" Paulo sigurado ka bang hindi na kayo sasakay papuntang school o magpapahatid? Puwedi kitang ipagdrive " pag-aayos nang Papang niya sa gamit niya sa school.
" Hindi na po Pang, minsan na po kaming nakapunta ni Stell doon at sobrang lapit po saatin nasa kabilang kanto lang po " Ani Paulo at sinuot ang bag niya.
" Ang inaalala ko ang mga pawis mo " pagbibigay niya rito ng panyo.
" Papang malaki na po ako at alam ko na po paano alagaan ang sarili ko kaya huwag na po kayong mag-alala " pagmano niya rito at tuloyang umalis pero natigilan ito sa paglalakad nang marinig niya ang ingay mula sa kapitbahay nila.
" Bumangon kana diyan pasaway ka!!! " sigaw ng matanda sa loob at mayamaya narinig nito ang boses ng babae.
" Gusto ko nga pong matulog Lola!! " sigaw nito.
" At anong gagawin mo sa buhay mo kung matutulog ka lang at mananatili rito!? " sigaw pa ng matanda kaya napapailing na lang si Paulo pagkatapos makaramdam ng awa rito sa tigas nang ulo ng kausap nito.
" GUSTO KONG SAMAHAN KAYO LOLA!! " padabog nitong sabi na may paglalambing.
" Naku! Huwag mo nga akong pinagluluko, kilala na kitang bata ka! " dinig pa niya sa matanda habang nakatayo ito sa tapat nang gate nila.
" Hindi kaya siya yong tinatanong ni Stell na maingay at nakakatakot na babae? " pag-iisip pa niya at ganon na lang ang gulat niya nang makita nitong bumukas ang pinto nila at inilabas nito ang maglola habang pinapalabas ng matanda ang babae.
" Hangga't hindi mo sinasabing papasok ka sa school hindi kita papapasokin rito!!! " sigaw pa ng matanda.
" Lola naman e!!!! Ayaw ko nga pong pumasok!!! " pagpukpok pa nito sa may pinto at huli na bago tuloyang makaalis nitong si Paulo ng malingon siya nang babae.
" AY! ANO BANG GINAGAWA KO AT TINITINGNAN KO DIN SIYA!!!? " pagmamadali nitong umalis na para bang walang nangyari.
" HOY PAULO!!! " napalingon naman siya ng alanganin rito at hindi na siya nagulat bakit alam nito ang pangalan niya pagkatapos nitong marinig kagabi " Saan school ka papasok?!! " pagpunta pa nito sa may gate para makalapit rito.
" Yong school sa kabilang kanto! " sabi nito at tuloyang naglakad napangiti naman itong babae at hindi na nagtanong pang muli pagkwan bumalik siya sa may pinto.
" Papasok na po ako kaya Lola pagbuksan niyo na ako " tamad nitong sabi at sakto namang nagbukas ang pinto.
" Talaga?! O sige mag-almusal kana at ihahanda ko ang mga isusuot mo " paghalik pa niya sa pisngi ng apo niya habang natutuwa ritong nakatingin at nagmadali na nga ito para ihanda ang mga gagamitin nito.
" Wala ka bang mga notebook at saka ballpen? " pagpunta nang Lola niya sa kwarto nito habang naliligo pagkatapos niyang kumain at dahil hindi naman ganon kalaki ang bahay nila maririnig mo ang kasama mo kahit saang sulok ka nang bahay basta lakasan mo lang ang boses mo.
" Doon sa bag ko mayron po doong hindi pa nagagamit " sigaw nito.
" Pero noong huling taon pa 'toh ah " malakas ding sabi ng Lola niya pagkatapos tingnan ang sinasabi niya pagkwan lumabas na din siya sa banyo.
" Lola mali po kayo, high school pa ako notebook ko na yan " paguuniform pa nito.
" ikaw talagang bata ka, di bale bibilhan na lang kita mamaya "
" Huwag na po Lola hindi ko naman po yan nagamit kaya puwedi pa yan " sabi nito habang nagsusuot ng damit.
" Hindi ko talaga alam bakit katulad mo ang naging apo ko, basta mamaya bibilhan kita " natigilan ito sa pag-aayos nang gamit niya ng yumakap ito rito.
" Lola maswerti po kayo at ako ang apo niyo dahil ako? hinding hindi kayo iiwan at mamahalin kayo ng subra " halik niya rito kaya napangiti na rin ang Lola niya pagkwan nalulungkot itong tumingin rito pagkatapus maisip kung ano bang buhay ang meron ang apo niya.
" Nandito rin ako palagi sayo apo kahit na napakatigas ng ulo mo " yakap niya rito pero agad niya ring tinanggal ito nang mapansin ang suot nitong damit, kung saan naka maong ito at nakasuot ng stripe na polo.
" Sandali apo hindi naman yan ang hinanda kong damit sayo " pagkuha niya sa bistidang nakahanger kung saan ito ang kinuha nitong isusuot ng Apo niya.
" Lola masyado pong mahangin yan at saka hindi po ako komportable diyan " pagkuha nito sa bag niya pero bago pa siya makatakas para hindi makasuot ng bistida mabilis siyang nahawakan ng Lola niya sa braso.
" Ito na ang isuot mo paki-usap apo? " pagpupumilit pa niya at dahil hindi naman niya kayang tumanggi rito kaya kinuha niya ito at isinuot.
" Tingnan mo mas mukha kang dalaga, napaka ganda mo apo " natutuwa niya pang tingin rito bago lumabas.
" Lalamigin naman ako rito " paghablot niya sa maong niyang pantalon at nilagay sa bag niya bago sumunod sa Lola niya.
Samantala, pagkarating ni Paulo sa school nakita nito agad sa may gate ng school si Stell habang hinihintay siya. At natigilan siya nang makita nito ang daming nakaparadang bisekleta sa labas ng school nila.
" Mabuti dumating kana! " akbay rito ni Stell pero napalayo siya rito ng magpunas ito nang pawis.
" Kadiri, Bakit basang basa ka? " tingin ni Stell sa damit nitong halos basa na lahat " Pawis ba yan? " tumango naman rito si Paulo.
" Grabe ang layo naman pala nitong school, sa kabilang kanto nga pero medyo matarik kaya ayon subra yong pawis ko, nong magpunta kasi tayo nakasakay tayo ng motor mo kaya akala ko malapit lang " ani Paulo kaya ganon na lang ang tawa nito.
" Dapat kasi bumili ka ng bisikleta papuntang school o kaya motor " ani Stell " Di bale ihahatid kita mamaya " dugtong pa nito at itinuro yong motorbike niya.
" Salamat " pagpasok nila sa gate at nagtungo sa classroom nila at sila ang pinaka-unang tao rito.
" Hindi ba masyado tayong maaga? " tanong nito.
" Hindi, ang ibig kong sabihin okay lang yon kasi kalilipat mo lang dito this semester kaya kailangan maipakilala ko sayo ang mga kaklase natin dahil mamaya magpapakilala ka sa harapan e unfair yon sayo kaya ipapakilala ko rin sayo ang mga kaklase natin para hindi ka rin mahirapan kilalanin ang lahat " pagtapik pa nito kay Paulo habang magkatabi sila ng upo sa kasunod nang pinakalikod.
" Pero kailangan ba dito din tayo pumuwesto sa likod? " nagtataka nitong tanong andami kasing bakante sa harapan para dito sila maupo.
" Dito na tayo " kinikilig nitong sabi kaya pakiramdam niya may dahilan ito bakit dito sila naupo.
" Ayan na " napatingin naman siya sa tinutukoy ni Stell na biglang pumasok " Yan si Mark ang pinaka mahina saatin pero active pumasok kaya laging pinapasa ng mga teacher " pagtukoy ni Stell sa kaklase nilang pumasok pagkwan sinundan ito ng babae.
" At yan si Rohan ang sportist nating kaklase, varsity player nang bad minton " ani Stell at bawat pumasok binabantayan niya ito at pinapakilala kay Paulo mariin naman siyang nakikinig rito pero napatingin siya kay Stell ng umayos ito ng upo nang pumasok ang isang lalaki at deritso ang mata nito sa kanila at sa lakas ng karisma nito kahit sino makukuha nito ang attensyon niya.
" Sino yan? " tanong ni Paulo habang nakatingin rito ang lalaki pagkatapus nitong huminto.
" he's Josh Cullen Santos, ang rank 1 nang campus natin pagdating sa IQ and he was our classroom president, at maraming babaeng nababaliw sa dala niyang karisma at ang nag-iisang anak na lalaki nang isa sa pinaka kilala na tao sa baranggay natin, si Don Julio at siya ang isa sa bandera nang angkan nila and a game master halos lahat kaya niyang gawin maliban sa isang bagay, Hindi siya marunong lumangoy " napatango naman siya at walang dudang sumang-ayon sa mga sinabi niya pagkatapus ritong makita ni Paulo sa pigura niya ang dala nitong karisma pagkwan tumango ito ng bahagya kay Paulo bilang pagpansin rito kaya bahagya rin siyang ngumiti rito tsaka ito naupo pagkwan may sumunod ritong lalake at napalingon siya sa ilang babaeng humagikhik sa kilig ng makita ito.
" Well, he's Justin De Dios ang best friend ni Josh, ang pinaka guwapo dito sa campus kung turingan nila the visual ng school and as usual sikat siya sa mga babae nakikita mo naman " pagturo niya sa mga babaeng halos maglaway na pagkwan biglang ngumiti itong si Justin bilang pagbati nito sa lahat gamit ang kaniyang gummy smile " Kamusta kayong lahat? " masigla nitong bati kaya tuloyan nang nalaglag ang puso ng mga babaeng kanina pa kinikilig sa kaniya.
" Nakakatakot nga siya ngumiti " ani Paulo na sumang-ayon din rito sa power nang ngiti ni Justin. Pagkwan napatingin naman siya sa biglang pumasok.
" e yan? " tanong pa niya habang titig na titig sa lalaking pumasok.
" He's Felip John Suson architec student at kilala dito sa campus bilang Ken ang kaniyang palayaw at isa siya sa nagmamay ari nang batas nitong school pagkatapus siyang maging apo ng may-ari nitong school at itinuturing din sa pinakamayaman sa lugar natin, varsity player ng sepaktakraw, he can do anything and he was known as the most sexiest man in this school at sa sobrang sexy niya lahat ng babae nababaliw sa kaniya pakiramdam ko nga ang ibang lalake nababakla na rin sa kaniya " kinikilabotan pang sabi ni Stell kaya ganon na lang ang tingin rito ni Paulo na akala mo nababakla na itong katabi niya " Pero sa kabila non takot sa kaniya ang lahat dahil napakalamig niyang tao at wala siyang pakialam sa nakapaligid sa kaniya, mainitin ang ulo niya at kapag gusto niya kailangan sa kaniya lang, katulad ng babaeng gusto niya si Ms. Anika kaya lang hindi siya nito gusto pero kahit ganon, walang puweding manligaw kay Anika dito sa campus dahil siguradong malalagot siya kay Ken at gaya nang sabi ko kanina architect student siya, Hindi natin siya kaklase and I think nandito lang yan para kay Anika " ani Stell at tulad kanina napatango na lang si Paulo.
" Siguro napaka ganda ni Anika para magkagusto ang tulad ni Ken sa kaniya " ani Paulo.
" Exactly!! " ani Stell habang nakatingin sa harap at tumigil bigla ang mundo ni Paulo ng pumasok ang babaeng hanggang leeg ang buhok at subrang puti nito hindi mo iisiping nakatira siya sa probinsyang ito at ang katawan perfect, habang nakasuot ito nang nude color na dress at sa paglalakad pa lang niya makikita mo rito ang kilos ng isang tunay na dalagang pilipina at napangiti na lang din si Paulo ng bigla itong ngumiti sa mga kaklase niya at lumabas ang nag-gagandahan niyang dimple.
" She's Anika Santos ang pumapangalawang matalino dito sa campus, sportist, at crush ng campus kung pagiging babae ang pag-uusapan si Anika ang hanapin mo 'cause she's automatically perfect at siya ang nakakabatang kapatid ni Josh dahilan bakit nirerespeto siya ni Ken " napalingon naman si Paulo kay Stell sa sinabi nito kasabay nito ang pagkaalala niya sa babaeng nakita niya sa labas ng ban at ang sinabi rito ni Aling Lusin na anak ito ni Don Julio.
" Sandali ilan ba ang Don Julio dito sa lugar natin? " tanong ni Paulo para masigurado kung ito ba yong nakita niya sa labas nang ban.
" Isa lang, at siya ang isa sa tinitingalang tao rito " Proud pang sabi ni Stell kaya ganon na lang ang titig ni Paulo kay Anika para kilalanin kung siya ba yong babaeng nakita niya at base sa mga nakikita niya rito nararamdaman niyang may posibilidad na ito talaga siya pero bumabagabag rito ang buhok niyang hanggang leeg. At hindi niya maalis ang tingin niya rito pagkatapus magtama ang mata nila pero agad yon pinutol ni Stell.
" Kasasabi ko lang na si Ken lang ang puweding magkagusto sa kaniya dito sa loob ng school " ani Stell pagkatapus mapansin nang tumingin sa kanila si Ken ng mapansin nito ang pagtititigan ng dalawa pero hindi yon napansin ni Paulo ang paglingon sa kanila ni Ken.
" Good Morning my princess " pag-aayos ni Ken sa upuan ni Anika kung saan sa tabi niya.
" Puwedi ba Ken kaya kong maupo " asar nitong pag-upo " At saka bakit nandito ka? " masama pa nitong pagtanggal sa bag niya kung saan tinulongan pa ito ni Ken.
" Para makita ka " kindat niya pa rito pero hindi na ito pinansin ni Anika.
" Stell mahaba ba ang buhok niyan dati? " pagtukoy nito sa buhok ni Anika pagkatapus nitong maupo.
" Ayaw niya ng mahabang buhok palagi siyang naka short hair pero last sinubokan niya nang long hair pero ngayon ayan, pinutolan na naman niya " ani Stell kaya napaisip tuloy si Paulo.
" May anak pa bang iba si Don Julio? " ganon na lang ang pagtataka niya nang magblush itong si Stell.
" Oo kaya lang hindi ako sigurado kung papasok yon ngayon " malungkot nitong sabi at dumuble yon ng pumasok ang teacher nila.
" Mukhang hindi ko nga siya makikita ngayon dapat pala sa unahan na tayo naupo kung Hindi rin siya papasok " nakabusangot nitong sabi " malabo pa naman ang mata ko " pabagsak nitong pagpatong sa mga braso niya sa arm chair niya at ipinatong rito ang ulo niya pagkatapus maisip na hindi papasok ang babaeng dahilan bakit excited siyang pumasok ngayon.
" Sino ba yan? " tanong rito ni Paulo ng maalis ang nagliliwanag nitong ngiti.
" Wala.. " matamlay pa nitong sabi kaya tumahimik na din si Paulo ng tingnan siya ng teacher dahil sa bago nitong pagmumukha.
" ikaw ba yong bagong istudyante? " agad namang tumayo si Paulo.
" Opo Sir! " pagkwan pinapunta ito ng teacher sa harapan.
" please introduce your self so that we can know you more " pagpunta ng teacher sa may pinto at tinitingnan siya ng maayos nang maglakad siya sa harapan habang ang mga kaklase niya titig na titig rin rito.
" Ang guwapo niya " bulongan ng ilang istudyante at si Stell ganon na lang ang ngiti habang pinagmamasdan siya.
" Mukha siyang matalino " bulong nitong si Josh.
" Oo at saka mukha siyang pusa na maamo " ani Justin pagkwan napalingon itong si Ken kay Anika at ganon na lang ang asar niya ng makitang nakangiti itong nakatingin rito.
" tsk! mas sexy at hot ako diyan! " pagsandal nito ng upo dahilan para ma-out balance ang upuan niya dahilan para mapatayo ito bigla sa gulat.
" Mr. Suson why are you here? " tanong rito ng teacher pagkatapus nitong maputol ang pagsisimulang magsalita ni Paulo.
" Aalis na nga Sir! " ngiti nito " Sige Anika, magkita na lang tayo mamaya " pagpapaalam niya pa rito bago lumabas hindi naman ito nagsalita pa at tumingin kay Paulo habang nagpapakilala .
" He's John Paulo Nase? " mahina nitong sabi habang nakangiti at sinusundan ito ng tingin habang bumabalik sa upuan niya.
" Grabe galing pala siyang maynila kaya pala ang guwapo niya at iba yong dating " bulongan pa ng mga istudyante.
" Oiii sainyo na ngayon si Justin, Stell, Josh, at Ken basta he's mine!!! " sabi pa ng ilang istudyante habang sinusundan siya ng tingin at si Stell bumalik na rin ang pagkakasimangot nito pagkatapus magpakilala ni Paulo.
" Okay class I'm your instructor___ " natigilan ito sa pagsasalita nang dumating ang isang mahiwagang istudyante at dahil busy sa paghahanap ng ballpen nitong si Paulo kaya hindi na niya nagawa pang tingnan.
" Ms. Carol mabuti at pumasok ka pa! Sayang dapat tinapos mo na lang ang oras ko " napatingin naman si Stell sa may pintuan sa sinabing pangalan ng teacher nila kaya ganon na lang ang ngiti niya at namula sa tuwa.
" Sira yong relo ko Eh! " pagpapakita pa niya sa relo niyang sira dahilan para magkaroon ng kunting tawanan sa loob at agad ritong napatingin si Paulo sa boses na narinig niya at agad niyang tinalukbong sa mukha niya ang notebook nang makilala ito.
" Paulo, siya si Carol Santos ang pinaka mabait, tahimik, masipag mag-aral, at pinaka gusto ng mga teacher dito sa campus dahil hindi gumagawa ng gulo " napalingon naman si Paulo sa pagpapakilala rito ni Stell habang nagtatago sa notebook niya kaya agad niyang binawi yon.
" Joke lang! Dahil ang totoo? kabaliktaran yon ng mga sinabi ko pero para saakin siya talaga ang pinakamabait at maganda dito sa campus kaya lang ako lang ang nakakapansin non " mahina nitong sabi habang naglalakad itong si Carol sa direksyon nila para maupo sa pinaka likod mahilig kasi itong pumuwesto sa likod para matulog na siyang dahilan bakit dito nauupo si Stell dahil gusto niyang makatabi ito.
" Sa tingin ko hindi na naman siya dumaan sa gate " bulong pa ni Stell habang nakangiti pagkatapus makita ang paglalakad nitong hindi maayos pagkatapus nitong tumalon kanina sa may pader dahil naiwan nito ang ID niya at hindi siya makadaan sa gate kaya sa likod ng school ito dumaan.
" Kaya pala kanina pa masama ang pakiramdam ko sa napiling upuan na ito ni Stell, dapat talaga sa unahan kami " ani Paulo nang masilip itong si Carol habang naglalakad sa direksyon nila kung saan nasa likuran nila ang gusto nitong upuan at ganon na lang ang pagtataka niya nang mapansin nito ang suot niyang nakabisteda habang nakasuot pa nang maong.
" Ikaw? " napapikit na lang si Paulo nang huminto ito sa kanila at si Stell ganon na lang ang pamumula ng matitigan nito ng malapitan si Carol.
" Kaklase kita?! " ngiti nito nang mapansin si Paulo at hinawakan nito ang notebook na pinagtataguan nito pero mahigpit din itong hinawakan ni Paulo para hindi siya makita nito at nabitiwan niya ito ng kunin nito ang ballpen ni Stell na hawak hawak niya at itinusok sa kamay niyang nakahawak sa notebook.
" Sabi na nga bang ikaw yan! " malapad nitong ngiti kaya ganon na din ang kaba nitong si Stell pagkatapus niyang maramdaman ang buhok nitong tumama sa kamay niya habang nakayuko ito kay Paulo.
" Kapit bahay at kaklase kita? Tsssssst " pagngisi pa nito kaya alanganin lang ritong nakatingin si Paulo habang parang tangang nakangiti pagkwan napatingin siya kay Stell na hindi na makahinga.
" tsk! Kaibigan mo ang isang 'toh? " titig pa nito kay Stell kaya pakiramdam niya nag-init ang mukha niya at para na siyang kamatis sa pula habang kinikilig ritong nakatingin.
" Ms. Carol maaari bang maupo kana?! " sigaw rito ng teacher hindi naman ito nagsalita pa at naupo pagkwan bahagya ritong lumingon si Paulo at agad siyang napatingin sa harapan ng magtama ang mata nila. At habang nagtuturo ang mga teacher nila every subject hindi maiwasang isipin ni Paulo ang mga katanongan sa isipan niya pagkatapus maalala ang sinabi ni Stell kanina na Carol Santos ang pangalan nito kung paanong kaapelyedo nito ang Santos na magkapatid na anak ni Don Julio.
" Alam kong marami kang tanong pero saka na natin pag-usapan " ani Stell pagkatapus nitong lingonin si Paulo at mabasa ang iniisip niya habang masayang nakatingin sa harapan at naiisip nitong nasa likuran niya si Carol ang babaeng gusto niya.
" Mabuti pa nga " ani Paulo at nakinig sa teacher nila at sa mga sumunod pa, minsan hindi nito maiwasan tingnan ang mga bago niyang kaklase na matamang nakikinig lalo na itong si Anika pagkatapus maisip na baka siya yong nakita niya sa labas ng ban at hindi niya mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ito at natigilan ito bigla ng makarinig siya nang humihilik kaya agad itong napatingin Kay Stell at tulad kanina nakangiti pa rin ito at masayang nakikinig pagkwan nilingon nito si Carol at napangiwi ito ng makitang naglalaway na ito sa pagkakatulog. At sa lakas ng hilik nito natigilan na din sa pagtuturo ang teacher at ang ilan nilang kaklase ay tumatawa na rin pagkatapus malingon ang mahimbing na pagkakatulog ni Carol habang nakaupo at naglilikot ang ulo nito dahil sa pagkakatulog.
" Hoy Santos!!! " sigaw ng teacher para gisingin ito pero hindi man lang ito natinag sa pagkakatulog kaya napaface palm na lang si Paulo at si Stell ito, tuwang tuwang pinagmamasdan si Carol " Carol!!!!! " sigaw ng teacher nila at mas lumakas ang tawanan ng lahat ng magsalita din ito.
" ano ba?!!!!! ang ingay niyo!!!!!! " sigaw pa nito habang nags'sleep talk kaya tumahimik na din ang teacher last period na kasi ito pero bago pa ito magising ni Paulo muling nagsalita ang teacher nila.
" Okay class, huwag nang gisingin si Carol Santos at oras na malaman kong may gumising sa kaniya siya ang tatanggap nang parusa niya sa pagtulog niya sa klase ko " tumango naman ang lahat " Ang gusto ko maiwan siya rito at kapag nagising siyang siya lang ang tao rito baka tumigil na siya sa pagtulog sa klase ko " sabi nito bago maghandang lumabas kaya ganon na lang ang pag-aalala ni Stell pero natigilan ang lahat sa paglabas sa biglang pagtayo ni Paulo.
" excuse me sir " napalingon naman rito ang teacher o maging ang buong istudyante na tumigil na rin sa ingay na ginagawa nila dahilan para paghilik lang ni Carol ang marinig.
" I think Sir, walang kasalanan si Ms. Carol sa pagtulog niya sa klase niyo " natigilan naman ang teacher sa sinabi niya at maging ang magkapatid na Santos.
" What you're trying to say? " pagbalik ng teacher na lalabas na sana at nagtungo sa kinaroroonan nila Paulo.
" sinasabi mo bang dapat na tinutulogan ang lecture ko? Boring ba ang klase ko at yon ang gusto mong sabihin?! " malakas nitong tanong at subrang lapit nito kay Carol kaya nagising na din ito pero wala pa rin siyang alam sa nangyayari pagkatapus ng tulog niya.
" Hindi sa ganon sir kaya lang kulang kayo sa strategy magaling po kayong magturo pero___ "
" Pero ano?! " napatingin naman ang lahat sa biglang pagtayo nang pinagtatalonan nila.
" Mukhang tapus na ang klase " bulong ni Carol at naglakad na para bang walang pakialam sa nangyayari pero natigilan siya ng makalabas ito ng marinig niyang magsalita si Paulo.
" Kung inaantok po ang istudyante niyo ibig sabihin hindi kayo effective as a teacher or the way you teach! At hindi po kasalanan ng istudyante yon o ni Ms Carol ang dapat niyong gawin is to find ways paano siya magkaka-interest sa lesson niyo at hindi parusahan siya sir " maginoo pa rin niyang sabi.
" how dare you to talk to me like that! Transferee ka lang pero bakit kung makapagsalita ka akala mo ikaw na ang pinakamagaling rito, galing maynila ka kaya huwag mong dalhin rito ang ugali mo doon dahil iba doon at iba dito!! And don't you see? Nandito ang top student in this school pero wala silang pinuna sa mga gusto Kong mangyari! " pagtukoy nito kela Josh " Because that's what we called discipline! " sabi nito.
" But I see it just a bullying! " natigilan naman ang lahat sa sinabi ni Paulo pero si Anika palihim itong napangiti " Hindi discipline ang pagtawanan ang isang tao, teacher ka kaya alam kong alam niyo po yon " magsasalita pa sana ang teacher nang magsalita si Anika.
" I agree with him! " pagkwan nagtungo si Josh sa kanila.
" Mr. Nase please apologize to sir, give some respect kahit alam mong ikaw ang tama " agad naman ritong sumunod si Paulo.
" I'm sorry Sir, I don't have any intention on what I've said ang akin lang po ay hindi tama yong gusto niyong gawin kay Ms. Carol mas maayos po sana kung kausapin niyo na lang po siya nang masinsinan kaysa sa iniisip niyong parusa sa sa kaniya, again sir I'm sorry po " ani Paulo.
" I don't accept your apology! " magsasalita din sana si Anika para tulongan si Paulo nang magsalita si Josh.
" As the class president of this section ako na po ang makikiusap na huwag na ito paabotin sa office " ani Josh " sorry to say this but we are in Nase side dahil Tama po ang mga sinabi niya as our teacher it's your obligation to catch our attention while lecturing o magka-interest kami sa klase niyo " natahimik naman ang teacher pagkwan inutosan ni Josh ang mga kaklase niyang magsorry rito at makiusap.
" We are very sorry Sir!!! " sabay sabay pa nilang sabi kaya nagising na din ang teacher at natakot na baka hindi rin ito manalo kung buong section ang kakampi kay Paulo.
" Pasensya na rin if you feel bored on my class or sa pagtuturo ko anyway, next time I'll make it more lively " tumango naman rito ang lahat pagkwan tumingin siya kay Paulo " You did a great job! " sabi nito bago tuloyang lumabas. At unti unti na ring nagsilabasan ang lahat.