimik ito ng huminto ang dalaga " ah, eh, ano, so-sorry kung tumabi ako sayo ng tulog hindi ko naman kasi alam, pasensya na " kinakabahan pa nitong sabi pero ganon na lang ang pagkakakunot noo nito bigla ng tumawa ito.
" Ang dali mo naman pala lokohin eh " pagharap niya pa rito habang natatawa " tsssst! Binuhat kita papunta sa kama ko, ang himbing nang tulog mo eh tsaka ano naman kung nahiga tayo sa isang kama? eh pareho din naman tayong natulog " pagtingin niya rito saka tumalikod " At saka okay lang saakin kung ikaw ang kasama ko " paglalakad nitong muli kung saan ramdam mo sa boses niya ang tiwala nito sa binata.
" Ah Oo, wa-wala naman talagang masama kasi wala namang mangyayari " pagtalikod nitong si Paulo " sige, uwi na ako " paglalakad nito pagkatapus maisip ang pagtatabi nila sa kama pero mayamaya bumalik din ito " maalala ko, yong paa mo nalagyan mo ba___ "
" Oo, hindi na nga siya masakit " pagputol nito sa sasabihin pa ng binata " wag ka nang mag-alala " dugtong pa nito " Nga pala hintayin mo ako mag-almusal ah mabilis lang akong maliligo " mabilis nitong sabi " Wala dito si Lola kaya sainyo ako makikikain "
" Opo, punta ka lang sa bahay "
" Oo pero hintayen mo ako kumain baka mahiya ako kung mag- isa lang ako eh " bahagya namang natawa si Paulo sa sinabi nito pero agad rin nitong binawi ng makita ang masasama ritong tingin ng dalaga " Ah, si-sige maligo kana at hihintayin ki-kita " alanganin nitong ngiti saka tuloyang lumabas at ganon na nga ang nangyari after maligo ni Carol nagtungo agad ito sa bahay ni Paulo para makikain.
" Sige po Papang aalis na kami " pagpapaalam nila saka nagmano si Paulo habang pinagmamasdan ito ni Carol pagkwan tumingin rito ang matanda at nilahad ang kamay niya para makapagmano rin ito sa kanya.
" Eh hindi naman ako mabait para magmano " pagbawi nito sa tingin niya " Pasaway po ako pe-pero sige po kahit para lang doon sa almusal ko " nahihiya nitong pag-abot sa kamay ng matanda at nagmano saka mabilis na tumalikod at naunang naglakad.
" sige po alis na kami " Ani Paulo habang nakangiting nakatingin kay Carol ang Papang niya.
" Mabait naman siya Apo at maganda kung tulad niya makakasama mo araw araw " tumango naman siya ng bahagya pagkatapus maisip ang ugali rito ni Carol " O sige na, pumasok óna kayo " Ani Papang nito kaya sinundan na nito si Carol.
" Ay Sir Paulo ito na po " pagsunod rito ni Lusin.
" Salamat po " pagkuha nito sa bisikleta at tuloyang lumabas.
" JAMPAWLO BAKA PUWEDI MO PANG BAGALAN! " Sigaw ni Carol sa labas.
" Andiyan na, wag kang sumigaw nakakahiya sa mga kapitbahay " pagsara nito sa gate pagkatapos lumabas.
" Ano bang masama sa pagtawag sayo? " Malakas pa nitong sabi.
" Haist! iwan ko sayo, manahimik kana lang " pagsakay nito sa bisikleta " halika na umangkas kana saakin "
" Ikaw ang umangkas saakin! " Pagcross arm nito.
" Ako na, masaket ang paa mo diba? " Umiling naman ito bilang sagot.
" Mabuti naman pero ikaw pa rin ang aangkas saakin baka mabinat paa mo " pilit pa nito at ganon na lang ang hawak niya sa bisikleta ng sipain ni Carol ang gulong nito " Hoy po! Anong ginagawa mo?! " pagbaba nito sa paa niya.
" Huhulogin kita tas mapipilay ka kaya ako na ang papepedalin mo at aangkas ka saakin " demonyo ritong ngiti ni Carol at ganon na lang ang paglaki ng mata ni Paulo ng para bang nalalagyan nang sungay sa ulo itong kasama niya.
" O ano?! " Sipa niya pa rito ulit.
" Gagawin mo talaga kahit ano makuha mo lang ang gusto mo noh? " Masama niyang lingon rito.
" Oo, Wala namang may gusto sa mga gusto ko kaya kailangan ako ang gumawa ng paraan para kahit papaano mangyari yon " makahulogan niyang sabi kaya natahimik itong si Paulo ang lalim kasi ng pagkakasabi nito na para bang may pinanghuhugotan.
" So ano hihintayin mo pa bang hulogin kita diyan bago mo sundin ang gusto ko? "
" Haist! Minsan may mga gusto tayong hindi dapat nangyayari dahil hindi makakabuti saatin " pagbaba nito " Maglakad na nga lang tayo "
" Tsssst! at talagang di mo gagawin ang gusto ko? "
" Eh baka nga sumakit ulit ang paa mo "
" OKAY NA NGA ANG PAA KO! " malakas na naman niyang sabi kaya ganon na lang ang lingon ni Paulo sa mga kapitbahay nila habang nahihiya.
" Mabuti naman at magaling na ang paa mo " napalingon bigla ang mga ito sa nagsalita " Binilin ni Tita na echeck kita kung maayos na ang kalagayan mo kaya ako nandito " pagtungo sa kanila ni Josh na kanina pa nakikinig sa pag-uusap nila habang nakatayo ito sa tabi ng gate nila Carol nang hindi man lang nila ito napapansin.
" Ikaw pala, kanina ka pa? " Tanong agad rito ni Paulo.
" Oo para kamustahin si Carol "
" Tsk! Puwedi mo naman akong antayen lang sa school " masungit nitong sabi saka naglakad.
" Gusto kong malaman agad kung okay kana I mean si Tita gusto niyang malaman kaya dito na ako bumaba " Paglalakad na rin nila ni Paulo.
" Ano namang paki niyo kung okay ako at saka puwedi naman siyang tumawag saakin para kamustahin ako " masama pa nitong sagot.
" Actually, ilang calls na ang ginawa ni Tita at ganon din ako pero ang sabi ni Tita hindi ka makontak ang akin naman Wala talaga, hindi talaga kita makontak "
" Tinatamad akong sumagot tsaka naka silent ang phone ko " tamad nitong sagot kaya naman ganon na lang ang pagpipigil ni Paulo nang tawa sa sinabi nito" At saka nakablock ka saakin " dugtong pa nito kaya napangiti na lang si Josh " At saka puwedi ba wag mo akong pinupuntahan rito! kayang kaya ko ang sarili ko kaya tigilan mo na ang pagiging alagad ni mama, hindi ko gustong maging parte nang pamilya niyo kaya wala kang dahilan para pakialaman ako! " malamig nitong sabi na para bang may galit itong tinatago sa pamilya.
" Nag-aalala ako sayo at di ako makatulog sa pag-aalala na yon " bigla ritong sabi ni Josh dahilan para matigil ito nang marealize ang lumabas sa bibig niya " Ang ibig kong sabihin eh kasi___ "
" Tsk! Tumigil ka nga! " Pagputol nito sa sasabihin pa ni Josh " Wala akong pakialam sa nararamdaman mo at saka yong mama ko puwedi ba paalisin niyo na rin sa bahay niyo at tigilan niyong lokohin siya na kunwari gusto niyo! Tsk! hindi mo nga matawag na mama ang mama ko kaya wag kang umastang para bang tanggap niyo siya sa bahay niyo! Dahil ang totoo may respeto lang naman kayo sa kanya dahil Asawa siya ng Daddy niyo! Kaya ibalik niyo na siya saamin ni Lola "
" Carol hindi sa ganyan sa iniisip mo kaya hindi ko siya matawag na mama at maging anak niya " mahina nitong sabi at mababasa mo sa mukha niya ang pagkabalisa na para bang mayron itong itinatago sa dalaga.
" EDI ANO? " pagharap niya rito nauuna kasi itong maglakad sa dalawa at napahinto sila sa bigla nitong pagharap at huminto pero nakatitig lang sa mata nito si Josh na ngayon mas nag-aalala na ang mukha.
" HINDI BA PUWEDING MATUWA KA NA LANG DAHIL MAY NAG-AALALA SAYO AT MAY NAGMAMAHAL SAYO KAHIT HINDI PA MAN YON TOTOO KUNG SAKALI? " natigilan naman siya sa biglang pagsabat ni Paulo sa pag-uusap nilang magkapatid " Masyado pang maaga " Paglapit niya rito at kinuha ang buhok nitong tumatakip sa mukha niya at isinabit sa tenga nito kaya kumalma ito at tumingin sa kanya " Pumasok na tayo, maaari ba? " Tingin rito ni Paulo sa mata dahilan para tuloyan itong kumalma kaya tahimik na itong naglakad at makikita mo sa mukha ni Josh ang inggit habang nakatingin kay Paulo nang sumunod rito si Carol.
" Dre okay ka lang? " Lingon rito ni Paulo nang hindi ito sumunod sa kanila.
" Ah Oo, salamat " Pagsunod nito at tahimik na sinundan ng mata si Carol. PAGKARATING nila sa kanilang school sumalubong agad sa kanila si Stell at Anika para alamin ang kalagayan ni Paulo.
" Mabuti naman Anika, salamat sa pag-aalala " Ani Paulo kaya ganon na lang ang ngiti nito.
" I-ikaw Carol kamusta paa mo? " kinakabahang tanong ni Stell.
" Tsk! Hindi ang paa ko ang makakapatay saakin puwedi ba? " Naaasar nitong sabi saka naglakad.
" Nagtatanong lang naman ako " mahinang bulong ni Stell.
" Hayaan mo na para namang hindi mo siya kilala " paglalakad ni Paulo pagkatapos tapikin ang balikat ni Stell na siyang sinundan nila Anika para pumasok.
" Boss hanggang kailan ba natin ito gagawin? " Tanong ng mga tauhan ni Ken habang sinusundan nila ng mata si Carol.
" Hanggang sa mawalan na tayo ng balita sa mga mokong na yon " pag-iisip nito sa mga kaaway niyang dumakip kay Carol pagkatapos nila itong mapagkamalang girlfriend niya.
" E bakit ba kayo nag-aalala sa Carollin' na yon? Hayaan niyo siyang masaktan para mabawasan ang tapang "
" Oo nga boss para bumait naman kahit papaano "
" TUMIGIL NGA KAYO!!! " Sigaw nito bigla na nagpatahimik sa lahat " Kahit papaano babae pa rin siya___ "
" lalaki naman umasta " pagputol nila sa sasabihin pa ni Ken.
" Kailangan pa rin natin masigurado ang kaligtasan niya " masama nitong tingin sa kanila " Lumayo nga kayo saakin! " Pag-iwan niya sa mga ito pagkatapus makaramdam ng inis sa mga sinabi nila.
" Anong nangyayari doon? "
" eh diba dapat mas matutuwa yan dahil may mananakit kay Carol na hindi niya magawagawa rito dahil sa takot kay Anika " bulongan nila.
" Oo tsaka ayaw niya sa lobong yon diba? " Bulongan pa nila habang pinagmamasdan nila si Ken. Pagkwan pumasok na nga ang lahat hanggang sa dumating ang last subject nila Paulo at matapos ito kung saan hindi maipenta ang mukha ng teacher nila.
" De Dios please distribute your quizzes last meeting " agad namang kinuha ni Justin ang papers at binalik sa lahat at tanging si Anika, Paulo, at Stell ang wala kaya si Carol ganon na lang din ang pagtataka habang may papel ito kung saan ang maalala niya si Paulo ang ginawan nito ng quiz.
" I have your paper here Mr. Nase " Ganon na lang ang pagtataka ni Paulo sa sinabi ng teacher nila " not just one but two! " Mataas na boses nitong sabi habang magkasalubong ang kilay " and I checked our attendance last meeting and it's stated that you're not in my class and I have known also from your guardian that you're sick that day, so my question here WHY YOU HAVE A QUIZ THAT DAY? " Hindi naman alam ni Paulo anong sasabihin niya dahil maging siya hindi yon maitindihan.
" I've recorded all your quizzes " pagtaas nito sa class record niya para ipakita sa klase niya " Mr. Ajero and Ms. Santos haven't take the quiz but! They're present in my class that day isn't it so mysterious? " Napalunok naman sa kaba si Anika sa sinabi ng teacher at napalingon naman rito si Paulo pero si Josh inaasahan na niya yon pagkatapus makita ang paggawa rito ng kapatid niya ng quiz kaya nanahimik na lang siya.
" So wala bang aamin ng ginawa niyo?! " Nagpipigil galit na sabi ng teacher nila " are you playing in my class? Am I that stupid to do this in my class?! " Sigaw nito " Gusto niyo bang ibagsak ko ang buo niyong klase? " Galit na galit nitong sabi na siyang dahilan para paghinga lang ng buong classroom ang mararamdaman at maririnig mo pero napatingin ang lahat sa biglang pagtayo ni Carol.
" Naku naman sana di na siya gumawa ng eksena baka mas lalong magalit si ma'am eh " Bulongan ng mga kaklase niya.
" Sana matino pag-iisip niya ngayon "
" Kailan pa ba yan naging matino " usapan pa ng lahat.
" What is it? " Nagpipigil Sigaw rito ng teacher.
" Ano ma'am hindi po akin ang papel na ito! " Napalingon naman si Paulo sa sinabi nito habang ang teacher nanatiling nakatingin rito " at yang isa pong papel diyan sigurado po akong _____ "
" Ako po ang may gawa! " Napatingin naman ang lahat sa biglang pagsasalita ni Stell dahilan para hindi matuloy ang sasabihin ni Carol " yang papel ni Paulo na isa, ako po ang may gawa "
" And the other one is mine " pagsasalita na rin ni Anika kaya tumaas ng bahagya ang kilay ng teacher.
" Meet me in faculty office " pagtayo nito at lumabas.
" Teka! Sandali!!! " Sigaw nitong si Carol " Ma'am asan po yong ginawa ko kay Jampawlo?! bakit dalawa lang yan? dapat tatlo po tsaka bakit po may papel ako?! " Mga sigaw ni Carol pero walang pumansin sa kanya matagal na itong pasaway kaya walang bago sa sinabi niya kaya akala nila nang-aasar na naman ito.
" Dre___ "
" Hayaan mo na Dre mag-uusap lang naman kami nila ma'am " pagputol ni Stell sa sasabihin ni Paulo.
" Hindi sasama ako " pagligpit ni Paulo sa gamit niya pero napatingin siya rito ng hawakan siya nito sa braso.
" Wala kang kasalanan tsaka hindi ko naman yan ginawa para sayo " ngiti nito saka lumingon kay Carol na nakatingin pa rin sa quiz paper niya "Sige Dre, mauna na kayong umuwi " Sabi nito habang nakatingin kay Carol tsaka naglakad. Pagkwan nilingon ni Paulo si Anika pero nakalabas na din ito kaya mabilis itong nagligpit para puntahan ito.
" Carol mauna kana ah "
" Huh bakit saan ka? "
" Kailangan kong makausap si Anika "
" Para saan? "
" Kailangan niyang pumunta sa faculty dahil saakin alam ko namang mabait siya pero di niya kailangan gawin yon, I felt sorry for her " pagsuot nito sa bag niya habang kita rito ang pag-aalala " Mag-iingat ka kung may mangyayari tawagan mo ako" bilin pa nito " sige Carol kailangan ko siyang makausap " mabilis nitong pag-alis at naiwan itong si Carol kaya naaasar itong naupo ng maisip na si Anika ang pupuntahan ni Paulo.
" Tsk! Ginawan din naman kita ah " masama nitong bulong " Bakit si Anika lang ang nalaman mo? " Bulong pa nito pagkwan nahulog ang papel nito at nadala ng hangin sa ilalim ng upuan ni Stell " Paano nga rin ba at may quiz ako? Mali ba yong nasulat kong pangalan last meeting? " Pagkausap nito sa sarili niya habang pinupulot ang papel pagkwan nakita nito ang isang kapirasong papel sa ilalim ng upuan ni Stell kung saan may pangalan ito rito.