Kabanata 40

3021 Words
Kung ganon si Stell ang gumawa saakin ng quiz? " Pagkumpara nito sa sulat kamay ni Stell at sa sulat kamay ng nasa quiz paper niya " Pero bakit? " Pagkunot noo pa nito " tsk! ang Ajero na yon!! " Pagtayo nito at mabilis na lumabas para hanapin ito pero bago pa siya makarating ng office wala na sila rito. " Ma'am " Ganon naman ang paglaki nang mata ng teacher ng makita nito si Carol. " Ye-yes? " Nagtataka nitong tanong. " Sina Ajero nasaan sila? " Pilit namang kumalma ang teacher sa kabila ng kabastosan nitong pagtatanong na para bang tropa lang nito ang kinakausap niya. " Nasa store room__ " natahimik na lang ito ng mabilis itong tumakbo palabas ipang magtungo sa store room. " Haist! ang lalaking yan! " Paghinto nito pagkatapus niyang makitang pumasok sa pangalawang store room si Stell kung saan ang naroon ay mga papers about school sa kabila naman ay for props. Pagkwan naghanda na itong maglakad patungo rito pero natigilan siya ng may marinig siyang magsalita sa tapat ng pintuan kung saan ang props stock room. " Actually, dapat dalawang papel ang gagawin ko pero hindi ako umabot may essay kasi tsaka umiikot si ma'am kaya di ko magawang magsulat agad para sa isa pang papel " dinig nitong sabi ni Anika kaya mabilis siyang dumikit sa pintuan at nakinig sa dalawa, nakutoban kasi nitong narito si Paulo. " Hindi mo naman kailangan gawin yon, Ayan tuloy naparusahan ka " " Okay lang yon madali lang naman maglinis tsaka ayaw kong mag-alala ka pa about school baka makasama sa kalagayan mo " ngiti nito " At saka kayang kaya kong mag-aral para habolin yon kaya wag ka nang mag-alala kasi ginawa ko yon para hindi kana mag-isip o mag-alala pero kung gagawin mo yon edi useless din itong paglilinis ko dahil doon " " Hindi ko alam bakit ang bait niyo saakin " pakiramdam ni Carol sumikip ang dibdib niya pagkatapus nitong silipin ang dalawa sa may bintana at makitang hinawakan ni Paulo ang ulo ni Anika " Salamat " mabilis namang binawi ni Carol ang paninilip sa dalawa ng maramdaman nito ang bahagyang paghina ng paghinga niya. " Bakit? " Tanong pa nito habang pinapakiramdaman ang nararamdaman niya na tela ba nasasaktan ito. " Carol? " Mabilis itong umalis ng tawagin ito ni Stell pagkatapus itong lumabas at makita ito pagkwan napalingon din sina Paulo ng marinig nila si Stell. " Sandali... " Mahinang tawag rito ni Stell ng mabilis itong mawala sa paningin niya sa bilis nitong tumakbo " Bakit siya umalis? Sandali baka nagalit siya sa ginawa ko? Pe-pero hindi naman niya alam na ako ang may gawa nun " pagkausap nito sa sarili niya habang nanghuhula kung bakit biglang umalis si Carol at natigil lang ito ng biglang magbukas ang pinto at niluwa nito si Paulo. " Nandito si Carol? " Tanong agad ni Anika ng lumabas din ito at hinanap ng mata si Carol pero hindi niya ito makita. " Umalis na " malungkot ritong tugon ni Stell " sa tingin ko hinahanap ka " lingon nito kay Paulo at pilit na binawi ang malulungkot nitong tingin pagkatapus maisip na si Paulo ang sadya ni Carol at hindi siya " Bilisan na natin maglinis baka mainip yon sa paghihintay nakakatakot pa naman yon mainip biglang nananakit " pagbibiro pa niya saka bumalik sa lilinisan niya kung saan halata sa mukha nito ang lungkot. " Okay