Kabanata 42

2136 Words
" Ito ang susi, paniguradong nakalock yan kaya gamitin mo na lang kung hindi ka pagbuksan " pagbibigay nang mama ni Carol sa susi rito " sige, maiwan na kita ah! Good luck!!! " Pag-alis nito habang nakangiti. " Dapat siguro hindi ako nagsuot nang white paniguradong marurumihan lang ito " pagkatapos nitong maisip ang mga p*******t rito ni Carol " Sipa, hampas, suntok, o ano na naman kaya? " Paghinga nito ng malalim saka kumatok. " Carol...? " tawag niya rito pero walang may sumagot sa kanya habang nagpapanggap na tulog itong tinatawag niya " Magsisimula na tayo for our group study sa report natin " Sabi nito agad " Gusto mong matuto about reporting diba? Kaya bumaba kana " dugtong pa niya pero parang hangin ang kinakausap niya " Tara na Carol, pakiusap? " Sabi pa nito pero wala siyang natanggap na kahit na ano mang sagot rito. " Ganito, pagbuksan mo na lang ako? " Dugtong pa niya pero wala pa rin kaya wala siyang nagawa kundi gamitin ang susi para makita ito. " Para ka naman kasing bata sa ginagawa mo " pagbukas niya rito at natigilan ito nang makita niyang ang dilim nang loob nang kwarto nito habang nakapatay ang ilaw rito. " Sandali bakit ang dilim? " Tanong nito at hindi niya alam pero bigla siyang dinala ng mga paa niya sa loob at may kung ano mang hangin ang nagsara sa pinto. " BALIW NA BA SIYA? TALAGA BANG GUSTO NIYANG MASAKTAN?!!! " Pagmamasdan rito ni Carol habang nagkukunwari itong natutulog " HINDI PORKET SINABI KONG OKAY LANG SAAKIN NA KASAMA SIYANG MATULOG E TALAGANG GAGAWIN NIYANG DALAWA LANG KAMI SA IISANG KWARTO AT SAKA ANG SABI KO OKAY LANG KUNG TULOG KAMI! " at sa asar nito sa mga naisip niya ay di niya napigilang mapaupo " Haist! Dapat nga pala nagkukunwari akong tulog " pagpalo nito sa ulo niya " Ayaw ko nga palang makita ang isang ito baka mabalibag ko lang eh " mahina pa niyang pagkausap sa sarili niya pero natigilan ito nang maaninag niya nang mata itong si Paulo habang mabagal na umuupo sa may sahig. " ANO NAMAN ANG KAARTEHAN NITO? " pagmamasdan niya pa rito habang nakapatay pa rin ang ilaw. " Ca-carol....? " Mahina niyang tawag rito habang hawak hawak nito ang ulo niya habang sumasakit, nang bigla nitong maramdaman ang bumabalot na hangin sa kwarto nang dalaga, kung saan ang pakiramdam noong nabubuhay siya sa madilim niyang kwarto para takasan ang magulong buhay kasama ang mga magulang niya. " Carol bakit ang ingay? " Sabi pa nito habang naaalala nito ang pag-aaway nang mga magulang niya at pakiramdam niya naririnig niya ang boses ng mga ito pero hindi naman niya matukoy itong mga pumapasok sa isipan niya at mga sinasabi nila dahil malabo ito, maingay at sumasakit ang ulo niya sa mga nasa isipan at nakikita niya. " Pinagti-tripan mo ba ako? " Tanong na lang din nito nang hindi naniniwala kay Paulo kahit natatakot na din ito sa boses nang binata habang nahihirapan magsalita. " Carol hindi ako makahinga... tulongan mo a..ako " napatigwas naman ito sa kama nang marinig nito ang pamilyar na boses ni Paulo tuwing nahihirapan ito katulad nang mahospital ito. " Ano bang nangyari____ " di na nito natuloy ang sasabihin niya habang pumupunta kay Paulo nang mapatid ito sa kumot niya at napayakap ito rito kasabay nun ang pag-ilaw nang kwarto niya. " Luh!!! " sigaw ni Justin pagkatapos nilang magtungo rito ni Josh at pailawin ang ilaw at itong pagkadapa ni Carol kay Paulo ang nasaksihan nila kung saan nanlalaki ang mata ni Carol habang nakadampi ang labi nito kay Paulo pagkatapos ritong sumakto nang madapa siya pero si Paulo patuloy pa rin nitong naririnig ang mga alaala nang nakaraan niya at dahil hindi niya maklaro kung sino itong mga naririnig at nakikita niya kaya mahigpit itong yumakap kay Carol sa takot kaya mas nadikit rito ang katawan ni Carol ng hindi namamalayan ang nangyayari kaya mabilis niyang nilayo ang labi niya kay Paulo ng maramdaman ito. SAMANTALA agad naman nagdilim ang paningin ni Josh sa mga nasasaksihan niya kaya inalis nito ang pagkakayakap rito ni Paulo saka naalis rito si Carol. " Ano bang ginagawa mo?!! " Ganon na lang ang gulat ni Jah at Carol nang kuwelyohan ni Josh si Paulo at dahil doon nagising na rin siya habang kita pa rin ang takot sa mata niya kaya biglang kumalma itong si Josh at binitiwan siya ng huminga ng malalalim itong si Paulo na halatang hindi maayos ang pakiramdam tsaka nahimasmasan. " Anong nangyayari? " Tanong nito pagkatapos mapansin sina Carol habang walang naaalala sa mga nangyari sa kaniya. " BALIW ba siya? " Panlalaki nang mata ni Carol sa hindi pagka-alala ni Paulo sa mga nangyari " tsk! Pangalawang halik na saakin nang JAMPAWLO NA 'TOH AH! " Pag-aalala nito sa unang halik nila. " Ano ba yong ginagawa mo kanina? " Ani Josh para kontrolin ang nararamdaman niya bago pa niya ito masapak pagkatapos maisip na naman ang mga nangyari. " Sa katunayan sa sobrang dilim bigla akong nakaramdam nang takot at may mga bagay akong nakikita at naririnig pero hindi ko alam kung ano yon sobrang nakakatakot hanggang sa magdilim na lang lahat at wala na akong marinig " nag-aalala nitong sabi kaya agad ritong lumapit si Carol nang maalala ang kondisyon nito. " e anong nararamdaman mo ngayon? Okay na ba? " Hawak niya rito sa ulo kaya agad namang binaling ni Josh ang tingin niya sa iba at kitang kita yon ni Justin kaya nagsimulang tumibay ang mga naiisip nito kay Josh tungkol sa nararamdaman nito kay Carol. " Medyo masakit pa rin ang ulo ko at hindi ko maitindihan ang nararamdaman ko " hahawakan sana ni Carol ang kamay nito para pakalmahin pero may biglang kumuha rito. " What's happening? " Pag-aalalang tingin rito ni Anika ng makita ang pamumutla ni Paulo. " Wala Anika " ngiti rito ni Paulo nang makita ang pag-aalala nito habang mataman lang ritong nakatingin si Carol kaya ganon na lang ang pagmamasid ni Jah sa mga ito at sa mga reaction nang mga mukha nila. " Bakit namumutla ka? " Nag-aalala pa niyang tingin rito. " Okay na ako " pagtapik niya sa ulo nito ng mahina na siyang pagdating na din ni Stell at kitang kita nito ang malulungkot na tingin ni Carol sa dalawa kaya seryoso na lang siyang tumingin sa dalawa at naaawang tumingin kay Carol. " Bakit kayo nag-uumpokan rito? " Binitawan naman agad ni Anika ang braso ni Paulo na hawak hawak niya sa pamilyar na boses na narinig niya " bakit ano bang nangyayari? " Tanong pa ni Ken at napakunot ito nang noo nang magtama ang mata nila ni Carol habang ang sama ng tingin niya rito. " Umalis nga kayo sa kwarto ko! " Pag-alis ni Carol sa pagitan ni Josh at Paulo. " E bakit ba nandito ang lahat? " Tanong pa nitong si Ken. " E bakit ba nandito ka rin?! " Pabiglang tanong din rito ni Jah pero agad din itong ngumiti rito nang marealize niya ang sinabi niya paano kasi ang sama ng tingin rito ni Ken. " Ano ba 'toh? " Pagtaas nito sa phone niyang may video nila Anika at Paulo na siyang inapload nong dalawa kanina. " Saan mo yan nakuha? " Pagkuha rito ni Anika. " E bakit ba may ganyan kayong ginagawa rito? " Lingon nito kay Paulo. " Biruan lang yan " Ani Stell. " Di naman ikaw ang kinakausap ko " pagtungo nito sa direksyon ni Paulo. " Ano ba Ken? " Awat rito ni Anika. " Lumabas na tayo! " Ani Josh at nauna ng maglakad. " Halika na, Ken " Ani Anika para ilayo ito kay Paulo at nagsilabasan na nga ang lahat at naiwan sa loob itong si Paulo habang nakatingin kay Carol na siyang tinitingnan din ni Anika itong si Paulo na siyang tinitingnan din ni Josh at Stell si Carol pagkwan lumingon itong si Carol kay Ken at agad itong nag-iwas nang tingin sa kanya ng mahuli siya nitong nakatingin rito saka binaling muli ang tingin kay Paulo. Siguro naman may clue na kayo or napansin niyo na matagal na kung sino ang gusto nang bawat isa, Ayan na po ang clue sa mga titigan nila. " Sumali ka na saamin? " Tumalikod naman itong si Carol at pinulot ang kumot niya. " Yong tungkol sa kahapon, salamat " natigilan naman ito sa sinabi ni Paulo " sinabi saakin ni Stell ang totoong nangyari " lumingon naman siya sa sinabi nito " Gagawan kita nang adobo bilang kapalit " pinigilan namang kiligin nitong si Carol sa sinabi nito, sa ilang araw nitong nakikikain sa kanila alam na nito ang paborito niyang pagkain " at tutulongan kita sa report mo " ngiti niya pa kaya umaliwalas na din ang mukha nito. " Kaya halika na at bumaba tayo " " sige, kung pinipilit mo talaga ako " natawa naman si Paulo sa sinabi nito " kawawa ka naman kasi " pagbibiro pa nito kaya nakangiting bumaba itong dalawa. At ganon na lang ang ngiti ng mama niya nang makita niyang bumaba si Carol at hindi nito maalis ang ngiti niya habang pinapanood na nag-aaral si Carol habang tanong ng tanong kay Paulo. " Sana nga kaibigan lang talaga ang nararamdaman nang Carol ko sa kanya " bulong nito pagkatapos niyang lingonin si Anika habang nakatingin sa direksyon nang dalawa, nasisilip din kasi sa garden ang sala. At hanggang sa natapos ang group study nila wala nang nagawang gulo dahil doon naman nakastay si Ken kay Anika at dahil nandito nga si Ken kaya hindi na ito umalis sa garden at lumapit kina Paulo. Habang si Stell ngumingiti na lang habang naiisip si Carol at si Josh hindi ito makafocus sa bawat bulong ni Carol kay Paulo habang nagpapaturo kapag hindi nito naitindihan ang sinasabi ng mga kasamahan nila. At si Jah, akala mo nanonood ito nang sine. " SIGE PO, BABYE PO! " Pag-papaalam ni Jah nang magsi-uwian silang lahat pagkatapos nang group study nila. " Paulo, Apo? " Pagbukas nang matanda sa ilaw nang kusina pagkatapos niyang maaninag nang mata rito si Paulo " Bakit gising ka pa? " Pagtabi niya nang upo rito. " Nauhaw lang po ako " mahina nitong sabi habang makikita sa mukha niyang may bumabagabag sa isip niya. " Ano bang gumugulo sa isip mo? Hindi yan maganda sa kondisyon mo " pag-aalala niya rito " Pasensya na po pero naiisip ko lang po yong nangyari kanina sa kwarto ni Carol " tingin nito rito, nakwento na kasi niya ang mga nangyari pagkatapos niyang makauwi after nang group study nila " Hindi ko alam pero may mga bagay akong naririnig at nakikita pagkatapos kong makita ang kwarto ni Carol at hindi ko alam Papang pero yong hangin na bumabalot sa kwarto niya pakiramdam ko nanggaling na ako doon minsan " Ganon naman ang pag-aalala nang matanda sa mga sinabi nito. " Papang yong mga naririnig at mga taong di ko maklaro may kinalaman ba sila sa alaalang mga nawala saakin? " tanong pa niya " masyado po akong nasasaktan doon at hindi ko alam pero madalas yon mangyari kapag kasama ko si Carol " Sabi pa nito " Napakalungkot niyang tao kahit hindi niya yon sabihin. At ayaw kong maramdaman ang mga kalungkotan na yon na nakikita ko sa mga mata niya " seryoso nitong sabi habang naiisip nito si Carol " Pang, yong kalungkotan ni Carol naranasan ko na ba yon dati? " " Nagpapagaling ka Apo at hindi magandang nag-iisip ka ng ganyan " balewala nito sa tanong ni Paulo " Marahil kaya mo yan naiisip dahil naiitindihan mo ang nararamdaman ni Carol dahil kaibigan mo siya at walang ibang dahilan kaya huwag kang nag-iisip nang kahit ano dahil hindi yan makakabuti sayo " pagtapik niya rito. " Yong mga taong nakikita ko po sa panaginip at sa tuwing nararamdaman ko yong bagay na nasasaktan ako puwedi bo bang kilala ko sila? " Tanong pa nito. " Marahil panaginip lang yon Apo " " Pero Papang____ " " Wag kana munang mag-isip nang mga ganyan baka may mangyari sayo at mag-alala ang mga magulang mo " pagputol nito sa mga tanong pa ni Paulo " At saka nandito tayo para gumaling ka marahil parte lamang yan nang pagpapagaling mo Apo, Sige na, pumunta ka na sa kwarto mo at matulog baka may mangyari pa sayo " Wala naman siyang magawa kundi sumunod rito kahit marami pa siyang gustong itanong. " Natatakot akong maramdaman ang mga nakikita ko sa mga mata mo Carol dahil napakalungkot num " paghiga nito nang maisip si Carol at may naramdaman siyang awa rito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD