" Kuyaaaa!!! " Agad tinakpan ni Josh ang tenga niya gamit ang unan nito nang biglang pumasok itong si Anika sa kwarto niya.
" Ang ingay mo " reklamo nito.
" Kuya dito rin kayo mag'group study? " excited pa nitong tanong.
" Oo "
" Kasama siya?! " Agad naman niyang tinanggal ang unan sa tainga niya at tiningnan itong kapatid niya.
" May crush ka ba talaga doon? " Namula naman ito sa biglang tinanong ng Kuya niya " Kasama siya kung pupunta siya " pag-ayos nito nang upo.
" Pilitin mo Kuya!!! "
" Talaga bang gusto mo ang lalaking yon? "
" Wa-wala namang masama diba? " pag-iwas nito ng tingin " Mabait naman siya at matalino " Sabi pa nito.
" Hindi mo ba naisip kung anong mayron sa kanila ni Carol? "
" Magkaibigan sila " naninigurado nitong sagot rito " tsaka kailan pa ba may nagustohan yon? " pagtukoy nito kay Carol.
" sigurado ka ba sa sinasabi mo? " Pagtayo nito at inayos ang kama niya. Sa pagkakataong ito tuloyan namang nagising ang diwa ni Carol habang naririnig itong dalawa, magkakatabi lang kasi sila nang kwarto.
" Oo naman, tsaka kailan pa ba may nagustohan si Carol? " Nanahimik naman itong si Josh at si Carol pinilit nitong matulog muli pero napalingon ito sa kinaroroonan nang dalawa pagkatapos magsalitang muli si Anika.
" At saka ang sabi saakin ni Paulo kahapon mas okay daw akong magustohan kaysa kay Carol " mahina nitong sabi pero tama na ang pandinig niya para marinig yon " At saka malakas ang kutob kong kaibigan lang ang tingin sa kanya ni Paulo kaya wala akong dapat na ipag-alala " naaasar namang bumangon itong si Carol at naiinis na naman sa nararamdaman niya.
" Tsk! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? " Hawak nito sa puso niya habang hindi niya ito maramdaman pagkatapos maalala ang sinabi na naman ni Anika " tsk! Ano naman kung hindi ako okay magustohan? Alam ko naman yon dahil hindi ako mabait! " Pagbagsak nito nang higa.
" e kayo Kuya may crush ka ba sa school? " Napatingin naman rito si Josh " O kaya sa kahit saan na lang, sino bang crush niyo o nagugustohan niyo? " Hindi naman ito makapagsalita sa mga tanong nang kapatid niya.
" Wala ba? " Makulit pa niyang tanong.
" Lumabas ka na nga! " Pagpapalayas niya rito.
" Puwedi mo namang eshare saakin pangako hindi ko sasabihin sa kahit sino kahit kay Daddy at mommy " bulong niya pa rito at ganon na lang ang excitement niya nang bumulong din ito rito.
" TUMAHIMIK KANA DAHIL NASA KABILANG KWARTO SI CAROL AT KANINA KA PA SIGURO NIYA NARIRINIG "
" Kuya?!!! Sigurado ka?! " Ganon naman ang hiya nitong si Anika nang tumango ito sa kanya.
" Oo, saakin siya sumabay kahapon "
" E bakit naman hindi niyo sinabi agad? " Natataranta nitong pagkuha sa relo nang Kuya niya at ganon na lang ang ngiti niya nang makitang 8 pa lang " Mabuti na lang, 11 pa ang gising nun kaya I'm safe! " Hinga nito nang malalim.
" Hilingin mo na lang na tulog pa siya dahil paniguradong narinig ka na niya "
" Kasi naman hindi niyo sinabi agad! " Hampas niya rito sa unan bago lumabas kaya ganon na lang ang ngiti niya sa asar sa mukha nang kapatid niya pero natanggal din yon nang maisip niya si Carol.
" Sana nga at kaibigan din ang turing niya sa Paulo na yon " pagkuha nito sa phone niya at nilapag niya ito pagkatapos alisan nang lock nang makita nito ang wallpaper niyang picture kung saan isang stolen shot nila ni Carol habang nakaupo sa may sofa nong minsang nagvivideo si Anika at nasagi sila nito.
" I'm so stupid to feel this way " paghiga nitong muli at tinakpan niya ang mukha niya gamit ang unan " Kapag nalaman niya itong nararamdaman ko lalong lalayo ang loob niya saakin " pagbangon nito " Siguro nababaliw din talaga ako para maramdaman ito " tingin nito sa sarili niya sa salamim.
SAMANTALA hindi naman magawang kumilos nitong si Carol sa mga narinig niya ngayong umaga.
" Ang JAMPAWLO na yon! Napakasama niya!!! " Paghiga nito " Tsk! Ano ngayon kung hindi ako mas okay sa Anika Santos na yon?! Tsssst!! Ano naman ngayon?! Babae rin naman ako ah " mahina pa nitong sabi at hinawakan ang kwentas niya at natigil ito nang marinig niyang may kumatok sa pinto niya.
" Natutulog ako!!! " Sigaw nito sa asar kaya tuloyan nang nagbukas ang pinto at asar itong bumangon sa biglang pumasok " Ang sabi ko tulog ako bakit kayo pumasok?! " Naaasar nitong tingin sa mama niya.
" Walang tulog na nagsasalita, Anak " Ngiti rito nang mama niya kaya asar itong nahiga at nagtalukbong nang kumot.
" Edi matutulog ulit! "
" Kagabi hindi na kita nakita dahil nagmadali kang pumasok at hindi na lumabas pa nang kwarto at ayaw mo rin akong papasokin " naramdaman na lang ni Carol ang paggalaw nang mama niya sa kumot at tiningnan nito ang paa niya " Ang pangako mo iiwas ka sa gulo at mag-aaral nang mabuti kapag pinayagan kitang tumira sa Lola mo pero bakit nasaktan na naman itong mga paa mo? Ano na naman bang ginawa mo? " Naiiyak nitong tanong kaya napilitan na ring bumangon itong si Carol.
" Maayos naman yan mama kaya bakit kayo umiiyak diyan?! " Pagtago nito sa paa niya.
" Dahil ayaw kong nasasaktan ka at hindi ko kayang mawala ka saakin "
" Hindi naman tulad lang nito ang papatay saakin kaya tumigil na kayo "
" Bakit ba hirap na hirap kang alagaan ang sarili mo? " Hindi naman nagsalita pa si Carol sa tanong nang mama niya at nahigang muli.
" ang gusto mo, sarili mo lang ang sinusunod mo at ayaw mong pinapakialaman ka pero paano ko gagawin yon kung yong mga gusto mo hindi naman nakakabuti sayo? Puwedi bang alagaan mo ang sarili mo? Kung hindi para sayo, saakin na lang, pleaaase? "
" Okay naman ako " mahina lang nitong sabi at naramdaman na lang nito ang yakap sa kanya nang mama niya habang nakahiga ito sa tabi niya.
" Carol, baby " tawag niya pa rito " tanggapin mo na kasi ang buhay natin at maging masaya kasama ang Santos family "
" Pero mama " lingon niya rito kaya magkaharap na sila ngayon
" Kaya naman nating maging masaya nang wala sila? Kaya natin mama! Pangako magiging mabait ako " titig niya rito sa mata.
" Sabihin mo nga ano bang ayaw mo sa Santos? Diba tanggap naman nila tayo at saka ang taong gusto mong alisin sa buhay mo ay ang taong dahilan bakit ka nandito, ang daddy mo "
" Hindi ko siya daddy! " Pagdapa nito " Sige na po, lumabas na kayo Mama gusto kong matulog ulit " Wala namang nagawa ang mama niya kundi pagmasdan lang ito bago tuloyang lumabas nang tahimik.
" Good morning!! my gorgeous Mommy " salubong rito ni Anika at niyakap siya pagkatapos siyang makita nito.
" Bakit naman ang saya nang isa ko pang baby? "
" Pupunta po rito ang crush ko " bulong rito ni Anika kaya ganon na lang ang gulat nito.
" Yong tinuro mo saakin minsan? " Ganon naman ang tuwa ni Anika pagkatapos niya itong maalala " yong guwapong maginoo? "
" Opo " kinikilig pa nitong sabi.
" Edi dapat magmake up ka at ayosin ang suot mo " naeexcite nitong sabi.
" Sa tingin niyo po? "
" Group study po ang sadya niya rito " pagputol ni Josh sa usapan nang mga ito nang lumabas itong kwarto " at hindi po para dalawin si Anika o sundoin para pumuntang JS Prom. para kailanganin pa magmake up" pang-aasar nito sa kapatid niya.
" Parang hindi ito kapatid " masama ritong tingin ni Anika " Walang kasupport support " pagsimangot pa nito.
" Group study man o ano pa mang pagpuntang gagawin niya rito kailangan magmukha kang maayos sa paningin niya " pag-awat niya sa mga ito.
" I love you talaga mommy " yakap niya rito nang mahigpit.
" Humanap ka na lang nang bagong crush " paglalakad pa nitong si Josh
" Ang sama po niya " parang bata nitong yakap sa mama niya " Palibhasa kasi si Justin lang ang nakikita mo palagi kaya di ka nagkaka crush " sigaw pa nito.
" Tsk! Akala mo! " Ganon na lang ang gulat nitong kayakap niya nang bigla itong tumakbo sa Kuya niya
" Sandali you have crush too? Sino naman? " Makulit nitong tanong
" Tumigil ka nga, Wala naman akong sinabi "
" Eh Sabi mo, tsk akala mo! " Paggaya nito sa Kuya niya kanina.
" O tapos? Anong meron doon? " Masungit nitong sabi kaya asar niya itong iniwan.
" Kapag nalaman ko yan humanda ka saakin " pagbalik nito sa mama niya para sa pag-aayos niya at kinabahan naman si Josh sa sinabi nito pero pinilit niyang baliwalain ito dahil alam niyang baka mabuko lang siya kung makikipagkulitan pa siya rito.
" Good morning Sir " bati rito nang maid.
" Good morning, pakigawan ako nang coffee " Pagtungo nito sa may sofa at kinuha ang isang dyaryo at nagbasa. Pagkwan tumingin ito sa taas kung saan ang kwarto ni Carol.
" Sasali ba siya sa group study namin? Ang alam ko takot na takot yon sa reporting " Pagka-usap pa nito sa sarili niya at natigilan siya nang maalala nito si Paulo kaya huminga na lang ito nang malalim " Well, Wala namang dudang mapipilit siya nang isang yon sumali sa group study " pagbabasa nitong muli at hindi niya maiwasang mainis pagkatapos niya yon maisip.
" Buwesit!! " Pagtayo nito at asar na ginusot ang dyaryo at tinapon.
" Sir, ito na po ang coffee niyo " natigilan ang maid nang maglakad ito.
" Sir? " tawag niya pa rito.
" Maliligo ako! " Asar pa nitong sabi kaya ganon na lang ang pagtataka nang maid " Pero hindi pa naman niya natitikman ang tinimpla ko para magalit kung mali pagkatimpla ko " pag-inom pa nito sa coffee " Sir masarap naman eh " mahina pa niyang sigaw rito. SAMANTALA hindi naman matigil tigil sa pagpapalit nang puwesto nang higa si Carol tuwing maiisip na pupunta sa kanila si Paulo.
" HINDI NAMAN AKO SASALI KAYA BAKIT PA AKO NAG-AALALA SA PAGDATING NI JAMPAWLO " pagtihaya nito " Sandali, lilinawin natin Carol ha! hindi siya ang dahilan bakit ayaw nating sumali, okie? " pagpikit nito pagkatapos niyang maisip muli ang mga sinabi ni Anika at ang mga nangyari kahapon " Ayaw kong magGroup study dahil ayaw ko! At ganon lang yon " pagngiti nito para paniwalain ang sarili sa naisip niya
" Pero ano kayang suot niya ngayon? Suot na naman kaya niya ang relo niyang black? Ang cool nang kamay niya doon eh " Pagbangon nito bigla sa mga naisip niya " Ano kayang suot niyang pants? " Pagsilip nito sa labas at natigil ito nang marealize ang mga pumasok sa isip niya.
" Normal lang sigurong isipin ko yon dahil natutuwa naman talaga akong nakikita ang Jampawlo na yon kaya walang masama sa nararamdaman ko " paghiga nito nang hindi pinag-iisipan ang mga nararamdaman niya, sa excitement nitong makita ang binata.
" O ayan mas maayos ang buhok mo kung may hair clip " tuwang tuwa naman si Anika sa pag-aayos rito nang mama niya parang wala din kasi itong make up at ang cute niya tingnan.
" Nga po pala mommy hindi ba gusto niyong malaman yong kaibigan ni Carol? " Ganon naman ang excitement sa mukha niya sa sinabi rito ni Anika.
" Kasama ba siya sa group study niyo? "
" Opo, siya yong crush ko "
" Huh? "
" Opo mommy, yong crush ko ay ang bestfriend ni Carol "
" Kung ganon hindi lang ang loob mo ang nakuha niya kundi pati si Carol ko? Ibig sabihin kailangan ko talagang makilala ang binatang yan "
" Opo pero wag niyo akong ibuboking Tita ah "
" Oo dahil hindi rin magandang malaman nang lalaking gusto mo siya dahil etetake advantage nila yon para ligawan ka "
" Opo pero sa tingin ko po hindi naman ganon si Paulo " tingin niya rito " napakabuti po niya " ngiti pa niya.
" Ramdam ko nga sa mga kwento mo sa kanya " suporta nito sa binibini niya pagkwan lumabas na din sila at hindi nagtagal nagsidatingan na rin ang mga kaklase nila at sa may sala ang puwesto nila Josh at kela Anika naman ay sa Garden.
" Hello po!!! " Bati agad nitong si Justin nang dumating ito kaya ganon na lang ang ngiti rito nang lahat pagkatapos nitong gamitin ang gummy smile niyang lalong nagpapacute sa gwapo niyang mukha.
" Josh dumating na ba lahat? " Takbo niya rito agad kaya may ilang nagnakaw sa kanila nang tingin, iniisip kasi talaga nilang may relasyon itong dalawa dahil napaka clingy rito ni Jah.
" Tatlo pa ang kulang saatin pero okay lang, wala pa naman ang call time natin advance lang talaga kayo "
" Si Paulo dumating na ba? "
" Wala pa " Ani Stell habang pinag-uumpokan nang mga kaklase nilang babae. Di pa rin kasi sila pumupuntang garden o sa study place nila dahil marami pang kulang sa kanila at inaabangan din kasi nitong leader nila ang pagdating ni Paulo.
" Oiii bakit ba ayos na ayos ka tsaka may nilagay ka ba sa labi mo? " Paglapit rito ni Rohan.
" Oo nga, ang ganda mo ngayong araw " Sabi pa nang ilang kaklase nilang napansin din ang pagpapaganda nito pero ngumiti lang siya sa mga ito at si Stell kanina pa nakatingin sa may pinto habang hinihintay ang paglabas rito ni Paulo kasama si Carol wala siyang kaalam alam na umuwi na rito si Carol.
" Sasama kaya yon? " Naiinip pa niyang paghihintay rito.
" Mag-juice muna kayo " pagdating ni Mrs. Santos habang nakasunod rito ang ilang maids na may dalang pagkain.
" Salamat po, Tita " Ani Josh na lumapit rin rito si Anika at yumakap sa beywang niya.
" Sandali hindi pa ba bumababa si Carol? " Napalingon naman sa kanya si Stell sa tanong nito.
" Nandito po siya?!! " Bigla nitong pagtatanong " sorry po, Tita " Sabi nito nang mapansin niya ang gulat sa mukha nang mama ni Carol dahil sa biglang pag-interrupt niya.
" Owh, Stell? Is that you? " Agad naman siyang humalik rito sa pisngi.
" Opo, kagrupo po ako ni Anika "
" Ganon ba " masaya niyang sabi rito " Ah, si Carol nasa kwarto pa baka naman puwedi mo siyang tawagin at piliting pasalihin sainyo " nagtaka naman siya nang bahagya itong magkamot nang ulo habang nahihiya.
" Hindi po si Stell ang dapat niyong kausapin tungkol sa bagay na yan at saka kapag dumating po yon baka po kusang sumali saamin si Carol " pag-upo nitong si Josh kung saan may mararamdaman kang inis sa tono nang boses niya.
" Opo, Tama si Josh " ngiti pa ni Stell kaya tumahimik na din ito habang iniisip kung ano bang nangyayari sa mga batang nasa paligid niya pakiramdam niya kasi may hindi sinasabi ang mga ito sa kanya.
" Andiyan na pala si Paulo " natisod naman sa pagkakatayo itong si Anika sa biglang sinabi ni Jah habang kumakain ito nang tinapay nang makita nito si Paulo.
" Umayos ka nga " kalabit rito ni Rohan.
" Ano, okay ka lang? " Natutuwa ritong lingon nang mommy niya.
" Opo " kinikilig pa nitong sabi habang naglalakad sa direksyon nila si Paulo.
" Magandang umaga, sorry, I'm late " ngiti nito at napaka ginoo nang pagsasalita kaya hindi na nagtataka ang mommy ni Anika paanong may crush rito ang anak niya.
" Good morning po, ma'am " paglapit niya rito at napangiti siya nang makita ang maaamo nitong mukha.
" Good morning " hawak niya rito sa ulo " napaka gwapo mo namang Bata "
" Salamat po " nahihiya nitong sabi pagkwan dumako ang tingin nito kay Anika.
" Hi Paulo " nagbablush nitong sabi kaya ganon na lang ang pag-ubo nang lahat at siyang pag-alis nang mommy niya sa gitna nila.
" Sabi na eh di group study ang mangyayari saatin rito " sigawan nang ilang boys na kasama nila kaya mas lalong namula sa hiya itong si Anika.
" Bakit anong mayron? " Inosenting tanong nitong si Paulo.
" Wala " mabilis ritong sagot ni Anika " si-sige, magjuice ka muna " pag-abot niya rito.
" Salamat? " pag-abot niya ritong may pagtataka.
" Tara na, sa garden tayo " mabilis na pag-alis ni Anika na kanilang sinundan din para putolin ang pang-aasar nang mga ito bago pa siya tuloyang maboking.
" Sabihin mo nga saakin bakit ganon ang mga kaklase natin? " Tanong agad ni Anika kay Rohan nang makarating silang garden at medyo malayo sa mga kagrupo nila " Alam ba nila ang nararamdaman ko kay Paulo? Sinabi mo ba? "
" Wala akong sinabi ah pero, masyado ka kasing obvious "
" Ano? Paanong obvious? " Nag-aalala nitong tanong.
" Masyado kang malaki ngumiti kapag siya ang kaharap mo at di ka naman nag-aayos nang ganito " hawak nito sa hair clip ni Anika.
" Dapat ko bang tanggalin? "
" Huwag na, kung nahalata man nila huli na ang lahat at saka bagay mo rin naman "
" Sana naman wala "
" Sana talaga dahil kawawa siya kay Ken kapag nalaman niya "
" Mukhang ipapahamak ko na naman siya " nag-aalala nitong sabi.
" Naku! Okay lang yan palagi naman niyang kasama si Carol at takot yon sa kanya diba? " Tumango naman siya sa sinabi nang kaibigan niya at napangiti kahit papaano.
" Anong ginagawa mo?! " Napalingon naman si Rohan sa biglang pagsasalita nang kagrupo nila nang malakas.
" Wag ka ngang maingay " naaasar ritong bulong nang kaibigan niya " Paniguradong magtetrend na naman yan sa school at makikita ko siya " pagtukoy nito kay Ken pagkatapos niyang e-upload ang eksena ni Paulo at Anika kanina habang kinakantyawan nila ito pagkatapos nitong magnakaw nang video kanina.
" Kapag nalaman nila yan lagot ka kay Carol "
" Ano namang kinalaman niya rito? "
" Kapag sinaktan ni Ken si Paulo dahil diyan paniguradong malalagot ka rin kay Carol! Hindi mo ba talaga alam ang nangyayari sa school? " bulongan pa nang dalawa " at saka paano mo naman naisip na makikita mo si Ken kung ia-upload mo yan? " Ganon naman ang takot nito sa mga sinabi nang kaibigan niya.
" Haist! Tinatakot mo naman ako eh " mabilis niyang pagtingin sa post niya sa f*******: pero huli na ang lahat dahil ang dami nang nagmention kay Ken at nagshare at nagrepost kaya imposibleng hindi niya ito makita.
" Lagot na ba ako? " Naiiyak nitong tanong.
" tssst! Edelete mo na lang yang sayo sa dami nang nagrepost imposibleng malaman nilang sayo nanggaling kung bakit kasi gumagawa ka nang bagay na hindi mo pinag-iisipan " bulongan pa ng mga ito.
" Ano bang pinag-uusapan niyo? " Napalingon naman ang dalawa kay Rohan habang natatakot ang tingin ng mga ito.
" tsk! Para namang nakakita kayo nang multo " pag-upo nito " Alam niyo kung naiihi kayo at nahihiyang magsabi sasamahan ko kayo sa banyo nila " dugtong pa nito pagkatapos mapansin ang pagkabalisa sa mukha nang mga ito.
" Kailangan niyo bang comfort room? " Nakangiting tanong ni Anika sa mga ito.
" Ah Oo na lang " sabi nong isa habang naiihi sa takot sa pananakot rito nang kaibigan niya pagkwan kinawayan ni Anika ang maid at nagtungo naman ito sa kanya.
" Manang pakisamahan po silang banyo " agad naman itong sumunod sa kanya kaya sumunod na rin rito ang dalawa.
" Paano naman bang hindi mababaliw si Ken kay Anika e ang bait, matalino, at ang ganda niya " usapan pa nang mga ito sa banyo.
" At ngayon pati yong gwapong transferee na kaklase natin "
" Na interest nang step sister niya na malabong magustohan siya " tawanan nila nang maisip nila si Carol kumpara kay Anika na role model nang lahat.
" Ako nga ang nahihiya doon kapag lumalapit kay Nase " tawanan pa nila at ganon na lang ang gulat nang mga ito nang magbukas ang banyo habang nagsasalamin ang mga ito.
" Ca-carol? " Ganon na lang ang paglunok nila sa takot nang titigan niya ang mga ito.
" Na-narinig m-mo ba a-a-ang sinabi na-na-namin? " Nauutal nilang tanong sa takot.
" Kahapon pa ako nababadtrip kaya umalis na lang kayo sa harapan ko kung ayaw niyong_____ " Hindi na nito natuloy ang sasabihin niya nang tumakbo palabas ang dalawa at hindi lang banyo kundi sa bahay nila Anika at tuloyan nang umuwi kaya ganon na lang ang pagtataka nang lahat kaya nagtungo itong si Anika sa banyo para tingnan kung anong nangyari.
" Tsssst! Makiki-CR lang para magtsismis " pagpasok ni Carol pagkatapos nitong hawiin ang buhok niya at naupo sa iniduro para umihi " Tsk! MGA IPIS YON!! " Pagkuyom nito sa kamao niya saka hinawi ang buhok niyang muli sa inis nang maisip nito ang mga sinabi nila kanina " Paano naman bang hindi mababaliw si Ken kay Anika e ang bait, matalino, at ang ganda niya at ngayon pati yong gwapong transferee na kaklase natin na interest nang step sister niya na malabong magustohan siya " napahawi naman ito sa buhok niya sa inis nang maisip ito " Ako nga ang nahihiya doon kapag lumalapit kay Nase " alaala pa niya sa mga tawanan nila.
" Tsk! Ano ngayon?!!! Babae din naman ako ah!!!! " Pagsipa nito nang malakas sa pintuan nang kinalalagyan niya pagkatapos umihi at ganon na lang ang gulat ni Anika sa ginawa nito pagkatapos niya ring pumasok sa banyo.
" Carol? " Nagtataka pa niyang tanong pero inisnob lang siya nito saka humarap sa salamin at tinitigan ang sarili niya rito.
" Pinaalis mo ba ang mga kagrupo ko? " Napalunok itong si Anika nang lumingon lang ito sa kanya.
" Alam ko namang ayaw mo rito sa bahay dahil ayaw mo nang ibang taong nakapaligid sayo pero dapat hindi mo sila pinaalis nagkataon lang na nakasabay ka nila rito sa banyo " natigilan itong si Anika nang lumapit bigla rito si Carol at ganon na lang ang pagtataka niya nang pagmasdan siya nito kaya halos hindi nito magawang huminga habang nawewerdohan sa ginagawa nang kapatid niya.
" Anong gi-ginagawa mo? " Natatakot niyang tanong rito pero iniwan lang siya nito.
" Anong nangyayari sa kanya? " Paghinga nito nang malalim habang sinusundan ito nang tingin " Hindi kaya napopossess nang masamang elemento si Carol? " Ganon na lang ang takot nito at gulat nang lumingon ito sa kanya.
" Ba-bakit? "
" Anong nilagay mo sa labi mo? " Nanlaki naman ang mata niya sa tanong nito kaya hindi na niya ito nasagot hanggang sa pumasok si Carol sa kwarto nito.
" Si Carol ba talaga yon? Bakit naman ang weird niya " Paghawak pa nito sa labi niya dahil sa tanong nito tsaka bumaba at agad nitong binawi ang pagtataka pa rin nang mukha niya dahil kay Carol nang makita nitong nakatingin sa kanya sina Paulo, madadaanan kasi ang sala patungong banyo kung galing kang garden.
"Okay ka lang? " Tanong agad rito ni Paulo nang mapansin ang pamumutla nito.
" Ano bang nangyari? " Tanong din nang Kuya niya.
" Wala, mainit kasi rito sa loob " ngiti nito saka lumabas pagkwan dumating na din ang kaklase nila Josh.
" I'm sorry bigla kasi akong inutosan ni Papa " paliwanag nito agad.
" Okay lang, 15 minutes ka lang namang late " Ani Josh.
" Salamat " pag-upo nito.
" Kung ganon kompleto na tayo? " Ani Justin pagkwan nalingon nito si Stell.
" Teka! kay Anika ang grupo mo diba? Bakit nandito ka pa? " Tumayo naman agad si Stell sa sinabi nito sa katunayan kanina pa nito hinihintay si Carol para makita.
" Ah, Oo nga pala " ngiti nito " Sige, Dre " pagtapik nito kay Paulo.
" Magsisimula na ba tayo? " Pag-upo pa ni Jah sa kinauupuan ni Stell " si Carol pa pala! " Natigilan naman si Stell sa sinabi nito.
" Nasaan siya? " Tanong din nitong si Paulo at ganon na lang ang pagtataka niya nang sabay sabay nila itong lingonin.
" Bakit? " Paglingon pa niya sa mga ito at mas nagtaka ito nang lumapit rin ang mama ni Carol at nakatingin sa kanya.
" Nasa kwarto pa rin ang anak ko kaya paki-usap puntahan mo siya para saakin at pasalihin sa group study niyo paniguradong babagsak yon kung hindi siya sasali rito "
" Puntahan mo na Dre at kombinsehin mong bumaba rito " balik din ni Stell.
" Pero bakit ako? " Tanong pa niya habang kinakabahan sa puwedi na namang gawin rito ni Carol.
" Dahil sayo lang yon makikinig " malamig na dabi nitong si Josh " kaya puntahan mo na at pasalihin rito " dugtong pa niya na siyang pagsang-ayon rito ni Justin habang tumatango halos maputol na nga ang leeg nito sa katatango sa bawat sasabihin nila, mapapayag lang itong si Paulo.
" Dali na, Dre " Ani Stell.
" Paki-usap? " Lapit rito nang mama ni Carol.
" O-OKAY PO " pagtayo nito " saan po ba ang kwarto niya? "
" Sasamahan kita " pagpepresenta ng mama nito habang sinusundan naman ng tingin nang lahat ang dalawa.
" Okay! Paniguradong bababa na siya " pagngiti ni Jah pero natigilan ito nang makita niya ang mga mata ni Stell at Josh habang nakatingin kay Paulo.
" Halatang naiinggit siya " titig nito kay Stell habang nalulungkot na nakatingin kay Paulo " Sa bagay ex-bestfriend nga naman sila at kung hindi ako nagkakamali may crush din ito sa kanya " pagfefeeling Sherlock ni Justin habang sinusundan ng tingin si Stell pagkatapos magtungo sa garden. Pagkwan nilingon nito si Josh na ngayon nakatingin na sa librong reference nila para sa report nila.
" Ang susungit pa rin nang tingin niya katulad ng mga tingin nito kay Paulo kanina pero ano namang dahilan nito? " Pagmamasdan niya rito " Kapatid naman niya si Carol at dapat nga matuwa ito kasi dahil kay Paulo mag-aaral ang kapatid niya kung mapilit niya itong bumaba kaya lang, bakit kakaiba ang hangin na nararamdaman ko sa paligid niya " pag-amoy niya pa rito kaya masama ritong lumingon si Josh pero hindi niya ito napapansin.
" Anong ginagawa mo? " Hawak niya rito sa ulo para matigil ang pag-amoy niya rito.
" May nararamdaman kasi akong kakaiba habang katabi kita " magsasalita sana itong si Josh nang biglang ubohin ang lahat ng kasamahan nila, iniisip kasi talaga nilang may namamagitan dito sa dalawa. At dahil matagal nang ganito ang tingin sa kanila nang lahat at di naman niya masabihan at matigil ang ugali nitong si Justin kaya binabaliwala na lang niya at nasanay na rito.