lang ba siya? " Nagtatakang tanong ni Anika habang sinusundan ito ng tingin. " Alam mo tama siya bilisan na natin maglinis baka malate ka sa practice mo " pagpasok ni Paulo na siyang sinundan ng dalaga. " Pero Paulo hindi mo naman kailangan tumulong tsaka ako naman ang may kasalanan kaya hindi mo kailangan madamay " " Pero ako ang dahilan " pagngiti niya rito kaya tuloyan ng bumigay itong si Anika kung saan pakiramdam niya biglang lumiwanag ang loob ng store room pagkatapus ng mga ngiti rito ni Paulo. " Unahin natin sa sailing para maalis ang bahay ng mga gagamba " Ani Paulo habang pinapatong ang upuan sa may mesa para tumapak rito. " Sandali okay lang bang umakyat ka diyan baka mahulog ka " nag-aalala ritong tingin ni Anika. " Hindi naman siguro ito ang pinirmahan ko sa langit na papatay saakin " " Huh? " " Ang sabi kasi ni Carol lahat ng bagay na mangyayari sa buhay natin naplano na yon lahat at kung itong gagawin ko ang papatay saakin kahit anong gawin ko hindi ko yon matatakbohan at kung hindi naman hindi ko ito ikakamatay " Confident nitong sabi saka tumapak rito pero mababasa mo sa tuhod niya ang takot dahil nanginginig ito. " Si Carol napakatapang niya " napatingin naman si Paulo sa pagsasalita ni Anika kung saan ramdam rito ang inggit pero binawi niya rin ang tingin nito ng maisip na totoo ang sinasabi niya. " Minsan nakakainggit siya " natigilan ito ng marinig niya ang mahinang tawa ni Paulo " Kung lahat ng tao kasing tapang niya baka araw araw may gulo " natatawa pa nitong sabi " At saka ang ugali niya minsan nakakapikon na rin pero Tama ka, minsan nakakainggit ang ugaling mayron siya " paglilinis nito. " May gusto ka ba sa kanya? " Natigilan itong si Anika ng biglang bumaba sa may upuan si Paulo at tumingin rito dahil sa tanong niya " ah, ano, kasi, wa-wala kalimotan mo na " nahihiya nitong sabi " Pasensya na kung masyado akong matanong " pagtalikod nito at nagwalis. " Para saakin mas gusto ko pa rin ang babaeng katulad mo kumilos " pagbaba nito at binalik ang upuan sa kinuhaan niya rito tapos na kasi itong maglinis at si Anika pakiramdam niya naging tuod ito sa sinabi ng binata " Tara bilisan natin maglinis malapit na ang practice mo " tumango na lang si Anika habang kinikilig pa rin. SAMANTALA sa pagtakbo ni Carol dinala siya ng mga paa niya sa paborito nitong tambayan at naupo sa ilalim ng puno na yon at naiinis habang iniisip yong kinilos niya kanina hindi kasi nito ugaling takbohan ang mga bagay bagay. " ANO BANG PAKIRAMDAM YONG KANINA AT BAKIT KAILANGAN KONG TUMAKBO? NANDOON NAMAN AKO PARA KAUSAPIN SI STELL AT HINDI PARA MAKINIG SA USAPAN NI ANIKA AT NI JAMPAWLO " sa isip nito at hindi niya napansing halos makalbo na nito ang mga damong nasa paanan niya. " Nakakainis naman kasi!!! " Sigaw nito. " Hindi mo ba alam na nakakarindi ang boses mo tas sisigaw sigaw ka pa?! " agad naman siyang sumilip sa likuran ng malaking punong kinauupuan niya pagkatapos may magsalita rito. " Edi alisin mo ang tenga mo! " " Kung bibig mo kaya ang tanggalin mo?! " Lingon rin rito ni Ken dahilan para magtama ang mata nila. " E kung ikaw ang tanggalin ko sa paningin ko?! " paghawi ni Carol sa buhok niya dahilan para umiwas rito ng tingin si Ken. " Ang tahimik rito kanina pero umingay dahil sayo " " Tsk! edi umalis ka! " " May problema ka ba? " Natahimik naman bigla itong si Carol sa tanong nito " Kung ganon aalis ako para mapag-isa ka at makapag-isip ng maayos pero sa sunod hindi na ako aalis " pagtayo nito " Makinig ka aalis ako hindi dahil sinabi mo, aalis ako dahil naaawa ako sayo " paglalakad nito pero natigilan siya sa biglang tanong ni Carol " Bakit hindi kana nakabantay sa kapatid ni Josh Santos? Gusto mo siya hindi ba kaya bakit hindi mo siya sinasamahan imbis na nakatambay ka rito? " " Anong ibig mong sabihin? " seryoso nitong tanong pero hindi na sumagot pa itong si Carol kaya umalis na din ito. " haist! ano bang naisip ko para sabihin yon, Paano kung saktan na naman niya ang Jampawlo na yon? " Naaasar nitong pag-iisip kaya mabilis itong tumayo at nagtungo sa kinaroroonan nila ni Anika kanina pero natapus na sila at wala nang tao rito " Ah baka nanood na naman siya ng practice ni Anika " mabilis nitong pagtungo roon pero wala din roon si Paulo. " Haist! paano kung may ginawa na naman doon ang Ken na yon? " pagsilip nito sa boy basketball court " Nandito ang Manok na yan? Kung ganon nasaan si Jampawlo? umuwi na kaya siya? " Paglabas nito ng makitang nasa loob si Ken at naalis ang pag-aalala niyang may gawin ito rito dahil sa sinabi niya kanina ngayong nasa loob ito. " Hindi ka manonood ng practice ni Anika? " Tanong rito ni Stell habang naglalakad ito pauwi. " Hindi na siguro baka naghihintay na naman kung saan si Carol eh " bahagya namang nanahimik itong si Stell. " Dre puwedi bang sainyo na lang ako dumaan? " " Okay lang pero hindi ba't malalayuan ka sainyo? " " Gusto ko lang makita si Carol baka kasi nagalit yon saakin " " Huh? Bakit may ginawa ka ba sa kanya? " Nagtataka ritong tanong ni Paulo. " Yong tungkol sa test paper " " Ah, Oo nga pala " Sabi bigla nitong si Paulo nang maalala ito sa katunayan hindi niya pa nakakausap si Stell tungkol rito. " Tungkol doon salamat pasensya kana kung si Anika lang natulongan kong maglinis kanina pero sana sa sunod huwag niyo nang ulitin ng hindi kayo napaparusahan dahil saakin " " Hindi ka naman dapat saakin magpasalamat sa katunayan hindi ako ang may gawa nun " " Anong ibig mong sabihin? " " Si Carol ang gumawa sayo at dahil alam kong nag-aaral na siyang mabuti para tumaas ang grades niya kaya pangalan niya ang sinulat ko sa quiz paper ko kaya ang lumabas ako ang gumawa sayo at iniisip ko nga baka nalaman na niya ang ginawa ko " natigilan naman si Paulo sa sinabi nito " sana hindi yon magalit dahil sa ginawa ko " nag-aalala pa nitong sabi. " Bakit naman niya ginawa yon? Bakit ba kailangan niyong gawing tatlo yon para saakin? " " Ginawa ko yon para kay Carol " Sabi agad nitong si Stell. " Kung ganon bakit kailangan mo yon gawin sa kanya? " Tanong pa nito kaya bigla tuloy nakaramdam ng kaba itong si Stell " Ang sabi ni Anika ginawa niya yon dahil ayaw niyang mag-alala ako sa school dahil iniisip niya ang kalagayan ko at ikaw ganon din ang ginawa mo kay Carol, ano bang ibig sabihin nun Stell? Bakit niyo kailangan gawin yon? Naparusahan tuloy kayo dahil saakin " mahaba nitong sabi. " Ginawa ko yon dahil__ " natigilan ito ng makarating silang gate habang may babaeng naghihintay rito at pagkakita nito kay Stell ay mabilis ritong yumakap. " Are you surprise? " Nakangiti pa nitong tanong kaya mabilis na tinanggal ni Stell ang pagkakayakap rito ng babae. " Puwedi ba nasa school tayo " asar ritong sabi ni Stell. " I'm sorry naexcite akong makita ka eh " nakanguso pa nitong sabi na parang Bata pagkwan napansin nito si Paulo " Who is he? " Titig pa nito kay Paulo. " Kaibigan ko " malamig lang niyang sagot rito. " Hello, I'm John Paulo Nase pero puwedi mo ako tawaging Paulo " bago pa ito mayakap ng babae mabilis itong pinigil ni Stell. " Puwedi ba ilugar mo yang ugali mo ingot " " Ano bang masama sa gagawin ko? " " Tsk! Tumigil ka na nga at saka bakit ba nandito ka? Akala ko ba maaga matatapus ang klase mo at maaga kang uuwi sainyo pero bakit nandito ka? " " wag kana magalit " pagkitty eyes niya rito " Kung uuwi ako agad sa bahay panigurado maiinip ako wala naman doon sila mommy at saka namiss kita kaya dito na lang ako pumunta nangalay nga ang paa ko sa kahihintay sayo " pagyakap nito sa braso ni Stell. "E sino bang may sabing puntahan mo ako rito?! " medyo malakas nitong sabi at natigilan ito ng malingon niya si Paulo. " Ah pasensya na " nahihiya nitong sabi " Ikaw na lang kumausap saakin tungkol kay Carol " pagbulong niya rito para hindi marinig ni Gian niya. " Oo, kapag nagkita kami " " Salamat Bro, sige iuuwi ko na muna itong gusto ni mama " pagpapaalam nito. " Sige mag-iingat kayo " Sabi lang nito ng hindi nagtatanong tungkol sa babae pagkatapos nitong maalala ang mga sinabi rito ni Carol noon na may fiancee itong si Stell. " Ano yong binulong mo? " Makulit na tanong ng babae kay Stell habang pinagmamasdan niya ang mga ito kanina " at saka hindi ko pa nasasabi ang pangalan ko sa kanya " makulit pa nitong sabi. " Manahimik ka na nga tsssst! " Saway rito ni Stell " Why you so mean to me? " " Ano bang inaasahan mo? Tsssst! nasa school tayo, okay? Bakit kasi pumunta ka pa rito " Hila niya rito pasakay sa motor niya at mabilis itong pinakaripas nang takbo kaya umuwi na rin itong si Paulo at nagmadali ito ng maalala niya si Carol " Nandito ka ba? " Tanong agad nito ng matapat siya sa may puno na madalas paghintayan rito ng dalaga at dahil madilim na kaya wala siyang makita rito " Carol? Lumabas kana kung nandiyan ka " Sabi pa nito. " Umuwi na ba talaga yon? Tsssst dapat nanood na lang ako nang practice akala ko naghintay na naman yon " pagbulsa pa nito sa kamay niya saka naglakad at mabilis itong nagtungo sa bahay nila Carol nang makita niyang nakabukas ang ilaw nito sa loob. " Nandito ka na ba o nalimotan mo na naman patayin ang ilaw? " Tanong nito habang kumakatok. " Mabuti at pinapaalalahan mo siya " pagbukas ng pinto " madalas niya talagang malimotan magpatay ng ilaw " pagsalubong rito ng Lola ni Carol. " Mano po, Lola pasensya na po akala ko po si Carol ang nasa loob kaya walang galang po akong kumatok " paliwanag nito habang nahihiya nang makitang ang matanda ang tao sa bahay " si Carol po nandito na Lola? " Tanong pa niya. " Katatawag lang niya saakin pero sa Kuya niya daw siya sumabay ngayon pauwi sa kanila " Sabi nito kaya nanahimik na din itong si Paulo saka lumabas at ang hindi niya alam nakamasid lang si Carol rito mula sa madilim na bahagi ng gate. " Mabuti naman at nakauwi kang maayos " bulong nito " Hindi ko alam pero naiinis ako sa tuwing naiisip ko yong pag-uusap nila ni Anika Santos tsssst! Ginawan ko din naman kasi siya pero bakit wala siyang pakialam doon sabihin na nating di niya alam pero dapat kasi alam niya para di ako naiinis " pagmamasdan pa niya rito saka lumingon sa bahay nila ng pumasok si Paulo at napangiti ito ng makita niya ang Lola niya. " Mabuti naman umuwi na din kayo Lola pero sorry po kung di muna ako uuwi ngayon baka kasi malaman ng Jampawlo na yon at ayaw ko siyang makita o makausap ngayong araw baka magalit na naman ako kaya... baka mas lalo lang niya akong maging ayaw " lingon nito sa bahay nila Paulo " Ang Jampawlo na yon " bulong pa nito pagkwan biglang tumunog ang phone niya. " Nandito na ako sa gate, nandiyan ka ba sainyo? Gusto mo bang diyan na lang kita daanan? " Sunod sunod ritong tanong ni Josh sa kabilang linya pagkatapos bumalik ng school nang magtext rito si Carol na sasabay sa kanya pauwi. " Andiyan na ako " tipid nitong sagot at pinutol ang linya. " Sir puwedi naman pong di na kayo sumama pabalik ng school " Sabi rito ng driver niya ng itago nito ang phone niya after ng pag-uusap nila ni Carol. " Okay lang yon saakin at puwedi wag mo na yan banggitin sa kanya? " Tingin niya rito, tumango naman ito bilang sagot. At hindi nagtagal dumating itong si Carol kaya umuwi na din sila at sa may gate pa lang nakasalubong na rito ang mama niya. " Mabuti naman at umuwi kana rito" Pananabik ritong yakap ng mama niya. " Wag nga kayong mangyakap nahihirapan akong huminga " " Kahit kailan ang arte mo saakin namiss lang kita at saka yong paa mo kamusta na ba? " " Magaling na! " " Carol anak, yong sinasabi mong kaibigan mo gusto kong makilala para makapagpasalamat sa pag-aalaga sayo at saka nasabi din saakin ni Josh na tinutulongan ka din niya sa studies mo " " Wala akong kaibigan! " " Sinabi saakin ng Lola mo yong kapitbahay niyo na kinakaibigan ka raw at gusto mo naman daw____ " " MAMA ANONG GUSTO?!! KAIBIGAN KO LANG YON! K A I B I G A N!!! AY HINDI, OO! KAPITBAHAY PALA HINDI KAIBIGAN BAKA NGA KAKILALA LANG EH " Pagmamadali nito at iniwan ang mama niya " Oo, Wala akong ibang nararamdaman doon kundi puso ng isang kapitbahay " bulong pa nito habang naglalakad. " Hindi kaya may gusto siya doon? " Tanong ng mama nito habang pinagmamasdan ang werdong kinikilos ng anak niya "Josh baby kilala mo ba yang gusto ng kapatid mo? " Natahimik ito ng makitang maglakad si Josh na para bang lumilipad rin ang isip " okay lang ba yon? Bakit naman ata parang ang weird ng mga anak ko ngayon? " Pagpasok na rin nito. " Well, kailangan kong makilala itong friend ng Carol ko na mukhang gusto niya " nakangiti nitong pag-iisip " Ang Anika ko nga rin pala may nashare na siyang crush niya saakin and I need to meet him again also at sana ganon din sana kabait ang gusto ng Carol ko " pag-iisip pa nito nang maalala ang tinuro rito ni Anika na crush niya noong minsang nasa mall sila " sandali kung may mga crushes na ang mga dalaga ko...maybe Josh have too " pag-iisip pa niya " sino kaya? Sa school din nila? Kaklase? I need to know it also for my peace of mind " pagsakit ng ulo nito sa pilit na pang-aanalisa sa mga anak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD